Chapter 30- Abby

Kenshin

After makuhanan ng sample si Joanna, pinadala agad mga swab sa laboratory for initial testing. At si Joanna, naguguluhan sa mga pinaggagagawa ng mga kaibigan ko.

"Bigyan nyo ng foods si Joanna." Sabi ni Michelle.
Pinaupo sila ang tao sa harap ng table at nilagyan ng pagkain... ng maraming pagkain sa harapan.
"Pati si Dom. You need to eat din so you can have strength."

Binigyan nila ng mga prutas si Dominique na pang tatlong tao yata ang kakain.
"Hindi nyo naman kami pinapalakas, pinapataba nyo kami." Angal ni Dominique.

"Aanhin kong lahat ito? Kainin nyo ang iba."
Binigyan ng isang bowl ng prutas si Dominique ni Rose.
"Sige lang chief, kumain ka lang." Ako na ang umawat at mauubos ang lakas ni Dom sa pakikipagtalo sa makulit na si Michelle.

"We haven't introduced ourselves. Naoverwhelm ako. I'm Michelle, this is Rose at si Lego... don't mind their endearment baka maumay ka." Pauna ni Michelle agad na ikinatawa ni Dominique.

Biglang nag-iba ang aura niya. Nabuhayan kami ng pag-asa. Naging magaang ang lahat.

"Si Star kapatid ni Lego. Hindi sila k-idols baka you make lito."
Napapailing si Joanna sa kakengkuyan ni Michelle.

"Nasaan sila?..." Narinig ko ang boses ni mommy bago pa siya pumasok sa pintuan kasunod si Daddy, si Ate, si Kiro, si Ate Cailee, Ate Allie at si Ate Beth.
"Huwag mong takutin..." Sabi ni daddy bago lumitaw si mommy sa gitna ng kwarto in her uniform.
"Saan ang laban, Tita?" Biro ni Lego. Nakacombat boots si mommy at camouflages.

"Hello dear. Gising ka pala." Baling ni moomy sa gawi namin.
Napatulala si Dominique kay mommy lalo na ng lapitan siya nito at yakapin.
"Di ba, ang hinhin ni mommy ko?" Biro ko kay Dominique na ikinatawa ng nakakaalam ng sinabi ni Dom kanina.
"At nasaan ang donor?" Tanong niya ng bumitaw siya kay Dom.
Parang suspect na tinuro ng mga kaibigan ko si Joanna na mukha ng tatakbo anytime.

"Ano ang pangalan mo?" Tanong ni mommy sa harapan ni Joanna.
"Mommy, huwag mong takutin. Namumutla na siya." Warning ni Ate Sakura.
Ngumiti si mommy which made it even worst. Pinagpawisan bigla si Joanna.
"Jo... Joanna po." Nagkanda utal na si Joanna sa pagsagot.

"Saan ka nakatira? Sino ang mga magulang mo? Nag-aaral ka pa ba? O nagtatrabaho na? Ano ang ginagawa mo dito sa Tagaytay?" Sunod-sunod na tanong ni mommy. Parang nag-interrogate ng kalaban.

"Kailangan ba ni Tita Abby ng valium para kumalma?" Tanong ni Ate Cailee kay daddy. Hindi makatawa si Ate Beth ng malakas.

"Ano po... wala po akong kasalanan."
Napaiyak na lang si Joanna sa takot.
"Ay hindi anak. Nagtatanong lang ako. Huwag kang umiyak." Mabilis na niyakap ni mommy si Joanna at pinatahan.
"Baka hanapin ka lang ng magulang mo. Taga dito ka ba sa Tagaytay? May matutuluyan ka ba dito?"
Iling lang ang ginawa ni Joanna. Hindi na nakayanang sumagot.

"Ano chief, mahinhin ba?" Bulong ko kay Dominique.
Natatawa siyang umiling.
"Laban ka lang, ha."
Nakangiting tumango si Dom.

"Yun nga palang pandak na yun ang ate ko." Medyo nilakasan ko ang pagkakasabi para matingin si ate sa amin.
"Sino ang pandak?" Tanong ni Ate sa akin.
"Grabe naman, maliit din naman ako." Bulong ni Dom.
"Ay oo nga pala." Biro ko sa kanya.

"Hello, Dominique. Nagkita din tayo. Ako nga pala si Sakura."
"Asawa ni Sasuke?" Biro ni Dominique.
"Kiro..." Sabat ng isa.
"Sino si Sasuke?" Baling ni Kiro kay Ate.
"Malay ko." Mabilis na sagot ni Ate.
"Ex mo ba yun?" Seryosong tanong ni Kiro.
"Hindi...hindi, animé yun. Jusme... kalma." Pigil ni Dominique sa dalawang timang.
"Nagkakaselosan pa kayo ng lagay na yan?" Natatawang tanong ko?
"Parang ikaw, hindi." Sarcastic na sagot ni ate sabay kondat kay Dom.

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni ate habang si mommy at daddy naman pinapatahan si Joanna.
"Okay na. Medyo nagkaroon ng pag-asa."
"Mabuti naman. Laban ka lang ha. Huwag mong sukuan si Kenshin. Ikaw lang ang nagtyaga d'yan. Kung di ko lang kapatid yan, tinakwil ko eh."
"Nahiya naman ako sayo." Sarcastic na sagot ko. "Napakaperfect mong kapatid."
Natawa si ate...

"Mga visitors of the world, pagpahingahin nyo na ang alaga ko. Bukas naman kayo tumambay dito." Pagtataboy ni Ate Beth sa mga tao sa loob ng kwarto.
"Ate Beth...Logan..." Biro ni Lego na ikinatawa na naman namin.
"Tangina ka...hindi ka na makakatungtong dito." Mabilis na sagot ni Ate Beth na mas lalo naming ikinatawa.
"Hahaha ang harsh naman." Sagot ni Lego.

"Bakit Beth Logan?" Tanong ni Ate Cailee. "Sounds like..."
"Huwag mo ng sabihin. Yung impaktong Nash kasi na iyon ih. Naku, Cailee. Nakichismis ka pa."
"Kwento ko sayo mamaya." Biro ni Ate Allie. "Sa GC na lang pala para alam ng lahat."
Natawa si Ate Beth. "Tatagain ko si Nash kapag nakita ko. Promise."

Tumayo si Joanna na mugto ang mata.
"Aalis na ako, Dominique."
"Babalik ka ba?" Tanong agad ni Dominique.
"Dalawin kita bukas." Tumingin sa paligid si Joanna.
"Catholic ka ba?" she asked. Tumango si Dominique. Baka pagod na rin sa maghapon.
"Dadalan kitang Virgin Mary bukas saka rosary." She replied.

"Alis na po ako." Paalam ni Joanna.
"Hatid ka na namin." Star volunteered.
"Yup. Then we will let you eat, baka kasi hindi ka nakakain ng husto." Sang-ayon ni Michelle.
"Let's go, milkita." Yaya ni Lego kay Rose.
"Taena talaga. Matawag nga si Jon ng popsicle mamaya." Tumatawang comment ni Ate Beth.

Unti-unti ng mapaalis ni Ate Beth ang mga magugulo naming kaibigan. Si mommy at daddy na lang ang naiwan.

"Bakit biglang umiyak yung batang yun?" Nagtatakang tanong ni mommy.
Natawa kami ni daddy. Nagtanong pa talaga siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top