N
14
Nanigas ang katawan ko noong mayakap ako ni Mama. Muntik ko pa nga siyang maitulak dahil akala ko ay sasampalin niya ako sa ginawa niyang paglapit. My eyes were shaking and I immediately looked for Rome. Noong makita ko siyang nakatayo at may malawak na ngiti na pinapanood kami ay doon lang ako nakalma.
God, akala ko sasaktan ako ni Mama.
Lumapit sa amin si Papa na dala dala si Neron.
"Yo Prinsesa." Bati ni Papa, may luha pa sa gilid ng mga mata niya. Bumitaw si Mama sa akin at ako naman ang yumakap kay Papa.
"I'm glad you're home. Akala ko kailangan ko munang mamatay bago ka umuwi." Aniya. Suminghot ako bago ko hinampas ang balikat niya.
"Papa naman!"
"Augustine!" sabay naming angal ni Mama. Ngumiti lang si Papa, iyong pamoso niyang dimple ay lumitaw na naman. He playfully pinched my cheeks before looking back at Neron.
"So, who is the oldest?" tanong niya. Sasagot na sana ako noong lumapit si Uncle Ethan na buhat na si Chasin.
"Sa loob na lang tayo mag usap usap Ian. Mukhang mahabang kwento ito at hindi na kaya ng tuhod ni August kung nakatayo tayo ng matagal habang nagpapaliwanag ka." Biro ni Uncle. Nawala ang ngiti ni Papa at sinimangutan si Uncle E.
"Yabang. Mas matanda ka sa akin uy." Angal ni Papa habang pumapasok sa bahay. Nauna ang mga matatanda habang si Rome ay dumikit sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at marahan iyong pinisil.
"Are you okay?" bulong niya. Tumango ako at bumuntong hininga.
Yeah. So far so good Ian.
Noong makapasok kami ay agad na nanggulo ang mga bata. Naroong umakyat si Bryant sa piano ni Illea sa ilalim ng hagdan habang si Chasin ay tumalon talon sa sofa. Si Neron naman ay nanghila ng mga album ni Papa sa shelve para lamang maitapon lahat sa sahig.
Napatayo ako at hindi alam kung sino ang uunahing bawalin. Gosh, maarte pa naman si Mama sa bahay!
"Neron!" tawag ko sa aking anak na pinipilit linisin ang kalat niya pero mas lalo lamang nakakagulo.
"Ian, sit down iha." Tawag ni Uncle E sa akin, Nilingon ko lang sila. Hindi ko alam kung maiiwanan ko ang mga bata.
"Come Ian. Sit down. August will clean up later. Gosh, I remember nung si Rome yung ganyang age, he threw flour all over our living room. Ang tagal nag clean ni Vincent nun." Natatawang sabi ni Auntie Avvi. I heard Rome groaned.
"Ma naman. Ian's here." Reklamo nito. Tumawa si Auntie Avvi habang nakatitig lamang sa mga bata.
"Uhm.." shit, anong pwedeng sabihin? Umupo na lamang ako sa tabi ni Rome para hintayin ang mga magulang namin na may sabihin.
"T-this is quite a shock. The more that I stare at them, the more that they seem real." Anas ni Auntie. Tumawa si Uncle bago hinalikan ang buhok nito.
"They are real baby. We have grandkids already." Aniya. Napangiti si Auntie Avvi bago bumaling sa akin.
"Tell me everything that we need to know about them! And oh! I'm going to borrow them later, sa bahay sila matutulog ha?"
"Wait lang Ate. Dito matutulog ang mga bata." Sabat ni Mama. Napaawang ang bibig ko. Si Mama naman ay napatayo na. handa sa pakikipag laban.
"Ma—"
"Shana naman. We'll take the kids. Bakit hindi muna si Ian ang asikasuhin mo. Have a heart to heart talk to your daughter. Magpaka mother ka muna. Ako ng bahalang maging granny first." Prangkang sabi ni auntie. Natigilan kaming lahat habang si Auntie ay tumayo na at kinuha si Bryant.
"Yes?" tanong ni auntie na para bang walang kahit na anong nasabi. Si Rome naman ay napabuntong hininga na lang.
"Sorry about Mama." Bulong niya. Ngumiti lamang ako at pinisil ang kamay niyang nasa hita ko.
"Ahjumma!" sigaw ni Neron habang tumatakbo na nakaturo kay Auntie Avvi. Tumalon talon pa ito habang nagpapakarga din kay auntie.
"Are you here to give us candies?" si Chasin naman ang nagtanong. Sinubo ni Bryant ang daliri niya at tinitigan si Auntie.
"Are you a witch? You laugh like a witch." Inosenteng sabi ng panganay ko. Napanganga ako at agad na tumayo.
"Alessandro Bryant! That's bad." Anas ko at kinarga na ito. Tumawa lang si auntie bago bumalik kay Uncle E.
"They're smart. How old are they again?" tanong ni Uncle.
"They just turned three last week Pa."
"Three? So, don't tell me papaabutin pa ninyo ang fourth birthday ng mga bata bago kayo maikasal?" dagdag ni Uncle. Napahinto ako bago ako natawa.
"W-we're not going to get married Uncle." Sagot ko. Kumunot ang noo ni Rome habang nakatingin sa akin.
"Ano? Pero lumalaki na ang mga bata."
"Ian, the kids deserve a family." Si Papa ang nagsalita. Tiningnan ko si Rome na dumilim ang mukha.
"We'll give them family. Pero ang ika—"
"Actually, we haven't talked about it yet. We're taking things slow." Si Rome ang sumagot. Umigting ang panga niya at para bang may nasabi kami na hindi niya nagustuhan base sa ekspresyon ng mukha niya.
"Pero sana sa lalong madaling panahon na. Hindi na kayo bumabata." Si Mama ang nagsalita. Sumikip ang dibdib ko habang nag uusap sila na para bang wala ako roon. Na para bang desisyon lang nila ito at hindi buhay ko ang maapektuhan!
"Wait." Anas ko. Walang pumansin sa akin.
"Maganda kung church wedding. Lahat ng AEGGIS sa simbahan kinasal." Si Papa ang nagsalita. Ibinaba ko si Bryant bago lumapit sa mga magulang namin.
"Oh! I have a gay friend! He's a famous designer, sa kanya tayo magpapagawa ng gown." Excited na sabi ni auntie. Hinarap ko si Rome na tahimik lamang na nakikinig.
"Church wedding then—"
"No one's getting married!" sigaw ko bigla. Natigilan ang mga magulang namin. Maging ako ay nagulat rin sa ginawa kong pagsigaw. Si Rome naman ay tahimik lamang na nakatingin sa akin.
Sa sobrang pagkapahiya ko ay tumalikod ako at lumabas. Ramdam ko ang hakbang ni Rome sa likuran ko. Pinigilan niya ang isang braso ko at hinarap ako sa kanya.
"Y-you don't want to marry me?" may hinanakit niyang sabi. Nanlaki ang mata ko bago siya tinulak.
"Rome please."
"Why? Akala ko ba ayos na tayo?" tanong niya. Niyakap ko ang sarili ko bago umiling. Nag iwas ako ng tingin para hindi ko salubingin ang titig niyang mapangakusa pero sa bawat bagsak ng mga mata ko sa dati naming bahay ay naalala ko lahat lahat.
Naramdaman ko ang panginginig ko. I'm scared. Marriage is something permanent. Marriage would create connections. At anon a lamang mangyayari kapag mapapakli iyon? Hindi ba't ako lang ang masasaktan sa huli? Worse, madadamay ang mga bata.
I don't want to be attached anymore. God, I can't take the pain once more.
"We can just stay like this. Diba sabi mo, we're going to take things slow?" utas ko. Rome glared at me. Sinabunutan niya ang buhok niya bago ako tinalikuran.
"We're going to take things slow, yes Ian! But not marrying you is not taking it slow! It's giving up! Damn it!" sigaw niya. Napasiksik ako sa pader sa galit niya.
"A-ayoko ng masaktan." Mahina kong sabi. I'm scared. Hindi ko na kaya.
Tinitigan ako ni Rome na para bang may dalawa na akong ulo. His shoulders slouched before he shook his head.
"How many times do I have to tell you, masasaktan at masasaktan tayo Yan! We cannot escape pain! Fuck it but that's life!" aniya. Napapikit na lamang ako.
"That's life Ianna. Learn to accept that and grow up." Aniya bago tumalikod at iniwan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top