Chapter 1- Late Comer
Dominique
"Calling the attention of passenger Miss Dominique Contawe. Miss Dominique Contawe, please proceed at Gate 5. Miss Dominique Contawe, please proceed at Gate 5."
Holy Moses...
Nagtatakbo ako sa crowded na airport ng NAIA para habulin ang flight ko na papunta ng Japan.
"Excuse me... Let me pass." Nakisingit ako sa mga pasaherong nakaupo sa floor.
Isang ground personnel ang nagwawagayway ng airline flag ang nasa bungad ng Gate.
"Dominique Contawe..." Sigaw ko at nagtaas pa ako ng kamay.
Natanaw ako ng ground personnel at nagradio sa loob ng aircraft.
"I'm sorry." Hinging paumanhin ko.
"It's okay Miss. Please proceed at Gate 5 immediately." She replied.
Tumakbo na naman ako papunta sa eroplano.
Whoah...buzzer-beater.
"Mabuhay, welcome to Philippine Airline." Bati ng Flight Attendant sa akin.
"Sorry, I'm late," I told her. Binigay ko ang plane ticket ko sa kanya and she guided me papunta sa upuan ko.
Nakatingin sa akin ang mga nasa Business Class... Mostly mga businessman sila at nakasimangot na. Ako lang yata ang mukhang gusgusing youngster na pinaghintay sila. Delayed ang flight because of me.
Dalawang magkatabing upuan ang business class ng PAL. Nakaupo na nga ang katabi ko which is a foreigner.
"Konnichiwa." Magalang na batik o sa kanya at naki-excuse me para makidaan papunta sa upuan ko.
Nakakunot ang noo ni seatmate at mukhang pinapanood ako sa paglalagay ng mga gamit ko sa kung saan-saan.
"Are you the one who caused this aircraft to be late in its schedule?" Tanong nito sa akin.
Naplaster ang ngiti ko. Naramdaman kong tumulo ang isang butil ng pawis sa sentido ko.
"Eh...hahaha... Sorry about that." Hinging paumanhin ko.
"We are high paying businessmen. Next time you wanted to roam around the airport, considered our time is important to us." Sabi nito.
Grabe... parang ten minutes lang akong nalate, galit na agad.
"Okay," I said. Napataas tuloy ang dalawa kong kamay. Suko na ako...hapon.
Gwapo ka sana, masungit ka lang. Tangos ng ilong ni kuya, pula pa ng lips. May lip tint kaya siya? Saka... mukha siyang matangkad. Madalang sa hapon ang matangkad ah... Half siguro ito, fluent sa English eh.
"And mind your own business." Dagdag pa niya.
Napaupo tuloy ako ng maayos sa upuan ko. Ang sungit!!!
Habang nagdedemonstrate ang mga Flight Attendant sa mga safety requirements nila, tumunog ang mobile phone ko... Nagsusumigaw ang Fake Love sa cellphone ko. Mas lalo yatang naningkit ang mata ni Kuya sa akin...
"Hello, Mang Ben." Pabulong na sagot ko sa phone.
"Nasaan ka bata ka?" Nag-aalalang tanong ng katiwala sa bahay namin. Isa siyang matandang binata na nagtrabaho para kay daddy. Hindi na siya umalis sa amin at doon na tumanda.
"Mang Ben, okay lang ako. Huwag ka ng mag-alala."
"Diyos ko, Monique. Susunduin kita..."
"Miss, you have to put your phone into airplane mode. We are about to take off." Paalala ng isang Flight Attendant sa akin.
"Dominique..."
Napapikit ako ng tinawag ako sa buong pangalan.
"I want to be happy, Mang Ben. Let me be...please. Babalitaan kita, huwag ka ng mag-alala sa akin."
"Diyos ko, bata ka."
"Ingat ka Mang Ben. Bye." Pinatay ko ang phone ko at nilagay sa bag.
"I already turned it off." Defensive na sagot ko sa masamang tingin ng katabi ko.
"Ay grabe, ang sugnit talaga." I grumbled.
"Hindi ako masungit." Sagot nito na nakapagpalaki ng mata ko. Uh-oh, I'm in trouble.
"Sadyang wala ka lang consideration sa iba."
Natahimik ako... Hindi dahil tinamaan ako sa sinabi niya kundi dahil nakakapagod makipagtalo. Nasa point na ako ng buhay ko na kapag sinabi mong 2+2= 44, oo na lang ako at bahala ka na sa buhay mo.
Nagkibit ako ng balikat at sumandal sa upuan. Nagkabit ako ng seatbelt at namintana na lang. Inilalagay kong muli sa kamay mo Panginoon ko ang aking buhay, piping dasal ko habang papalipad ang eroplano.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top