Chapter 23- Nurse
Kenshin
Ken, I am dying.
Hindi...
Tumalikod ako at nagmamadaling lumabas.
Hindi. Hindi yan totoo.
"Ken?" Nagtatakang tanong ni Rose ng madaanan ko sila sa labas ng ER. Hindi ko sila pinansin.
"Kenshin?" Sigaw ni Lego sa akin. Naglakad ako palayo sa kanila.
"Sundan mo Kuya..." Narinig ko pang sabi ni Star bago ako tumakbo.
"Ken..." Sigaw ni Raiden na humahabol sa likod ko.
"Kenshin." Sigaw din ni Lego.
Dumeretso ako sa parking lot at pinaharurot ang sasakyan ko.
I have an Acute Myeloid Leukaemia.
"Fuck..." I murmured.
Hinampas ko ang manibela sa galit.
I have a few days to live. Maswerte na daw kung aabutin pa ako ng isa pang taon.
"Fucking son of a bitch..." I shouted.
Alam kong overspeeding na ako. Ramdam ko rin na nakasunod si Raiden sa likod ng kotse ko. Paikot-ikot ako sa Tokyo. Hinihintay na harangin ng pulis. Pero walang pulis na humarang sa akin.
I found myself driving to Rikugien. Doon ako naabutan nila Raiden at Lego sa parking. Nakadukmo sa manibela at kinakapos ng hininga.
"Ken." Kinatok ni Raiden ang bintana ko. I press a button to let it open.
"Ano problema? Muntik ka ng makaaksidente sa bilis mong magmaneho kanina." Pangaral ng bunso naming kapatid.
"Kenshin, pag-usapan natin ang problema mo. Bigla ka na lang umalis sa hospital. Iniwan mo si Dominique doon." Giit ni Lego.
"She is dying..." I murmured though I don't know paano pa ako nakapagsalita.
"What?"
"She has a leukemia." I replied.
Napasandal sa kotse ko si Raiden.
Nararamdaman ko ng tumutulo ang mga luha ko sa manibela.
"How can I face that?" Tanong ko sa kanila.
"All these time, akala ko nalaman niya na ako ang nagsave sa kanya kaya siya umalis ng hidni nagpapaalam. Akala ko galit siya sa akin kaya binigyan ko siya ng space at hindi na hinanap. But this? Paano ko tatanggapin na mawawala siya? I just found her again."
"Hindi pa natin alam kung gaano kadeep ang sakit niya." Lego said. I appreciate their effort to calm me.
"She said she has few days to live. A maximum of one year." I told them.
Napasandal na rin sa kotse ko si Lego.
"You need to face her. Don't do this to her. She needs you more right now, Ken." Sabi ni Lego after a while.
"I can't."
"Of course you can. That's why there are doctors. Pwede pa nating dalin si Dominique sa specialist. Umaano ang pera mo kung hindi mo kayang pagalawin?" Tanong ni Raiden sa akin.
"Nagmessage si Star, ililipat daw si Dominique sa private room. Papunta daw siya sa hotel ni Dominique to get her personal belongings. Naiwan si Rose at Michelle sa hospital." Lego informed us.
"Ken, be strong enough to face these difficulties. Kapag stable na ang vitals ni Dominique, pwede na nating iuwi sa Pilipinas. From there, we can ask for help." Dagdag ni Lego.
Umayos ako at pinunasan ang mga luha sa mukha. I am thankful enough na nakatalikod ang dalawa sa akin. Giving me space to cry ng hindi ako iniiwan.
"Balik na tayong hospital?" Tanong ni Raiden sa akin.
"Okay." I replied.
"Dito na ako kay Kenshin sasakay dre. Kita tayo sa hospital." Paalam ni Lego kay Raiden bago sumakay sa passenger seat.
"Kaya mong magmaneho, Ken?" Tanong ni Lego sa akin.
Umiling ako at saka lumabas ng kotse. Lumabas rin si Lego at nakipagpalit ng pwesto sa akin.
Gising si Dominique at nakasandal sa headboard ng pumasok kami sa private room niya. Kausap niya si Michelle at Rose at nagtatawanan sila. Ngumiti ng bahagya si Dom ng makita ako.
"Hi ulit." Bati ni Lego kay Dominique.
"Hello Lego. Ang sakit mo siguro kapag naapakan." Biro ni Dom. Natawa ng bahagya si Rose at Michelle.
"Jusme, eto na naman ako.Pasensya na."
"Pasok ka Ken. Hindi nakakahawa ang sakit ko." May kaunting lungkot ang mga mata niya.
"Wait namin sila Star sa labas. Iwan ka muna namin, Dom. Is it okay ba? I mean, Ken is here naman." Paalam ni Michelle.
"It's okay lang naman, Mitch. Nakakahawa naman ang conyo mo." Tumatawang sagot ni Dominique na ikinatawa ni Rose.
"We will make balik ha. So you can kilala ang iba." Tumakap si Michelle at Rose kay Dominique bago sila lumabas.
"We will make balik. Don't be naughty Kenshin. Taena, Mitch, lakas ng virus mo." Biro ni Lego habang palabas sila na ikinangiti ni Dominique.
Umupo ako sa tabi ni Dominique. I hold her hand. Ang laki na ng ipinayat niya.
"I'm sorry, Kenshin." She said. Umagos ang luha sa mga mata.
"I really hate goodbye but I can't go without saying a word to you."
"Stop it, Dom..." Pinipigilan ko lang umiyak. Huwag mo akong paiyakin.
"I did try to live..."
"Stop," I whispered.
"I did try..."
Umiling ako kay Dom para pigilan pa siyang magsalita. I put her hand on my cheek and close my eyes.
"Ken," She called me.
"Dati, naawa ako kay mommy ko dahil minsan tatlong araw siya sa hospital." Kwento ni Dominique. Napamulat ako ng mata at tumingin sa kanya.
"May sakit din ba ang mommy mo?" I asked. Baka hereditary ang sakit niya.
"Wala. Nurse kasi siya. Straight ang duty niya." She replied at saka tumawa.
"Ay, lumubo ang sipon ko. Paabot ng tissue, bilis." She said habang nakatakip sa ilong ang kamay na may IV. Hindi ko napigilang ngumiti kahit paano.
"Ayan, nakangiti ka na ulit. Havey yun, galing comedy bar ang joke na yun."
Napapailing akong inaabot ang tissue sa kanya. Bumitaw siya sa akin at suminga ng sipon. Napansin kong may dugo ang tissue niya na pilit niyang tinatago sa akin.
"Corny pa rin." I replied to her.
I will find a way to save you, Dominique. Hindi na ako papayag na tatakasan mo na naman ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top