Chapter 16- Sidewalk

Kenshin

Paglabas ko ng hotel room, napansin ko agad na bukas ang pintuan ng kwarto ni Dominique. I went to her room and found that she was...gone.

Nagmamadali akong bumaba sa reception desk and asked about her. Noong una, hindi ako binigyan ng sagot ng receptionist but I used my name... my family name.

"Sir, she checked out just an hour ago." Sagot ng manager sa akin.
"Fuck." I murmured. "Where is she?"
"I heard... that she asked the hotel driver to bring her to the airport."

Tumango ako sa kanya and uttered my thanks. Hindi na ako nakapag-isip, tinawagan ko si Lego.

"Parang pareho tayo ng time zone kung mambulahaw ka ah." Bungad niya sa akin.
Nagmamadali na akong pumunta sa kwarto ko at kumuha ng mga dapat kong dalin.
"I need your help, pre."
"Ano yun?" Naghigab pa si Lego bago sumagot.
"Kaya mo bang maaccess ang arrival/departure system ng Japan gamit ang RS Aviation ID mo?"
"Mas madali kung kay Ate mo ipapahanap." He replied.

"Maaccess mo o hindi?" Naiinis na tanong ko.
"Inaantok kasi ako. Ano ba ang pangalan at saang airport?" Narinig ko ang tunog ng keyboard ni Lego sa background.
"Dominique Contawe. Kyoto airport. Departure." I replied.
Naghigab na naman si Lego. Sinalpak ko ang mga gamit ko sa hand carry na maleta. Passport, laptop, chargers, wallet... initcha ko sa loob ng bag ko.

"D.O.M.I.N.I.C..."
"D.O.M.I.N.I.Q.U.E" Pagtatama ko kay Lego.
"Uhh, babae?" Tanong niya tapos biglang tumawa. "Uy, lumalandi."
Tukso nito.
"Lego... Tangina na naman. Umayos ka nga."
Naghigab ulit si Lego.
"She will depart in three hours to Seoul." Binigay ni Lego sa akin ang pangalan ng airline at flight details.
"Thanks," I replied and ended the call. Next, I called Ryu.

"Sir,"
"Book me a flight to Seoul now." I gave him the name of the airline and the time.
"But Sir..."
"Use my fucking name. I want that flight." I replied.
"And Ryu, bring my other things to Tokyo. I will check out."

Kumuha ako ng isang ninja na stuffed toy at nilagay sa bag ko. I went out of my room and drive like a madman to the airport.

"Ken..." Naramdaman kong inuuga ang balikat ko.
"Malapit ng magland. You need to straighten your seat." Sabi ni Dominique sa akin.
"Sorry, hindi na kita pinagising ng magserve ng pagkain. Ang himbing kasi ng tulog mo."

When was the last time I went to spontaneous vacation? After I decided to handle the company, my time became dependent on schedule. Kaya siguro hindi na nakakibo si Ryu kanina ng bigla na lang akong umalis ng hotel at iwan ang mga meetings na nakaschedule.

Nakakaburn out din pala.

"Okay, lang Dom." I replied.
Tahimik pa rin si Dominique sa upuan niya. Yakap-yakap lang nito si ninja at nakatingin sa bintana.

"Saan ang hotel mo? O may bahay ka dito?" Tanong ni Dominique habang naghihintay kami ng maleta niya sa carousell.
"Grand Hyatt." I simply replied.
Tumango-tango siya. "Perks of being a shareholder." She smilingly replied.
"Dom, bakit mukha kang maputla?"
Sandali siyang natulala at pinagkiskis ang mga kamay. "Ang ginaw eh." Sagot niya.

Nagtaxi kami papunta sa hotel much to her amuse.
"Nagtataxi ka pala." She said chuckling. "Naexperience mo naman ba na sumakay ng train at jeep sa Pinas?"
Umiling ako sa kanya na ikinatawa niya.
"Mag-train to Busan tayo." Yaya niya.
"Mananakot ka na naman." Walang ganang reply ko.

Pagdating namin sa hotel, nakikipagtalo si Dominique sa receptionist dahil hindi daw siya sa suite nakabook.
"You might be mistaken in here." Giit niya.
"Dominique, I upgraded you," I told besides her.
"What? Wala akong pambayad sa suite..." Bulong niya sa akin.
"Perks of being a shareholder. Ienjoy mo na lang ang kwarto mo. Sige na."
"Ano? Kenshin... Wala sa budget ko yan." Nanggigigil na sagot nito.
"Huwag ka ng makulit. Tara na."

Hinila ko ang kamay niya Dominique at kinuha ang keycard na binigay sa kanya ng receptionist.
"Gamsahamnida." Pahabol pa ni Dominique bago lumakad ng maayos.

"Bakit tahimik mo Dom?" I ask her ng nasa elevator na kami.
"Low bat lang." Replay niya. "Gusto mo ulit marinig ang joke ko sa putito?"
Natawa ako ng bahagya. "Huwag na. Huwag mo ng uulitin yun."

She chuckled and shook her head.
"Ken, may tanong ako." Seryoso ang mukha ni Dominique.
"Ano yun?"
"Gaano katalino ang wisdom tooth mo?" She asked.

Taena, corny talaga pero bakit ako natatawa.
"Tigilan mo yang bisyo mo Dominique." I told her.
"Bakit bluetooth ang tawag samantalang hindi naman blue at wala namang tooth?"
Naiiling akong iniwanan si Dom sa elevator ng bumukas iyon sa floor namin.
"Kapag ba ang barbero tumistigo, paniniwalaan ng korte ang kwentong barbero niya?"
I cover my mouth just to suppress my laugh. Nauuna pa rin akong maglakad sa kanya.
"Nanakit ba ang masamang damo?"
"Stop it." Huminto ako sa tapat ng kwarto niya at binigay ang keycard sa kanya.
Nagpipigil siya ng tawa at alam kong marami pa siyang corny na tanong na nangangailangan ng corny na sagot.
"Maliwanag din ba sa Diliman?" Humirit pa talaga siya.

"Pumasok ka sa loob at uminom ka ng gamot mo. Tigilan mo yang bisyo mo na iyan." I told her.
She unlocked the door and I pushed it to open.
"Pasok. Bilis." I said.
"Ang sidewalk ba ay paglalakad ng patagilid?"
At naglakad nga siya ng patagilid papasok ng kwarto habang tumatawa.

Napapailing na lang akong lumakad papunta sa katabing kwarto. Nakahanap ako ng baliw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top