Chapter 11
Chapter 11
ANG MGA kaklase nila ay nakiki-usyoso sa nangyari kay Dana. The sea creatures, which Miss Miran brought for their lesson today, already ditched their room.
Binuhat ni Scion ang nahimatay na dalaga ng walang kahirap-hirap. He swam outside, towards the direction to their palace. Sinisisi niya ang nangyari sa sarili at hindi sa kanilang guro.
"Vlad, pakitawag si Sonia para ayusin ang kama ni Dana. Pakibilisan," utos niya sa kanilang butler na naabutan niya sa labas ng palasyo.
"Masusunod, Mahal na Prinsipe," aniya at umalis para tawagin ang personal na tagalinis ni Dana.
Lumangoy nang mabilis si Scion papunta sa kwarto ni Dana upang d'on gamutin. The toxin, that the pufferfish holds, will consume the girl's body within twenty minutes. If Scion wouldn't rush to heal Dana, she'll goodbye to earth.
"Ano pong nangyari sa Mahal na Prinsesa?" bungad ni Sonia nang makarating na sila sa silid. Ang bilis niya namang gawin ang iniutos sa kanya ng kanilang prinsipe!
"Nalason ng isang pufferfish," sagot ni Scion. Inilapag niya ang walang malay na sirena sa kama nito at tinignan ng mabuti.
"Salamat at maaari ka nang umalis sa kwarto," matigas na utos niya sa alalay.
"Masusunod po." Nakarinig na siya ng pagsara ng pinto kaya sinimulan na niya ang kanyang gagawin.
Inipon niya ang kanyang enerhiya sa kamay. His black orbs already turned into purple. He placed his both hands on Dana's chest and it started to glow. Kulay puti ang ilaw na lumabas mula sa kamay niya.
Kahit alam niyang manghihina siya sa kanyang ginagawa ay kailangan niyang gawin ito para kay Dana. It's been a long time since he read a book about using his healing power. 'Di man siya sigurado kung tama ang kanyang ginagawa ay tinuloy niya pa rin.
Nararamdaman na niyang malapit na siyang kapusin ng enerhiya pero hindi pa rin nagigising ang namumutlang sirena.
"Wake up, please." Halos nanghihina na ang kanyang boses.
Nakita na niyang gumalaw na ang kamay ng dalaga kaya tahimik siyang nagpasalamat sa sarili at yinakap ito.
"Sa wakas," aniya at bumagsak na sa tabi ni Dana.
•••
Dana
PAGKAMULAT ko ng aking mata ay bumungad sa akin ang kwarto ko. Madilim na rin ang tubig sa labas kaya sa tingin ko ay gabi na.
Parang may nakadagan na mabigat sa gilid ko. Pagkatingin ko dito ay nagulat akong...si Scion?
"Hoy, gising." Bakit siya katabi ko? At sa kwarto ko pa!
Inalala ko ang nangyari kanina. Ang pufferfish na 'yon! Kapag nakita ko siya ulit, gagawin ko siyang tuyo! Pero ano kayang ginawa ni Scion? Siya ba ulit ang tumulong sa'kin.
"Hmm..." he said in a husky voice. Kinusot-kusot na niya ang kanyang mata. Feeling ko masama ang pakiramdam niya. Agad kong hinawakan ang kanyang noo gamit ang likod ng kamay ko. Ang init niya!
"What the heck? Anong nangyari sa'yo at ang init mo?" Uso rin pala ang sakit sa mga sirena?
"Mabuti at gumaling ka." He said and smiled, his eyelids are half open.
Umangat ako mula sa kama at iniayos siya ng higa. Inilagay ko sa kama ang kanyang asul na buntot na nakalaylay kanina sa sahig.
Hinawakan ko muli ang noo niya. "Babalik ako." I gave him an assurance smile.
Lumabas ako sa kwarto ko at hinanap si Sonia. Paikot-ikot na ako sa mga pasilyo pero hindi ko siya makita. Baka ang Mahal na Reyna ang makakatulong sa akin! I tried searching her room, good thing na nasa kwarto si Mommy Sitta.
"Mommy," tawag ko sa kanya. May binabasa siya mula sa batong libro.
"Bakit?" tanong niya.
"S-si Scion po." Ibinaba niya ang kanyang libro at dumalo sa akin. Worried is now registered on her face.
"Anong nangyari sa kanya, hija?" Huminga ako nang malalim. "Hindi ko po alam ang gagawin pero mainit po siya," wika ko.
"Nasaan siya ngayon?"
"Sa kwarto ko po." Pagkasabi ko n'on ay nauna na siyang lumangoy palabas ng silid. Sumunod lang ako sa kanya.
Mabilis kaming nakarating sa kwarto ko at dali-dali siyang pumunta sa kama ko. She touched Scion's forehead using the back of her hand. Napailing siya nang maramdaman ang temperatura niya. Ipinatong ni Mommy Sitta ang kanyang dalawang kamay sa dibdib niya, umilaw ito ng kulay puti.
"Anongー" Lumapit ako sa kanila at napansin kong naging kulay purple rin ang mata ng reyna. Just like Scion, when he uses his powers.
"Naubos ang enerhiya ni Scion kaya uminit at nanghina ang kanyang katawan," panimula ni Mommy Sitta habang ang kanyang purpla na mata ay nakatutok lang sa kanyang anak.
"Paano pong naubos ang enerhiya? Ano pong ginawa niya?" I asked.
"Ano bang nangyari kanina sa inyong eskwelahan?" tanong niya pabalik sa akin.
"Ang huli ko pong naalala ay nahawakan ko po ang isang pufferfish at nahimatay ako."
"Maaaring ginamit ni Scion ang kanyang kapangyarihan para pagalingin ka mula sa lason n'on."
Naalala ko 'yong time na nagkasugat ako. Pinagaling niya iyon nang walang kahirap-hirap! Alam kong may lason din ang pufferfish, pero ganito ba 'yon katindi para maubos ang enerhiya ni Scion?
Inalis na ng reyna ang kanyang nakapatong na kamay kay Scion, kasabay ng pagkawala ng puting ilaw at kulay purple na mata nito. Nagkamalay na siya at umubo. His eyes roamed around the room and then met mine. Bumalik ulit siya sa pagkakahiga nang makita ulit ako.
"Twenty minutes." Biglang usal ni Mommy Sitta.
"Po?" naguguluhan kong tanong. Anong meron sa twenty minutes?
"Dalawampung minuto ang itatagal ng katawan kapag nakahawak ito ng pufferfish." So it means kapag hindi ako napagaling ni Scion nang twenty minutes ay mamamatay ako?
"Maraming enerhiya ang kailangan para alisin ang lason na iyon..." Nakatingin lang kaming parehas sa nakahigang Scion.
"...Kaya siya uminit at nanghina." Hinaplos ko ulit ang noo niya at humupa na ang init ng kanyang katawan.
"Bantayan mo nalang si Scion at maya-maya ay gigising na iyan." Bilin niya sa'kin saka nilisan ang kwarto ko.
Tinitigan ko nang maigi ang maamong mukha ni Scion.
Ano na ang gagawin ko kapag wala siya?
•ㅅ•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top