Chapter 3

Chapter 3

Dana

I'M STRUGGLING which bikini I'll wear! Kanina pa ako palipat-lipat ng tingin sa mga hawak kong swim wear. Black or red? The black one is a one-piece bikini while the other one is a two-piece stringed bikini.

"Parehas naman ding bikini 'yan eh," ani Haru na naka-upo sa kama niya.

"Palibhasa naka-damit ka na." I rolled my eyes at him. Hindi talaga siya naka-damit, topless at naka-board shorts lang siya ngayon kaya kitang-kita na ang abs na pinaghirapan niya.

"Gwapo ko ba?" aniya sabay flex ng muscles. Nagkunwari akong sumusuka.

"I finally made up my mind. I'm picking the black one. Magbibihis na ako." Ibinaba ko na ang red bikini at pumunta na sa CR. Narinig ko namang tumatawa siya sa labas. Baliw.

Nagpalit na ako ng bikini at nagsuot pa ako ng maong shorts.Pagkalabas ko ng CR ay naabutan kong nag-po-phone si Haru. He stopped doing his business then looked at me from head to toe. Bigla siyang tumawa ulit na ikinunot ng noo ko.

Ang lakas ng tama nito ngayon ah.

"Laki ng tiyan mo!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad ko namang tinignan ito at sinugod si Haru.

"Nakakainis ka, Haru!" Sinabunutan ko siya! "Hindi lang ako sumasabay sa'yo sa pag-gym, ginaganyan mo na ako? Ang sexy-sexy ko ta's sasabihan mo ako na malaki ang tiyan ko. Nakakainis ka!" Parang wala lang sa kanya na sabunutan ko siya kasi tawa pa rin siya nang tawa kaya tinigil ko na.

I compose myself first and went outside our cabin. Tumama agad sa balat ko ang lamig ng hangin. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa likod ko kaya naglakad na ako nang mabilis.

"Dana! Sorry na," ani Haru na may kasama pang pagtawa.

"WhatevーHaru, bring me down!" napatili ako habang binubuhat niya.

"No. Unless forgiven na ako," sabi niya mula sa likuran ko. Pina-ikot-ikot pa niya ako sa ere! Halos nasa amin din ang atensyon ng mga tao rito!

"Baba!" tili ko. Ang mga buhok ko ay nakakain ko na.

"Patawarin mo muna ako," pangungulit niya pa.

"Ugh! Okay, fine. Forgiven ka na. Baba mo na ako!" Sinunod niya naman ang sabi ko.

"Tara, zipline na!" Kinuha niya ang kamay ko at tumakbo papunta sa zipline.

•••

BUONG TANGHALI ay nag-try kami ng iba't-ibang activities meron dito sa beach. Kaya ngayong hapon naman ay oras na para mag-snorkeling!

"Ready ka na ba?" tanong sa akin ni Haru.

I changed from my bikini into a rash gard along with my beach shorts. Nakapony-tail ang mahaba kong buhok. Naka-rash gard na rin si Haru kaya bakat ang kanyang abs.

"Yep. Tara na!" I said and linked my arms on his.

Pagkarating namin sa lobby ay nagpa-assist na kami agad para mag-snorkeling. Pinapunta na nila kami sa may tabing-dagat kung saan may bangkang naghihintay sa amin.

"Good afternoon, Ma'am, Sir. Ako po si Alberto, ang instructor niyo po for today," wika ng isang lalaking naka-rash gard. Makisig ang kanyang pangangatawan at mukhang matanda siya ng kaunti sa amin ni Haru.

Tinanguan ko siya at nginitian saka sumampa sa bangka. Tinulungan niya akong sumakay. Sumampa na rin si Haru at tabi kaming umupo.

Habang umaandar ang bangka, tinuruan kami ng basics ni Kuya Alberto kung paano mag-snorkel. Sinuot na rin namin ang goggles, pati na rin ang web feet para sa paa. We also brought our waterproof camera with us para ma-picture'an namin ang corals.

Nakarating na kami sa gitna ng dagat kaya pinaalala ulit sa amin ni Kuya Alberto ang aming gagawin.

Huminto na ang bangkang sinasakyan namin at nauna na nang lumusong sa tubig si Kuya Alberto, followed by Haru. Iniayos ko na ang suot kong goggles saka lumusong na rin sa tubig. Pinigil na namin ang paghinga sabay lumubog pailalim sa tubig.

Kitang-kita ko ang mga grupo ng mga isdang lumalangoy dito sa ilalim. There's a fish that looks like Nemo, Dory, and Flounder! I saw sting rays, shrimps and seahorse, too! Ang gaganda rin ng mga corals! Ang mga seaplants din ay sumasabay sa galaw ng tubig. Iba't-iba ang mga kulay dito sa baba. Pinicture'an ko sila gamit ang camera ko.

Hindi ko akalain na ganito kaganda sa ilalim ng karagatan ng Pilipinas! Yes, I swim in beaches pero hanggang sa may pampang lang ako.

Tinapat ko ang camera ko sa gawi ni Haru para picture'an din sya. Bubbles are coming out from his mouth piece. Nag-peace sign siya sa akin. Nagpicture rin kaming dalawa.

Tawang-tawa ako kay Haru nang kinuha niya sa akin ang camera at tinapat sa mukha niya saka tinuro ang mga isda na lumalangoy.

Baliw talaga.

Umakyat kami sa tubig nang hindi na namin kayang pigilin ang hininga. Humawak ako sa bangka at huminga ng marami. Gan'on din si Haru na nasa tabi ko lang.

Lumangoy na ulit kami pailalim kaya nakita namin ng malapitan ang mga sea creatures na hindi pamilyar sa akin. Nakita ko rin na pinipicture'an ito ni Haru.

Ramdam ko na parang hindi lang kaming tatlo ang nandito sa baba ng dagat. Ang weird ng feeling... Parang may nakamasid sa amin.

Napansin kong nanggagaling ang nakatingin sa amin sa may rock formation 'di kalayuan kung nasaan kami. May napansin akong malaking buntot na dali-daling nagtago sa likod nito. I swam towards there out of curiousity.

Naramdaman kong may tumapik sa aking balikat kaya kinabahan ako baka ito yung nagmamasid sa amin. Lumingon ako sa may gawa nito sa akin.

Napahawak ako sa aking dibdib nang makitang si Kuya Alberto pala ito. Umakto siyang may tinuturong orasan sa kanyang kaliwang palapulsuhan, ang ibig sabihin niya ay tapos na ang aming oras.

Siguro malaking isda lang iyon.

Bumalik na kami sa itaas para makabalik na sa cabin. Pagkaahon namin ay pansin ko na magdidilim na.

Tinulungan kami ni Kuya Alberto at ang isa niya pang kasamahan na tanggalin ang web feet sa paahan namin. After we settled down ay umandar na ang bangka namin.

Naka-upo lang ako at nakatingin sa kalmadong tubig. Pagkalipas ng ilang segundo ay nagtaka ako dahil hindi na kalmado ang dagat. Napatingin ako sa harap. I saw waves coming in our direction!

Napatayo ako ng maramdaman na umuuga ang sinasakyan namin. Nagsimula na akong mag-panic. "What the heck is happening?" sabi ko at mahigpit na kumapit sa gilid ng bangka. Nagkakatalsikan na ang tubig alat sa amin kaya nalalasahan ko na rin ito.

"Hindi po namin alam, Ma'am. Wala naman pong iniulat na magkakaroon ng masamang panahon ngayon," natatarantang sagot ng kuyang nagmamaneho ng bangka.

Pati ang mga kasamahan namin ay nagsimula nang humawak ng maigi sa pwedeng makapitan dito sa bangka.

"Kumapit ka lang ng mabuti. Magiging ligtas din tayo," wika ni Haru na nasa tabi ko. Basang-basa na rin siya katulad ko.

Tumatawag na rin si Kuya Alberto ng tulong gamit ang radyo na dala niya samantala ang nag-o-operate ng bangka ay minementain ang balanse nito.

Napatingin ako sa itaas at nakita ang kulay asul na buwan. A blue moon?

"Haru, looー" Ituturo ko sana kay Haru ang kakaibang kulay ng buwan nang biglang hinampas kami ng malaking alon!

Napunta ulit ako sa ilalim ng tubig. Hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil sa impact ng alon!

I surfaced and tried calling for help. Pero walang nakakarinig sa akin. Halos lahat kami na nasa bangka ay inililigtas ang sarili namin. Ang dami ko nang nainom na tubig at humahapdi na ang mga mata ko kaya ipinikit ko nalang ito at magpapatangay nalang sa alon.

Before I lose consciousness, I felt someone hugged me tight and kissed me on the lips.

•ㅅ•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top