Chapter 14
Chapter 14
Dana
"ANONG ginawa mo sa buhok ko?" tanong ni Scion sa akin, halatang-halata sa boses niya ang galit at iritasyon. Hindi pa rin ako natigil kakatawa.
Seriously? Hindi niya talaga napansin? Tulog na tulog ba siya kanina?
"I...dyed... y-your hair... into b-blue." I said, in between my laughs. Inalala ko ang nangyari kanina.
We stayed like this for ten minutes. Hindi pa rin siya nagigising. Naisipan kong bumalik sa barkong lumubog kanina. Leaving him for a while isn't that bad right? May isda naman sa paligid niya and safe naman siya dito.
I tapped his right shoulder and left.
Kahit papaano ay naalala ko ang daan patungo d'on. Hindi na rin ako nagtaka kung lumubog na ito pababa sa sea floor.
This ship is really big! Mabuti at hindi sa corals ito sa lumubog! Kun'di ay mawawalan ng tirahan ang ibang isda.
Lumapit ako dito at sinuri ang labas. White at blue ang theme nito. Ang anchor din nito ay nakalapag na sa sea bed. Medyo nagka-crack na ang floor ng deck dahil sa tubig.
Pumasok ako sa nakita kong malapit na pintuan. Bagama't madilim, may kakaunting liwanag naman mula sa labas kaya naaninag ko pa rin ang loob.
I went inside a cabin, nakataob ang barko nang lumubog kaya ang mga gamit dito ay nakataob din. I saw a vanity table. I immediately went towards it and saw a box, which is now drenched, pangkulay ito ng buhok. I found it weird dahil blue ang color. Also, who will dye their hair while on a vacation?
Bigla akong nakaisip ng kalokohan! What if I dye Scion's hair into blue?
Hinawakan ko ito at nag-ikot pa sa mga cabin. Ang daming magagandang gamit dito! I want to add them in my room! Maybe I should ask Scion about this.
Bumalik na ako sa may corals kung saan ko iniwan si Scion. Balak kong gawin ang binabalak ko dito pero naisip kong baka malason kaming lahat.
Pinulupot ko ang aking kaliwang braso sa kanyang beywang pataas. Mabigat siya pero naiaangat ko siya sa tulong ng tubig.
We surfaced from the water, I found an island nearby so we went there. Inilapag ko siya sa buhangin, ang aming buntot ay natutubigan pa rin.
I opened the hair dye box and started to color his hair. Itinukod ko ang isa kong kamay sa buhanginan at dahan-dahan ako sa pagsuklay sa kanya, takot na magising siya.
Pangiti-ngiti ako habang may ginagawang katarantaduhan sa kanya. Ano kayang reaksyon niya mamaya?
Napatigil ako at sa ginagawa ko at tumitig sa natutulog na Scion. Hindi mo aakalain na masungit itong sirenong ito kapag gising siya. Ang ganda rin ng skin niya, ano kayang skincare nito?
Bigla siyang dumilat kaya ibinaon ko sa buhagin ang ginamit ko sa kanya!
"U-uhm... Gising k-ka na p-pala..." Buti nalang at tapos ko na siyang kulayan!
"Hmm... Matagal na ba akong nakatulog?" he asked in a bedroom voice.
"Yes." I bit my lower lip to stifle a smile.
He stretched his arms in the air, muscles flexed. "Tara na. Hinihintay na tayo ni ina." Tumango ako at bumalik na kami sa tubig.
Ang tagal naming lumalangoy pero hindi niya man lang napansin?
Pinunasan ko ang luhang lumabas sa mata ko sa kakatawa.
"Bagay naman sa'yo eh!" It's true! Both of his tail and hair are now color blue. Kulang nalang pati ang skin niya blue!
He glared at me, jaw clenched. Ako naman ay kinakalma na ang sarili sa kakatawa. Ilang segundo siyang gan'on hanggang sa lumabas na siya ng kwarto.
"Huy," tawag ko sa kanya habang nakabuntot sa kanya.
"Hala, galit ka na agad?" I giggled.
Patuloy lang siya sa paglangoy hanggang sa makarating kami sa bulwagan. Naiwan ako dito kasama ang mga baguhan na sirena habang siya ay pumunta sa harapan, kasama si Mommy Sitta. May sinabi si Scion sa kanya kaya tumango lang ang Reyna.
Nagsimula nang mag-anunsyo si Mommy Sitta ng mahahalagang bagay tungkol sa pagiging sirena. Hindi ako nakinig at nanatiling nakalutang sa may pinto.
I roamed my eyes around the hall. Nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng matatabang sirena! What the heck? Lima lang sila, tatlong lalaki at dalawang babae. Akala ko walang mataba sa sirena? Kitang-kita kasi ang bilbil nila! Kadiri!
Suminghap ako. Kalma ka lang, Dana. 'Wag kang judgmental.
"Maligayang pagdating sa Ezili!" Ito lang ang naintindihan ko sa lahat ng sinabi ni Mommy Sitta.
Iginaya na ng mga kawal ang mga bagong sirena palabas. Sumabay na rin ako sa kanilang paglabas at dumiretso na sa kwarto para matulog. Wala ring saysay kung papasok ako kasi tapos na klase.
•••
TAHIMIK lang kami habang nalangoy ni Scion papuntang Zoval. Galit pa rin siya sa akin. Gusto ko siyang kausapin kaso baka hindi niya ako sagutin.
"Dana!" Bati sa'kin ni Lander nang makasalubong namin siya sa gate. Nginitian ko lang siya. Lumingon siya sa katabi ko. "S-Scion?" tanong niya.
"Dana, si Scion 'to?" ulit niya sa tanong at tinuro si Scion na nakatiim ang panga. I nodded.
"Anong nangyari sa buhok mo, pre?" Halong pagtataka at pang-aasar ang boses niya. Napangisi ako.
"Kinulayan ni Dana. Tss," aniya at pumasok na sa loob ng school. Sinundan ko siya ng tingin. Gulat ang mga mukha ng mga esudyanteng nakakasalubong niya pero nagawa nilang yumuko sa prinsipe nila.
"Bakit mo ginawa 'yon, Dana?" Lander faced me with his serious face.
Ngumiti ako. "Wala lang... May nakita kasi akong hair dye sa lumubog na barko... " I fiddled my hair. "Naisipan kong kulayan siya."
"Alam mo bang ang buhok niya na lang ang natitirang alaala ng kanyang ama?" My smile quickly faded.
"Ano bang nangyari sa ama niya?" Hindi niya rin sa'kin ikinwento 'yon. Patay na ba?
"Patay na." Lander confirmed my thoughts.
Oh no. I think I really went too far.
•ㅅ•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top