Prologue

Prologue

Dana

"HIKING?"

"Nagawa ko na 'yan."

"Traveling?"

"Nagawa ko na rin 'yan."

"Surfing?"

"Yaz."

"Sky diving?"

"Pati 'yan."

"Paragliding?"

"Oo, umiyak ka pa nga niyan eh."

"Tss. Clubbing?"

"Yes na yes."

"Halos lahat nagawa mo na eh!"

"'Yon na nga eh! Ang boring na ulit ng buhay ko." Wala na akong maisip na pwedeng gawin!

I crossed my arms, pouted and looked at my friend. Napatigil si Haru kakalakad sa harap ko at sabay kaming napatingin sa aking bed side table, kung saan nand'on ang aking picture na nasa beach. Parang may bumbilya na nag-appear sa utak namin dahil sa nakita.

"Snorkeling!" halos sabay naming wika. Tumawa kaming dalawa dahil sa wakas may bago na naman akong gagawin!

Snorkeling, here I come!

•••

Scion

"SCION, ipasa mo na sa akin ang bola!" sigaw ni Lander.

Itinaas ko ang aking buntot at nilipat-lipat muna ang bola sa aking gilid at saka ibinato ko na kay Lander. Pagkasalo niya ay ipinaikot niya muna yun sa buntot niya at saka shinoot ang bola. Pumasok nang walang sablay ang bola sa ring kaya lumangoy kami patungo sa isa't-isa at nag-apir.

"Humuhusay ka na, Scion."

"Ikaw rin, Lander."

Biglang dumating ang isang taong hindi ko inaasahang pumunta dito, si Vlad.

"Mahal na Prinsipe, kayo po ay pinapatawag ng Kamahalan." Yumuko siya sa'kin bilang paggalang.

Tipid kong nginitian siya. "Susunod na ako."

Nagpaalam na ako kay Lander at lumangoy papunta sa aming palasyo.

"Nasaan si ina?" tanong ko sa isang kasambahay na nakasalubong ko.

Yumuko siya sa akin at nagsalita, "Nasa kanyang kwarto po ang Kamahalan."

Agad akong pumunta sa kwarto ni ina. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang likod niya at nakatingin sa labas ng bintana.

"Ina, pinapatawag mo raw po ako." Lumapit ako sa kanya at tumigil ng dalawang metrong layo sa kanya.

"Malapit nang sumapit ang blue moon. May napili ka na para maging prinsesa?" Umiling ako kahit nakatalikod siya sa'kin.

"Bibigyan kita ng oras para maghanap ng magiging prinsesa mo," utos sa akin ni ina.

Kailangan ko nang makahanap ng prinsesa.

"Masusunod, ina."

•ㅅ•

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places and events are either product of the author's imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual person or dead, or actual events are purely coincidental.
This story is not connected in other mermaid series/movies! Unedited, also.

Warning: Plagiarism is a crime!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top