4:

Arin's PoV

I woke up feeling dizzy. Paano ba naman! Hanggang sa panaginip ko, sinundan ako noong convo namin ni Dalton. Then I realized, baka imagination ko lang 'yun? Pero medyo maaga akong nagising din ngayon, it's currently 7:30am. Me waking up early is a very rare phenomena, kaya naman kumuha na ako ng towel at tumungo sa banyo.

I'm not fond of early showers kaya't nagbuhos nalang ako gamit ang tabo. When I'm finished, I wore my daster na kakasuot ko lang din kagabi. Pero syempre, bago 'yun, nagbra at panty muna ako.

Bumaba ako sa hagdan habang tinutuyo ang aking buhok. I yawned. Inaantok pa ako, ano ba 'yan!

"Arin anak!" Sigaw ng nanay ko ka-aga-aga kaya't napalingon agad ako sa kaniya. Sa paglingon ko sa kaniya ay nakita ko agad si Dalton at Lucy na nakaupo sa may salas namin. My eyes widened.

"Anong ginagawa n'yo dito?!" Sigaw ko ng gulat na gulat as I stop my descent from the stairs.

"I told you right? 8:00am, best dress. Hindi ko inaakalang iyan ang best dress mo?" Walang pakundangang puna saakin ni Dalton.

Omg! So hindi 'yun panaginip?

Ay malamang oo? Waaaah!!!

"A-ano! Wait!!!" Sigaw ko at nagsimulang lumakad patungo sa hagdan. But Lucy was able to catch me.

"No time Arin. Doon na tayo hahanap ng damit mo." She stated and looked back at my mother. "Okay lang po ba Tita?"

"Sure. Ingat kayo." Saad ng nanay ko at dire-diretsyong tumungo sa may kusina.

"You've heard her Arin. Quick. We've got no time to spare." Sabi naman ni Quivo habang si Lucy ay hinigit na ako.

When we got out the house, nakabukas na ang pinto ng isang ready-to-go Sportivo. "'Yung towel ko?"

"We're gonna need that Aris. Ako na ang bahala sa buhok at make up mo today. Just relax." Tumango ako sa sinabi ni Lucy. But how can I relax? I mean, ba't ba nila ako aayusan?

Napalingon ako kay Dalton na ang kinakaupuan ay nasa gilid lang niya. Is that a more creative way of saying na hindi ako bagay tumabi sa kaniya? Not unless I've got those on?

Ano ba ang bago?

I was never enough.

I mean, pag naman natapos na itong kinasasangkutan ko ngayong kung ano, we'll go our separate ways right?

"First stop. The mani-pedi. Let's go."

"Bubuksan ko?" Lutang kong tanong kay Lucy. She rolled her eyes, habang si Dalton naman ay kita kong napatawa ng kaunti sa may likuran.

"Ay oo vesh! Tanga lang? Paano tayo lalabas? Iniimbyerna mo akez!" Bulyaw ni Lucy at s'ya na ang nagbukas ng pintuan ng van. "'Yan ha? Swerte mong bruha ka, ngayon lang ako nagopen ng door for kapwa ko ka-girl!"

"SKL?" Asar ko dito. They might have some attitude but let's just say na medyo sanay na ako doon from last year.

"Sige ituloy mo 'yan, ipapabali ko ang daliri mo." Natawa nalang ako sa kaniyang sinagot at bumaba na. I let Dalton and Lucy go first, dahil hindi ko din naman alam ang gagawin. I never painted my nails though, I just keep them simple, clean and presentable. Maganda naman ang shape ng kuko ko so it is pretty presentable.

"Hindi ka ba uuna?" I asked Alt. But instead of answering me, he just touched my shoulders and put me in front of him. So I guess that means I'll go first. "Thank you." Bulong ko sa hangin, in my peripheral, I saw him nodded.

Likas ba talaga ang pagkagentle man sa kaniya or is that just a trick to make girls fall for him? At ang nanay ko naman, bakit napakadali niyang pumayag?!

"You've got very beautiful green eyes." Puna saakin ng manikurista. I smiled and thanked her.

"Nakuha ko po sa ama ko." I happily stated habang inaalala ang father ko. My father is working at Canada, kaya't wala s'ya ngayon saamin, I miss him so much but I understand the fact why he have to work overseas. Iyon ay para matugunan niya ang aming pangangailangan.

"That is lovable. Isn't it?" Nakangiting sabi saakin ng manang. May nakataklob s'yang mask sa mukha, at nakahair net din. But now that I've stared at her, I just realized something.

"Mrs. Nazil?" Hindi ko mapigilang puna habang napapatitig sa heart shape niyang forehead at sa kulay brown n'yang mga mata. Her hands frozed.

"Oh? Bakit? Kahawig ko ba ang billionaire boss na 'yun?" Natatawa niyang sabi. Napahinga naman ako. "Madami na n'yang nagsabi saakin iha. Ganon talaga ako kaganda." Tawa niya saakin.

Tumawa din ako. "Opo ahahahaha."

"Anak n'ya nga pala ang kasama mo hindi ba?" Tumango ako sa babae. "So you probably met her. Anong first impression mo sa kaniya?"

"Ahh, mataray po?" Sambit ko. Pinanood ko naman siyang kinukutingting ang aking mga daliri. "But that is just at first. Habang iniisip ko po kasi kung bakit n'ya ako noon sinundo sa room upang ipaayos for something, that probably meant na ayaw n'ya po akong maging isang kahihiyan oras na tumabi ako sa kaniyang anak."

"Bakit naman?"

"Well, Dalton is almost perfect po ate. Sa totoo lamang ay crush ko s'ya, pero hindi ko maamin. Because I think that I am not fitted for him." Makatotohanan kong saad habang pinapanood si Lucy at Alt na masayang nagkukwentuhan. "And about his mom, I think that she had experienced something bad kaya't ganoon ang pakikitungo n'ya sa kaniyang anak. She's afraid that he'll turn out to be like her, kaya't ginagawan n'ya ng paraan through desperate measures upang walang makapanakit sa kaniya. I know of moms and I also know that moms can't hate their child completely. Di'ba po?"

"Right." Pagsangayon saakin ng babae. "Bakit? Masama bang nanay ang nanay ni Dalton?"

"I don't know ate. It's their story to tell and perceive. Pero for me, I think she isn't. Kase pakiramdam ko po ay anxious lang po s'ya sa maaaring kahantungan ng kaniyang anak." Tumango muki saakin si Ate.

"I'm done now. Thank you." Sabi niya at inayos ang mga gamit. I looked at my painted nails. Kulay berde iyon at may disenyong mga bulaklak.

"No manang! Ako po ang dapat magpasalamat!" Masaya kong sambit sa kaniya. Even behind the mask, I can imagine her smiling at me. Tumayo na ito at tumungo sa ibang lugar.

"Done?" Dalton said as he came up to me. I smiled and happily showed him my nails.

"Done!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top