Chapter 12

Chapter 12

Dana

MATAPOS ang insidenteng iyon ay hindi na ako pinahawak ni Scion ng mga nakakalason na isda. Partner na rin kami palagi sa Science para safe na ako.

Ang dami kong kapalpakan sa buhay kaya nadadamay si Scion. What if umabot na ako sa point na hindi na ako kayang iligtas ni Scion? I shouldn't rely on him everytime.

"Dana, kanina ka pa tulala," narinig kong wika ni Lander.

"Huh?" Tumingin ako sa gawi niya at napansing sumeryoso na ang kanilang pagmumukha.

"Ayaw mo pang kumain? Marami pa namang kinuhang kimpaw para sa'yo si Scion," ani Brianna sabay tingin sa kabibeng plato ko. Ang dami niya ngang kinuha para sa'kin.

"'Di ba paborito mo 'yan?" Lander asked. I slowly nodded.

"Ano bang iniisip mo at mukhang ang lalim?" tanong ni Tisha.

I want to stand on my own feet... I mean... Lumutang sa sarili kong buntot.  Ayaw ko nang maabala si Scion. Gusto kong sabihin iyon sa kanila pero tinikom ko nalang ang bibig ko.

"Kain na..." wika ni Scion na nasa tabi ko, hawak-hawak ang kimpaw na gustong isubo sa akin.

"Kakain ka o hahalikan kita?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Seriously? Sa harap ng maraming tao?

I thought he was just bluffing! He really took a quick peck on my lips!

"Yieee!" Pang-aasar nilang tatlo. As usual, kami na naman ang maingay dito sa canteen.

I opened my mouth as he put the food inside. Nginuya ko na iyon at sarkastikong ngumiti sa mga kasama ko.

"Malapit nang magsimula ang klase ni Sir Bruno. Bilisan mo nang kumain, Dana." Scion said. Tumango ako at kumain nang mag-isa.

•••

"PARA sa araw na ito ay sa bangin kayo magsasanay!" Pasigaw na anunsyo ni Sir Bruno. Binalot na naman ako ng kaba.

Sana walang sharks sa paligid incase na maulit muli ang nangyari sa akin.

I felt a hand intertwined into mine, kaya nawala ang kaba ko sa dibdib. Pagkatingin ko sa taong iyon ay binigyan niya ako ng ngiti na nagsasabing 'kaya mo 'yan'. Bumalik na ulit ang tingin ni Scion sa harap at nakinig sa mga paalala ni Sir, hindi pa rin inaalis ang kamay niya sa akin.

"Mayroong bato sa kabilang bahagi ng cliff na hugis tatsulok, kakaiba iyon kaya madali niyo 'yong mahahanap. Paunahan kayong makahanap sa bato. Ang unang makahanap ay makakatanggap ng sampung puntos."

Ten points? If I got that rock first, I will surely pass on this subject!

Binitiwan na ni Scion ang kamay ko nang lumangoy na kami patungo sa maliit na bukana ng cliff at pumosisyon na. Iba-iba ang technique ng ilan, mayroon sa baba nakapwesto, sa gitna, at sa itaas. I chose to be in the middle.

"Ready," sigaw ni Sir Bruno. I titled my body into 180 degrees to the left so I can fit in the small opening. Tanaw ko na rin ang mga patusok na bato sa loob.

"Dana, tiwala ako sa'yo ngayon," dinig kong wika ni Scion, nasa kanan ko siya. Binigyan ko siya ng matipid na ngiti.

"Get set." Huminga ako ng malalalim.

Kaya ko 'to! Para sa ten points!

"Go!" sigaw ni Sir Bruno.

Lumangoy na ako papasok sa impyerno. Natatamaan ang balat ko pero hindi naman ako nasusugatan. Binibilisan ko ang aking paglangoy pero sadyang mahirap dahil maliit ang space. I paused for a while, catching my breath. Nakikita ko na ang iba na malapit nang makatawid sa kabilang dako ng cliif. Nagpatuloy na ako sa paglangoy. Naaninag ko na ang tatsulok na bato na tinutukoy ni Sir!

Ito na! Ten points... Here I come!

Ngumiti ako at binilisan lalo ang paglangoy ko. Natatamaan ng braso ko ang ilang bato pero 'di 'yon alintana para makuha ko ang ten points!

I'm already out in the hell-like cliff. I stretched out my right hand to reach my trophy.  Pero biglang may tumulak sa akin kaya tumilapon ako palayo!

What the heck? Sino 'yon?

Natabunan ng mahaba kong buhok ang mukha ko kaya inayos ko muna ito bago inangat ang tingin. There I saw a merman with his orange tail, holding my ten-points-worth-stone! Ngumisi pa ito sa akin na parang pinagmamalaki na nakuha niya iyon imbes na ako!

"Anongー" Hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Sir mula sa taas.

"At may nanalo na! Magaling, Khael!" My forehead creased.

What?

Lumangoy ako palapit sa kanila. Ang iba naming kaklase ay nakalabas na rin ng cliff at dismayado ang mga mukha.

"Nandaya siya!" sigaw ko sabay turo sa Khael na ito.

"Nauna ko itong nakuha. 'Di ba, Sir?" tanong niya kay Sir at tumango ito sa kanya.

"Ako talaga ang makakakuha niyan pero binangga niya ako! Hindi niyo ba nakita na napalayo ako?" Umuusok na ata ang ilong ko sa galit!

Ugh! Bakit ayaw ni Sir maniwala sa akin?

"Basta ang nanalo ay si Khael. Siya ang may hawak ng bato kaya sa kanya ang sampung puntos," ani Sir.

Sa sobrang galit ay iniwan ko sila!

"Dana, kalma lang." Hindi ko napansin na sumunod sa akin si Scion.

"Paano ako kakalma kung nasayang lang ang ten points ko?" Nalangoy pa rin ako samantalang siya ay nasa likuran ko lang.

This subject is so damn hard! Akala ba nila madali lang ito para sa'kin? No! Ang bagal ko pa ring lumangoy at hindi na ako magtataka kung bagsak ako dito! I'm trying my best to prove Scion na hindi siya magsisisi na ginawa niya akong mermaid.

"Grades lang 'yan. Tignan mo, ikaw ang nauna pero siya ang nakakuha ng bato kasi tinulak ka. You're improving." Napatigil ako.

Improving? Ha!

Humarap ako kay Scion at nakitang tumigil din siya sa paglangoy.

I smirked. "He cheated and also lied to our teacher!" Pumikit ako at marahas na huminga ng malalim. Kapag nagpatuloy kami sa pag-aaway ay wala rin itong patutunguhan.

"'Wag mo muna akong pansinin, Scion. Pupunta lang ako sa itaas ng tubig para pakalmahin ang sarili ko." Lumangoy na ako pataas.

"Danaー"

"I said stop!" Lumingon ako sa likod at inilahad ang kamay ko sa kanya para tumigil siya. Pero nagulat ako nang tumilamsik siya pababa!

What the heck?

Ang galit ko ay napalitan ng pag-aalala kay Scion. Lumapit ako sa kanya. Nakahiga siya sa sea bed at hinahawakan ang likod niya.

"Dana..." he said in a soft voice.

"Scion, I'm sorry. Anong nangyari? Okay ka lang?" wika ko sabay tulong sa kanya sa pag-angat.

"Dana, may kapangyarihan ka rin," sambit niya na ikinatigil ko.

"Anong kapangyarihan ang pinagsasasabi mo?" I mockingly laughed.

"'Yong mata mo, katulad ng sa akin..." sabay hawak sa mukha ko. "Pati ang kapangyarihan mo." I stared at him, to see if he's telling the truth or lie. Napawi ang mapang-asar kong ngiti nang makitaan na nagsasabi siya ng totoo.

"Tanging maharlika lang na mga sirena ang may ganitong kapangyarihan."

Paano akong magkakaroon ng kapangyarihan ng katulad nila Mommy Sitta?

"M-Mahal na Prinsipe....M-may lumubog p-pong barko..." Nagulat ako nang biglang may kawal na sumulpot sa taas namin, hingal na hingal ito na parang ang layo ng nilangoy.

Biglang sumeryoso si Scion at umangat sa tubig para maging kapantay ang kawal. 

"Saan?"

"Sa hilagang-kanluran po, Prinsipe."

Lumingon si Scion sa akin.

"Mag-usap na tayo mamaya."

•ㅅ•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top