Chapter 20

Chapter 20

Dana

NAPAKAIN niya pa ako ng lima pang gan'on! Buti nalang at napatigil na 'yon dahil time na. Sobrang nandidiri talaga ako!

Imagine, eating snails. I don't even know what kind of food they eat! And also if they're edible!

Why am I overthinking?

"Dana, nakikinig ka ba?" I went back to reality when Miss Miran mentioned my name.

"Y-yes, Ma'am?" Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. I also felt my classmates gawking at me because I interrupted the class.

"Kanina pa kitang napapansin na tulala. Masakit ba pakiramdam mo?" Oo. Hindi ko pa rin tanggap na nakakain ako ng snail kanina!

Agad naman akong umiling at ngumiti. "A-ah wala naman po."

Tumango si Miss Miran at nagpatuloy sa pagturo. Today's lesson was about the seaplants that can be seen in Ezili.

Pagkalipas ng ilang sandali ay nagulat akong nagsilutangan ang mga kaklase ko.

"Saan kayo pupunta, Scion?" I asked Scion, who's now floating beside me.

"'Di kasi nakikinig." He tsked. "Pupunta tayo sa mga corals. Ipapakita ni Miss Miran nang personal ang mga tinalakay niya kanina."

Lumutang na rin ako at sumabay sa kaniya. Tahimik lang ang buong klase habang papunta kami sa corals.

I don't know why, but my mood suddenly changed when we arrived at the place. Nakakagaan sa loob tignan ang mga iba't-ibang klase ng isda na nalangoy. Isama mo pa ang ganda ng sikat ng araw sa labas kaya makulay tignan ang corals.

"Maaari niyo nang tignan ng malapitan ang mga halaman na tinalakay natin kanina." Kinabahan ako sa sinabi ni Ma'am dahil hindi ako nakinig kanina.

Ang mga kaklase ko ay nagpuntahan na sa mga napili nilang pwesto kaya ginaya ko na rin sila para 'di ako mapagalitan. I picked a spot that has lesser crowd.

The fish hid inside the corals as I went closer.  And oh, there's a cute starfish here! Nakadikit siya sa isang rock formation. May mga hindi akong kilala na isda na nasa ilalim lang at parang may sariling mundo.

"Bakit parang hindi ang halaman ang tinitignan mo dito?" Nagulat ako sa biglang nagsalita. Tumingin ako sa gilid ko at nakita siyang seryosong natingin sa mga halaman.

"Wala ka nang pakealam d'on." Hindi ko na lang pinansin si Khael at baka masira lang ang mood ko. I kept myself busy by looking at the cute starfish.

"Ito ang kelp." I saw him touched the plant in my peripheral vision. "'Pag nakikita ko ang halaman na ito ay napapakalma ako."

Si Khael ba 'tong katabi ko ngayon? Nararamdaman kong nagsasabi niya ng totoo dahil kalmado nga talaga siya. Humarap na ako sa kanya at nagtama ang aming tingin.

"Bakit pinapakalma ka niyan?" I asked.

He shrugged. "Hindi ko rin alam. May mahika ata ito at sa'kin lang natalab." Napa-oh naman ako sa kanyang sinabi.

"Kaya nang malaman kong mahilig ka pala sa kimpaw, tinago ko ang mga ito para wala kang makain."

I gritted my teeth. Siya pala ang dahilan kung bakit napakain ako ng snail? Halos mamatay na ako nang hindi makakain ng kimpaw!

His lips slowly formed into his signature smirk. Kinuyom ko ang aking kamay at hahampasin na siya pero may pumigil sa'kin.

"Tara na, Dana. Tapos na ang klase," Scion said in a monotone.

Hawak-hawak niya pa rin ang kamao ko nang ibinaba niya ito. He grabbed my wrist and swam away. Tumingin ulit ako sa likod ko para bigyan ng masamang tingin si Khael pero tumatawa lang siya.

"Ang sabi ni Miss Miran ay tignan ang mga halaman. Bakit ang Khael na 'yon ang kausap mo?" tanong ni Scion kaya napaharap ako sa kanya.

"Hindi ako nakinig sa klase, okay? Kaya ang mga isda nalang d'on ang tinignan ko. Malay ko bang magpapakita si Khael," I explained. Medyo lumuwang na ang kanyang pagkakahawak sa'kin.

What the heck? The way I said that makes me look like his girlfriend who he caught on cheating!

"Nalaman kong siya pala ang dahilan kung bakit walang kimpaw na nakahanda kanina!" pagsusumbong ko sa kaniya.

"Uhuh... Ano pang pinag-usapan niyo?"

"'Yon lang. How about you? Bakit hindi kita kasama kanina? Kaya ayan tuloy, nakausap ko si Khael." I pouted.

"Ikaw nga 'yong hindi sumama sa'kin eh. Tinawag ko pangalan mo pero nagmamadali kang pumunta sa pwesto mo kanina."

Natahimik ako sa sinabi niya. Ako rin pala ang may kasalanan. Sana 'di ako nataranta kanina. 

Napansin kong iba ang daang tinatahak namin. Walang corals ang lugar na ito. Sea bed lang ang makikita mo at kaunting isdang dumadaan.

"Uhh... Scion? Hindi ito ang daan pabalik ng school, 'di ba?"

"Hindi," simpleng sagot niya.

"Saan tayo pupunta?" Naramdaman kong napapagod na ang buntot ko kakalangoy.

"Ang sabi ko kanina mag-eensayo tayo. Ito na," sabay bitaw sa palapulsuhan ko.

Tinaasan ko siya ng kilay pero agad itong napawi nang nakita ko sa 'di kalayuan ang makukulay na ilaw mula sa downtown. It's like there's an event going on there.

"Ano 'yon?" Tinuro ko ang kamay ko doon. 

Tinignan ko siya at parang may inaalala. "Unang lunes ngayon ng buwan. Nagdidiwang kami palagi sa araw na ito dahil pinapasalamatan namin si Poseidon sa masaganang halamang-dagat."

"Poseidon? You mean the god of the sea?" He nodded.

Gusto kong puntahan ang event na 'yon. Malay mo may makita na naman akong sikat na tao.

"Pwede punta tayo?" I said, with matching puppy eyes.

"No. Mag-eensayo tayo," matigas na pagkasambit niya.

Nagpa-cute pa lalo ako. I saw him suppressing his smile. Ha! Tumatalab ang cuteness ko!

Yinakap ko na siya, tumingala, at nagpa-cute ulit. Nahuli ko siyang ngumiti pero agad niya iyong binawi.

"Ngumiti ka! 'Wag mong i-deny!" pang-aasar ko sa kanya.

He smiled and raised his hands as a sign of defeat. Hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Yey! Thank you!" Kumalas na ako sa yakap at sinakyan siya sa likod.

"Bakit ka nand'yan? Masakit sa likod!" reklamo niya.

"Masakit na ang buntot ko. Ikaw na ang lumangoy para sa'kin," sabay baon ng mukha ko sa leeg niya. "Sige na..."

Wala na siyang magawa kun'di ay lumangoy na.

"Basta pagkatapos nating pumunta d'on tuturuan na kitang kontrolin ang kapangyarihan mo ha?" aniya.

I just nodded on his neck. Sulitin na namin ang pag-skip ng klase.

•ㅅ•

Comment for a faster updateeee

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top