Chapter 25- Chief
Kenshin
"Ken... pssstt."
Napalingon ako kay Dominique. Kaming tatlo nila Lego at Raiden ang naiwan sa kwarto niya. Sinamahan ni Blaze at Brix ang mga girls para ayusin ang hospital bill. Binigay ko kay Star ang isang card ko para siya na ang mag-asikaso.
"Ano ang nangyayari?" Tanong niya.
Panay kamot niya sa ulo.
"Tanggalin mo nga yang wig mo kung nangangati ka."
"Ayaw ko. Baka itanong mo sakin kung nagshashampoo pa ba ang kalbo." Sagot niya na ikinatawa ni Lego at Raiden.
"Nagshashampoo nga ba?" Tumatawang tanong ni Raiden.
Tumango si Dom. "Anti-dandruff pa." She replied giggling.
"Ano nga ang nagyayari? Bakit bigla kayong naging aligaga?" Balik na tanong niya.
"Uuwi na tayo." I informed her.
"Ha? Sa Sunday pa ang flight ko."
"Pinacancel ko na ang ticket mo. Inaayos lang ang discharge slip mo. Uuwi tayo anytime." I informed her.
"Ken... Hindi na kaya ng katawan ko ang another treatment." Sabi niya.
"Sa labas muna kami." Paalam ni Lego.
Hinintay kong makalabas sila ni Raiden bago ako nagsalita.
"Ano ang gusto mong gawin ko, Dom? Hayaan kitang mawala?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi Ken, naubos ko na din ang life insurance na nakuha ko sa parents ko." Paliwanag niya.
"Marami akong pera. Kung pera ang issue mo, kaya kitang ibili ng isang hospital. Magamot ka lang."
"Ken..."
"Don't ask me to give up. I won't give up, Dominique." Putol ko sa sasabihin niya.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama.
"You don't know what you did to me when I didn't saw you at your flight to Finland."
I hold both of her hand. They look fragile.
"I stopped the Flight. Paid a fee for stopping the flight and waited at the airport for 2 days."
Napapikit si Dominique. Pinipigilan niyang umiyak.
"Noong umalis ako, papunta talaga ako ng airport noon. But when I was inside the taxi, I fainted. Nagising na lang ako na nasa ER." Paliwanag niya.
"Ayaw kong makita mo akong namamatay unti-unti, Ken." Tuluyan ng tumulo ang luha ni Dominique.
"Pinilit kong mabuhay dahil binigyan mo ako ng reason na mabuhay."
"Then fight this, Dom. Don't leave me again. Please..." I begged her.
"I'll do anything to save you. Please, live. Mahal kita Dom. Huwag mo akong iwanan."
"Huwag mo akong mahalin, Ken. Ayaw kong masaktan ka. Magmahal ka ng iba. Yung kaya kang pasayahin ng matagal." She whispered.
"Walang nakakapantay sa jokes mo, Dom."
Napayuko siya para itago ang mas malalaking patak ng luha. I hold both of her cheeks and dried her tears.
"Tanggalin mo na yang wig mo." I said.
"It won't change anything kahit ano pa ang nangyari sa buhok mo. I already tried to hate you when you leave but it just made me love you even more."
"Ken..."
Patuloy sa pagpatak ang mga luha ni Dominique.
"Fight, Dom. I will exchange my soul for you to live."
"I love you." She said softly. "And I'm sorry I am causing you so much pain."
Napangiti ako ng kaunti. Nagsusumiksik sa isip ko na hindi ko pa nasasabi sa kanya na ako ang nagligtas sa kanya noon.
"And because you love me, bawal kang makipagkita kay Ryker." Biro ko sa kanya.
Natatawa siyang naiiyak.
"Pahinging tissue. Lolobo na naman ang sipon ko."
Inabutan ko siya ng tissue.
Someone knocks on door. Napatingin kami ni Dominique sa pintuan bago pa ito bumukas at nagsipasukan ang mga kaibigan namin kasunod si Kuya Carlos.
"Oh my God..." Napatili na naman si Dominique.
"Kakasabi mo pa lang ng I love you sa akin ah." I commented softly so she can only hear it.
Natatawa siyang bumaling sa akin. "Di ba... di ba... siya yung... soccer player?" Excited na tanong niya.
"Enggg...mali." Tumatawang sagot ni Raiden.
"Hindi ba?" Naguguluhang tanong ni Dominique. "Siya yun. Sa team ng Portugal."
Nagtawanan kami. Pati si Kuya Carlos natawa.
"Football, hija." Pagtatama ni Kuya Carlos. "At sa team ng Espanya. I'm Carlos Sebastian."
"Hello." Biglang lumiit ang boses ni Dominique. "Kailan ka pa nag-iba ng team? Cheret."
"Tanggalin mo na yang wig mo." Utos ko.
"Ayaw ko, may pogi dito. Nakakahiya." She replied.
"Ako lang ang pogi dito." Biro ko.
"Excuse me..." Sabay-sabay na sagot ng mga lalaki sa likuran ko.
"There are a lot of gwapos sa Country Club." Sulsol ni Michelle. "Di ba, Rose?"
"Correct." Sagot ni Rose.
"Talaga ba, Sugar Bun?" Tanong ni Lego na ikinahagikgik ni Dom.
"Ang dami niyang endearment, kaloka." She commented.
Lego smiled then winked at her.
"Si Ken ba ano ang endearment sayo?" Tanong ni Star sa kanya.
"Wala." Sagot niya.
"Chief." Mabilis kong sagot.
"Taena, huwag mong sabihing potato chief." Tumatawang comment ni Raiden.
"Anong oras tayo aalis? Nagmessage si Allie. Maghihintay daw sila ni Beth."
Napatingin ako kay Kuya Carlos.
"I didn't say anything. She just knew." He said.
Can she heal Dominique, I wanted to ask.
"Clear na ba tayo, Star?"
Tumango si Star. "We are ready to go. Nauna na ang mga gamit natin sa airport." She replied.
"Let's go, Dom."
"Teka lang... Lagay nakahospital gown ako?"
"Haha, sya nga nemen. Mauna na kayo outside. We will help her make palit. Go..." Taboy sa amin ni Michelle palabas ng room.
"Can they help her?" Tanong ko kay Kuya Carlos paglabas namin sa room.
"I don't know. At least we can try. If you believe in miracle Ken, Zoey made it." He replied.
Huminga ako ng malalim at napasandal sa pader.
"Tatagan mo ang loob mo. Mukha naman siyang lumalaban pa eh. One at a time Ken. Kailangan muna natin siyang maiuwi. At least doon, marami tayong makakatulong."
Tumango ako kay Kuya Carlos.
After namin madischarge si Dominique. Lumipad kami pauwing Pilipinas kahit madaling araw pa. Lahat nag-aalala sa fragile na kalagayan niya.
"Ken..." Tawag niya sa akin.
I look at her and she is still sleeping. Nananaginip siya at hawak niya ang kamay ko.
"One more day with you...please." She murmured.
"One more lifetime...chief," I told her softly and kiss her forehead as gently as I could.
-------------
A/N
Ayaw ko na... bukas naman.
Naiiyak ako eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top