85

Notes

Tangina.

Hindi ganito ang inaasahan ko.

Unang lapit pa lang ng babaeng kasing tangkad ko kay Vincent alam ko na agad na parang may mali. Ang bigat agad ng pakiramdam ko e.

Lalo na nung nagsimula na ang battle of the bands sa school ground nila. Nasa harap ang mga contestants pero kitang kita ko mula sa upuan ko si Vincent. Nasa likuran ko rin ang babaeng lumapit sa kanya kanina.

Muli akong lumingon para pagmasdan ito. Mahaba ang kanyang bagsak na buhok. Mestisa, payat, at halatang may kaya. Sino kaya ‘to?

Nang maramdaman kong malapit na siyang tumingin sa akin ay binalik kong muli ang paningin ko sa harap at pinilit ang sariling manood. Hindi naman nagtagal ang pamimilit ko dahil agad akong nag-enjoy sa paraan ng pagtugtog ng bawat banda.

Pero hindi ko magawang mag-enjoy ng husto dahil tuwing nag-cha-chat ako kay Vincent natatagalan siya sa pag-reply e halos nakatingin lang naman siya sa cellphone niya.

Bumigat ang pakiramdam ko at tila pinipiga ang puso ko.

Sinong kausap mo, Vincent?

“Xandra! Nandyan ka pala! Malapit na sila Vince!”

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis pa sa hangin ang ginawa kong paglingon. Agad na sumikip ang dibdib ko nang matanto kong ang Xandra na tinutukoy ng babaeng kararating lang ay ang babaeng lumapit kay Vincent kanina at ang babaeng pinagmamasdan ko kanina.

Tangina. Magkasama sila?

Tinitigan ko pa si Xandra at nakita kong suot niya rin ang ID gaya ng kay Vincent.

Posible kayang... magkaklase sila?

Napatingin ako sa harapan at mas lalong bumigat ang puso ko nang makita kong nakangiting nagtitipa sa cellphone si Vincent. Napatingin muli ako kay Xandra at ganon din ito.

Putangina.

Anong kagaguhan ‘to?

Ilang beses akong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pero hindi mawala ang bigat na nararamdaman ko ngayon.

Nang sila Vincent na ang nag-perform. Pinilit kong panoorin siya kahit na ang bigat na sa pakiramdam. Nawala saglit ang iniisip ko pero nang matapos sila at wala pa rin siyang reply mas lalo na akong nadurog.

Akala ko durog na ako.

Pero ngayong gabi, alam kong naranasan ko na kung paano mamatay.

Picture taking na at lalapit na sana ako kay Vincent para i-congratulate siya. Ngunit biglang bumagal ang mundo ko nang makita ko siya at ang babaeng akala ko wala na sa kwento namin na nakasandal sa dibdib niya at yakap niya ito.

Putangina.

Hindi ito ang inaasahan ko.

Ito ba ang gusto mong ipakita sa akin Vincent?

Congrats. Namatay ako.

Mariin kong kinagat ang labi ko. Kung kanina ay nilalamig ako ngayon ay balewala na ito. Pinanood ko sila hanggang sa umayos na sila at nagpakuha ng picture sa mga kaklase nila.

Ang saya nila.

Ang saya niya.

Bagay sila.

Mukhang ako lang pala ang hadlang sa kwento nila.

Dinamdam ko ang sakit hanggang sa wala na akong maramdaman.

Tumalikod na ako at nagpasya nang umalis sa kwentong umpisa pa lang hindi na dapat ako kasali.

Ayokong maging second choice lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top