Chapter 22- Encounter

Dominique

Japan...

It's been more than a year and here I am. Back to Japan. The land of hapon.

Napabuga ako ng hininga... Nakatayo ako sa tapat ng building ni Kenshin. Nagdadalawang isip kung papasok ako at hahanapin siya. Baka hindi na niya ako kilala. Kahit ako, hindi ko makilala ang sarili ko sa tuwing humaharap ako sa salamin.

"Bukas... Bukas na lang Dom." Bulong ko sa sarili ko.

Pumara ako ng taxi at magpapahatid sana sa park kung saan ako sinamahan ni Ken dati ng maramdaman kong may tumulo sa ilong ko. Akala ko simpleng uhog lang, dugo nap ala ang tumulo.

"Uncle, take me to the nearest hospital." Ang sabi ko sa taxi driver. Tiningnan niya ako mula sa rear mirror at ng makita niya ang dugo sa panyo kong hawak, binilisan na niya ang takbo.

Napapikit ako at nagdasal. Konti na lang Lord. Kailangan ko lang magpaalam kay Kenshin. Konting buhay pa...

Pagkahinto ng taxi, inabutan ko siya ng pera at bumaba na kahit hindi ko alam kung sapat ang nabayad ko o hindi. Nanlalambot akong naglakad papasok sa loob ng hospital ng makabunggo ako.

"Oh my God...Sorry." Ang sabi ko...
Napakapit ako sa kanya.
"Miss... Are you okay?" Nag-aalang tanong niya. Napasandal na ako sa kanya at nakakahiya man, mukhang sa kamay niya ako mamamatay.
"Lego, call some help."

"Miss..." Inuga-uga ako ng babae. Napahawak ako sa puso ko dahil hindi ako makahinga.
Naramdaman kong inalis niya ang nagsabog na buhok sa mukha ko.
"Miss, stay awake... Can you hear me?"
I am trying but I can't...
"Help..." She shouted.

Hindi ko na ala mang nangyari... Heto na ba iyon? Tapos na ba ang pain?

"Miss... can you hear me?"
Someone is poking my face. I tried to open my eyes. Maliwanag ang paligid at may mga nakaputi na pabalik-balik sa akin.
"She's awake." Someone said.
"Ano nangyari?" Mahinang tanong ko.

"She's a Filipina... Patty, can you talk to her?" Tanong ng doctor na may hawak na flashlight at kasalukuyan akong binubulag sa liwanag.
"Miss... kaya mo ng magsalita?" Tanong ng nurse sa akin.
Tumango ako.
"Mataas ang lagnat mo at mababa ang blood pressure." Sabi niya.
Tumango ako.
"Kailangan ka naming iconfine muna. We need to have some test. Maputla ka kasi at puro pasa. Anemic ka ba?" Tanong niya sa akin.
Umiling ako. "I have AML." I replied.
Napahinga ng malalim ang nurse at nakipag-usap sila sa doctor na nasa tabi ko.

"Nasaan ang babaeng tumulong sa akin kanina?" Pigil ko sa pinay nurse ng papaalis na siya.
"Nasa labas. Sige tawagin ko." Sagot niya.

Gaano ako katagal nawalan ng malay? Napalitan na nila ako ng hospital gown at may oxygen na sa ilong ko. Dextrose sa kamay ko at heart monitoring na nasa gilid.

Isang babae ang huminto sa harapan ng ER bed ko. Kasunod niya ang isang lalaki na boyfriend niya siguro. Kumaway ako ng bahagya sa kanila at pilit kong tinatanggal ang oxygen mask.

"No...don't." Pigil niya sa akin.
"Okay na ako... Thank you nga pala."
"Pinay ka din. Sino ba ang pwede naming tawagan na family mo? By the way, I'm Rose and my... boyfriend Lego."

Lego?

Napatingin ako sa lalaki sa harapan ko.

"Sino si Lego?" Usisa ko.
"Tropa namin." Sagot ni Raiden.

"Gwapo?" Tanong ko agad.
"Taken." Sagot ni Kenshin.
"Pero gwapo?"
"Pero taken."

"Lego... Rose...aaalis na ba..." Napatingin si Rose at Lego sa bagong dating.
"Dominique..." He murmured.

Oh fucking destiny... isa ka talagang malaking tukso. Kung kailan ako nasa hospital...tinamaan ka ng magaling.

"Iwan na muna natin sila, gummy bear." Lego said to Rose.. "Sa labas lang kami, bro." Paalam ni Lego kay Ken. Hinintay kong makalayo sila Lego at Rose bago ako nagsalita.

"Hi Kenshin." Batik o sa kanya.
Hindi niya nagsalita. He looked...lost looking at me.

"Galit ka ba?"
Lumapit si Kenshin hanggang sa paanan ng kama. Tumatagos sa nananakit kong mga buto ang tingin niya.
"Buhay ka pa pala." May halong galit ang pagkakasabi niya.
"Malapit ng mawala." I replied.
"Tang-ina... Dom...Hindi nakakatawa. Saan ka nagpunta?"
Nangingilid ang mga luha ko.
"This is not supposed I imagine our next encounter," I said.
"Where do you want it to be? Sa park? Sa eroplano ulit?"
"Not in the hospital, I guess," I replied. "Not like this..." Tumulo ang isang luha ko.

This is it. Wala ng bukas para sa akin. Kailangan ko ng sabihin kay Kenshin.

"Ken, I am dying," I said. Not loud but enough so he can hear.
"What?" He asked. Napakapit sa railing ng hospital bed.
"I have an Acute Myeloid Leukaemia," I told him honestly.
"I have few days to live. Maswerte na daw kung aabutin pa ako ng isa pang taon."

Lumayo ng isang hakbang si Kenshin sa akin. Para siyang napapaso na binitawan ang railing.

"Kenshin..." Tawag ko sa kanya.
Nagpatuloy siya sa paghakbang palayo hanggang sa tumalikod siya at umalis sa ER.

Kusa ng umagos ang mga luha na pinipigilan ko. There... I said my goodbye. And I hate goodbye.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top