Santorini

2



"Where are you going?" I asked Serise. Nakatayo lamang ako sa gate namin at kausap si Matthew na abalang kumakain ng kanin sa kaldero ni Auntie Iris.


"Kay Lolo, why?" she asked in return. Namulsa ako bago lumapit sa kanya.


"By any chance, alam ba ng lolo mo kung nasaan si Ian?" pangungulit ko pa. Serise rolled her eyes and stared at me. Mukha naman yatang naawa siya kasi nawala na ang pagkamataray sa mata niya.


"Do you really want to know?" anas nito. My breathing hitched and I nodded immediately. Damn.


"Yes!" sabi ko. Serise bit her lip before shaking her hair.


"Huwag mong sasabihin kay Ian na ako ang nagsabi ha?"


"Yes, I promise."


"Fine." Huminga ito ng malalim. Ako naman ang hindi makahinga sa paghihintay. Kahit si Matt ay natigilan sa pagpapak ng tutong sa sinaing at pinanood kami.


"She's in Thailand." Anas nito. Kumunot ang noo ko.


"Thailand?"


"Yup. She spent three years there digging a hole."


"A hole? What?"


"She's digging a hole to China so that she can find the oil reserves of Saudi para mabili niya ang hustisya sa nangyari kay Lucia Joaquin." Aniya. My mouth opened. Is she even serious?


"Dude, who's Lucia Joaquin? Is she hot?" Matthew asked. Umakbay ito sa akin habang nakatitig lang kay Serise. Nakita ko iyong butil ng kanin sa baba niya at inalis ko iyon.


"Yuck." Serise said while looking disgustedly at us. Nasabunutan ko ang buhok ko at lumapit kay Serise.


Tumawa lang si Sese bago sumakay sa kanyang kotse. I just groaned out load. Kailan ba nila sasabihin sa akin kung nasaan si Ian? Just fuck this fucking life!


"Ooh..galit na siya." Biro ni Matthew bago dinampot iyong kaldero. Ngumisi siya sa akin bago itinaas ang kamay para makipag apir.


"Balik na ako. Mapapagalitan na ako ni Mama, hindi pa ako naligo." Paalam niya bago tumakbo pabalik sa bahay nila. Nakita ko nga si Auntie Iris na palabas na at may hawak na kawayan sa kamay.


Napailing na lamang ako. Pagkatapos talaga ng expansion sa Santorini ay hahanapin kong muli si Ianna. Damn, I miss you so much baby.


"Kumpleto na ba lahat?" tanong ni Papa habang pinagliligpit ako ni Mama ng dadalhin ko para sa Santorini. Rielle and Ruan, my siblings, are also busy folding my clothes. Hawak ko naman ang mga papeles para sa gagawing expansion.


"Rome, here is your toothbrush ha? Tapos do not forget to email us always, eat regularly and don't drink beer anymore huh?" paalala ni Mama. Ngumisi lang ako bago tumango.


"Listen to your mother, son." Anas ni Papa bago niyakap ang beywang ni Mama na naiiyak na.


"Bakit kasi you're going to make him go there Ethan?" himutok ni Mama. Papa sighed before kissing Mama's hair.


"Rome's going to manage our hotels soon Avvi. Dapat matuto na siya." Sabi ni Papa. Ngumuso lang si Mama kaya hinalikan na siya ni Papa sa labi. I groaned while looking at them. Yuck.


"Uhm, Papa, ihahatid mo pa po si Kuya, diba?" Rielle reminded Papa. I blew a kiss to my sister and took my luggages.


"Rome, huwag kang mambababae ha? Don't be like Vincent!" anas pa rin ni Mama habang sumasakay na ako sa kotse. Tumango lang ako at lumapit kay Mama.


"Love you Ma." Bulong ko bago ko siya binitiwan. I entered the car and Ruan started it. I waved one last time before my brother drove.


---------------------------

Santorini is colder than I expected. Mabuti na lamang at kahit papaano ay makapal ang pinasuot ni Mama sa akin. One employee took my luggage and brought it to the limo waiting for me.


"Uhm, I'll just have a walk. Give me your number. I'll call you when I want to go back to the hotel." Utos ko doon sa empleyado. He gave me his number at naglakad na ako sa kung saan man ako dalhin ng paanan ko.


Papa wanted to built our hotel in Imerovigli. Maganda ang lugar dahil sikat ito sa mga bakasyunista lalo na sa bagong kasal at mga gustong magkaroon ng prenup videos. Kahit maaraw ay hindi ganoon kainit. Idagdag mo pang napakaganda ng view ng lugar. It looks like ancient Greece but still modern in its own way.


I heard from news that the ruins in Greece were being restored. The architect behind the project was considered to be a genius. Isa rin siya sa mga dahilan kung bakit sa Santorini kami nagpasya ni Papa na humanap ng lugar para sa expansion. If we would be able to persuade that architect to design the hotel, then we are sure as hell that this project would be successful. I just hope we could match his price. He's one of the biggest architects in the world now, the whole world is practically under his feet.


I stopped in a bakery to order a coffee and a bread. Pinili ko iyong parang chocolate crinkles ng baguio.


"What is this called?" I asked the owner. He looked at the bread before going back to me.


"Kourabiedes. Made of sugar, and flour. Many many flour." Anas nito. Tumango lamang ako at nagbayad na. I was about to look for a table when the bell hanging on the door rang. May tatlong batang pumasok sa bakery. The three of them are all wearing a brown jumper and a little blue bag. Napangiti na lamang ako habang pinapanood sila.


"Oh! Bryant! Chasin! Neron!" masayang tawag noong may ari ng bakery. Tumakbo iyong tatlo at lumapit doon sa glass showcase ng mga tinapay.


"Blaynt, money! Money! Money!" sigaw noong isa na may matabang pisngi. Ngumuso iyong tinawag nitong Blaynt bago kinuha sa bulsa nito ang pera.


"Your mother is not looking for you?" tanong noong may ari. Sinubo noong may matabang pisngi ang daliri niya. He looked so cute I just want to crush those cheeks.


"Mama told us to buy bread for breakfast." Sagot noong batang may hawak ng pera. Tumalon iyong may matabang pisngi bago tumawa.


"She asked us to buy bread."


"Blead! We will buy blead!" sabat noong pinakamaliit yata sa kanila. Tumawa iyong may ari kaya natawa na rin ako.


Lumapit ako sa kanilang dalawa. "It's bread young man." Sabi. Humarap sa akin iyong bata bago ako tinitigan. I was met by a pair of pale green eyes. Kumunot ang noo nito bago pumunta sa mga kapatid niya.


"Neron doesn't have a 'r'" sabi noong mataba iyong pisngi.


"He's Neron?" tanong ko. Tumango iyong mataba ang pisngi.


"He's Neron. I am Chasin. He's Bryant." Pakilala niya. Iyong Bryant ay tiningnan lang ako bago humarap ulit doon sa may ari ng bakery. I looked at Chasin's eyes and noticed that it was green too. Mas malalim nga lang ang pagkaberde pero may bahagyang halo ng kulay abo.


Chasin smiled at me and a small dimple showed. Nawala ang ngiti ko noong maalala ko iyong dimple rin ni Ianna.


"Bryant doesn't like you." Tumatawa nitong sabi. Kinuha lamang noong Bryant ang sukli pati na ang binili nila. Tatlong maliliit na brown bag iyon. Inabot niya sa mga kapatid niya ang mga binili.


"Let's go." Tawag noong si Bryant. Lumapit sa kanya si Chasin at humawak sa kamay nito. Naiwan naman sa akin si Neron na nakatingin lamang sa akin.


Lumapit ito sa akin, iyong kamay niya ay inilagay niya sa aking pisngi. Sudden warmth flooded me as the child touches my cheek. I smiled at him while he looks at me.


"Blaynt! Look!" sigaw nito. Lumingon ulit iyong dalawang bata sa amin.


"His eyes..it gleen too!" sigaw nito. Lumapit iyong dalawa sa amin.


"Green, not gleen." Pagtatama ni Bryant. He stared at me and I realized that his brother is right. Among the three of them, Bryant's eyes are the deepest shade of green.


Ngumuso lamang si Bryant bago kinuha ang kamay ni Neron. "Let's go. Mama's waiting for us." Anas nito at hinila na ang kapatid nito. Neron waved one last time before the three of them went out. Sinilip ko silang muli at nakitang may sumundo sa kanilang isang matangkad na nerd.


I sighed before I went out too. Sinundan ko ang tatlo hanggang sa makarating kami sa parke. I saw the three of them running away from a nerd before jumping on the back of a blonde woman who was busy painting. Narinig ko ang mga halakhak nila at hindi ko napigilan na lapitan sila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top