Chapter 18

Chapter 18

Dana

HINATAK niya ako papasok sa kwarto niya at pinaupo ako sa kama. Akala ko kung anong gagawin niya, pero nakalutang lang siya sa harap ko. Seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa'kin habang ako ay nakangiting aso.

Halik lang pala eh.

"Tungkol pala sa kapangyarihan mo..." aniya kaya agad na sumeryoso rin ang mukha ko.

Speaking of... Nakalimutan ko ang bagay na iyon. Nakatuon lang kasi ang utak ko sa ginawa kong pagkulay sa buhok niya eh.

Pumunta siya sa isang shelf ng kwarto niya at may kinuhang libro. Pati rin ang isang gasera, pero ang laman nito ay parang nago-glow na halaman at hindi apoy.

Lumapit siya sa'kin para tumabi sa tabi ko. Binuksan niya ang libro at tinuro ang isang phrase. Itinapat niya sa libro ang gasera kaya nabasa ko ito.

Tanging may dugong bughaw lang na mga sirena ang may kapangyarihan.

"Tell me, Dana. May dugong bughaw ka ba?" tanong niya sa akin.Kahit madilim na, naaaninag ko pa rin ang kanyang matang nakakalulang tignan sa'kin dahil sa sobrang lapit namin.

"Ako? May dugong bughaw? Nagpapatawa ka ba?" I sarcastically let out a laugh. "'Di ba normal na tao lang ako tapos ginawa mo akong sirena? Paano ako magkakaroon ng dugong bughaw?"

"Tama ka nga naman. Pero paano ka nagkaroon ng kapangyarihan?" aniya at nagbasa ulit sa batong libro. Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa likod ng kama para suportahan ang bigat ko.

"Wala namang sinabi dito sa libro na magkakaroon din ng kapangyarihan ang babaeng napili ng prinsipe..." Halos pabulong na ang mga huling sinabi niya.

"Babaeng, what?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala." Umiling siya at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Napahawak ako sa aking dibdib nang bigla niyang sinarado ang libro.

"Ano ba 'yan!" reklamo ko sa kanya.

Ibinaba niya ang libro sa tabi niya at tinignan ako sa mata. Napakalapit namin sa isa't-isa, kaunting galaw lang ay mahahalikan niya na naman ako.

"Gawin mo nga ulit 'yon," aniya.

My forehead creased. "Anong gawin ulit? Ang paglabas ng kapangyarihan?"

Tumango siya.

"Uhh..." I pushed his well-built chest away from me using my pointing finger. Naiilang ako sa sobrang lapit namin!

Mukhang nagets niya naman kaya umurong siya. Nilagay niya ang gasera sa gitna namin bilang distansya.

"Paano ko gagawin 'yon? Eh bigla nalang lumabas sa kamay ko. Hindi ko alam ang gagawin..."

Hinawakan ni Scion ang kanyang baba at tila malalim ang kanyang iniisip.

"Sigurado ka bang bigla nalang 'yon lumabas?" he asked. Tumango ako at umaktong nilagyan ng ekis ang dibdib ko.

"Sure ka?" tanong niya ulit. Tumango na naman ako.

"Weh?"

"Oo nga ang kulit!" Padabog kong binagsak ang kamay ko sa likod ng kama at naramdamang may nahulog sa likod ko.

"Hmm..." Lumapit ulit siya sa'kin. "Nagbago ulit ang kulay ng mga mata mo..." He touched the side of my eyes using the back of his hand. "...at napataas mo ang unan ko nang hindi ito nahahawakan..." Nilingon ko ang likod ko at nakitang naiba nga ang pwesto ng unan.

What the... heck? How?

Without prior notice, he grabbed my wrist and went outside the room. Gabi na kaya ang mga ilaw nalang ng mga lampara ang silbing gabay namin.

Dinala niya ako sa tapat ng kwarto ko. He pushed his hair back bago ako hinalikan sa noo. I stiffened by his sudden action.

Tumagal ng tatlong segundo ang halik niya bago ginulo ang buhok ko. "Tulog ka na... Bukas na natin itutuloy..."

Ang weird ni Scion ngayon. Pabago-bago ang mood niya.

"Ok..." Pumasok na ako sa loob ng kwarto at humiga sa malaking shell kong kama. Gawa na rin siguro ng kapaguran kaya nakatulog ako kaagad.

•••

NARARAMDAMAN ko na parang may dumadagan sa buntot ko. Ano ba 'yan! Kaaga-aga may panira ng tulog. At tumatalon-talon pa!

"Dana! Dana! Dana!" wika ng sirenang nanggugulo ng tulog ko habang tumatalon sa buntot ko. Nakadapa ako kaya hindi ko iyon kilala. Hindi pa rin gumagana ng maayos ang mga senses ko.

"Get out!" I said using my bedroom voice. Gamit ang nakapa kong unan, hinampas ko ang kung sino man ang nanggugulo.

"Dana!" Sumigaw siya sa tenga ko kaya napalutang ako mula sa kama.

Malabo pa ang paningin ko kaya kinusot ko muna ang mata ko bago tignan ang nanggugulo sa'kin.

Si Scion?!

"Ano bang ginagawa mo sa kwarto ko? Ang aga-aga o!" Sabay turo ko sa bintana kung saan kakaunti palang ang liwanag na makikita.

"Anong maaga? Male-late na tayo sa school!" Nanlaki ang mata ko kaya tumalikod ako sa kanya at naghilamos na ako ng mukha. Hinawakan ko na ang kanyang palapusuhan niya para pumunta na nang school. Sa bintana na kami dumaan para mabilis.

I saw my pink and orange tailed friends from the gate of the academy. Kinawayan nila ako kaya binitawan ko na ang hawak sa palapulsuhan ni Scion para makapunta sa kanila.

"Bati na kayo?" Gulat na tanong ni Brianna. Tumango ako sa kanila.

Tinignan ko sa likod ko si Scion at nakitang kinakausap na si Lander. Kinawayan ko rin si Lander nang magtagpo ang mata namin.

"Hulaan ko... Nagkabati kayo n'ong kinuha ka niya na sa'min kahapon 'no?" Binigyan ako ni Tisha ng isang ngiting aso, gan'on din si Brianna nang tignan ko.

"Oo," sagot ko at tumili silang dalawa. Hala?

Inilibot ko ng tingin ang paligid at nakitang pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante.

"Huy, anong nangyari sa inyong dalawa? Anong nakakakilig d'on?"

Tumigil na sila sa pagtili at kinalma ang sarili nila. "Wala," sabay pa nilang sinambit.

I rolled my eyes at them at hinatak na papasok sa school. Binabati kami ng ilang estudyanteng nakakakilala sa'min. Tumatango lang kami bilang pagtugon.

Dinala ko sila sa tapat ng silid nila. Hindi ko rin namalayan na nakasunod lang pala ang dalawang lalaki. Narinig ko lang ang mga boses nila.

"Dana, nandito na pala sina Scion," ani Tisha sabay humagikgik.

"Pasok na kayo sa loob." Tinulak ko silang dalawa sa room nila.

"Oo na." Tumawa sila bago lumangoy patungo sa upuan nila.

"Dana!" Lander greeted me. Tumabi kami mula sa pintuan dahil may pumapasok na sirena.

"Mukhang maayos na kayo ni Scion ah!" Bakit ba ang big deal sa kanila ang pagbabati  namin ni Scion?

"Oo..." Tinignan ko ang katabi niyang seryoso lang ang mukha habang nakatingin sa'kin.

"Pumasok ka na at late baka pumasok na ang teacher niyo." Sabay tulak sa kanya paloob ng room.

"Opo, Ma'am Dana." He chuckled and saluted at me before going to the girls. Magkakatabi lang pala silang tatlo.

I looked at Scion and raised my eyebrows. "Pasok naー"

Naputol ang sasabihin ko nang biglang may umakbay sa'kin. Nilingon ko kung sino ito at nakita ang nakangising Khael!

"Magandang umaga, Dana!" Mapang-asar niyang wika. Sinikuhan ko siya at sinamaan ng tingin. Our bodies were touching! Kadiri!

"Get off your dirty arms on my shoulder!" Khael grinned. Inalis niya na ang kanyang braso sa balikat ko at itinaas 'yon bilang pagsuko.

Nasabi ko na bang may abs din ang bida-bidang ito?

"So, ano na ang gagawin ko?" He poked his tongue inside his cheeks as he put his arms on his waist.

"Wala pa ngー" Bigla akong nakarinig ng isang pag-tikhim. Hinarap ko iyon at nakitang si Scion lang pala. Nakalimutan kong nandito pa pala siya!

"Ah... Paumanhin, Prinsipe. Hindi po kita napansin," ani Khael saka yumuko.

Nagulat ako sa sinabi niya kaya tinignan ko ang reaksyon ni Scion, pero nanatili pa ring blanko ang mukha niya. Akala ko pagsasabihan niya siya dahil 'prinsipe' ang tinawag sa kanya dito sa loob ng school pero hinila niya lang ako paalis.

Nilingon ko si Khael at nakitang umayos na siya ng tindig habang nakatalikod sa amin. I saw him shook his head and went inside our room.

I faced Scion and gave him a questioning look.

"Saan mo na naman ako dadalhin?"

"Let's practice your powers."

•ㅅ•

I want to hear your theories about Dana's powers. Nakakagana kayang magsulat kapag nagccomment kayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top