Chapter 26- Kapit Lang

Kenshin

Few hours in our flight, nagsimulang lagnatin si Dominique.

"Dom..." I tried to wake her up.
"Dominique."
Hindi siya gumagalaw. Nagchichill siya at inaapoy ng lagnat.

Ginising ko ang pinakamalapit sa upuan namin ni Dom.
"Rose... wake up."
Parang naalimpungatan si Rose na tumayo at luminga sa paligid.
"Ken?... Bakit?"
"Nilalagnat si Dominique." I told her. Binabalot ako ng kaba.

Dapat kasi may medical team kaming kasama but we need to wait for 3 days para maiayos ang gamit nila. And I don't have three days. Kaya lumipad kami ng walang medical team.

"Teka... sandali. Ah... cold water. Pahiran mo siya kahit sa mukha." Biglang nataranta si Rose at nagtawag ng flight attendant.

"Chief, wake up." Inuga ko ulit si Dominique pero hindi siya gumagalaw.
"Dom... wag ganyan." I murmured habang yakap ko siya.

"Ken, ano nangyayari?" Tanong ni Raiden ng lumapit sa akin.
"Nilalagnat."
Sinalat ni Raiden ang noo ni Dominique at mabilis niyang tinanggal ang kamay.
"Mataas ah. Teka, kausapin ko si Lego. Baka pwede nilang bilisan."
Umalis si Raiden sa tabi namin at pumalit si Rose na may dalang bucket of ice.

Lalong nagchill si Dominique ng dumampi ang malamig na towel sa noo niya.
"Dom... Tiis lang ha. Mataas ang lagnat mo." Bulong ni Rose.
"Ken, kandungin mo na kaya para may body heat. Magpapakuha pa ako ng blankets."
Tumayo si Rose at ginising si Star. Pinaliwanag niya ang nangyayari. Agad namang tumayo si Star para sila na ang maghanap ng blanket na kailangan ni Dominique.

Binuhat ko si Dominique and she cringe.
"Ken, masakit ang mga buto ko." Sabi niya.
"Hahawakan lang kita." Maingat ko siyang itinaas at nilagay sa kandungan ko. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at muling pumikit.

"Dom... Kapit lang ha." I whispered to her.
She didn't reply but heard her deep breathing.

Lumapit sa amin si Star na may dalang mga blankets. Maingat niyang pinatong mga mga blankets kay Dominique.

"I will call Ate Cailee." She said.
I nod at her and murmured my thanks. Bumalik si Raiden sa tabi ko pagkatapos kausapin si Lego.
"They radioed the Country Club, doon na tayo maglalanding. Nakastandby and ambulance." Raiden informed me. Then Star came back and placed a tablet at the table. Nakavideo call kami kay Ate Cailee.

"What happened?" Nag-aalalang tanong din ni Ate Cailee. Mukhang nagising siya sa tawag dahil nakapantulog pa ito.
"Biglang nilagnat." I replied habang yakap-yakap ko si Dominique.
"Nilagyan namin ng malamin na towel sa ulo." I informed her.

"Okay... Hanapin ninyo ang medical kit. Mayroon iyan sa eroplano. Itanong niyo sa flight attendant." Utos ni Ate Cailee.
"Ako na ang hahanap." I heard Michelle said somewhere.
"Sino ang marunong mag-BP?" Tanong niya ulit.
"Ako." Rose replied.
"Kuhanan nyo siya ng BP. Mayroon din sa eroplano ng BP monitor. Lagyan nyo siya ng socks para mabawasan ang pagchill."
Kanya-kanyang kuha ng gamit ang mga kasama. Si Raiden ang naghalungkat ng socks sa maleta.

"Here you go." Inabot ni Michelle ang medical kit kay Rose.
"Take her temperature..." Utos agad ni Ate...

Habang binibigyan kami ng instruction ni Ate Cailee to lessen the fever, umuusal naman ako ng dasal sa kung sino man ang nakakarinig sa akin.

Don't take her away from me. Please... Father.

Lalo kaming nataranta ng sabihin ni Dominique na nasusuka siya.
"Isuka mo lang Dominique. Huwag mong pigilan. Machochoke ka." Ate Cailee instructed.
Inabot ni Rose ang bowl na may laman pang ice kay Dominique at doon siya sumuka.

"Don't look." Dom tried to wave her hand but she's too weak to even move a little.
Napapikit ako ng makitang may dugo ang isinuka ni Dominique. Ramdam kong nagkatinginan sila Star, Rose, Raiden at Michelle.
"There is a hint of blood, Ate," Star informed her.
Hindi kumibo si Ate Cailee. Humihinga siya ng malalim ng tumingin ako sa kanya.
"Tell Lego and Carlos to fly in full speed." She instructed.

Oh, Lord... please. I am Your Son too. I'm asking to at least listen to my begging. Don't take her, please.
"Ken..."
"Ate... Please help us."
Nagpahid ng luha si Ate Cailee bago nagsalita.
"I will wait for you to land. Nasa tarmac kami nila Allie at Beth. I already alerted the St. Mary's hospital, nakaantabay sila Mama Kath at Trevor."
Hindi ko na kayang magsalita. Parang may tinik na sumasakal sa lalamunan ko.
"Hold on, Ken." She said and dried her tears that escaped her eyes for the second time.
Kumaway si Ate bago pinatay ang video call.

Hinayaan ko ng tumulo ang luha ko habang bumubulong kay Dominique na huwag bibitaw.

"Don't leave..." I whispered to her. "I just got you back."

Ahead kami ng 30 minutes sa schedule. Pagbukas pa lang ng pintuan ng eroplano, pumasok na agad si Ate Cailee, kasunod si Ate Beth at ilang nurse na may dalang stretcher.

Habang inaayos kong maihiga ang walang malay na si Dominique sa stretcher, nakabitan na agad ni Ate Beth ng IV ito. Si Ate Cailee naman ay nilagyan siya ng full face oxygen mask.

"Let's go." Naunang lumabas si Ate Cailee ng eroplano kasunod si Ate Beth.
"Sige na Ken, kami na dito." Sabi ni Lego na lumabas na ng cock pit.

Sumunod ako sa mga nurse pasakay ng ambulance. Nasa loob na si Ate Cailee, Ate Allie at Ate Beth ng ambulance ng makasakay ako. Hawak ni Ate Allison ang kamay ni Dominique ng tumingin siya bigla kay Ate Beth at nangilid ang luha.

"Ading," Bulong ni Ate Allison kay Dominique. "Huwag kang bumitaw."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top