All

17


ROME


"That's a wrap!" sigaw ni Auntie Ria bago personal na kinausap ang manager namin. I took my bottle of water to drink. Serise went to Noah and the gago immediately wrapped his arm around Sese bear.


"May car ka Illea? Gusto mo bang sumabay sa amin?" Sese asked. Illea's eyes darted from Noah's arms to Sese's face.


"No. Kay Matthew na lang ako sasabay." Aniya. Huminto si Matt sa pagsisintas ng sapatos niya bago umiling.


"May dadaanan pa ako Ea. Mamaya pa ako uuwi. Kay Cai ka na lang sumabay---"


"I'll visit Tiffany. Sorry." Sagot ng pinsan ko. Tumikhim si Noah bago binalingan si Illea na hindi alam kung kanino sasabay.


"Su—"


"Sumabay ka na sa akin Illea." Alok ko. Tumango lamang si Illea at kinuha ang kanyang bag na nasa gilid lamang bago naglakad papunta sa akin.


"Really Rome?" inis na sabi ni Se bago hinila si Noah paalis ng stage. What the hell? Nag walk out si Serise habang tangay tangay si Noah.


"Magta taxi na lang ako Rome." Anas ni Illea. I just stared at her. She changed a lot. Gone are the innocent clothes, the innocent spark in her eyes, the curls in her hair.


Kinamot ko ang aking batok. "No worries. Gusto ko rin sanang...makausap ka." Anas ko. Kumunot ang noo ni Illea bago atubiling tumango.


Habang naglalakad kami papunta sa aking kotse ay tahimik lamang si Illea. Ako naman ay nag iisip na ng mga dapat sabihin. I haven't apologized to her, I mean, I said sorry before pero alam kong hindi niya iyon tinanggap. Gusto kong ayusin ang relasyon naming dalawa, pagkatapos ay aayusin ko ang relasyon niya kay Ian. I'm going to fix everything I ruined so I can heal Ianna.


Binuksan niya ang pinto at pumasok sa passenger's seat bago ako pumunta sa driver's seat. Noong nasa kotse na ako ay doon ko nakita ang titig niya sa family picture namin ni Ianna. Kuha iyon sa Greece, sa may bakery kung saan ko unang nakita ang mga anak ko.


I saw how Illea's face hardened while looking at the picture. Iilang beses siyang kumurap para itago ang sakit sa mata niya but she failed. Illea is the most transparent person that I knew. Hindi siya katulad ni Serise na kayang itago ang nararamdaman. With Illea, what you see is what you get.


"Anak ninyo?" aniya. Tumango ako.


Bigla siyang tumawa ng pagak. "Bullshit Rome." Mura niya. Napapikit ako sa talim ng dalawang salitang iyon. Iilang beses siyang huminga ng malalim na para bang nagpipigil lang.


"Your sister is my everything Illea---"


"Then why?! Kung mahal mo ang kapatid ko, bakit nakipagrelasyon ka pa sa akin?" gigil niyang sabi. Napahinto ako bago ako umiling.


Nag iwas siya ng tingin at muling binalingan ang litrato ng mga bata. She bit her lip and sob softly.


"Ayaw kong maging madamot Rome. Paulit ulit sinasabi ni Mama sa akin that I am blessed with everything so I don't have any rights to be selfish. Pero masyado yata akong naging mabait, up to the point na ginago ninyo ako." akusa niya. Humarap ako sa kanya. Inabot ko ang kanyang kamay bago ko siya tiningnan.


"I'm sorry. I'm really, really sorry Illea. Sa lahat ng nagawa ko. I'm sorry that I was a jerk. I'm sorry for hurting you." Buong puso kong sabi. Hinila niya ang kanyang kamay bago huminga ng malalim. Sumandal siya sa upuan at pumikit na lamang roon.


"I just want to make things right for Ianna, for you too Illea. Aakuin ko na lahat ng kasalanan. Gusto ko ng maging masaya ang kapatid mo." Anas ko. Hindi na sumagot si Illea. Tahimik lamang siyang bumaling sa bintana at pinaandar ko na ang sasakyan.


Walang salita ang namagitan sa aming dalawa sa biyahe pauwi. Ilang beses kong sinulyapan si Illea sa kanyang upuan ngunit nanatlli lamang siyang nakapikit. I know she doesn't want any conversation anymore. I know nothing that I would say would make things less painful for her but I just have to try. Hanggat nasasaktan si Illea ay hindi magiging totoong masaya ang magkapatid.


Noong makarating kami sa amin ay agad lamang siyang bumaba ng sasakyan. She waved at me and gave me the sweetest smile she could afford to give.


"Thank you for the ride." Aniya bago pumasok sa kanilang bahay. Tumango lamang ako at dumiretsyo na rin sa amin.


Noong maisara ko ang pintuan ay doon lamang ako napabuntong hininga. Where should I start? How can I even fix this? Damn.


----------------------------------

IANNA


"Let's eat." Tawag ni Papa mula sa kusina. I went out of my room but stopped on my tracks when Illea went out of hers too. Magkatapat ang pintuan naming dalawa at sabay kaming lumabas.


Tiningnan lamang niya ako bago tahimik na bumaba. Sumunod lamang din ako sa kanya, kinakabahan sa kanyang presensiya.


Tonight, my parents invited the whole AEGGIS and their family for dinner. Noong makababa kami ay naroon na ang lahat. My nieces were playing with my children on the mini playground habang iyong matatanda ay nakapaligid sa bonfire na ginawa ni Papa. It has been a family tradition na kailangang laging may bonfire ang pamilya kapag may ganitong get together.


Noong makita ako ni Rome ay atubili siyang ngumiti sa akin. He opened his arms for me. Lalapit na sana ako noong maisip ko ang kapatid kong nasa paligid lamang.


Why do I feel like I am still cheating? Shit, Ian, stop please.


Hinawakan ni Rome ang aking kamay bago ako inilapit sa kanyang katawan. I stiffened from his touch but he kissed my hair.


"it's alright baby." Aniya na para bang naiintindihan niya ako. The heaviness in my chest lifted and I just nodded.


"Rome..about what happened the other day—"


Tumango lamang siya. "Let's talk about it later. Kapag tayong dalawa na lang." aniya. I just nodded and chanced a glance to my sister. Tahimik lamang siyang umupo sa tabi ni Matthew na naglalaro lamang ng phone. She was silently looking at the fire, the shadows of the flames encasing her face's own shadows.


"Noah, stop!" Serise giggled from the corner. Noah laughed so loud before trying to braid Serise's hair.


"Ano ba! Hindi ka naman marunong!"


"Marunong ako love. Malikot ka lang." Noah answered. Napailing na lang ang pinsan ko at hinayaan si Noah sa pagkalikot sa buhok niya. Nilingon ko ulit ang kapatid kong titig na titig kay Serise at Noah.


"Food's ready!" anunsyo ni Uncle Greg. Tumayo na kaming lahat para kumain. Kukunin ko na sana ang mga anak ko noong naunahan ako ng kanilang mga lolo. Hinila na lamang ako ni Rome bago siya ngumisi.


"What do you want to eat, baby?" tanong niya. Nagkibit balikat ako.


"Ikaw bahala." Mahina kong sabi. Suminghap siya.


"Ako? You want to eat me?" natatawa niyang sinabi. Hinampas ko lamang ang braso niya sa kapilyuhan niya.


"Rome Falcon!" I hissed. He just laughed before fixing a food for me. Umupo ako sa tabi ni Serise at tumabi naman sa akin si Rome. Maya maya lamang ay maingay ng kumakain ang buong pamilya. Si Rome ay kulang na lang na subuan ako.


"Come on, eat this." Aniya. Umiling na lamang ako dahil busog na busog na ako.


"Illea, kamusta pala iyong nomination mo para sa Music Awards? The press were asking already." Tanong ni Auntie Leria. Napahinto ako sa pagnguya sa narinig ko.


"Wala pa po akong balita. But according to the fanpage, we were ahead for about twelve percent sa online ratings." Sagot ng kapatid ko. Lumawak ang ngiti ni Mama sa narinig bago hinaplos ang braso ng Papa ko.


"That's great." Sabi ni Mama. Huminga ako ng malalim. I closed my eyes tightly. Why does this scene look so damn familiar?


"Thank you Ma. Anything for you." Illea said. I felt Rome's hand on mine. Noong tumingala ako ay binigyan niya ako ng ngiti.


"Baby." Aniya. I smiled a little.


"I'll do everything just to make you proud Ma. Alam mo na, I need to compensate lalo na at maraming...may pagkukulang." Dahan dahang sabi ni Illea. Napalingon ako sa kapatid kong tahimik lamang na naghihimay ng inihaw na bangus.


Nawala ang ngiti ni Mama sa narinig. "Illea, anak."


Illea popped the bangus in her mouth before she stared at me. She smirked a little bit before looking at Mama.


"I need to become an achiever Ma because your other daughter is..uhm.." tumigil si Illea na para bang naghahanap siya ng ibang dapat na salita.


Narinig ko ang marahas na pagbagsak ni Ate Serise ng kanyang baso sa mesa.


"May problema ka ba Illea?" anas niya. Tumaas ang kilay ng pinsan ko habang gigil na gigil na nakatitig kay Illea.


"What if I say yes Serise, what will you do? You're going to post it on your IG?" paglaban ng kapatid ko.


"Illea!" bawal ni Mama. Natahimik na ang buong mesa sa sagutan nilang dalawa.


Humigpit ang hawak ni Rome sa akin habang ako ay halos hindi na makahinga.


"Totoo naman yung sinasabi ko ah. I needed to become an achiever because Mama is always disappointed with Ian!" sigaw niya. Mabilis ang naging kilos ni Ate Serise. Agad niyang nahawakan ang basao sa kanyang tabi at ibinuhos iyon kay Illea.


"You bitch! Wala kang alam!"


"Wala ka ring alam! Wala kayong alam lahat! Wala kayong alam kung ano yung isinuko ko para sa inyong dalawa!" Illea shouted back. Tumayo si Noah para pigilan si Serise habang ako ay tigagal lamang sa aking upuan.


"Illea sit down."


"No, let them Shana." Matigas na sabi ni Uncle Stanley. Matiim ang titig niya sa aming tatlo.


"You hypocrite uod! Nakakadiri ka! My gosh!" my cousin shouted. Tumawa lang si Illea bago ako tinitigan.


"Illea please, tama na." halos magmakaawa na ako. Hindi ko na napansin ang tahimik na pag alis ni Caius at Matthew kasama ang mga bata. Naiwan na lamang kaming matatanda sa hardin.


"Sinalo ko lahat para sayo Ian, alam mo ba iyon? I tried archery kasi ayaw ko na ikaw yung pilitin ni Mama. I know you loved painting so much and doon magiging proud si Mama sayo kaya hinayaan kita. Ako na lang ang nag aral noon para hindi ikaw ang mapressure." Panimula niya. Tumawa si Serise sa tabi ko.


"And so? Gusto mong magpasalamat si Ian sayo? Damn it! Desisyon mo ang archery! Hindi utang na loob ni Ian sayo yun! God, baka masampal ka ng manicured fingers ko!"


"Serise!" pagpigil ko. Tumayo na ako at hinawakan ang braso niya. Tiningnan ko si Illea na nakatitig sa aming dalawa.


"I tried to become the perfect daughter. I lost myself Ian, because I don't want you to lose yourself. Sabi ko sa sarili ko, ayos lang. Para naman sayo, para naman sa kapatid ko."


"And yet you..cheated..." bulong niya. Namula ang mata niya habang humihinga ng malalim. Nameywang lamang siya at tumingala.


"Binitiwan ko lahat..lahat ng mahal ko para sa inyong dalawa. Kasi hindi ko na alam kung ano bang dapat gawin para mapalapit sa inyo. Wala naman akong ginagawa pero ayaw ninyo sa akin. Nagsakripisyo ako para sa inyong dalawa. But what did I get? Nothing."


She smiled sadly. Tumulo iyong luha niya habang ngumingiti. "Bakit kailangang lagi na lang ako?"


"Kasi pabebe ka!" sabat ni Ate Serise. Hinila siya ni Noah at niyakap. Pain flashed from my sister's eyes then.


"Maybe." Sagot ng kapatid ko. Nagkibit balikat siya bago malungkot na ngumiti.


"I'm not going to sacrifice anymore. Tama na. Ako naman ngayon." Anas niya. Walang paalam na umalis siya sa hardin at lumabas ng gate.


"No." narinig kong sabi ng pinsan ko. Nilingon ko sila at nakita ko si Noah na nakatingin sa papaalis na si Illea.


"Hindi mo siya susundan."


Umiling si Noah. "I'm sorry Se." aniya bago binitiwan ang pinsan ko para habulin ang kapatid ko.


Napaupo na lamang ako sa panghihina. Tahimik na ang lahat. Tanging ang mga mura ni Serise ang naririnig naming dalawa.


"We fucked up, didn't we, Kuya?" anas ni Mama. Tiningnan lamang siya ni Uncle bago tumango.


Yeah. We all fucked up. Lahat kami ay may kasalanan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top