Chapter 28- Father and Son
Kenshin
Halos naging bahay ko na ang St. Mary's Hospital nitong nakaraang isang linggo. Everyday, dumadalaw ang mga kaibigan namin, ang circle of friends namin, para pangitiin si Dominique.
At sa tuwing mawawala ang spell na ginagawa ni Ate Beth, mas humihina si Dominique. Sa araw-araw pagmulat pa lang ng mga mata ko, natatakot akong magising na wala na si Dom. Kung minsan nga, ayaw ko ng matulog pa. Gusto ko na lang bantayan ang paghinga niya. Isang linggo na pero wala pa kaming mahanap na donor.
Her skin became grayish white. Her eyes lost their shine. Her witty remarks are now gone. She smiles from time to time. Laugh when jokes are being thrown from my friends' banter, but her life... its fading in front of me. And I can't do anything. Still can't do anything to save her.
It's 3 am and I still can't sleep. I called my dad wishing he won't pick it up. Alam kong nakasilent ang phone ni daddy sa gabi pero sa oras na ito gusto kong maging bata at umiyak na lang kay daddy.
"Ken," Sagot ni daddy sa kabilang line.
"Nagising ba kita, dad?"
"Hindi naman. Patulog pa lang ako. I was checking the Kyoto's account."
"I'm sorry..." I murmured.
"For what? Wala ka naman kasalanan, Ken. And besides, namimiss ko ang pagtatrabaho. Nakakabored ang magpoker kalaban si Marcus." Sagot ni Daddy.
"How is she?" Tanong ni daddy after kong matahimik.
"She's...figting..." I replied. My throat is chocking with grieve. "...but she's fading," I whispered.
"And I'm scared to sleep." I admitted.
"I will come to you... I think you need some company, Ken."
"No need dad... Mom will probably look for you."
"She's with Sakura sa HQ nila." Simpleng sagot ni daddy and it spoke a million words. My mom and my sister are still looking for a donor.
"I'll be there in a bit."
"Thank you," I said softly.
Napabayaan ko na ang company. Si Raiden at daddy ang sumalo sa lahat ng responsibilities ko. Nahihiya ako pero hindi ko kayang iwan si Dom sa ganitong kalagayan kahit pinagtatabuyan niya ako araw-araw na umuwi or bumalik sa trabaho.
Pinapanood ko ang heart monitor ng bumukas ang pintuan ng kwarto. I felt my dad's hand on my shoulder and I immediately felt secured kahit papaano.
"Kumain ka na ba?" Tanong ni dad sa akin.
"Kanina, dad," I replied.
"May dala akong mga food. Naggrocery pala ang mommy mo kanina. Dalin ko daw lahat iyan para sa inyo ni Dom." Sabi ni daddy na umupo sa tabi ko.
Lumingon ako sa likod at nakita ko ang ilang bags of grocery na dala niya.
"Alam kong magmumukhang tindahan ang kwarto na ito sa dami ng binili ng mommy mo. Pagagalitan naman ako kung hindi ko dadalin kaya ubusin nyo na lang." Paliwanang ni daddy na ikinangiti ko ng bahagya.
"Dad, with all the monies that we have, why do I feel so...helpless?" I asked.
"Because money can't buy everything. Have I told you a tragic story about my mom? How she died?" Tanong ni daddy. Umiling ako at hindi nagsalita.
"Nasa isang family vacation kami noon. I was with my dad, my mom, and my grandparents. Nasa gitna kami ng dagat sakay ng isang yacht. I was too foolish to jump into the water in an open sea. My mom saw me and asked me to come back but I didn't listen. She saw a shark going to my direction and I wasn't aware of it. So she screamed to me and asked me to hurry. Lumangoy ako pabalik sa yate and my mom was there waiting for me. Nakakapit siya sa railing at ang isang kamay ay nakalahad sa akin." Huminga ng malalim si daddy bago nagpatuloy sa kwento niya.
"Hindi ako aabot sa yate. Nagpapanick na ako noon at pinulikat. Kaya ng makita ni mommy na malapit na sa akin ang pating, she jumped into the water para sa kanya mabaling ang attention ng shark. And she was immediately dragged. She tried to fight pero ano bang laban ni mommy sa pating? All of it happened in front of me. And that is the most helpless event that happened in my life."
I didn't know that story. My grandmother is a sensitive topic to our family. Her name was not even mentioned. We knew that she died but we didn't know the story behind it.
"May hangganan ang nagagawa ng pera, Ken." Dad murmured besides me.
"Kaya huwag kang maghingi ng sorry sa amin dahil naiintindihan ka namin. Dumito ka lang hanggang sa gumaling si Dominique. Huwag mong intindihin ang company, nandoon ang kapatid mo."
Tuluyan na akong naiyak sa harapan ni daddy.
"It's okay to be weak. We are human after all." Daddy said clapping my shoulder.
Sinamahan ako ni daddy hanggang sa makatulog ako. Nagising ako kinabukasan na naririnig ang boses ni Dominique. Kausap niya si Ate Beth ng bumangon ako.
"Ayan gising na siya." Sabi ni Ate Beth. Inayos niya ang hospital gown ni Dominique. Alam kong minasahe ni Ate Beth si Dom kaya nakakangiti siya ngayon.
"Nastress ka ba at pinuno mo ng grocery ang kwarto?" Nakangiting tanong ni Dominique.
"Si daddy ang may dala niyang kanina."
"Nagpunta si daddy mo kanina?" Nanlalaki ang mata ni Dom.
"Jusme, kahit kailan ka. Wala akong wig na suot kanina."
"You are beautiful even without it," I replied.
"Enebe... kahit asin lalanggamin sa inyo." Tukso ni Ate Beth na ikinatawa ng bahagya ni Dominique.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Tita Kath.
"How are you Dom?" Tanong ni Tita Kath sa kanya.
"Much better po." Sagot ni Dom.
"I'll do the usual check up, ha."
"Okay po Tita."
Pinanonod ko sila kung paano nila alagaan si Dominique. Ate Beth changed her dextrose. Si Tita Kath naman, kinuhanan siya ng temperature at blood pressure. Isa-isang dumating ang mga kaibigan namin at kanya-kanyang salampak sa coach.
"Are we going to make grocery store na ba dito?" Tanong ni Michelle habang kinakalkal ang mga grocery bags.
"Nakakahiya kasi sa inyo, wala kayong food kapag nakatambay." Sarcastic na sagot ko sa kanila.
"Let's make salansan so everybody can kuha na lang." Presinta ni Michelle.
"Then lagyan mo ng price so they know how much the value." Sakay ni Rose.
"Alam mo dati, it's my dream to work in a grocery..." Simula na naman ni Michelle.
Naiiling pati si Tita Kath sa kalokohan niya eh.
"Nalugi na ang grocery store dahil sa bagal mo. Bilisan mong mag-ayos." Sita ni Rose kay Mitch. Inayos nga nila ang mga grocery sa ibabaw ng table. Nilagay sa ref ang dapat ilagay.
"May kulang pa ba, baby spice?" Tanong ni Lego kay Rose na ikinatawa nila Tita Kath at Ate Beth.
"Tita, pakikuhanan ng sugar si Rose, baka diabetic na sa sobrang sweet ni Lego." Biro ni Ate Beth.
Ngingiti-ngiti si Dominique habang iniinject ni Tita Kath.
"O kaya pacheck mo ang mga ngipin sa mommy mo Ken baka may tooth decay na." Hirit pa ni Ate Beth na ikinapula na ni Rose.
"Siguro Ken, ang hinhin ng mommy mo." Sabi ni Dominique.
Napahinto ang lahat ng tao sa kwarto. Napatingin lahat kay Dominique.
"Si Tita Abby ang pinakamahinhin sa lahat ng babae sa Country Club." Sabi ni Ate Beth na ikinatawa naming lahat.
"Mahihiya si Maria Clara kay mommy." Natatawang sagot ko.
"Kung nakilala ni Rizal si Tita Abby noon, malamang hindi sila naging magsyota ni Leonor Rivera." Sagot ni Star.
"Makikilala mo din si mommy ko, chief." I said. Kapag hindi na siya busy sa paghahanap ng donor.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top