Chapter 1
Chapter 1
Dana
NAGISING ako sa ingay ng alarm clock. I rose up from the bed, yawn and stretched my arms.
"It's another day!" I shouted with my bedroom voice.
Ang araw mula sa bintana ay nagpa-ilaw ng buong kwarto ko. Nakapatay na ang aircon pero malamig pa rin.
Inayos ko na ang buhok ko at laway na natuyo sa gilid ng bibig ko saka tinignan ang calendar. I smiled while looking at it. Bukas na ang next adventure namin!
I did my morning routine. I wore a simple shirt and jeans. Sa restaurant na ako magpapalit ng uniform ko. I also put a light make-up on.
Lumabas na ako ng kwarto at pumunta na sa salas. I greeted my Mom and Dad's photo a good morning.
I ate my breakfast and left the house. As soon as I arrived at the restaurant, nakita ko ang ibang chef ay nasa loob na ng kusina, ibinababa na ng mga boys ang chairs mula sa table, at binuksan na ang aircon kaya malamig na ng onti. Binati rin ako ng iba kong katrabaho na nakakasalubong. I greeted them back with a smile on my face.
I logged in, went inside the locker area to get my uniform and went to the comfort room to change. I'm now wearing a long sleeved maroon blouse and black pencil skirt. Itinaas ko na rin ang buhok ko para maging bun.
"Looking good, Dana!" bungad ni Boss nang makalabas ako. Nakasuot siya ng uniform niya. Katulad ng akin, pero iba color ng blouse at may pin na 'manager'.
I fixed my things inside the locker. Ni-lock ko na ito at hinarap si Boss para makausap nang maayos.
"Siyempre naman, Boss Pia! Maganda ang pupuntahan namin bukas." I gave her a bright smile.
"Ilang araw kayo ulit d'on?" tanong niya.
"3 days and 2 nights lang po," I politely said.
"Ang swerte mo talaga sa boyfriend mo. Kahit busy rin siya ay nasasamahan ka sa mga lakad mo."
Tumawa ako nang malakas at mahinang tinapik pa ang balikat ni Boss. Nakita ko siyang naguguluhan sa reaksyon ko.
"What? Anong nakakatawa sa sinabi ko? Boyfriend mo 'di ba ang minsan na sumusundo sa'yo dito?"
"Si Haru? Oh my god. Never ko po siyang magiging boyfriend!" Pinunasan ko ang luhang lumabas sa mata ko dahil sa kakatawa.
What the heck? We're like siblings! We've been together for years and never 'yan sumagi sa utak ko. He's like my kuya and I'm her little sis!
"Oh sorry. Edi kaano-ano mo siya?" curious na tanong ni Boss Pia. She even crossed her arms and leaned forward. Nahahalata ko tuloy si Boss na isa sa mga babaeng nahuhulog sa charms ni Haru.
Who wouldn't fall for Haru Sarmiento? He has an angelic baby face, well-built body and gentleman pa siya.
"Let's just say na sobrang tagal na naming magkaibigan at kapatid na turing ko sa kanya." Tumango-tango pa siya.
"Mawawala na naman si Dana. Wala na akong katulong sa pag-serve." Biglang singit ni Eva, kapwa ko waitress dito sa resto, na kararating lang sa loob ng locker area.
"Ano ka ba? Nand'yan naman si Lance," sabay ngiting-aso.
Nag-inarte siyang nasusuka. "Change topic." Tumawa kaming dalawa ni Boss. She dramatically walked-out the locker area.
I glanced at my wrist watch. "Mamaya na po ulit tayo mag-usap. Oras na po ng shift namin," magalang kong pagkakasabi.
"Sige sige. See you around!" paalam ni Boss at pumunta na sa opisina niya.
After that, sinimulan ko ang magtrabaho as a waitress.
•••
"ANG PANGET mo na, Dana," biglang usal ni Haru.
Napamulat ako bigla at hinarap siya. "Wait what? Excuse me?" How dare he say that!
I saw him smirked and focused on the road. Itinukod na niya ang kaliwang braso sa salamin at sinandal ang kanyang ulo doon. Parang wala siyang sinabi kanina!
"For your info, Haru, panget ka rin!" bato ko pabalik sa kanya.
"Sus. Ang dami ngang nanliligaw sa'kin. Take note, ang mga babae pa ang nanliligaw sa'kin." He chuckled, proud na proud sa sinabi niya.
"E 'di wow. Sabihin ko kaya sa kanila na ang lakas mo humilik kapag natutulog, natili ka kapag may daga kang nakikita, paborito mong panoorin angー" He cut me off by putting his right hand on my mouth.
"Oo na, maganda ka na." Tinanggal ko na ang kamay niya at nag-flip ng hair.
"Anyways, may na-book ka na bang room? Saan? Maganda ba 'yong lugar na pupuntahan natin?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"'Di ka nga halatang excited, 'no?" he asked while turning the steering wheel to the left.
"Sagutin mo na lang, bilis! Baka bukas 'di ka pa pala nag-book, hahampasin kita!" pagbabanta ko sa kanya.
"First question, yes. Second, secret. Surprise na 'yon. Last question, yes ulit," sagot niya sa mga tanong ko. Napa-oh naman ako.
"We're here," aniya at tinanggal ko na ang seat belt ko.
"Thanks, Haru, for the ride!" I kissed him on the cheek and opened the door.
Pumunta na ako sa tapat ng gate at kumaway ulit sa kanya even though his car's window are tinted. Tumalikod na ako at dumiretso na sa kwarto para magpahinga.
•ㅅ•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top