Chapter 2
Chapter 2
Dana
"DANA, bumaba ka na d'yan!" dinig kong sigaw sa akin ni Haru.
"Teka wait lang!"
Naglalagay na ako ng mga damit sa maleta nang makarinig ako ng pagbukas sa aking pinto. Tinignan ko ito nakitang si Haru. He's wearing his favorite beach polo and white maong shorts.
"Hindi ka na naman nag-impake 'no?" Naka-ngisi niyang tanong niya sa akin at sumandal sa pintuan.
"Dapat excited ka nga eh. Akala ko pa naman dire-diretso na tayo papunta sa beach," wika niya at humalukipkip.
I chuckled on what he said. "Syempre excited na ako, 'no. Alam mo bang iniisip ko na yung makikita natin ang mga sea creatures sa ilalim ng dagat? Baka may mermaids!"
"Ayan ka na naman sa addiction mo sa mermaids." Napatampal siya sa kaniyang noo.
"Syempre!" sabi ko sabay sara ng zipper ng bag na dala ko.
"Kumpleto na 'yan?" paniniguradong tanong ni Haru.
"Yes, sir!" Umakto akong sumaludo sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at umiling. Lumapit na siya sa akin at kinuha na ang bag na bibitbitin ko.
"Mauna na ako sa baba. Ilalagay ko na ito sa van. Dalian mo magbihis," sabi niya sa akin bago umalis na ng kwarto ko.
Pumunta na akong banyo at naligo ng mabilis. I'm sporting on a beach floral dress and shades. Kinuha ko ang isa kong bag sa table. Bumaba na ako ng kwarto pagkatapos kong mag-ayos.
Naaubatan ko si Haru na nakaupo na sa driver's seat. "Tara na?" tanong niya sa akin.
"Let's go!" Umupo na ako sa tabi niya at inilagay na ang seatbelt ko.
"Mahaba ang byahe kaya mas mabuti nalang kung matulog ka," ani Haru.
"Sige." Umayos na ako ng upo at ipinikit na ang aking mata.
•••
"DANA...Gising na," narinig kong wika ni Haru.
"Hmm?" Iminulat ko na ang aking mata at bumungad sa akin ang dagat.
"Nandito na tayo," ani Haru.
Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at lumabas agad ng van. Ang mga puting pinong buhangin, ang asul na tubig, ang maalat na amoy ng dagat, ang mga puno na sumasayaw, at ang mga ibon na nalipad sa himpapawid. Nasa dagat na nga ako!
"Tara na sa cabin natin?" Lumingon ako kay Haru. Mukhang nag-check in na siya kanina habang pinapanood ko ang dagat.
Bitbit niya na ang ilang mga dala namin. Tumango ako sa kanya at tinulungan siyang dalhin ang mga gamit namin papuntang cabin.
Pagkapasok namin ng cabin ay hindi ko maiwasan ginawin dahil nakabukas ang aircon. Cream ang color ng room. There's two separate beds, three-seater couch on the side, and two cups placed on a mini table. May frame rin ng bulaklak na nakasabit sa gilid ng pinto.
Ipinatong ko muna sa ibaba ng aking kama ang mga gamit na dala ko. Pumasok ako sa loob ng banyo para tignan ito. May sink, shower, at bath tub.
Ang ganda pala ng nakuha niyang cabin.
Lumabas na ako ng banyo at umupo na sa kama ko. Nakita kong nakahiga na si Haru. "Magpahinga ka muna, Haru. Ang haba ng binyahe natin. Baka mahilo ka kapag nag-snorkeling na tayo." Lumingon ako sa gawi niya at nakaranig ng hilik.
Tulog na.
Naka-tsinelas lang akong lumabas ng cabin para mag-ikot-ikot dito sa beach. I brought my phone and wallet with me. Sinigurado ko munang nasa akin ang keycard at maayos kong isinara ang pinto.
Ramdam ko ang mga buhangin na pumapasok sa tsinelas ko habang naglalakad. Pumunta ako sa restaurant dito sa may dagat para bumili ng maiinom.
Pagkapasok ko ay marami rin na kumakain dito. Umupo ako sa may counter. May lumapit sa akin na waiter. "Four seasons nga po," sabi ko at inilabas ang phone ko.
Inilapag na ng waiter ang order ko. Nakalagay ito sa isang baso na may mini-umbrella sa gilid ng straw. Pinicture'an ko muna ito bago inumin.
I suddenly missed Mom at Dad. Kapag kasi nagkaka-bonus si Dad ay naga-outing kaming pamilya. Isa na d'on ang mag-beach kami.
Inubos ko na ang inumin ko at binayaran na. Lumabas na ako ng resto at naglakad-lakad na. May natanaw din akong nagbe-beach volleyball 'di kalayuan.
Nagulat ako na may bola na gumulong sa direksyon ko. "Ah Miss... Pwede paabot ng bola?" pacute na sabi ng isang morenong lalaki na naka white loose shirt at board shorts. Kulay abo ang kanyang buhok kaya bumagay sa kanya iyon.
Dinampot ko ang bola at ibinato sa kanya. Napansin kong nagbago ang kulay ng kanyang mata. From black to violet.
Biglang bumalik sa normal ang kanyang mata ng nasalo na niya ang bola.
"Thank you!" he said.
Baka kulang lang ako sa tulog kaya akala ko nagbago ang kulay ng mata niya. Kailangan ko nang bumalik sa cabin namin para matulog ulit.
•••
"WHAT IF we enjoy the beach first before we go snorkeling?" I asked Haru. Tumango naman siya habang nakain ng steak.
"Great idea! Nalaman kong may zipline, jet ski, banana boat sila dito. And masasarap din daw pagkain sa seafood buffet nila. We can try it out for our dinner." Madami pa palang magagandang activities dito. Ang main reason lang kung bakit pumunta kami dito ay snorkeling.
"May beach volley rin sila. Sali tayo sa mga naglalaro d'on." Speaking of that. Sana 'di ko makita ulit ang lalaking nagbago ang kulay ng mata kanina. Gusto ko rin siyang makita kung totoo ba talagang nagbago nga or antok lang talaga 'yon.
"Yes, nakita ko 'yan kaninang umaga," I said after I drank cola. "Start tayo sa zipline," dagdag ko, Haru immediately nodded.
"Pagkatapos nating kumain, pahinga muna then zipline na."
"Okay."
•ㅅ•
A/N: I just realize na halos same ng name ng characters ko sa Extraordinary You...Dan-oh at Haru...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top