Chapter 7

Chapter 7

Dana

MAAGA akong ginising ng kasambahay dito sa palasyo para daw sabay-sabay kaming mag-agahan. May pupuntahan ang mahal na reyna at gusto niyang sabay kumain ngayong umaga.

"Kamusta ang unang araw mo dito, hija?" Mommy Sitta asked. Nakaupo siya sa gitna ng table habang kami ni Scion ay magkatapat na nakaupo sa isa't-isa.

"Masaya naman po. Inilibot po ako ni Scion sa palasyo at sa bayan," sagot ko habang hinihiwa ang pagkain.

I heard Scion scoffed kaya napatingin ako sa kanya. Nagtagpo ang aming mata at parang sinasabi na 'wag kong sabihin na lumabas kami ng palasyo kagabi.

"Really? Nasabi na ba sa'yo ni Scion na mag-aaral ka sa Zoval Academy?" Tumango ako sa kanya. She looks elegant while eating. Hindi mapagkakailang Reyna nga talaga siya.

"Yes po." Narinig kong nilapag na niya ang mga kubyertos hudyat na tapos na siyang kumain.

"Mauna na ako sa inyo. Scion dear, ikaw na bahala kay Dana," wika niya at lumabas na ng dining area.

Ilang saglit lang ay natapos na akong kumain. Napansin kong ubos na rin ang pagkain sa plato ni Scion.

"Maayos ka na ba?" ani Scion. I nodded as an answer.

"Good. Ituloy natin ang paglilibot dito."

Nauna siyang lumangoy sa akin palabas ng palasyo. Ako naman ay nasa likuran niya lang.

"Ingat," wika niya sa akin nang makarating na kami sa mala-cliff na parte ng karagatan. Makitid ang lugar na ito at mabato kaya maling galaw mo lang ay masusugatan ka na.

"Sh*t!" I cursed as I felt a rock scratched my tail.

"Patay na." Hinila niya ang palapulsuhan ko at maingat na lumabas sa lugar na ito. Nagtago kami sa likod ng isang malaking bato na nakita namin.Tinignan ko ang buntot ko at napansing bahagyang dumugo ang parteng iyon.

"Bakit hindi ka kasi nag-iingat?" inis niyang sambit sa akin. Pinaupo niya ako sa ibabang parte ng dagat.

"Aba sorry naman! Hindi pa ako sanay lumangoy. Lalo na't makitid pa ang dinaanan natin." Biglang tinakpan ni Scion ang parteng iyon at naging balisa.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Wag kang maingay." Biglang naging seryoso ang kanyang boses. Nagpalinga-linga siya sa paligid at parang may inaasahan na dumating.

Ipinikita niya ang kanyang mata at nagsalita,"Malapit na sila." Iminulat niya ang kanyang mata at nagulat akong napalitan ang kanyang itim na mata ng kulay purple. Parang n'ong una naming tagpo.

"T-teka anong nangyayari? B-bakit ganyan kulay ng mga mata mo?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Nakakatakot ang kanyang awra na parang anong oras man ay kakain siya ng buhay!

Hindi niya na ako sinagot at nagulat nalang ako nang biglang may sumulpot na dalawang malalaking pating sa harap namin. Itsura nila ay parang hindi nakakain ng ilang araw.

Kaya pala balisa si Scion! Nakaamoy ng dugo ang mga ito kaya hinanap nila kung saan ito nanggaling! How pathetic of me for not thinking that.

Bigla nalang hinatak ni Scion ang akin kamay pataas ng dagat at mabilis na lumagoy papalayo sa mga gutom na pating. Napatili ako ng isa sa kanila ay nasa baba ng buntot ko at tila gusto na akong kainin.

"Scion!" Pagkasabi kong iyon ay biglang itinutok niya ang kanyang palad sa direksyon ng pating. Nagulat ako nang may kung anong hangin o enerhiya ang dahilan para tumilamsik ito papalayo sa amin! Nabunggo ng pating na iyon ang kanyang kasamahan.

Langoy pa rin kami nang langoy hanggang sa makarating kami sa lumubog nang barko dito sa ilalim ng dagat. Hindi kami nagdalawang isip na pumasok dito at natatakot na kainin ng pating.

Mabilis ang tibok ng puso at nilalamig ang pakiramdam ko nang tumigil kami sa isang kwarto dito sa loob ng barko.

Mukhang hindi na kami nasundan ng mga pating na yun ah.

"I told you to be careful, Dana! Tignan mo ang ginawa mo!" galit na galit na wika ni Scion. Hindi pa rin bumabalik sa dati ang kanyang mata.

"Sorry." I said as I looked down at the floor. Napansin kong wala na ang sugat na natamo ko kanina.

"Bakit wala na ang sugat?" sabi ko at itinaas na ang aking tingin sa kanya.

"Ginamot ko na n'ong hinawakan ko yan," sagot niya sa akin.

"Bakit pala nag-iba kulay ng mata mo?" tanong ko.

"Ah ito?" aniya at hinawak ang kanyang kanang mata. "May kapangyarihan ako." He said in a low voice.

"May powers ka pala? Pakita ka pa nga!" Parang nawala ng parang bula ang takot at kaba ko nung nalaman kong may powers siya!

He grinned and lift his hand in the air, causing to have a little tornado in the water.

"Wow!" I clapped and looked like a kid watching a magic show!

"Satisfied?" He said with a bored tone. I gave him a thumbs up and a wide smile.

"Kaya rin ba ikaw naging tao n'ong nagkita tayo sa beach ay dahil may powers ka?"

"Oo."

"Coincidence lang ba 'yon o fate?" Hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip ay inilibot ko nalang ang aking paningin sa kwartong ito. Napapalibutan ng mga lumot ang mga sira-sirang kahoy. Halatang matagal na itong lumubog.

Biglang may narinig kaming kalabog mula sa labas ng barko kaya napatili ako at napahawak sa braso ni Scion. Muli na namang binalot ng takot at kaba ang aking sistema.

Lumabas kami mula sa kwartong ito at matapang na tinignan ang pinanggalingan ng tunog na ito. Tumambad sa amin ang isang pating na nagpupumilit na pumasok sa loob ng barko. Binubunggo niya ang kahoy gamit ang kanyang bibig. Marupok na ang mga ito kaya kaunting hampas nalang ay gigiba na ang kahoy!

Itinutok ulit ni Scion ang kanyang palad sa pating at naitulak ito ng hangin papalayo. We took this chance to escape. He held my hand and swam as fast as we can away from the ship.

Bumabagal ang aking paglangoy dahil sa pagod. Napansin ito ni Scion kaya sa beywang niya na ako hinawakan para mabilis kaming makaalis dito.

Napatigil kami nang dahil sa nakasalubong naming mga dikya. Kulay pink sila at napakalaki. Mamamangha sana ako kaso naalala kong poisonous sila.

"Wag kang magalaw," wika ni Scion. This time sumunod na ako sa kanya. I don't want to risk my life again.

Lumangoy kami pataas sa mga ito at umabot na kami sa itaas ng dagat. Umangat ang ulo namin mula sa tubig at nakalanghap ako ng sariwang hangin.

May nakita kaming isla 'di kalayuan dito kaya lumapit kami patungo dun para makapagpahinga.

Humiga ako sa buhangin habang ang aking buntot ay naaabot pa rin ng tubig.

I sighed. I encountered a life and death situation again.


•ㅅ•

dikya = jellyfish

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top