M

5


I swigged my third bottle of beer before cursing everything in this world inside my head. It hurts. Damn it, ganito ba kasakit noong siya ang sinaktan ko? Even breathing is hard now. Hindi ko na alam ang dapat kong isipin. Walang lumipas na sandali ngayon na hindi ko siya naiisip kasama iyong doktor niyang boyfriend.


Do they kiss each other? Does she hug him the way she hugged me before? Did she say she loves him too? Tangina! I can't even bear to think about it.


Hindi ako naghintay ng tatlong taon para lang sa wala! Hindi ako nagpagamot para lang sa wala! Hindi ko binalikan lahat ng tinakbuhan ko buong buhay ko para lang sa wala! I did everything that I can just to have her again, to be deserving of her again!


Sa gigil ko ay naibato ko sa pader ang bote ng beer na hawak ko. The sound of the glass shattering on the wall met the bloody dark night. I took some jagged pieces of the glass and clenched my fist until it bled. Nanginginig na ang kamay ko pero hindi ko pa rin binibitawan ang mga bubog.


"Rome!"


Narinig ko ang yapak ng mga magulang ko bago ang kamay ni Papa sa aking balikat. Mama's eyes widened when she saw my bloody hands.


"Oh god, son." She almost cried. Noong makita ni Papa na paiyak na si Mama ay humigpit ang hawak niya sa akin.


"Avvi, baby, can you get the medical kit?" anas ni Papa. Mabilis na tumalima si Mama bago pumasok sa loob. Noong wala na siya ay doon bumigay ang aking tuhod. Bumagsak muli ako sa buhangin bago ilang beses na huminga ng malalim.


"Rome.."


"You never informed me it would be this fucking painful Pa." anas ko. Pumiyok ang boses ko sa dulo. I felt the wetness escaped my eyes. Hindi na ako nag abala pang punasan iyon. Wala na rin namang magbabago.


"Did..did you hurt like this..when Mama almost gave up on you?" I asked him. Mapait ang ngiti niya bago sinimulang pulutin ang mga bubog.


"It feels like dying right?" utas niya. Kinagat ko ang labi ko bago nagkibit balikat.


"She thanked me Pa. Before she left, she promised me that she'll forget me. At kapag nangyari iyon ay magpapasalamat siya. Nagpasalamat na siya kaya ibig sabihin ay nakalimutan na niya ako." sumbong ko. My hands are shaking tremendously. I don't want my father to see me cry but I can't hold it in. It feels like death and hell combined. It even hurts to just simply breathe.


"Alam ko naman Pa, na ako talaga yung mali noon. Kasalanan ko lahat. And it pains me more to know that. Kahit na sinaktan ko siya, hindi siya galit. Wala na talaga siyang nararamdaman para sa akin."


"You've hurt her big time Rome. Ang daming nawala sa kanya noong pinili ka niyang mahalin." Anas ni Papa. I watched the blood in my hands dripping slowly until it painted the sand red.


"People who went through so much pain change Rome. Not because they want to forget or because they want to move on. It's because they are afraid to go through the same shit over again."


'Tell me his name

I want to know

The way he looks

And where you go

I need to see his face

I need to understand

Why you and I came to an end'


"I'm not going to hurt her again—"


"How could you be so sure, son? I said the same thing to Avvi and we've been married for years now. Pero kahit na anong gawin ko, nasasaktan ko pa rin ang Mama mo. It's life Rome." Aniya. Hindi na ako sumagot at hinayaan si Papa sa tabi ko. Hinawakan niya ang aking balikat at inakbayan ako.


"If it is perfect, then it is not real. But if it is real, then it is not perfect."


Dumating na si Mama dala dala iyong kit na pinakuha ni Papa. Dumiretsyo kami sa sala at si Mama na ang mismong gumamot sa akin. Habang pinupunasan niya ang dugo sa kamay ko ay humihikbi siya.


"Ma please.."


Kumuha siya ng panibagong tela para punasan muli ang dugo. "Kung pwede lang, I would trade everything that I have para lang you could be children again. Atleast by then, the only thing that can make you cry is a lost toy."


"Baby." Papa called. Kinagat ni Mama ang labi niya at kinuha na ang betadine.


'Tell me the words I never said

Show me the tears you never shed

Give me the touch

That one you promised to be mine

Or has it vanished for all time'


"Hindi mo pa kasi naiintindihan kasi you don't have kids yet. But Rome, once you become a father you will know how painful it is to see your child hurting and you can't do anything about it." Naiinis na sabi ni Mama. Kumuha na siya ng benda at inilagay iyon sa kamao ko.


Mama caressed my cheeks. "I did not carry you for nine months just to hurt like this." Aniya sabay tulo ng isang luha. I smiled at her before shrugging.


"I love you Mama." Bulong ko. Niyakap ako ni Mama at tuluyan ng umiyak sa aking balikat.


'I'd give away my soul

To hold you once again
And never let this promise end  '

--------------------------------

Inililigpit ko na ang gamit ko noong may mararahang katok ang narinig ko mula sa aking pintuan. Tumigil muna ako sa panunupi ng mga damit at binuksan ko iyon.


"Yes.." nabitin ang sasabihin ko noong makita ko si Mama na nakatayo roon. It's been four days since I came home and this is the first time that I saw her.


Dumako iyong tingin ni Mama sa maleta ko bago huminga ng malalim.


"Aalis ka na naman...anak?" malungkot niyang sabi. Niluwangan ko ang pagkakabukas para makapasok siya ng tuluyan.


"Isang linggo lang po ang paalam ko sa trabaho Ma---"


"I could pay your company. Breach your contract and I'll pay for the damages—"


"Ma!" medyo mataas ang boses kong sabi. Nabigla si Mama at natigilan. Agad naman akong naguilty ngunit hindi ko na lamang iyon ininda.


Magmula noong umalis ako ay nangako ako sa sarili kahit kailan ay hindi na ako papakontrol sa mga salita ni Mama. Magmula noong umalis ako ay hindi ko na papakinggan kahit na ano, masakit man o hindi, na manggaling sa kanya.


"Nandoon lahat ng mahalaga sa akin Ma. Ang pamilya ko, trabaho ko, mga kaibigan ko. Umuwi lang naman ako dito dahil kay Lolo. Isa pa, wala naman akong sapat na rason para manatili dito." Paliwanag ko. I saw how hurt my mother is but I couldn't feel anything anymore. Siguro sa napakahabang taon na pagpupumilit ko sa kanya ay napagod na ako. My heart is not functioning for her anymore.


"Paano kami Ianna?" naiiyak na niyang sabi. Umiling ako at nagpatuloy sa pagututupi.


"Alam mo ba noong umuwi ka ay hindi ako makalapit sayo. Nahihiya ako, sayo, kay Augustine, sa mga magulang ko, dahil hindi ako naging mabuting ina sayo." Aniya. Inilagay ko ang blouse ko sa maleta at kinuha ang aking pantalon para matupi.


She opened her mouth to speak but covered it instead. Napahinto ako noong makita ko ang pagpatak ng luha mula sa kanya.


"Naging matigas ako, dahil akala ko mas makakabuti sayo ang ganoon. I was focused with Illea because she reminds me so much of myself. And you're too strong Ian, you're not fragile like your sister, I thought.. I assumed you didn't need me.."


Mapait akong ngumiti. Ngayong ina na rin ako ay may natutunan ako.


"Every child needs a mother Ma. I needed you, I needed you so much back then but your turned your back on me. Of all people, ikaw pa na nanay ko." Anas ko. I kept my face straight. Walang halong panunumbat ang sinabi ko. I was just stating a fact.


She was really hurt with what I said. Kitang kita ko iyon. I sighed in frustration before sitting in my bed.


"Isang taon pagkatapos kong umalis, habang nag aaral ako ay wala akong naging kaibigan kahit isa Ma. My professors noticed it and they had me checked. I was diagnosed with trust issues Ma. I have this irrational fear that everyone around me will abandon me the same way you did. Sobra akong natakot Ma. My fear bordered to social phobia."


"I was afraid to make any mistakes, to get attached with someone who would leave me until the end. Sarili ko ngang pamilya iniwan ako eh, paano pa kaya yung ibang tao lang hindi ba? So I decided to shut my heart Ma, because it's easier that way."


"Anak, I'm so sorry." Mama cried. Lumapit siya sa akin at kinuha ang aking kamay.


"I didn't mean to hurt you.." aniya. Tumango lamang ako.


"But you did Ma. And somehow alam kong sinaktan rin kita. Sinaktan ko rin si Illea. Kung meron mang tao rito na may pinakamalaking kasalanan, ako yun Ma. Kasi mas inuna ko ang puso ko bago ang pamilya ko.."


"No..no anak, no."


"That's why I promised myself I won't make mistakes anymore. Dahil ayaw ko ng masaktan, ayaw ko ng makapanakit. Ayaw ko ng iwan ako at talikuran dahil sa pagkakamali ko Ma."


"I'm not going to do that again anak. I won't hurt you Ianna." Pangako niya. Malungkot lamang ang naging ngiti ko bago umiling.


"I know Ma. Talagang hindi na tayo magkakasakitan kung malayo na ako." anas ko bago tumayo. Nanatili si Mama sa kama at umiiyak. Hindi na ako nagsalita at lumabas na ng kwarto.


Dumiretsyo ako sa pool para ibabad ang aking paa noong lumapit sa akin si Ate Serise. Umupo rin siya sa aking tabi bago ako inabutan ng mango shake.


"I saw Auntie Shana entering your room. Nag usap na kayo?"


Tango lamang ang aking naging sagot.


"Lolo's last will will be read tomorrow. Sigurado ka bang hindi mo na mahihintay iyon?"


"Hindi naman ako kasama sa last will ni Lolo." Sagot ko. It was my request. Noong huling bisita ni Lolo ay sinabi niyang sa akin niya ipapamana ang construction company ng mga Montreal ngunit tumanggi ako. Thirty seven percent ng lahat ng yaman ng pamilya namin ay galing sa kumpanya na iyon. The rest are all divided to different conglomerates na si Ate Serise naman ang magpapatakbo. But still, the fact remains that our family's fortune strongly depends on that business.


Ayaw ni Lolo na mapilitan akong bumalik ng dahil lang sa kanya kaya minabuti niyang tanungin ako kung gusto ko bang manahin iyon. I immediately answered no. Hindi na ako babalik dito, hindi ko iuuwi ang mga bata dito, para lamang pamunuan ang isang kumpanya na maghihintay na magkamali ako.


"I want to go home Serise.." bulong ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ng pinsan ko bago tumawa ng pagak.


"It pains me to hear that you do not consider this place your home. I'm still here Ian." She said. Tumango lamang ako. But Serise, unlike me, you have a very loving family with you. Your brothers practically adore you. Your parents love you so much. You have everything here. I have nothing.


"Ito ang kinatatakutan namin ni Lolo.."


Nilingon ko siya. "Ang alin?"


"That you would shut people out because you are afraid to get hurt again." Seryoso niyang sabi. Natawa lamang ako at nagkibit balikat.


Tumayo na ako at niyakap si Serise sa kanyang likuran. "Thank you for everything Serise. But I just can't stay here anymore. I'm sorry." Bulong ko. Tinapik lamang niya ang braso ko bago tumango.


"I love you bitch." Aniya. I hugged her tighter.


"I love you too."


Kinabukasan, noong tulog na ang lahat ay tahimik kaming umalis ni Ahren. Serise made us use Lolo's private jet to go back to Greece. Ayaw niyang magpabook kami ng flight dahil baka matunton kami. Atleast, kapag piloto ni Lolo ay hindi ito magsasabi na sa Greece kami dinala.


Noong nagsimulang umangat ang jet ay muli kong nilingon ang baba. I breathe hard and closed my eyes. Sa pangalawang pagkakataon ay umalis na naman ako. Iniwan ko na naman sila.


Naniniwala akong ang pag alis ko ang tanging paraan para hindi na ako makasakit at masaktang muli. Maybe it is meant to be this way. We are only fated to meet each other once and to spend the rest of our lives separately.


'I let you go

I let you fly

Now that I know I'm asking why

I let you go

Now that I found

A way to keep somehow

More than a broken vow'


Atleast we all had our happy endings. Separately.


-----------------------------

Song Used:

Broken Vow - Harrison Craig version

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top