Chapter 15

Chapter 15

Dana

"TARA na nga," ani Lander at tumalikod na papuntang Zoval. Sumunod ako sa kanya pero mabagal ang paglangoy.

Nagi-guilty tuloy ako. Iyon pala ang dahilan kung bakit galit na galit siya sa akin. Hindi ko naman sinasadya eh. Ano na ang gagawin ko?

"Dana!" Bumalik ako sa realidad nang may tumawag ng pangalan ko. Lumingon ako sa pinanggalingan nito at nakita kong sina Brianna at Tisha na nakaway sa akin.

Lumapit sila sa akin. "Nasaan si Scion?" tanong ni Tisha.Tumingin sa amin si Lander kaya nginitian ko nalang siya, dumiretso na siyang pumasok sa kanyang klase.

"Nauna na sa loob," bored kong sagot. Nanatili lang kaming nakalutang dito sa hallway.

"Ano bang nangyari sa inyo? Nag-away ba kayo?" si Brianna.

"Parang gan'on na nga." I sighed. Inakbayan ako ni Tisha.

"Anong bang ginawa mo?" tanong sa'kin ni Brianna na nakakunot ang noo.

"May nakita kasi akong pangkulay ng buhok sa lumubog na barko kahapon. Ayun, kinulayan ko siya. Nagalit. Hindi ko naman alam na ang buhok niya ang huling alaala ng ama niya." They both gasped.

"Hala ka, Dana!"

"Ano nang gagawin mo?"

I sighed again. Bigla silang tumawa. "Ang panget mo kapag malungkot!" ani Tisha kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Joke lang!" She said then smiled. Maybe, to enlighten my mood.

"Tara na nga at baka malate pa tayo! Magse-ceremony pa naman." Ngumiti ako ng matipid. Mabuti at nand'yan sila para sa akin.

•••

"ILAN ang makukuha mo kapag ang sampung isda ay pinagsama mo sa tatlo pang isda?" anang guro namin ngayon.

Pati ba naman dito may Math! And take note, they're teaching the basics! Ugh.

"Trese po, Sir." Tumayo mula sa kanyang inuupuan si Khael, 'yong cheater. Bida-bida talaga. Ang iba naming kaklase ay pumalakpak. Maraming dumagdag sa bilang namin dahil sa lumubog na barko kahapon.

"Magaling!" Our gray-colored-tail teacher exclaimed.

I rolled my eyes. Ang basic naman. What are we? Kindergartens?

Nagsulat muli ang aming guro. Wala kaming blackboard dito katulad ng sa lupa. Makinis na bato ang pisara namin at ang pangsulat ay ink ng pusit. Ang cool right? Buti nga hindi nagfe-fade ang ink.

Itinukod ko nalang ang siko ko sa lamesa kong bato at tinignan si Scion na katabi ko. He looks serious while listening to our teacher. Hindi niya pa rin ako pinapansin mula kanina pa.

I didn't pay attention to our morning classes. Iniisip ko lang kung anong pwede kong gawin para mapatawad ako ni Scion. Maghanap kaya ako ng gray na hair dye? Hmm... Nevermind... Manghihingi nalang ako ng tawad. Pero paano ako magsisimula?

Lander smirked at me when I took the seat in between the girls. Siya ngayon ang katabi ni Scion. Tahimik ang table namin kaya parang nasa simbahan ang buong cafeteria ngayon.

Tinignan ko ang dalawa kong katabi, sinusuri lang nila si Scion na kulay asul na ang buhok. His jaw clenched and dramatically tapping his fingers on the table.

"Lagot ka nga talaga, sis. Galit ang prinsipe." Bulong sa'kin ni Brianna.

"'Wag mo ngang asarin si Dana," saway sa kanya ni Tisha.

Nakatulala lang ako sa pagkain ko habang sila ay kumakain na ng lunch. No one dared to talk. Hindi ako sanay na ganito ang set-up namin. I really need to talk to Scion.

I sighed again for the nth time. Kumuha na ako ng kimpaw at kumain na.

•••

UMAYOS ako ng pila para hindi ako pagalitan ni Sir Bruno. Hindi ko rin namalayan kanina na time na pala! Hindi ko tuloy na-enjoy ang kimpaw ko!

Parang gumuho ang mundo ko sa inanunsyo si Sir. "Magkakaroon tayo ng paligsahan ngayon," sabay turo sa parang track and field sa kanyang likuran. "Pabilisan lumangoy."

My weakness! Babagsak na talaga ako sa subject na 'to!

I glanced at Scion and saw the side of his lips formed into a smirk, attentively looking at our teacher. Parang pinapatamaan niya ako sa ngising 'yon!

We will compete by pair. Nagtatawag na si Sir ng mga magkalaban kaya kinakabahan na ako. I inhaled a large amount of oxygen to ease my nervousness.

I don't know what has gotten into Sir's mind dahil kalaban ko si Khael! My eyes searched for my orange-tailed opponent, nakita ko siyang naka-krus ang mga braso sa kanyang dibdib at nakangisi sa akin.

Umalis siya mula sa pila niya at tumabi sa'kin. Nagdikit pa nga ang mga braso namin! Eww.

"Kamusta. Kalaban pala kita ngayon." He playfully let out a sarcastic smirk and bit his bottom lip.

"Hindi ba halata?" I just rolled my eyes. Papansin much?

Nagsimula na ang paligsahan. Naunang lumaban ang dalawang mermaid, one has a green tail and the other has an orange tail. They positioned themselves in the starting line, waiting for Sir Bruno's signal. Nang mag-go na ay parang kidlat silang lumangoy paikot sa track. Kinabahan tuloy ako lalo.

Hinanap ko si Scion. Nakita ko siyang nagtatangis ang panga habang seryosong nakatingin sa harap. Tinignan ko ang kanyang makakalaban, a merman that has a gray tail and a black hairstyle. Natawa ako sa kanyang katabi dahil kinakabahan ito at natatakot sa presensya ng kanilang prinsipe. 

I felt Khael poked the side of my hips so I gave him a deadly glare. He keeps on bugging me!

"Will you please stop?" Kalmado kong pakiusap sa kanya.

He smirked at me and put his hands on his waist. "Bitter ka pa rin ba dahil naagaw ko 'yong bato mula sa'yo?"

I looked at him and gritted my teeth. I'm not bitter! Tinanggap ko ang pagkatalo ko. Well, hindi lang agad-agad.

"Oh. So 'yan pala ang dahilan kung bakit mo ako inaasar?" I crossed my arms on my chest.

"Maybe?" he answered.

"Sunod!"

Binalik ko ang tingin sa track at nakita kong naghahanda na sina Scion. Mukha siyang bad trip ngayon ah.

"Go!" sigaw ni Sir Bruno.

What the heck did I just saw? Wala pang ten seconds narating na ni Scion ang finish line! The race lasts for about twenty seconds. Tapos nagawa niya ng gan'on kabilis?

His opponent's jaw dropped and stopped mid-way in the track. Nagpalakpakan ang iba kong kaklase.

"Ang galing talaga ni prinsipe, 'no?" Rinig kong wika ng nasa likuran namin. Hindi ko sila binalingan ng tingin.

"Sinabi mo pa! At ang gwapo niya lalo sa bago niyang buhok!" Gawa ko 'yan! Pero hindi niyo alam na galit siya ngayon sa'kin dahil d'yan.

"Sayang nga taken na siya." What? Taken na si Scion? Hindi niya sa'kin 'yon sinasabi ah.

"'Wag ka nang maingay. Baka marinig tayo ni Dana." Bakit nasama ang pangalan ko? Titignan ko sana sila kaso biglang sumigaw si Sir at tinatawag na kung sino ang kasunod.

"Laban na natin." Mapang-asar na ngumiti si Khael. I rolled my eyes to him and swam towards the starting line of the track.

I stretched my arms, warming-up. "Handa ka na bang matalo ulit?" Tinignan ko ang katabi ko at nags-stretch din.

"As if na mananalo ka." Ang yabang talaga nito.

"Gawa tayo ng kasunduan." Napatigil ako sa ginagawa ko at hinarap siya. "Kapag nanalo ako, susundin mo papagawin ko sa'yo. Kapag ako naman ang natalo, gagawin ko utos mo."

Napangiti ako sa kanyang sinabi, natatakot at the same time. Paano kung matalo ako? Baka kung anong kalokohan ang ipapagawa niya sa'kin.

"Ano, deal?" Gusto kong gumanti sa kanya kaya kailangan ko talagang manalo.

"Deal." Nagshake hands kami at umayos na ng tindig. Humanda ka sa'kin.

"Handa." sigaw ni Sir. I looked at my pink tail and glanced at Khael. Umakto siyang ginilitan ang sarili at tinuro ako. Hindi ko siyang hahayaan na manalo!

"Go!"

I swam as fast as I can. My hands are on my back, ginaya ko na ang mga naunang lumaban na sirena. Sumusunod ang mahaba kong buhok sa bawat paggalaw ko. Hindi ko tinitignan ang kalaban ko at nakapokus lang ako sa daan.

"Ako ang mananalo!" Hindi ko pinansin ang sigaw ni Khael. I closed my eyes as I saw the finish line, not wanting to see myself getting humiliated.

Tumigil ako nang sa tingin ko ay nalagpasan ko na ito. Nakarinig ako ng paghiyaw at palakpak mula sa mga kaklase ko. Nakapikit pa rin ang mga mata ko, kabadong-kabado sa resulta.

"Congrats." I felt someone tapped my shoulder. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ang natalong mukha ni Khael.

•ㅅ•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top