Welcome
13
Chasin everyone. :)
IAN
Tonight is Thursday and the men at our house are all glued to the TV screen. Matthew recommended another Korean drama series and Rome immediately downloaded it. Yun nga lang, episode 1 pa lang sila at hindi ako papayag na mapuyat ang mga bata kakapanuod.
"Papa, dami siya prinsipe." Chasin said, nakaunan sa hita ni Rome habang nanunuod. Lumapit ako sa kanilang apat na tutok pa rin sa TV.
"What happened to his face Pa?" Bryant asked, pointing at the main character's face. May mask nga iyong prinsipe sa bandang mata niya.
"It's called mask baby." Ako na ang sumagot. Bryant faced me before pouting. God, so cute. Masyado kayong kamukha ng ama ninyo, nakakaasar na.
"Why is he wearing that?"
"Because he's shy." Sagot ko. Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Bryant bago humarap sa TV. Natahimik na ito at nanuod na lang muli.
Sumiksik si Neron sa akin bago lumambitin sa aking leeg. He hugged me tight and I rubbed his back. Ilang sandali lamang siyang ganoon noong maramdaman ko ang pagbigat niya.
"Neron's asleep." Anas ko. Ngumiti si Rome bago inginuso iyong dalawa na tulog na rin sa binti niya. Rome lovingly caressed their hair before sighing.
"Yan.."
"Hmmn?"
Tumingin siya sa akin bago binalingang muli ang mga bata. "How long are we going to stay here?" tanong niya. Natigilan ako at hindi agad nakasagot.
"I'm not pressuring you. Kung gusto mong dito na lang tayo habangbuhay, then fine, hindi tayo uuwi—"
"Your family's there Rome." Putol ko sa sasabihin niya. Rome's face saddened but he just shrugged his shoulders. His free hand cupped my face and touched my cheeks.
"My family's here, Ianna. My everything is here." Seryoso niyang sabi. I released the breath I didn't know I was holding back. Rome's thumb brushed my cheeks.
"Surely, I will miss my parents and the twins, but I can handle it. May Skype naman at pwede akong bumisita paminsan minsan. I was just thinking about the kids, you know..they deserve to know our families." Aniya. Ibinaba ko si Neron sa aming mat bago ko kinuha si Chasin. Rome took Bryant and laid our first born too.
"Ian.."
"They're going to meet Mama." Sabi ko. Lumabas ako ng kwarto at dumiretsyo sa sala para hindi makagawa ng ingay. I sat at the sofa and Rome kneeled infront of me.
"A-anong sasabihin ni Mama kapag nakita niya ang mga bata? I'm going to be a disappointment again Rome. And I can afford..to let my children hear that from her. Worst, she's going to call them a disappointment too." Paliwanag ko. My voice broke after saying it. Kinuha ni Rome ang kamay ko at hinalikan iyon.
"I don't want them to experience what I've gone through Rome. Hanggat kaya ko, ilalayo ko ang mga bata sa sakit." Naiiyak ko ng sabi. I stared at Rome and he was looking at me intently. Sa mga panahong ganito ay gusto kong maiinggit sa kanya. Auntie Avvi is a phenomenal mother. Rome is really lucky to have her. Samantalang ako, I never had a mother. I have a woman who carried me for nine months but that's all. Isa lang ang anak na kilala ni Mama.
"I'm here Yan. Kahit na anong mangyari, kahit na anong ibato ng Mama mo sayo, nandoon ako. Sasaluhin ko lahat para sayo, wag ka lang masaktan ulit." Pangako niya. A tear dropped in my eye and he immediately kissed it to erase it.
Pinaglaruan niya ang aking kamay bago huminga ng malalim. "Gusto ko lang magkaroon ng buong pamilya ang mga bata. They have cousins already Ian. Gusto ko sanang lumaki sila na puno ng mga taong mamahalin sila." Aniya. Yumuko lang ako at hindi makasagot. I am afraid.
"I'll always be here for you. Ian, this time, I won't leave you." Pangako niya. Hindi na ako sumagot. Hinila niya ako para mayakap at doon ay napaiyak na lamang ako.
---------------------------
ROME
I can feel her hands shaking while we were walking towards the exit of the airport. She sighed and huffed a lot of times now, I think she is going to faint any moment.
"Ian.."
"Mama! Look!" Chasin said while pointing at an advertisement. The boys clapped while staring at the screen. It showed a scene where I was playing a guitar, kaunting close up bago ako ngumiti.
"That's Papa!" Neron said.
"That's my Papa. He's my Papa." Bryant said, itinuturo ako sa mga taong nadadaanan namin. I smiled at him before carrying him. Si Chasin naman at Neron ay nanatiling nakahawak kay Ian.
"Dude!"
Umalingawngaw ang buong boses ni Matthew sa ginawa niyang pagsigaw. He waved at me before pointing at the placard that was being held by Caius. Napangiwi na lamang ako noong makita ko ang pinsan ko, nakasandal sa bench habang hawak ang karatulang may letrang "R".
"He didn't even write my whole name." I muttered. I felt Ian's fingers tightening around my shoulders and I looked at here.
"Are you alright baby?" I asked her. She looked at me before giving me a half smile. I felt my chest tightening as I stare at her. I know how hard it is for us to go home, but she still did for the kids.
"J-just stay with me please." Pakiusap niya. Sasagot pa sana ako noong lumapit na si Matthew sa akin at agad na kinarga si Neron.
"Shit, saan galing ito Rome?" gulat niyang sabi. Lumapit ang pinsan ko sa amin at nakatingin kay Bryant sa balikat ko.
"D-did you..is this.." Fuck, but my cousin is speechless.
"Papa nag badword siya." Bulong ni Bryant sa akin habang nakaturo kay Matt na nganga pa rin sa aming lima.
"I'll explain on the way home. Tulungan niyo ako sa maleta." Utos ko, pero walang pumansin sa akin. Matt hugged Ian while Caius rubbed her hair. Tumaas ang kilay ko at akma sana silang pagbubuhulin noong kinuha ni Matthew ang bagahe ni Ian at si Caius ang humawak kay Chase at Neron.
I grabbed Ian's hand and we walked towards the waiting car. Ang byahe pauwi ay sobrang ingay dahil sa palitan nila Matthew at ng mga bata tungkol sa mga pinapanood nilang drama.
"Atutti! Eun Tak says atutti to goblin!" Neron said while pulling Caius' hair.
"Aaw, Rome! God!" reklamo ni Cai. Hinayaan ko lamang siya. Sige pa Neron, pull his hair more.
"Uncle, if mermaids in Philippines cry, do they make pearls too?" Bryant asked. Tumawa ng malakas si Matthew bago ipinarada ang sasakyan.
"We don't make mermaids cry here dude." Sagot ni Matthew.
"But when Sim Tung cries may pearls lagi." Reklamo ni Chasin. Bumaba na si Matthew sa kotse at kinarga si Chasin.
Sumunod naman kami nila Ian pero mas nauna si Matthew pumasok sa bahay. Rinig na rinig ko na ang boses ng mga magulang namin sa loob.
"Mama ko! May anak na ako!" sigaw ni Matthew habang tumatakbo papunta sa pool. I just rolled my eyes and ran towards him.
"Matthew Shaw, anong pinagsasabi mo---oh my god! Igoy ko!" Auntie Iris screamed. Lumabas si Uncle I mula sa kusina para puntahan si Auntie na sumisigaw.
"Lolo na si Igoy! Tangina!" sigaw ni Uncle Stan pero tumigil rin noong binato sa kanya ni Uncle Inigo iyong sandok.
Lumapit ako kay Matthew at kinarga si Chasin. Doon ay natahimik na ang mga tao.
"Rome?" I heard Mama's voice. Maging si Papa ay napatayo na at nakatitig na lang sa amin. Bigla ay may yumakap sa binti ko at napuno ang katahimikan ng mga hagikgik.
"Oh god." Mama cried. Napaupo siya sa isa sa mga recliner roon habang naiiyak na.
"Are they.." si Auntie Shana ang nagsalita. Yumakap si Neron sa aking binti bago tumawa.
"Papa they have pool! Pag nag tetclipse po I can..uhm.." Neron lost his words and Bryant jumped in.
"Time travel." Dugtong niya para sa kapatid. Tumawa si Neron bago ngumisi.
Lumapit si Uncle August sa amin bago hinaplos ang pisngi ni Neron. A lone tear dropped from his eyes before he smiled.
"Where's my Ian?" aniya, kinarga si Neron.
"I-I'm here Pa." sabi ni Ian. Kinagat niya ang labi niya dahil sa takot at hindi lumalapit sa amin.
"I know this is quite a shock but please, can you just talk to me when the kids are gone. I don't want them to hear—"
Napatigil si Ianna sa pagsasalita noong biglang lumapit si Auntie Shana rito para yakapin siya. Auntie was shaking so hard before she kissed Ian's hair.
"Welcome home anak."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top