9


The boys are all sleeping already. Pagod na pagod sila sa kakalaro kasama si Rome kaya maaga rin silang naknock out. Hindi ko na nga sila mapigilan dahil umiiyak sila kapag pinapatigil ko na silang maglaro. And Rome would be the perpetual sunud sunuran na father. I can't blame him though. Ninakaw ko ang dalawang taon na dapat ay kasama niya ang mga anak namin.


I also pity my boys. Alam kong hindi pa nila naiintindihan ang kakulangan ng pamilya namin pero darating ang araw na maghahanap sila ng ama. Noong bata pa sila ay sapat na ako sa kanila, pero habang lumalaki sila, they long for that father figure so much.


I sighed deeply. Natatakot na akong magtiwala ulit. Ayoko ng magmahal dahil ayaw ko ng pagdaanan ulit ang nangyari sa akin noon. No one in their right mind would let themselves repeat the pain. Hindi tayo gaga at tanga. Hindi tayo gagawa ng dahilan para sadyaing masaktan ang mga sarili natin.


But Rome said he'll not hurt me again. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin roon. I don't know if he was just saying that because of the kids or what. I am afraid to know his reasons, afraid that those reasons might not be enough for me to trust once more. Isang rason lang ang gusto kong marinig sa kanya at alam kong imposibleng makuha ko iyon.


I felt something wet dripping from my cheeks and I wiped it immediately. Rome..


Kinuha ko sa ilalim ng aking shirt iyong dandelion necklace na binigay niya sa akin noon sa isla. It still contains those three little dandelions inside the tardropped shaped glass pendant. Pinaglaruan ko iyon sa aking palad at hindi ko na napigilan ang luha ko.


Why everything has to be complicated. Kung alam ko lang sana, sana hindi ko na lang siya hinalikan noong 19th birthday ko para walang nangyari sa amin. Sana pinigilan ko ang sarili kong mahalin siya. Sana hindi ako naging mahina kasi ang sakit sakit pa rin pala. Akala ko wala na. Pero kanina, habang kumakanta siya, habang nakatingin siya sa akin, doon ko nalaman na habang buhay kong dadalhin lahat ng sakit.


Kung ako lang sana si Illea, maybe..maybe things will be easier for me. But I'm not. Sadly, I am not her. I will never be her.


A cold breeze blew and I shuddered. Akma sana akong papasok noong makaramdam ako ng blanket na ibinalot sa akin. I looked up and saw Rome looking intently at me. Iyong berdeng mata niya ay nangungusap. His eyes roamed through my face before he came closer. Ngadikit ang dibdib niya at ang likod ko bago niya ako niyakap.


"Rome.."


"Ian please..just for three minutes..let me hug you baby, please." He begged. Nanigas ang aking likod at agad kong hinawakan ang braso niya sa aking beywang. He sighed before letting me go.


Hinarap ko siya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya dahil sa ginawa ko. His shoulders slumped before he cursed out loud. I wrapped my arms around myself before I shook my head.


"Sorry Rome." Anas ko. Tumango lamang siya bago niya sinabutan ang kanyang buhok.


"I should be the one to say sorry. For everything. For not being there for you. For your choosing your sister. For choosing my fears, my past. Fuck, but you did everything by yourself Yan, you carried the children alone, gave birth to them alone, raised them alone. Sa lahat ng mga panahon kailangan mo ako, palagi akong wala." He said. His voice broke and I just stared at him.


Lumapit siya sa akin pero hindi na siya nagtangkang hawakan ako ulit. He just looked at my face before smiling sadly.


"I want to fix everything that I broke when you fell for me Ianna. I want you, again, to be back here, again, in my arms where you truly belong baby." Aniya. I shook my head but his smile reassured me.


"I'm going to take things slow, hanggang sa mapatawad mo ako. But baby.." lumapit siya sa akin bago kinurot ang aking ilong. "You can fight this thing between us but I won't fucking give up Yan. Not now, not when I'm home again." He said. His eyes lowered from my nose to my lips and he swallowed hard. My heartbeat raced and I unconsciously bit my lip. Rome's eyes darkened before he groaned.


"Oh, dammit." He cursed before crashing his mouth to mine. My mouth opened to protest when he nipped my lower lip. Kinagat kagat niya iyon habang iyong braso niya ay yumakap na sa aking beywang para maingat ako at maipatong roon sa picnic table namin. My arms immediately went to his neck, slowly massaging the back of his head as he kisses me thoroughly.


Humiwalay siya sa akin at hinabol ko pa ang labi niya. Rome chuckled before putting his thumb on my lips. "Let's take it slow baby."


"Fuck slow." Bulong ko at hinalikan na naman siya. I just want to feel his lips again, feel him, all of him. I just want to have this moment again, with the father of my children. The man I once wished for...


Lumapat ang labi niya sa gilid ng aking tenga bago ako niyakap ng mahigpit. I can feel his heartbeat racing at alam kong ganoon rin yung sa akin. We just stayed like that for a moment when the air rustled again. Kahit na may blanket na sa akin ay nilamig pa rin ako. Rome kissed my forehead lightly before cupping my face.


"Balikan na natin yung mga bata. Baka nasa sahig na naman si Chase." Aniya. Ngumiti lamang ako bago tumango. Inalalayan niya ako pababa sa mesa bago kami pumasok.


Nakita nga namin ang mga bata na iba iba na ang direksyon sa aming mat. Half of Chase's body is already on the floor. Si Bryant naman ay ginawang unan ang tiyan ni Neron.


"Ahh.." Rome whispered. Dahan dahan niyang binuhat si Chasin bago ibinalik sa kama. He fixed our son's hair before kissing his head. Matapos niyon ay iniangat naman niya si Bryant at nilagyan ng unan. He kissed the other two before laying on the mat.


Nilahad niya ang kamay niya sa akin bago ngumiti. "Tulog na tayo Mama." Aniya. I smiled back before taking his hand. Pinagitnaan namin ang mga bata, siya sa tabi ni Chase habang ako ay sa tabi nila Neron at Bryant.


I closed my eyes and sighed contentedly. Natulog ako ng may ngiti sa labi noon. For the first time, in a long time, I was really, sincerely..happy.


Nagising ako kinabukasan noong makarinig ako ng mga hagikgik mula sa sala. Dahan dahan pa akong dumilat para mapansin lamang na nakaunan na ako sa braso ni Rome, iyong braso ko ay nakayakap sa beywang niya. My leg was possessively draped on his body while we sleep.


"A, B, T, E,L, M,O,P.."


Napabalikwas ako at tiningnan ang mat namin. I was alarmed when I did not see even one of the triplets. Agad kong hinampas ang dibdib ni Rome para magising ito.


"Damn it Falcon, wake up!" utos ko. Pupungas pungas itong nagdilat habang ako ay lumabas na sa sala. Thankfully, nasa rubber mat lamang sila at naglalaro ng mga libro at toy car.


"A, B, T, E,L, M,O,P.." Chase sung. Lumapit ako sa mga bata at si Neron agad ang nakakita sa akin.


"Mama!" he shouted. Tumakbo siya sa akin at sumunod naman ang dalawa.


"Morning." I greeted them. Ngumuso ako para halikan nila at hindi naman ako nabigo. Three, wet sloppy kisses fell on my cheeks. Ginulo ko ang buhok nilang tatlo habang hinahalikan nila ako.


"Love you Mama." Bryant said. My heart melted and I smiled at him.


"I love you too baby. All of you." Sabi ko. They all smiled brightly before running towards their books and cars. Tumayo na ako at tiningnan si Rome na nakatitig lamang sa amin. Ngumisi siya bago pinuntahan ang mga bata. Bigla niyang kinarga si Bryant sa likod at iniupo sa mga balikat niya. Bahagya pa akong naalarma dahil baka umiyak na naman ang panganay ko pero nawala rin iyon noong marinig ko ang hagikgik ni Bry.


"Uncle bread man! Me too!" Chase said. Binaba ni Rome si Bryant at si Chasin naman ang binuhat niya. The four of them played in the living room while I went to the kitchen to cook for our breakfast.


"Uncle bread man, is bread man your name? it's ugly." Bryant said. Nilingon ko sila habang nagpiprito habang si Rome naman ay pawis na sa papalit palit na pagbubuhat sa kanila.


"No son. My name is Rome." Sagot ng ama nila. Mas lalo ko silang sinilip dahil nakakatuwa silang tingnan. All of them looked like mini Rome and it's too cute to handle.


"B-bome?" Neron said, confusion written on his cute little face.


Natawa ako sa sinabi ng aking anak. Chasin and Bryant looked at Neron before scratching their heads.


"Dome?" Neron said again.


"It's Lome." Chasin said, confidently. Talagang natawa na ako ng malakas at tinignan ako ni Rome. I tried hiding my smile but he just grinned.


"Baby, it's Rome. Kristoffer Rome Falcon."


"Falcon? You're a bird, Uncle?" Bryant asked. Lumapit ito kay Rome at humawak sa hita ng ama.


"Titter? Nome?" Neron blabbered. I rolled my eyes bago ko pinatay ang stove. Hinain ko ang almusal sa kanilang bowl habang nakikinig sa usapan nila.


"Why's your name long?" Chasin said. Sumiksik ito sa tabi ni Neron na karga ni Rome.


"Our name's long too. Mama's name is long too." Bry answered.


"No. My name is Chase."


"No! It's Chasin!"


"Chatin!" sabat ni Neron sa away ng dalawa niyang kuya. Pareho kaming natawa ni Rome at nagpasya na akong lumapit sa kanila.


"Blaynt, it's Chatin wight?" Neron said. Sa sobrang pangigigil ko ay inagaw ko siya kay Rome at kinarga ko. I kissed his cheeks and he giggled.


"Bulol." I teased him. Dinala ko siya sa kanyang high chair at nilagyan ng bib. I looked back and saw Rome carrying Bryant and Chasin at the same time. Siya na ang nagpaupo sa mga bata at nag asikaso sa kanila.


"Here." Anas ni Rome bago inabot ang plato ng almusal sa akin. Umupo siya sa tabi ko at sumabay kami sa mga bata na tahimik na na kumakain.


"Uncle.." Chase called. Tumigil si Rome sa pagkain.


"Yes son?"


"We have a Mama." He proudly said. Napangiti ako sa sinabi ng anak ko.


"I know baby. You have the best Mama in the world." Sagot naman ni Rome. Bahagya ko siyang siniko sa pambobola niya sa akin.


"But we don't have Papa. Spongebob has Papa and Mama." Reklamo ni Chase. Iyong tawa ko ay biglang nabitin sa aking lalamunan sa narinig.


"Chase.." tawag ko sa aking anak. Rome looked at me before smiling sadly.


"Can you be our Papa?" si Bryant ang nagsalita. Napamaang kaming dalawa ni Rome sa sinabi ng aming panganay.


"We lilly like Uncle blead man." Neron added. Napayuko si Rome at hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagpatak ng luha niya. He discreetly wiped it off before looking at me.


"Can I?" he asked. Tumango lamang ako dahil duda akong kapag nagsalita ako ay baka maiyak na ako.


Humarap siyang muli sa mga bata bago hinawakan ang mga kamay nila.


"Boys, from now on, your bread man will be your Papa, okay?" he said, his voice thick with emotions. Bahagya pa iyong pumiyok kaya lalong nanikip ang dibdib ko.


Noong tiningnan ko ang mga bata ay doon ko nakita kung gaano sila kasaya. Mabilis akong tumayo para itago ang luha ko. I looked at my family again and I just smiled.


Yes, I guess this is what happy looks like. Kahit saan yata talaga ako mapunta, kahit gaano pa katagal ang panahon na lumipas, palagi at tanging si Rome lang ang may dala ng kaligayahan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top