Chapter 8
Chapter 8
Dana
TUMATAMA sa aking balat ang sikat ng araw at ang malamig na hangin. Parang ang tagal na simula ng maramdaman ko ito.
"Scion."
"Hmm?"
"Thank you."
"Bakit?" aniya at humarap sa akin. Nakahiga kaming pareho sa buhanginan. Ang aking kamay ay nakapatong sa tiyan.
"You saved my life three times." Mapakla siyang ngumiti sa akin.
Bahagya akong umatras sa may tubig kaya nagtaka ako. As far as I've remember, he said that when my feet touched the water it will became a tail and vice versa.
"Bakit pala hindi ako nag-aanyong tao?"
"Bente kwatrong oras ka nang may buntot. Hindi ka na pwedeng maging anyong tao ulit."
"Ahh...Okay..." I smiled all by myself. Does this mean mermaid na ako buong buhay ko? Yey!
Nakapagpahinga na ako kaya bumalik na kami sa dagat. Hindi na namin tinuloy ang paglilibot sa Ezili dahil baka may mangyari na namang masama sa amin.
"Gusto mong tumikhim ng iba pang pagkain dito?" basag ni Scion ng aming katahimikan habang lumalangoy.
Agad na lumiwanag ang aking mukha sa kanyang sinabi. "Talaga? Saan? Sa downtown?" Tumango siya.
Nagutom din ako dahil sa nangyari sa amin kanina. Ano kayang mga pagkain nila dito? Sushi ganun? Kainan ng sariling lahi?
Nang makarating kami sa kainan ay nagsi-yukuan ang mga taong nakakasalubong namin.
May pumunta ng waitress dito sa table namin. "Ano pong nais niyong kainin, Mahal na Prinsipe?" aniya na tila naiintimidate sa presensya ng kanilang prinsipe.
Inaayos ko ang pagkaka-upo ko dito sa batong upuan. Hindi ako kumportable dahil magaspang ito at masakit sa buntot. Si Scion naman ay nakahalukipkip lang.
"Ikaw ang pumili ng makakain natin, Dana." Napatingin ako sa kanya. Seriously? I don't know any of their foods here tapos ako pa tatanungin?
"Uhm... " Sumilip ako sa lalagyanan nila ng pagkain. "Iyon nalang," sabay turo sa putahe nilang dahon na nakarolyo.
Tumingin sa gawi nun ang waitress. "Kimpaw po ba?" tanong niya.
"Basta iyong dahon na nakarolyo," wika ko.
"Sige po..." Yumuko na siya at kinuha ang sinasabi niyang kimpaw.
Bumalik siya dito dala-dala ang pagkain namin. Nakalagay ito sa isang malaking shell. Unang kumuha si Scion at kinamay niya ito. What the heck?
"Nagkakamay ka talaga?" tanong ko sa kanya. Tumango siya habang nanguya. Eh?
"Ganito ang pamumuhay ng mga tao dito sa bayan. Maharlika lang ang may maayos na kubyertos, upuan, lamesa at kung ano pang iba."
"Pero paano niyo nakukuha ang mga kagamitan na iyon?" tanong ko ulit. Naka-tatlong rolyo na siya habang ako ay nakatingin lang sa kanya.
"Kapag may mga barkong lumulubog, naghahanap kami ng mapapakinabangan na kagamitan mula roon at dadalhin sa palasyo." Napatango-tango ako sa kanyang sinabi. Siguro d'on din nila nakukuha ang mga palamuti sa palasyo. I wonder how many ships already sank in Ezili?
Nararamdaman ko na ang gutom ko kaya kumuha na ako ng kimpaw. Pinagmasdan ko muna ito. Nakarolyo ang dahon, kelp...I think, sa isang lamang dagat. Tinignan ko ang gitna nito at napansin isa itong laman ng tahong. It reminds me of samgyeopsal.
Kinagatan ko muna ito ng maliit at tila nakarating ako sa ulap. Napakasarap nito! Inubos ko na ang hawak ko at kumuha pa mula sa kabibeng plato.
"Kalma lang. Walang umaagaw niyan sa'yo," ani Scion na ngayon ay dahan-dahan nang isusubo ang isang piraso ng kimpaw.
"Shorry. Ang sharap pala nito eh," I said unclearly because of the food in my mouth. I saw the edge of his lips rose.
Iba kasi ang lasa nito sa una kong natikman na pagkain dito. Well, noon ay tahong din pero iba ang seaplant na pinares kaya hindi masarap.
Ako ang nakaubos ng pagkain namin. Lima lang ata ang kinuha ni Scion. Hindi na pinabayaran sa amin ang pagkain namin kaya laking pasasalamat ang ibinigay ko sa may-ari.
I burped. Bubbles came out of my mouth. Nakakahiya! Buti kaming dalawa lang magkasama at hindi niya ata narinig iyon.
"Akala ko hahalikan na naman kita dahil ayaw mong kumain." My blood rushed up to my cheek when he said that.
Damn. I shouldn't felt this especially to this mermaid. Ayaw kong romantically maattach sa isang lalaki!
Iniwan ko na siya at binilisan ang paglangoy ko pauwi sa palasyo. Nagulat nalang ako nang nasa harapan ko na siya. How?
He smirked. "Hindi mo ba naaalala na mabilis akong lumangoy?" Nakahiga siya habang nalangoy kaya nahahalata kong nagyayabang siya.
"Tsk." I tried to speed up my pace but no use. Scion is still ahead of me.
Nakikita kong paikot-ikot sa tubig si Scion na parang gulong. Matututunan ko rin 'yan! Pasalamat siya busog din ako. Mas lamang talaga siya sa akin!
Naging ganito ang eksena namin hanggang sa makarating kami sa palasyo.
•••
BUKAS na pasukan ng Zoval Academy kaya naghanda-handa na ako. Limang araw na pala akong sirena? I smiled. Sana talaga kung panaginip ito ay hindi na talaga ako gigising.
My thoughts washed away when I heard a knock from the door.
"Si Sonia po ito, Mahal na Prinsesa."
Tinatawag nilang akong prinsesa dahil napakaganda ko daw. Like, duh.
Kung totoo man akong prinsesa ay dapat wala akong prinsipe. I know, ang panget ng ganoon na set-up. It's just that I don't want to suffer like my mom.
Lumapit ako sa pintuan at pinagbuksan siya. "Lagpas na pong benteng minuto. Maaari niyo nang tanggalin ang nasa mukha niyo po," magalang niyang sinabi. Binigyan ko siya ng matipid na ngiti at pumunta ulit sa higaan.
Hinilamos ko na ang face mask gamit ang aking kamay. Ang taray nga dahil may ganito pala sa kanila. Buti na nga lang at naisipan ni Sonia na lagyan ako nito.
"Handa na po ba kayo bukas?" aniya habang nag-aayos ng gamit ko.
"Siyempre. Kailangan kong matuto para matalo ko si Scion."
"Bakit naman po? Anong meron?"
"Nagpapaunahan kasi kami lumangoy, palagi akong nahuhuli." Sabay kaming tumawa.
"Gan'on po ba? O siya...Sige matulog na po kayo at maaga pa kayo bukas," aniya at pinahiga niya ako sa malaking kabibe kong kama.
•••
WHAT a beautiful day today! Maaga akong nagising at naghanda para sa eskwelahan. Ewan ko ba sa sarili ko at gusto kong mag-aral ngayon samantalang noong nasa lupa ako ay ayaw na ayaw kong mag-aral.
Or is it just that mermaid related ito?
Si Lander ang kasama ko papunta Zoval. Iba raw ang pinag-aaralan ni Scion kaya hindi ko siya magiging kaklase.
"Ito ang main gate..." ani Lander. Kung alam mo lang, nailibot na ako ni Scion dito.
Mermaids and mermans swam towards the entrance of the academy. Napansin ko rin na halos lahat sila ay kasing edad ko lang.
Pumasok na kami sa loob at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Para lang itong palasyo pero mas maliit ng kaunti. Bukas lang ang bawat bintana dito. Sa kanang bahagi ng gusaling ito ay may parang training grounds. Hindi ko ito nakita n'ong una. Hanggang labas lang kasi ang ipinakita sa akin ni Scion eh.
"Lander, pare!" sigaw ng isang merman 'di kalayuan sa amin.
"Hintayin mo lang ako d'yan," wika ni Lander at tumango ako. Pumunta na siya doon sa kaibigan niya. Ako naman ay nakalutang lang dito sa gitnang bahagi ng gusali.
May narinig akong tili ng isang mermaid sa kanan ko kaya napatingin ako rito. Nagpapaikot-ikot siya na parang ferris wheel sa tubig. Kaakit-akit din ang kanyang kulay kahel na buntot. Pero nagulat ako nang papalapit ito sa akin.
"Brianna!" sigaw niya at sinunggaban ako ng yakap. What the heck?
Sabay kaming napaatras papunta sa may gate. We stopped before reaching the walls. Kumalas na siya sa yakap. "Kamustaー" napatigil siya sa kanyang sasabihin nang mapagtantong hindi ako ang sinasabi niyang Brianna.
"Omg. Sorry! Sorry! Sorry!" Lumayo na siya sa akin at namula ang mukha dahil sa hiya.
"Tisha, sino 'yan?" wika ng isang boses mula sa aking kaliwa. Napalingon ako doon.
Her tail is color pink just like mine, but a little darker. Ang kanyang buhok ay nakalugay din. Her shell bra is in mint color and our skin color almost have the same tone. No wonder this Tisha girl thought me as her friend.
"Akala ko ikaw siya, Brianna," paliwanag ni Tisha at itinuro ako. Hinagod ako ng tingin ni Brianna at tinakpan ang kanyang bibig nang mapagtantong sino ako.
"Siya 'yong kasama ng prinsipe noong isang linggo!" Napatakip na rin ng bibig si Tisha. "Sorry po talaga!"
Imbes na magalit sa kanila, ngumiti nalang ako. "No, it's okay. We all make mistakes." Normal lang ang magkamali 'di ba?
Lumiwanag ang mukha ni Tisha dahil sa sinabi ko. "Ang bait niyo po! Akala ko mataray din po kayo." Nagulat ako doon sa huli niyang sinabi pero hindi ako nagpahalata.
"Ako po pala si Tisha," pakilala niya at inilahad ang kamay. Malugod ko naman iyong tinanggap.
Gan'on din ang kanyang kaibigan. "Ako naman po si Brianna,"
"Dana."
May kaibigan na ata ako dito... I think?
•ㅅ•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top