Chapter 9
Chapter 9
Dana
"HALOS parehas talaga kayo ni Bri," ani Tisha.
"Pero mas maganda ka sa kanya," dagdag niya at tumawa. Umirap naman si Brianna sa kanya.
"Kaibigan ba talaga kita?" she said. They both laughed while I awkwardly chuckled.
Ang saya nilang kasama, though we just met. Sana talaga maging close ko sila. Ang panget naman kung si Lander lang ang kasama ko buong school year, right?
"Tanong lang pala. Bago lang kasi ako dito sa Zoval... Anong gagawin dito?" I asked them.
"Ah! Pag-aaralan mo kung paano lumangoy ng mabilis, kikilalanin mo ang iba't-ibang klase ng isda dito, history ng Ezili, at iba pa," sagot ni Brianna sa tanong ko.
"Ohh... Mahirap ba?"
"Hindi naman."
Nakita kong papalapit na sa direksyon ko si Lander. Nagulat siya nang makita akong may kasamang iba.
"May kaibigan ka na agad, Dana?" tanong niya.
"Yes... This is Tisha and Brianna," pakilala ko sa dalawang ito. Lumingon ako sa mga katabi ko at kinikilig na tinititigan si Lander.
"He'sー" They cut me off.
"Lander." Sabay nilang binigkas. Feeling ko tuloy chic magnet dito si Lander.
"Nice meeting you girls pero kailangan na nating pumasok sa loob kasi magsisimula na ang opening ceremony." He said and flashed his charming smile. Umirap ako sa kanya.
Hinatak na ako ni Lander mula sa braso ko at iniwan ang dalawa. Tumigil ako sa paglangoy kaya napatigil din siya.
Humarap siya sa akin. "Iiwan lang natin sila?" tanong ko.
"Mahuhuli tayo sa ceremony nito!" aniya.
"That's a rude act, mister! May kaibigan na nga ako eh." wika ko at binalikan sila Tisha at Brianna pero napatigil ako dahil nasa likuran na pala namin sila.
"Sabay kami sa inyo," ani Tisha. Tumango ako at sumabay na sila sa paglangoy namin.
Pumasok kami sa loob ng lobby ng school. Mataas ang ceiling nito at may rock formation pa sa gitna. Dumiretso pa kami at lumabas muli sa building na ito.
Tumambad sa akin ang malawak na sea bed na punong-puno ng mga dahon at corals. Sa dulo nito ay may bato na parang isang stage.
We swam towards the sea people that are aligned in the center. Tinanong ko si Lander kung saan pipila pero ang sabi niya ay sumunod nalang daw ako sa kanya.
Sa bandang harapan kami pumila, si Lander nasa harapan at ang dalawa naman ay nasa likuran ko. We look like a freakin rainbow because of our tails!
"Maligayang pagbabalik sa Zoval Academy!" Naagaw ang aking atensyon ng isang sigaw. Humarap ako sa stage at nakita ang isang matandang babae na nakalutang doon. Her gold pixie cut hair suits her mustard yellow tail. Medyo kulubot na ang kanyang balat pero makikita mo pa rin ang kagandahan niya.
"Siya ang prinsipal natin," bulong ni Tisha na nasa likuran ko.
"Alam kong gustong-gusto niyo nang matuto ulit." Mapanuksong ngumiti siya sa amin kaya umugong ng ingay ang buong open field.
"Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin... Ako si Miss Flonne, ang prinsipal niyo." Sa wakas! Pinakilala niya na ang kanyang sarili.
"May bago pala kayo makakasama sa taong ito," aniya at inilahad ang isang kamay sa tubig. Murmurs started to echo again when a merman appeared from nowhere. I can clearly see his blue tail along with the water.
Scion.
Magiging kaklase ko siya? Akala ko ba hindi siya mag-aaral dito kasi prinsipe siya?
Tumigil siya katabi ng aming prinsipal at humarap sa amin. His hands are on his back and his bored eyes trying to look for someone. Nagtama ang tingin namin at binigyan niya ako ng ngisi.
Nagbow ang katabi niya sa kanya, "Prinsipe Scion." Nagsiyukuan din ang mga estudyante dito, kasama si Lander. Kaya ginawa ko rin ito bilang paggalang.
Scion cleared his throat as we look at him. "Tama ang sinabi ni Miss Flonne. Ako ay makakasama niyo dito sa paaralang ito ngayong taon," wika niya na puno ng otoridad. The other sea people looks intimidated by his presence, tahimik lang silang nakikinig sa kanilang prinsipe.
"Ituring niyo lang din akong simpleng estudyante rito." Hindi pa rin niya inaalis ang kanyang mata sa akin. "Maaari na kayong pumunta sa inyong klase," aniya at nagsimula nang umalis ang mga sirena rito.
Kaming apat ay nanatili lang ditong nakalutang. Lumangoy pababa si Scion patungo sa amin.
"Pre, akala ko ba hindi ka dito mag-aaral?" tanong ni Lander sa kanya at inakbayan.
"Kailangan kong bantayan si Dana. Matigas pa naman ulo niyan." Mapang-asar na ngisi ang iginawad niya sa akin.
Lumangoy ako patungo sa tabi ni Tisha at Brianna. Tahimik at seryoso ngayon ang dalawa. Tila natatakot sa presensya ng prinsipe.
"Scion... Si Tisha at Brianna... Nakilala ko kanina nang papasok kami dito." Pakilala ko sa kanya. Tumango ito sa kanila at nahihiyang kumaway naman ang mga katabi ko.
"So... Tignan na natin schedule?" I asked them.
"Sige!" sagot ni Lander. Inalis niya na ang pagkakaakbay kay Scion at nagsimulang lumangoy papasok sa paaralan.
•••
"TRAINING lang ang subject natin ngayong umaga at Science mamayang hapon," binanggit ni Scion ang aming schedule na naka-ukit sa bato.
Buti naman at magkakaklase kaming dalawa. Nahiwalay sa amin sina Lander, Tisha, at Brianna dahil nasa kabila silang section. Ang cool nga dahil may section-section din dito. Akala ko sa lupa lang.
"Paano 'yong training na subject natin?" tanong ko sa kanya.
Parang training lang ng swimming ganoon? Ito ba 'yong sinasabi ni Brianna kanina?
"Matuturuan ka d'yan kung paano lumangoy ng maayos," aniya at ibinaba ang bato.
"Ahh... Saan magaganap 'yon?" Hindi naman sa loob ng classroom di ba?
Lumangoy na siya kaya sinundan ko ang paggalaw niya. Napansin kong papalabas kami ng building. "Doon," sagot niya. I followed his line of vision and saw a training ground.
May mga malalaking rings na nakalutang sa tubig. There's also a cliff! Mayroon din na parang finish line sa ibaba ng dagat! Ito 'yong nakita ko nang papasok kami dito!
Oh my gosh! I'm so excited for this subject! Can't wait to beat Scion and his tricks.
•ㅅ•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top