Chapter 17

Chapter 17

"AMA! Ama! Punta na po tayo kina Lander!" masiglang wika ng sampung taong gulang na Scion habang inaalog ang balikat ng kanyang tatay.

His father, King Sean, chuckled as he raised his arms in surrender. "Sige... Tara na!" Hinawakan niya ang kamay ng anak niya at hinila na papuntang village ng Ezili.

Hindi talaga maipagkakaila ang closeness ng mag-ama. Bukod sa magkamukhang-magkamukha sila, mula ulo hanggang buntot, ay mahilig din silang maglaro ng basketball.

Walang oras na hindi sila naghihiwalay. Magkasama sila oras-oras. Sa pag-kain, sa pagtulog, at sa ano pang bagay. Minsan, tinuturuan ni Haring Sean nang paggamit ng kapangyarihan si Scion, minsan naman ay tungkol sa pamumuno.

Hindi mapakali si Scion habang nalangoy papunta sa bahay ng kanyang pinaka matalik na kaibigan. Ngayong umaga kasi sila maglalaro ng basketball.

"Scion!" The young Lander exclaimed and waved his hand when he saw his best friend. Lumapit ito sa kanya at nakipag-fist bump. Nabitawan na ni Haring Sean ang pagkakahawak sa kanyang anak nang magtungo na sila sa open basketball court. King Sean laughed as he follow his child.

Pinanood ng hari maglaro ang kanyang anak. Natatawa siya dahil hindi napapasok nang maayos ang bola ng dalawang bata. Lumapit siya dito para maturuan ang mga bata. He dribbled the ball and showed the kids the proper way to shoot. Nang ipapasok na ng hari ang bola, biglang gumalaw ng sarili ang ring kaya hindi ito pumasok.

Lingid sa kaalaman nila ay may mga mangingisda na palang nagbabato ng mga dinamita sa village. Dahil nakalutang sila, hindi nila dama ang pagyanig, nakikita lang nila sa ibang bahay dahil paggalaw nito.

Binalot ng takot ang mga bata nang makita na nila ang mga nahuhulog na pampasabog mula sa itaas.

"Lander, Scion, dito lang kayo. Papatigilin ko ang pagsabog," sabi ng Hari. Naiiyak na tumango ang dalawa.

"Mag-ingat ka, ama," Scion said and hugged his father.

"I will..." sagot ng Hari at hinalikan ang noo ng anak. Kinalas niya na ang yakap ng kanyang anak ay nagtungo na sa bangkang pinaggalingan ng mga pampasabog.

He stopped five meters away from the yellow boat. Inipon niya ang kanyang enerhiya sa kamay. His eyes already turned into purple, which indicates he's already using his powers.

Itinutok niya ang kanyang palad sa direksyon ng bangka kaya nagkaroon ng alon sa itaas.The fishermen, inside the boat, panicked. Hindi nila alam na gawa pala ito ng isang sirena at hindi ng kalikasan.

Palakas nang palakas ang nagagawang alon ng Hari. Sa sobrang lakas ay naitaob niya na ang bangka. May nahuhulog na mga gamit mula rito, katulad ng timba at lambat. 'Di niya napansin na kasama sa paghulog ng mga gamit ang ilang mga pampasabog. The dynamite exploded in King Sean. His body weakened, burnt as it slowly sank down into the deep blue sea.

"Ama!" Scion cried out loud and hurriedly swam towards his father. Wala siyang pakealam kung sunog ang katawan ng kanyang ama. He tried using his powers to heal his father's burns, pero hindi gumana dahil kakaunti pa lang ang alam niya rito.

Nanghihina man ang Hari ay nagawa niya pang mahawakan ang pisnge ng kanyang anak.

"A-ama..." Patuloy sa pag-iyak ang kaawa-awang batang Scion.

"P-parte ng... pagiging hari a-ang pagsasakripisyo...ng k-kanyang... sarili p-para sa kaharian n-nito..." nanghihinang wika ni Haring Sean.

"A-ama... H-hindi..." Umiling si Scion. Ayaw niyang matuloy ang sasabihin ng kanyang ama. Napaka bata niya rin para mawalan ng isang magulang.

"M-magiging... mabuti kang h-hari pagdating ng... a-araw, S-Scion." Ngumiti siya sa huling sandali. Pumikit na siya at nahulog sa lapag ang kanyang kamay na nakahawak sa pisnge ng kanyang anak.

"Ama!" Humagulgol nang malakas si Scion habang yakap ang walang buhay na katawan ng kanyang pinaka mamahal na ama. Dumating si Lander sa tabi niya para aluhin siya.

Samantala, ang mga mangingisda naman ay pilit na lumalangoy papuntang pangpang. Hindi sila magiging sirena kahit lamunin sila ng tubig dahil sa kasamaan nilang ginawa sa dagat.

The whole Ezili mourned for their King's death. Sobrang malapit kasi si Haring Sean sa mga tao na naninirahan sa kanyang kaharian kaya labis ang lungkot ng mga sirena dito.

Queen Sitta didn't stopped from crying when she heard about the news. Si Scion naman ay tumigil na sa pag-iyak pagkalipas ng isang araw nang mawala ang kanyang ama. Naisip niya kasi na wala ring saysay ang pag-iyak. Alam niya rin na ayaw ng kanyang ama ang iyakan ang pagkawala niya.

After the incident, Scion's personality changed. Naging masungit siya at mas tahimik. Syempre, hindi niya ito ginagawa sa mga malalapit sa kanya, tulad ni Lander at Reyna Sitta.

Pero tumatak pa rin sa kanyang isipan ang mga huling sinabi ng kanyang ama. Ang maging mabuting hari balang araw.

•••

Dana

"BAKIT hindi ka makatingin sa akin?" mapang-asar niyang tanong. Dali-dali kong tinakpan ulit ang mga mata ko.

"Pinaiyak mo ako, eh!" Sabay tulak sa kanya palayo sa'kin. Tumigil kami sa paglangoy dahil sa pangungulit niya sa akin.

"Ako rin naman o." Turo niya sa mukha niya. Tinignan ko siya. Even though his eyes were red and puffy, he's still handsome! Ako naman ay mukhang mermaid zombie! This is so unfair!

"Tumigil ka nga! Lumangoy na tayo, baka hinahanap tayo ni Mommy Sitta. Malapit na ring gumabi." Napatigil siya sa pangungulit sa akin. Tumalikod na siya at lumangoy na.

"Kanina ang bad trip ng mukha mo tapos ngayon yayakap-yakapin mo ako at aasarin." I pouted. Hindi niya na ako sinagot at mas lalo niyang binilisan ang paglangoy, pero nagawa ko siyang pantayan.

"Alam mo bang naunahan ko kanina si Khael? Ibig sabihin ay mabilis na ako! At matatalo na kita!" I smirked. He should be proud at me! Natututo na ako!

Tinignan ko ang kung nasaan na kami. Malapit na pala kami sa bayan.

He looked at me and let out an amused smile. "Talaga?" Ngumiti ako at tumango.

"Edi paunahan makarating sa palasyo," aniya at iniwan ako dito.

My jaw dropped. Binilisan ko lalo ang paglangoy ko para maunahan siya. We swam towards the sea people and buildings in the downtown. Kahit dumidilim na, nakikita kong pinagtitinginan kami mula sa ibaba dahil sa bilis namin. May mga muntikan pa nga kaming mabunggo.

I stretched my arms to reach Scion's tail. Nang mahawakan ko ito ay hinila ko ito pabalik kaya napag-iwanan ko siya.

"Dana!" Rinig kong sigaw niya mula sa likod ko. Hala sa kanyang tono ang galit at inis. I giggled and focused on speeding my pace.

Nang matanaw ko na ang gate ng palasyo ay sa itaas na ako dumaan. Matatagalan pa kasi ang pagbukas. Tumawa ako ng sobrang lakas nang makapasok ako. I heard the gate opened and revealed a grumpy faced Scion.

"Nanalo ako, bleh!" I stucked my tongue out. Akala ko ay titignan niya ako pero nilagpasan niya lang ako.

Bitter? Siya ang nag-isip n'on eh. O baka dahil nangdaya ako. It's called strategy! Duh! Wala rin siyang sinabi na bawal mangdaya.

Seryoso lang ang mukha niya habang pinagbubuksan ng mga kawal ang pinto. Sinundan ko siya hanggang sa kwarto niya at patawa-tawa. I was about to enter his room when he shut the door!

Muntikan nang matamaan ang ilong ko!

Pero pinagpatuloy ko pa rin ang pang-aasar ko sa kanya. "'Wag ka nang magtampo, baby Sciony..."

Pinagtitinginan na ako ng mga dumadaan na kasambahay dito pero hindi ko pa rin siya tatantanan.

"Sciony..." I said in a childish voice. I pouted, even though he can't see me. Para kaming hindi nagdrama kanina ah.

Ano kayang pwedeng sabihin sa kanga para lumabas na? Think, Dana. Think.

Parang may bumbilya na lumabas sa ulo ko nang makaisip ako. Sana lang gumana ito.

I giggled before saying what's on my mind. "Sciony... Hindi ka na sa'kin makakakiss kapag hindi ka pa lumabas..." Aalis na sana ako sa tapat ng kwarto niya pero narinig kong bumukas ito at may yumakap sa'kin sa mula sa likuran.

"Oo na... Panalo ka na..." I heard him sighed.




•ㅅ•

A/N: Dapat ang chapter 15 ay mapopost on May 31. Kaso namatay phone ko. Pero good news! Nabuhay ulit ito. Ni-CPR ko ito. Naiiyak pa rin ako sa tuwa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top