Chapter 5
Chapter 5
Dana
"WELCOME to Ezili."
This time, ako na ang humawak sa kamay ni Scion at dumiretso ng Ezili. Pumunta kami sa market ng bayang ito. Nasa gitna ako ng kalsada at hawak-hawak pa rin ang kamay ni Scion.
I saw mermaids and mermans dazzling with their colorful tails! They look so unreal! My dream really came true! Iba't-iba rin ang kulay ng kanilang buhok! Mermaids are either sporting on a shell or starfish on their breast while mermans just expose their well-built chest. Parang ordinaryong tao lang sila na may buntot! Except their half-nakedness.
They're all busy in the streets, strolling in the area, and selling different kinds of things.
Mayroon din store na punong-puno ng accessories. Bracelets, necklaces, earrings, and also an accessory for their tails. Black and white pearls ang majority na nakalagay dito.
Biglang may trumpetang tumunog na animo'y may dumating na maharlika. Nag-isang linya ang mga sirena sa magkabilang kalsada. Nagtaka ako sa kanilang ginawa.
Binitiwan ko na ang aking pagkakahawak kay Scion at pumunta sa likuran niya. "Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya.
Iniayos niya ang kanyang kamay at inilagay ito sa kanyang likod. Tumindig siya ng maayos habang nakatingin ng diretso sa kalsada.
"Maligayang pagbabalik, Prinsipe Scion." I heard someone shout with a baritone voice.
What? Prinsipe Scion? Ang tinutukoy ba nila na prinsipe ay katabi ko ba?
Tumingin ako kay Scion at nagtaka ako ng lumangoy lang siya sa daan. Sumunod nalang ako sa kanya. Kumunot ang noo ko nang yumuyuko ang mga sirena kapag nadaanan na namin sila. Naging ganito ang eksena namin hanggang sa makarating kami sa loob ng palasyo.
Ok... What the heck was that?
Narinig kong sumara na ang gate ng pinasukan namin. Tumingin ako sa malaking gusali sa harap ko. I was strucked by the beauty of this palace! The structure of this place was made of white sea bricks.Wala kang makikitang bintana dito dahil nakabukas lang ito.
May sumalubong sa amin na lalaking moreno na sa tingin ko ay kasing edad lang namin. Tinignan ko ang kanyang kabuuan. Itim ang kanyang buhok, singkit ang kanyang kulay abong mata, may matangos siyang ilong, mapupulang labi, maganda ang kanyang pangangatawan, at higit sa lahat ay bumagay sa kanya ang berde niyang buntot.
Why does mermans can be this hot?
"Maligayang pagbabalik, Scion!" ani ng lalaki at tinapik balikat ng katabi ko.
Napansin kong ngumiti lang si Scion sa kanya. "Si Dana pala," pakilala niya sa akin na dahilan na tumawa ako.
"Bakit ka tumatawa?" Naguguluhang wika ni Scion kaya lalo akong napatawa.
"Nagtatagalog ka pala?" I laughed my ass out because of that.
Buong paglalakbay namin ay palagi siyang nage-english kapag nag-uusap kami. Tapos malalaman kong nagtatagalog pala siya?
I saw Scion's eyes turned dark and the other merman just have a confusing look. Pinunasan ko ang luhang lumabas sa aking mata at tumigil na sa kakatawa.
Tumikhim ako at inayos ang akin tayo. "Sorry, it's just that..." I laughed again.
Pfft. Baliw na kung baliw!
Naubusan na ako ng hangin at umayos na talaga ng tindig. Hindi pa rin ako makaget-over dun. "Sorry."
Tumikhim si Scion at nagsalitang muli. "Dana, si Lander. Lander, si Dana," pakilala niya sa amin.
Inilahad ni Lander ang kanyang kamay at tinanggap ko iyon. "Nice to meet you," sabi ko. "The pleasure is mine, Madame."
Binawi ko na ang aking kamay at humarap kay Scion. "Akala ko hindi ka marunong magtagalog."
"Nagpapasikat lang yan. Ikaw kasi yung napili niyang pー" tinakpan ni Scion ang kanyang bibig dahilan para hindi matapos an sasabihin ni Lander.
Inalis na ni Scion ang pagkakatakip sa bibig ni Lander. Kinuha niya ang aking palapulsuhan gamit at idinala sa loob ng palasyo. Nakita kong yumuko ang gwardya sa labas bago bumukas ang pinto.
I was welcomed by a red carpet in the hallway. Literal na 'mermaids' ang naka linya sa magkabilang daanan. Mga bente lang sila. They also greeted Scion's arrival. Parang nangyari kanina sa market.
The hallway is filled with victorian lamp post on every pillar. May paintings din ng mga ibang sirena at may mga armor ng knight. Cream at brown ang kulay ng dingding. Typical palace.
Habang nalangoy kami ay binasag ko na ang katahimikan namin. "Bakit ka ba nage-english kanina? 'Yan tuloy natawa ako," Hindi niya pa rin ako pinapansin. I saw his jaw clenched. Siguro naasar na sa akin.
Lumiko kami sa isang hallway. "Ano pala yung sinasabi nilang Prinsipe Scion? Prinsipe ka?"
"Oo," simpleng sagot niya. This time, nag-tagalog siya at hindi na ako tumawa. Bagay naman sa kanya ang maging prinsipe.
"Pero bakit hindi mo sinabi sa akin kanina na prinsipe ka pala?"
"Hindi naman iyon importante."
"Kahit na." I pouted.
Tumigil kami sa tapat ng isang kwarto. Kumatok siya bago ipinihit na ang doorknob. "Ina," wika niya. Tinignan niya ako sa mata na sinasabing pumasok din ako. Sumunod ako sa kanya.
Nakita ko ang isang may edad nang babae na lumapit sa amin. Napaka elegente nitong tignan. You can't see any wrinkles on her face. Her wavy hair reached her chest. Kulay lila ang kanyang buntot and a star fish is used as her bra. Some of her features resembles in Scion.
"Scion, my dear." Nakangiti itong lumapit sa amin at hinalikan ang magkabilang pisnge ni Scion."Namiss kita anak," aniya at'saka tumingin sa akin."Ito na ba ang napili mo anak?" tanong niya kay Scion.
Napili?
"Opo, ina." Hinalikan din ako sa pisnge ng kanyang ina. "Call me mommy Sitta." Bakit kaya 'mommy' ang gusto niyang itawag ko sa kanya?
"Dana po," pakilala ko sa kanya bilang paggalang.
"Welcome to our family, hija." Niyakap niya ako at hilaw na ngumiti. Bigla ko tuloy namiss ang mga magulang ko.
"O siya sige na. Scion dalhin mo na si Dana sa kusina para makakain na siya," ani mommy Sitta.
"Sige po," wika ni Scion.
"Nice meeting you, hija," saad ni mommy Sitta. "Nice meeting you rin po," wika ko atsaka umalis na ng kwarto niya.
Kung si Scion ang prinsipe, ang nanay niya ang reyna?
"Siya 'yong reyna dito?" tanong ko kay Scion habang lumalangoy kami sa pasilyo. Tumango lang siya. Ang sungit talaga ng lalaking ito.
Nakarating na kami sa kusina at nakita kong naghahanda na ng makakain ang mga maids. Umupo na ako sa long dining table.
Si Scion ay nasa tapat ko nakaupo. Makakaupo rin pala ako kahit may buntot kami. Natatakot akong kumain dito dahil baka mahulog ang chandelier na nasa itaas ng lamesa.
Nilapag nang mga maids ang pagkain. Napatingin ako sa plato sa harap ko at napangiwi. Mussels and seaweeds. Hindi ako kumakain nito!
"Wala na bang ibang pagkain?" Nilingon ko si Scion na nagsisimula ng kumain.
"Wala."
"Hindi nalang ako kakain." Tumayo na ako sa aking upuan.
Napatigil siya sa pagkain at matalim na tumingin sa akin. "Magugutom ka niyan."
"Ayaw ko ng pagkain na 'yan eh,"
"Kelangan mong kumain dahil kagabi ka pang walang laman." Napairap ako sa kanyang sinabi. "Edi bigyan mo ako ng ibang pagkain!"
Nagtangis ang kanyang panga. Umangat siya at lumangoy sa itaas ng lamesa papunta sa harap ko. Hinawakan niya ang braso ko at pinaupo muli sa upuan ko. Hawak-hawak niya pa rin ang braso ko, umupo na siya sa katabi kong upuan.
Scion held the shell on my plate and opened it. Gamit ang tinidor, kinuha niya ang laman ng tahong at iniharap sa bibig ko.
"Eat." Hindi ko siya sinunod at itinikom ng maigi ang aking bibig. Nakita kong tumalim lalo ang kanyang titig.
Ayaw ko talaga ng tahong! Kahit gutom na ako ay ayaw ko pa rin itong kainin.
Inilapag niya tinidor sa plato. "Ayaw mo talaga?" Tumango ako.
Akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako ng hinalikan niya ako! Pang-ilan na ito ah!
"Anoー" kumalas ako sa kanyang halik pero kinuha niya ang tinidor at'saka isinubo ang laman ng tahong ang bibig ko. Tinakpan niya ang aking bibig gamit ang kanyang kamay.
"Nguyain mo yan," utos niya sa akin.
Talo na ako. Wala akong nagawa kaya nginuya ko nalang ang laman. Hindi naman pala masama ang lasa. Parang beef lang pero iba ang texture.
"Hmm... Masharap pala!" sabi ko kahit nakatakip pa rin ang kamay ni Scion sa bibig ko.
Inalis na ni Scion ang kanyang kamay. Pumunta na siya sa kanyang upuan at pinagpatuloy ng pagkain. I saw his lips rose and formed into a smile.
Kumain nalang din ako at sinubukan din na kaiinin ang seaweeds. Ayoko nang mahalikan ni Scion 'no! I mean gusto ko siyang halikan ako pero... dapat alam ko. Hindi 'yong bigla-biglang hahalik.
Pagkatapos namin kumain ay dinala niya ako sa kwartong tutuluyan ko.
"Magpahinga ka na para mamaya," ani Scion atsaka binuksan ang pinto ng kwarto.
"Anong mangyayari mamaya?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"You'll see," ayan na naman siya sa page-engslish niya. Ngumiti siya sa akin at ginulo ang aking buhok bago umalis. What was that? Bumait bigla? Epekto ba ito ng tahong?
Pumasok na ako sa kwarto at namangha sa aking nakita. May isang malaking shell sa gitna ng kwarto. Ito ang kanilang kama dito dahil may unan at kumot dito. May table din na mag sa salamin sa harap nito na may nakapalibot na ilaw. Lumapit ako d'on para makita ang mga nakatapong dito. Mga pampaganda. Woah! Hindi ko akalain meron din sila nito.
May nakita akong isang pintuan dito kaya binuksan ko. Isang walk-in closet. Kung sa mundo ng mga tao ay punong-puno ito ng mga damit, dito sa Ezili ay puro alahas para sa buntot at iba't-ibang uri ng bra.
Lumabas na ako dito sa walk-in closet. Parang inakit ako ng kama kaya pumunta na ako d'on saka humiga.
Ang daming nangyari sa araw na ito. Kahapon ay tao lang ako ngayon ay sirena na ako. Masaya pa rin ako dahil nakilala ko na ang mga sirena ng personal. Kung panaginip lang ito ay ayaw ko nang magising.
•ㅅ•
Leave your thoughts in the comments!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top