Chapter 10
Chapter 10
Dana
"BILISAN mo at mahuhuli tayo sa klase. Unang araw pa naman," ani Scion na nasa unahan ko.
"I'm trying my best to swim faster here!" I said. Kahit anong gawin ko ang bagal ko pa rin lumangoy! Gustong-gusto ko na talagang pumasok sa subject na 'yon!
Limang minuto ang tinagal namin bago makarating sa training ground. Marami nang sirena na nakaupo sa ibaba ng dagat. Sa harap nila ay may isang merman na may kulay lumot na buntot, sa tingin ko ay guro namin. Matikas ang kanyang tindig kaya napaghahalataan kong strikto siya magturo.
"Sino pa ang kulang sa inyo?" matigas na tanong ng guro. Lumapit na kami papalapit at nang makita niya ang kasama ko ay biglang lumambot ang kanyang ekspresyon.
"Prinsipe Scion." Yumuko siya sa kay Scion. Tumango lang ito bilang sagot.
"Katulad nga ng sinabi ko kanina sa seremonya, itrato niyo lang ako bilang normal na estudyante," matigas na sambit ni Scion.
"Peroー"
"Walang pero-pero."
"Masusunod... Scion..." nag-aalinlangang wika ng aming guro.
Natatakot na tuloy ako kay Scion. Hindi ko akalain na ganito pala siya sa mga sirena dito.
Sumama na kami sa pila at nagsimula nang magpakilala sa amin ang guro. His name is Bruno. Bahagya akong natawa dahil pang aso ang kanyang pangalan!
"Una niyong susubukan ang mga rings. Naka-oras ang inyong paglangoy kaya bilis-bilisan ninyo," ani Sir Bruno.
"Opo!" Sabay-sabay naming wika at tumungo na sa mga rings. May terror teacher din pala dito sa ilalim ng tubig.
Unang sumubok ay ang isang sirena na may pulang buntot. Sinundan niya ang mga rings, nagpaikot-ikot siya doon hanggang sa makabalik.
"Dalawampu't limang segundo! Wala na bang ikakabilis 'yan?" pasigaw na tanong ni Sir Bruno. Kaya yumuko nalang ang sirena dahil sa kahihiyan.
"Sunod!"
Napansin kong halos nakatingin ang lahat sa akin. Anong ginawa ko?
"Sino ang sunod!" sigaw muli ni Sir Bruno.
I felt someone poking my arms. Tinaasan ko ito ng kilay. "What?"
"Ikaw na 'yong kasunod, Dana!" sigaw ni Scion pero pabulong.
What the heck? Ako na? Ang bilis naman!
Binagalan ko ang paglangoy sa umpisa ng rings. Buti hindi ako sinigawan nitong asong terror teacher na ito.
"Ready," aniya at naghanda na ako.
"Get set." I horizontally float in the water and placed my hands infront of my head. Nakakarinig ako ng ilang tawanan sa likuran ko pero hindi ko nalang sila pinansin.
"Go!" sigaw niya at'saka lumangoy na ako.
Sinundan ko ang bawat rings na nakalutang. Pataas. Pababa. Patagilid. Tumatama minsan ang mahaba kong buhok sa mukha ko kada lumiliko ako. Halos mahilo na ako ginagawa ko pero pinag-iigihan kong matutong lumangoy ng mabilis at maayos. Hingal na hingal akong nakarating sa finish line.
"Magaling, Dana!" puri sa akin ni Sir Bruno habang hawak ko ang aking dibdib at kumukuha ng hangin.
Anong magaling doon? Bulag ka ba?
"Bakit, sir?" tanong ko sa kanya.
"Tatlongpu't-pitong segundo!" galit niyang sigaw sa akin. O...kay? Why didn't I sense any sarcasm in his voice earlier?
Bagsak balikat akong lumangoy pabalik sa pila.
"Okay lang 'yan, Dana," mapang-asar na wika ni Scion. Isa pa 'to!
Siya pala ang kasunod ko kaya taimtim ko siyang pinanood. Napaka-swabe ng kanyang paglangoy! Ang kanyang kamay ay nasa gilid lang ng kanyang beywang. Ngayon ko lang narealize na mali pala ang ginawa ko kanina!
Ilang saglit lang ay natapos na siya. "Labinglimang segundo! Magaling, priー" Scion gave him a deadly glare to made him stop his mid sentence.
"Magaling, Scion!" pagbabago niya.
Nagbigay ng isang malakas na palakpak si Sir Bruno. "Tapos na ang klase! Bukas na natin ipagpatuloy ang training," aniya. Nagpaalam na kami sa kanya at bumalik na sa building.
•••
"HINDI niyo sinabi na may terror teacher pala dito!" saad ko kay Tisha.
"Hindi ka naman nagtanong 'no?" sagot niya.
"Kalma, girls." Awat sa amin ni Lander. Napansin ko rin na kami lang ang table na maingay dito sa cafeteria nila.
"Kukuha ka na ba ng pagkain?" tanong ni Scion na katabi ko.
"Oo," simpleng sagot ko.
"Sabay na tayo," aniya at umangat mula sa batong upuan.
Tumungo kami sa mala-buffet na cafeteria nila. Nakalagay sa malaking kabibe ang kanilang mga putahe. May mga sirena rin na taga-bigay ng pagkain sa plato namin.
Kumuha ako ng maliit ng shell at pumili ng pagkain. Majority of the foods were shellfish! Wala ako sa mood kumain nito.
Napukaw ang aking atensyon nang makita ko ang pamilyar na pagkain. Ang kimpaw! Oh my gosh! Meron pala dito!
I took fifteen pieces and put it in my plate. Hindi ko pinansin si Scion na bahagyang natatawa sa ginagawa ko. "Akala ko magugutom ka lang dito sa ilalim ng tubig... May magugustuhan ka rin palang pagkain," wika niya.
I chuckled. "Kailangan kong maging isang sirena talaga di ba?"
"Oo." Kumuha na rin siya ng kimpaw.
Bumalik na kami sa aming lamesa at nadatnan na tumatawa silang tatlo.
"Close na agad kayo?" natatawang wika ko. Umupo na kami ni Scion at sinimulang kainin na ang kimpaw.
"Alam niyo ba si Brianna kanina? Mali-mali ang sayaw niya!" Humagalpak ng tawa si Lander.
"Sayaw? Meron subject na gan'on?" pabulong kong tanong sa katabi ko.
"Yep. Para iyan sa mga gatherings sa palasyo." Oh. Ano kayang klase ang mga sayaw nila?
"Kasi ang panget ng kapartner ko!" Brianna rebut.
"Sus! Gusto mo ata si Kervy eh!" tukso sa kanya ni Tisha.
"Hoy, ang iingay niyo!" saway ko sa kanila.
"Pasensya na po, Mahal na Prinsesa." Pang-aasar nila at muling tumawa. Pati ba naman dito 'prinsesa' tawag nila sa'kin? Hinayaan ko nalang sila.
Hindi ko namalayan na ubos ko na pala ang pagkain ko. "Scion, anong oras klase natin?" tanong ko.
"Maya-maya pa."
"Dana, sino pala 'yong sinasabi mong terror teacher?" tanong ni Lander. Kinwento ko sa kanila ang nangyari kanina sa training.
•••
"ICHTHYOLOGY ang pag-aaralan natin ngayon," wika ng aming guro. Her gray tail reminds me of a milkfish.
Wala akong alam d'yan sa topic namin pero sa tingin ko ay maganda ito dahil maaliwalas ang mga mukha ng kaklase ko.
Umayos ako ng upo, hindi masakit ang batong upuan na ito dahil makinis ito. May pumasok na iba't-ibang klase ng isda sa silid namin. There's a bangus, tuna, swordfish, puffer fish and other unfamiliar species!
Sa una ay kinabahan ako dahil baka may gawin itong mali sa amin, pero nanatili lang silang nakalutang sa tabi ng guro namin.
"May pupuntang isda sa inyo at kakausapin niyo ito. Pag-aaralan niyo rin sila. Alam niyo naman na ang gagawin di ba?"
"Opo, Ma'am Miran!" ani ng mga kaklase. So Miran pala name niya.
The gray creature that is as small as a hand went towards me and fear started to creep my system. A pufferfish.
"Uhm... Scion..." tawag ko sa kanya. Nilingon ko siya at nakitang nakikipalaro sa isang swordfish. What the heck?
"Bakit?" tanong niya, busy pa rin sa isda.
"'Di ba nakakalason itong isda na naka-assign sa'kin?" Tumingin siya sa akin saglit at bumalik na sa ginagawa niya. "Oo, pero kung gagalitin mo 'yan malalason ka talaga."
I gulped and returned my look at the pufferfish. "Hello!" kinakabahan kong wika.
Sinulyapan ko si Scion at ginaya ang ginagawa niya. Pinagmasdan ko muna ang nilalang na ito. This creature is so weird! Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa'kin na parang hinuhusgahan ako! Bukas-sara pa ang bibig nito!
Hinawakan ko ang kanyang magaspang na katawan at nagulat akong bigla itong lumaki! Sandaling tumigil ang tibok ng puso ko nang mahawakan ko ang mga spikes nito!
"S-Scion..." tawag ko sa kanya habang nanginginig ang kamay. Nararamdaman ko na ang pagbabago sa aking katawan. Parang may batong dumagan sa'kin dahilan para bumagsak ako sa ilalim ng dagat.
"Shoot." Nakita kong napatigil siya sa kanyang ginagawa at humarap sa'kin. His arms snaked around my waist to support my body.
"Dana!" paulit-ulit na tawag niya sa pangalan ko habang tinatapik-tapik ang pisnge ko. Unti-unting bumabagsak ang talukap ng mata ko hanggang sa nilamon ako ng dilim.
•ㅅ•
A/N: Sinipag ako ngayonヽ(;▽;)ノ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top