Chapter 29- Nurse Beth
Dominique
Why do I have a feeling that her mom is the opposite of mahinhin? Niloloko ako ng mga ito ah.
"Tawa kayo ng tawa... mommy ko dati napunta sa hospital kakatawa ng ganyan. Tagal niya sa hospital, mga three days." I said. Babawian ko kayo.
"Bakit? Nagkasakit sa kakatawa?" Tanong ni Lego.
"Hindi. Nurse nga kasi sya doon. Deretso ang duty niya." I replied.
Napangiti ako ng nagtawanan sila.
"Nahahawa na sayo Bethchay yang alaga mo." Sabi ni Tita Kath.
"Sabi ko na brainy ka eh." Nakipaghigh five pa si Ate Beth.
Namimiss ko ang magbiro... Kung hindi lang ako kinakapos ng hininga, dumaldal ako ng dumaldal. Nararamdaman ko na kasing malapit na ako...
Napatingin kami sa pintuan ng may kumatok. Usually kasi, wala ng kumakatok sa kwarto kapag family and friends ni Ken ang dumadating. Pumapasok na lang sila basta.
"Good morning po." Bati ng isang babae sa may pintuan.
"Ano yun beh? Pasok ka." Tanong ni Ate Beth. Nakaback pack ang babae at may kaliitan din. Hindi nalalayo sa height ko. Well, okay naman ang height ko, sadyang matataas lang ang mga kaibigan ni Kenshin kaya nagmumukha akong maliit.
Alanganing pumasok ang babae sa kwarto ko. Napatingin siya sa akin at may lungkot sa mata akong nakita bago siya ngumiti.
"Hi..." Bati niya.
"Hello." Sagot ko naman.
"Pasensya na po. Hinahanap ko po si Nurse Beth... Beth Logan." Sabi niya.
Hindi ko napigilang tumawa at makisabay sa malakas na tawanan sa loob ng kwarto. Si Lego nalaglag sa upuan kakahampas ni Star. Si Tita Kath napadukmo sa hospital bed. Si Kenshin, ngayon ko na lang ulit nakitang tumawa ng ganito.
"Gusto mong bakunahan kita?" Tanong ni Ate Beth sa babae na naguguluhan na nakatayo sa kwarto.
"Ginawa mo akong bayag..." Dagdag pa ni Ate Beth.
Nanlaki ang mata ng babae ng marealize ang sinabi niya.
"Sino ang nagsabing iyon ang apelyido ko?" Nakapamewang si Ate Beth habang pinapagalitan ang babae na natatakot na sa kanya.
"Beth... Huwag mong takutin ang bata." Hinihingal na pag-aawat ni Tita Kath.
"Sabi po kasi ng napagtanungan ko." Paliwanag ng babae.
"Sino yang lintik na iyan na ginawa akong bayag? Tarantado yun ah."
Nagtawanan na naman kami.
"Beth, ang boses mo rinig sa labas." Pumasok ng kwarto si Ate Allie na naguguluhan kung bakit kami tumatawa.
"Sino?" Tanong ulit ni Ate Beth.
"Yung mamang may tattoo po." Sagot niya.
"Yung may hikaw sa kilay at puno ng tattoo ang braso?" Tanong ni Ate Beth.
Tumango ang babae.
"Yung may hawak ng tasa at umiinom ng kape?"
"Opo." Sagot nito.
"Tarantadong Nash." Bulalas ni Ate Beth na lalo naming ikinatawa. Nakilala ko na silang lahat dahil minsan or dalawang beses dinalaw nila ako at pinatawa sa kalokohan.
"Ano na naman ba ang ginawa ni Nash at nanggagalaiti ka?" Tanong ni Ate Allie.
"Eto, lavender oil para kalmado lahat." Sabi niya at naglagay ng oil sa diffuser. Humalimuyak ang lavender scent sa buong kwarto.
"Eh kasi po, sabi niya iyan daw po ang buong pangalan ninyo. Sorry po. Hindi ko alam." Hinging paumanhin ng babae.
"Ano ba ang sabi ni Nash?" Tanong ulit ni Ate Allie.
"Hanapin daw ako, si Nurse Beth. Beth Logan..." Pagkukwento ni Ate Beth na ikinatawa ulit namin.
Naluluha sa tawa si Ate Allie na lumapit sa akin at niyakap ako. Lagi niyang ginagawa sa akin ito sa tuwing dadalaw siya. Tapos may binubulong na hindi ko maintindihan. Pagkayakap niya sa akin, bigla siyang napatayo at tumingin sa babae na mukhang natakot naman. Nakakatakot naman talaga si Ate Allie kapag nakatitig at hindi nakangiti.
"Oy, Allie. Huwag mong takutin ang bata." Sita ni Tita Kath sa kanya.
Nakatitig si Ate Allie ng taimtim sa babae. Hindi siya kumukurap at may binubulong.
"Kulay itim po ang mata nyo." Napaatras ang babae ng lumapit ng isang hakbang si Ate Allie.
"Ano ang pangalan mo?" Tanong niya.
Napalunok ito ng laway bago sumagot. "Joanna po."
"Ken... tawagin mo si Cailee." Sabi ni Ate Allie.
"Bakit Allie?" Tanong ni Ate Beth.
Titig na titig pa rin si Ate Allie kay Joanna.
"We found the donor." Sabi ni Ate Allie.
Pagkasabi ni Ate Allie, tumakbo agad palabas si Kenshin.
"Ate Cailee." Sigaw niya sa hallway.
"Upo ka..." Hinila ni Michelle si Joanna paupo sa tabi nila.
"Gusto mo ng juice, water, soft drinks, iced tea?" Alok ni Star kay Joanna.
"Ahhh.. eh, magpapaalam lang sana ako. Hindi ako magtatagal." Sagot nito.
"Huwag nyo siyang takutin. Lubayan nyo... Umusog kayo." Pagbabawal ni Tita Kath sa kanila.
"Ano yung ipagpaalam mo? Beth Sebastian ako, huwag kang maniwala sa kurimaw na si Nash."
"Sorry po Nurse Beth. Kasi po... may mission ang Singles for Christ para sa mga cancer patients. Kung pwede po sana kaming magconduct ng isang healing prayer assembly dito sa hospital?" Paalam ni Joanna.
"Pwede ba akong sumama?" Tanong ko sa kanya.
Tumango si Joanna.
"Ako nga pala si Dominique."
"Joanna Fate." She replied.
"Allie... Allie?" Tumatakbong pumasok si Ate Cailee sa kwarto ko kasunod si Ken.
"You found the donor?" Tanong niya.
"Yeah." Ate Allie replied at tinuro niya si Joanna.
"Ha?... Ano... pong... donor?" Natatakot na tanong ni Joanna.
"Can I talk to her alone?" I asked na ikinabaling ng tingin ng lahat ng tao sa akin.
"Pwede kong makausap si Joanna ng kami lang?"
Isa-isang inakay ni Tita Kath ang mga kaibigan namin palabas ng kwarto. Huling lumabas si Kenshin at naiwan kami ni Joanna ng kami lang.
"Sorry about that. They are just worried." I said. Tinapik ko ang upuan sa tabi ko at lumapit si Joanna.
"Ano ba ang sakit mo?"
"Leukemia." I replied.
"They are trying to save me but I feel like I am dying every day. And I don't want to see them hurting because of me."
"Wala na bang way para mapagaling ka?" Tanong niya.
"Bone marrow transplant. That's the only way to save me. But for some reason, my bone marrow is complicated and rare. We can't find a match." I explained.
"And they thought I am your donor." She stated.
Mabagal akong tumango. "My only chance to live." I murmured.
"Wow..." Bulong ni Joanna.
"Sandali Joanna, may makulit na nakikinig satin." Bulong ko sa kausap ko.
"Kenshin," Tawag ko kay Ken ng makita kong nakaawang ang pintuan.
Narinig ko ang hagikgikan nila Rose, Star at Michelle sa labas bago pumasok si Ken at sinarado ang pintuan.
"Sorry, I just want to make sure you're okay." Sabi ni Ken.
"I'm Kenshin, boyfriend ni Dominique." Pagpapakilala ni Ken ng makalapit siya sa amin.
Napamaang ako. Kailan pa naging kami?
"Joanna."
"Joanna, have you... experience to be in a situation where you are so helpless?"
Malungkot na tumango si Joanna.
"What did you do when you experience that?" Tanong ni Kenshin.
"I prayed," Joanna replied. "How can I help you, Dominique? Just let me know."
Kusang tumulo ang mga luha ko sa sinabi ni Joanna. Napaluhod sa harapan ni Joanna si Kenshin at umiyak habang hawak niya ang kamay ni Joanna.
"Thank you. I prayed for a miracle last night and you came." He said.
Joanna has misty-eyed when she looked at me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top