Chapter 13

Chapter 13

Dana

NAWALA ng parang bula ang mga emosyon kong naipon kanina nang magprocess na sa utak ko ang sinabi ng kawal.

Lumubog na barko? 'Di ba sabi noon ni Scion na kapag ang mga tao ay nilamon ng dagat ay magiging sirena? It means there will be more mermaids added in the population!

"Sama ako," nakangiti kong sambit kaya tumalim ang tingin niya sa akin.

"Wala kang gagawin d'on, Dana." Ang kanyang tono ay puno ng otoridad. Now he's showing his 'prince side'!

"I want to see how people turn into a mermaid!" Nacurious ako bigla kung paano nagkakaroon ng buntot ang isang tao!

"Diー" Naputol ang kanyang sasabihin nang magsalita ang kawal.

"Mahal na Prinsipe, paumanhin pero kailangan na po talaga kayo ng mga tao doon. 'Wag na po kayong mag-away ng prinsesa." Pinanliitan ko ng mata ang kawal.

Why are they all calling me princess?

Scion sighed as a surrender. "Fine. Sumama ka na. 'Wag ka lang manggugulo." Ngumiti ako habang tumatango.

"Yey!"

Naunang lumangoy sa amin ang kawal para gabayan kami patungo sa lumubog na barko.

"Paano pala 'yong klase? Hindi tayo nagpaalam na aalis tayo?" tanong kay Scion.

"Nakalimutan mo ba kung sino ako?" He turned to me and smirked. I pouted.

Porket prinsipe siya susuway na agad siya sa mga batas?

"Narito na po tayo, Mahal na Prinsipe."

Ngayon, nakita ko ang isang ship na nakataob sa ibabaw ng tubig. May ibang tao na lumubog na paibaba ng dagat, may nakalutang sa itaas, ang ilan ay nag-aagawan makasakay sa isang life boat. Hindi ko alam kung nakakaramdam ba ako ng awa o ano.

I wonder what's the reason why the ship sank?

Ngayon ko lang din napansin na maraming kawal ang nakapaligid dito sa insidente. Nagtutulungan silang hawakan ang mga lumubog na tao.

"Scion, mabuti at nakapunta ka na dito! Naiistress na ako dito!" Nandito rin pala si Mommy Sitta!

"May ginawa lang kami ni Dana, Ina," sagot ni Scion.

Pumunta na siya sa isang topless na lalaki na hawak-hawak ng isang kawal. He touched the forehead of the man using his two fingers, umilaw ito ng kulay puti. Nakatalikod siya sa akin pero feeling ko nagbago na rin ang kulay ng mata niya. Unti-unting nagbago ang anyo ng lalaki. Nagkaroon na siya ng kulay maroon na buntot, ngunit wala pa ring malay.

Ganyan pala ang proseso para maging sirena? I thought it's by kissing? 'Di ba hinalikan niya ako?

"Scion..." I called him.

"Hmm..."

"Hindi ba't halik ang paraan para maging sirena?" tanong ko.

He froze.

"'Di ba ang sabi ko 'wag kang manggulo? Keep quiet so I can focus on what I'm doing." Bakit feeling ko nag-eenglish siya kapag seryoso?

"Dalhin niyo nang lahat ang mga naging sirena sa palasyo. Bilisan niyo."

Hindi ko namalayan na naka dami na pala siya sa kanyang ginagawa! Gan'on din si Mommy Sitta nang tignan ko! Marami nang naging sirena na tao.

Tumingala ako sa itaas ng tubig at may nakitang papalapit na maliit na bangka. Maybe they're the rescuer. Too late, the people they need to save already turned into mermaids.

"Bilisan niyo at may mga papalapit na tao. Baka makita tayo." They all bowed down in their prince's order. Bitbit ang mga taong sirena na, lumangoy na palayo ang mga kawal. Kasama rin nilang umalis ang reyna.

Pumunta na ako sa pweto ni Scion para kamustahin siya, pero bigla siyang nawalan ng balanse kaya lumubog siya pailalim!

"Scion!" Did he overused his powers again?

Lumangoy ako pababa para saluhin siya. I supported his weight in my arms, his scales went rought on my right arm. I swam away from this part of the ocean. May namataan akong corals kaya doon kami nagpahinga sa ibaba nito.

"Okay lang ako, Dana... Napagod lang. 'Wag mo na akong alalahanin," he said in a weak voice. Kahit masungit siya sa akin, hindi ko gustong makita siyang nagkakaganito. He's just doing his part as a prince in this monarchy.

"Shh... Pahinga ka lang d'yan..." Isinandal ko siya sa isang bato. Tumabi ako sa kanya, feeling the fine sand on my tail. Sinunod niya ang utos ko, natulog na siya.

Pinanood ko ang magandang senaryo ngayon. Ang kakaunting sikat ng araw na tumatagos sa tubig ay nagbibigay ng liwanag dito sa ilalim. Ang mga halamang dagat ay sumasabay sa paggalaw ng tubig at maraming isda ang nasa paligid namin. Mabuti at harmless sila, kun'di ay magwawala ako.

Nagsawa na akong panoorin ang paligid kaya ang tulog kong katabi na lang ang tinignan ko.

Hays, ang gwapo. Mag-ikot-ikot na nga lang.

•••

"AYOS ka na ba?" I asked him, trying to suppress my laugh.

Hindi niya ba napapansin?

"Oo..." Kumunot ang kanyang noo dahil nawiweirduhan na sa'kin.

Pabalik na kami ng palasyo at tiyak akong maiintindihan naman ni Mommy Sitta kung bakit kami nahuli.

"P-Prinsipe Scion?" tanong ng kawal nang makarating kami sa gate ng palasyo.

I bit my lower lip to prevent myself from smiling. Tumango si Scion sa kanila at pinagbuksan kami. May kawal din na nagbukas ng main door pero hindi na sila nagtanong o nagpahalatang nagtataka.

"Si Ina?" tanong niya nang may madaanang kasambahay.

Bahagya itong nagulat kay Scion. "P-Prinsipe..." Yumuko ito sa kanya. "Nasa bulwagan po ang Kamahalan."

Buti at nakilala pa nila si Scion!

"Salamat," aniya at lumangoy na papunta sa bulwagan. Ako naman ay nasa likod niya lang, pangiti-ngiti.

He opened the door of the hall and everyone inside went silent, looking at him with a questioning look. Sila siguro ang mga naging sirena kanina.

"S-Scion?" tanong ni Mommy Sitta, nagtataka sa itsura ng kanyang anak. Naka upo siya sa isang rock formation na parang upuan sa dulo ng bulwagan. Lumapit kami sa kanyang ina. We swam over the newly transformed mermaids.

"Scion, ikaw ba talaga 'yan?" tanong muli ni Mommy Sitta. Kumunot lalo ang kanyang noo.

"Ako po ito. Bakit?" Lumawak pa lalo ang aking ngisi.

"'Yong b-buhok mo..." sabay turo niya sa buhok nito.

"Ano pong meron sa buhok ko?" He said, touching his hair.

"Iba na ang kulay..." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Scion kaya lumangoy paalis ng bulwagan. I followed him but he's too fast!

Pumasok siya sa isang kwarto at sumunod ako sa loob. Napatigil ako nang makita ang silid. I haven't been into this place, I bet this is his room.

Humarap siya sa vanity mirror at hinawakan ang buhok. He looks frustrated on his new look, because in the reflection, Scion's hair is now blue. Gone with his gray hairstyle.

Hindi ko na napigilan ang tawa ko. I laughed my ass out!

"DANA!!!"

•ㅅ•

A/N: Is it just me or I imagined Scion as Taehyung in blue hair? o-O

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top