Chapter 21

Chapter 21

Dana

PUNONG-PUNO ng mga sirena ang daan nang makarating kami sa downtown. Sa sobrang dami nila ay hindi nila napansin na narito ang kanilang prinsipe. Umiiwas nalang din kami sa mga ito.

Some of them were dancing and singing. Meron ding nagbebenta ng kung ano-ano.  May mga bata rin na naglalaro! They're so cute!

"Ano ba, Dana. Nasasakal ako," daing ni Scion kaya inayos ko ang pagkakakapit sa kanya.

"Magtiis ka d'yan. Masakit pa rin buntot ko." I heard his grunt as he continued swimming.

Ang ganda pala ng downtown kapag may piyesta. Buhay na buhay.

A familiar smell lingered in my nose. Napabitaw ako kay Scion at napalangoy kung saan ito nanggaling.

"Kimpaw ba ang gusto mo, hija?" tanong sa'kin ng ateng nagbebenta. Starfish ang nagsisilbing bra niya at kupas na dilaw ang kanyang matabang buntot. Nakatayo ang tindahan na ito sa gilid ng kalsada kaya buti nalang malakas pang-amoy ko!

Agad naman akong ngumiti at tumango. Naglagay si ate ng limang kimpaw sa shell na plate saka ibinigay sa'kin nang may ngiti. Kinuha ko agad ito at kinain.

Finally! May kimpaw na akong makakain! Akala siguro ni Khael wala akong mahahanap na kimpaw.

"Akala ko ba masakit buntot mo?" I stopped chewing when I heard his voice.

I looked at him and smiled. "May kimpaw eh." Walang makakapigil sa'kin dahil lalo na't nandiyan ang paborito kong pagkain!

"Kayo po pala, Prinsipe." Napatingin ako sa ateng nagbebenta na ngayon ay nakayuko na. Even the other mermaids around us bowed at Scion. Tipid na ngiti lang ang iginawad ni Scion sa kanila.

"Kukunin ko lang ang prinsesa." Hinawakan na niya ang beywang ko pero nagpabigat ako dahil sa naisip. Paano ko babayaran ito? Basta ko lang pala ito hiningi sa ate kanina.

Humarap ako kay ate at sinabi ko sa kanya kung magkano ang babayaran kahit wala akong dalang pera.

"'Wag niyo na pong bayaran. Bigay ko nalang po sa'yo 'yan kasi mukhang paborito mo 'yan eh," she politely said. Sinuklian ko ng ngiti ang kanyang kabutihang loob sa'kin.

"Tara na." Hinatak ako bigla ni Scion kaya muntikan ko nang mahulog ang mga pagkain ko. Sumakay akong muli sa likod niya habang kinakain ang kimpaw. Hindi na siya nagsalita at nagpatuloy sa paglalangoy.

Bukas na bukas ang mga ilaw ng mga buildings dito kaya kitang-kita ang mga kanilang binebenta. May nagpapatugtog din ng musika! 

"Scion, punta tayo d'on!" I said, pointing at the mermaids who are playing the musical instruments. May nakapalibot pang mga sirena sa kanila pero kapansin-pansin pa rin sila.

Hindi ako sinunod ni Scion kaya hinampas ko siya gamit ang shell na plate na ngayon ay wala nang laman. "Oo na. Pupunta na d'on, Mahal na Prinsesa." I can imagine him rolling his eyes.

Lumapit kami sa kanila at umalis na ako sa pagkakasakay kay Scion. Mas maraming mga nagkakasiyahan dito. Namangha rin ako sa mga musical instruments nila! Shells at bato lang pero ang ganda ng tunog! Pang-piyesta talaga!

May mga sumasayaw sa gitna. Halo-halo sila, may mga bata at matatanda. Tinapon ko sa basurahan ang shell na plate para makasabay ako sa mga kasiyahan nila.

Napangiti ako lalo nang may humatak saking bata at sinayaw ako sa gitna. He grab both of my hands. Ngiti-ngiti rin siya habang sinasayaw ako.

He looks like a ten year old kid. Kulot ang kanyang itim na buhok at pula ang kanyang buntot.

Nakita ko rin si Scion na hinatak ng isang batang babae. Naka-simangot si Scion habang ang bata ay tuwang-tuwa. He pouted when our met. Tumawa lang ako sa reaksyon niya.

Paikot-ikot lang ang ginagawa namin hanggang sa nagbago ang tugtog. From energetic to waltz.

Ang ibang tao sa paligid namin ay nagpalit na ng ayos. Tinignan ko ang bata, parang nahihiya pa siya sa'kin na isayaw ulit sa ganitong kanta. Kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang kanyang kamay pero may humarang na kamay.

"Pwede ba kitang masayaw, magandang binibini?"

I was stunned. Oh my God! Totoo ba ito? Si Maxwell Lopez ang kaharap ko ngayon? Ang sikat na artista?

"P-pwede naman." Nanginginig kong tinanggap ang kamay niya sa sobrang kilig. Ang gwapo niya sa malapitan! He has this bad boy aura that can make every girls heart swoon like crazy. Napaka bait niya at napaka gentleman. Kaya extra nalang ang kanyang abs! Bumagay rin sa kanya ang kanyang kulay light gray na buntot.

Inilagay niya na ang isa niyang kamay sa beywang ko at sumayaw na kami. Nakangiti lang ako sa kanya, kunwari 'di kinikilig.

"Napaka ganda mo naman. Anong pangalan mo, binibini?" The way he call me 'binibini' is so sexy!

"D-Dana..." nauutal kong sambit.

"Pati ang iyong pangalan ay maganda. Bagay sa binibining katulad mo." I blushed. Tumigil ka nga, baka mangisay ako sa kilig!

Celebrity crush ko lang si Maxwell pero hindi ibig sabihin n'on ay lalabag na ako sa sarili kong ginawang ruleーBawal ma-romantically attach sa isang lalaki. Lumabas lang ulit ang pagiging fangirl ko.

Tumigil na ang tugtugan kaya nag-bow na kami sa isa't-isa.

"Sa susunod muli, Dana." Hinalikan niya an likod ng palad ko saka umalis na siya sa harap ko. Then I heard a fake cough at my back.

"Laki ng ngiti mo ah."

Titignan ko siya kaso nasa gilid ko na agad si Scion. 

"Kilala mo si Maxwell Lopez? Kasayaw ko siya kanina! Ang gwapo niya! Oh my God!" sabay alog ng balikat ni Scion.

"Eh ako? Gwapo rin ba?" tanong niya kaya napatigil ako.

"Oo..." I saw the corner of his lips rose. "...Pero mas gwapo pa rin si Max." Nawala ang kanyang ngiti. Lumangoy na siya at naiwan ako.

What the heck? Tampo agad?

I followed him from behind, poking his hip.

"Scion?" Walang sagot.

Sumakay ulit ako sa kanya, baka sakaling kausapin niya ulit ako. Pero wala pa rin.

Ang hirap talagang kausapin ang lalaking 'to kapag nagtatampo! Anong meron sa sinabi ko kanina? Masama bang magpaka-fangirl?

"Scion..." Sinasakal ko na siya pero 'di pa rin siya naimik.

"Scion, kausapin mo naman ako..." I said, still poking him.

Tumigil na siya at inalis ang pagkakakapit ko sa kanya. He faced me and said, "Ako lang dapat ang pinaka gwapo na lalaki sa iyong mata. Maliwanag ba?"

Hala?

•ㅅ•

A/N: LuH bHIe

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top