67
Notes
Haha tangina namang birthday 'to.
Akala ko masaya na e. Hayst. Ang dami talagang namamatay sa akala.
Tangina mo, Vincent. Pakyu ka. Pakyu ka kasi kahit ang sakit na hindi ko pa rin magawang magalit sayo. Pakyu kasi mahal pa rin kita kahit na nasasaktan ako.
Tangina mo.
Sana pala 'di na 'ko nag-aya na manood tayo ng city lights.
Muntik na akong umamin e.
Muntik na.
Hating gabi na kaya sobrang lamig dito sa taas ng Baguio. Nasa likod kami ng sasakyan niya at bukas iyon para mapanood namin ang mga tala at buwan maging ang nakamamanghang city lights ng Baguio.
“Bisente, paano mo malalaman kapag mahal mo na ang isang babae?”
Naalala kong tanong ko sa kanya. Pareho kaming may tama pero alam namin kung ano ang sinasabi namin.
“Bakit?” nakakunot niyang tanong sa akin.
Tumawa ako para itago ang kabang nararamdaman. “Wala. Curious lang ako sa mga point of view niyong mga lalaki. Oo, nagbabasa ako pero iba pa rin yun kasi sinulat lang din naman yun ng mga babae.”
“Uhm...” Tumingala siya habang nag-iisip at bigla siyang ngumiti nang tila may naalala.
“Hmmm, so in a male’s perspective or sa ‘kin lang ata,” sabi niya bago siya mahinang tumawa. “Everytime na makikita ko siya hindi ako nagsasawang pagmasdan siya kahit na araw-araw pa ’yan. Lagi ko rin siyang hinahanap. At ang komportable sa pakiramdam ‘pag malapit siya sa akin. Nakukulangan din ako lagi sa small talks namin. Tapos na-a-uplift agad yung mood ko basta siya ang kausap ko. Basta marami pa pero hindi ko ma-explain into words.”
Habang nakatingin ako sa kanya hindi ko maiwasang mahawa sa paraan ng pagngiti niya. He really look so in love.
Hindi sa assumera ako pero...
Ako na ba ang tinutukoy niya?
“Explain mo pa, dali! Kaya mo ‘yan!” pamimilit ko.
Natawa siya. “Basta.”
“Dali na!”
“Basta ganon. Yung sobrang precious niya sa ’yo na gusto mong ingatan ’pag na pa sa ’yo na siya.”
Shet.
Ang ganda.
Ako ba?
“Sino ba ’yan? Mukhang ang swerte naman niya.”
Doon nagtama ang paningin namin. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang muling bumilis ang pagtibok ng puso ko. Tila pinipiga rin ang tiyan ko sa kaba. Shit. Ngayon na ba talaga ako aamin?
“Sabihin mo na. Dali! May sasabihin din ako!” excited kong sabi.
Humugot siya nang malalim na hininga.
“Si Xandra...”
Kumunot ang noo ko kaya agad niyang sinundan ng explanation.
“Yung ex ko na nag-cheat sa akin...”
Napatango ako. Hindi na sigurado ngayon sa inaakala ko.
Napalunok ako at nilakasan ang loob na itanong sa kanya ang bumabagabag ngayon sa isip at puso ko.
“Pero hanggang ngayon ba siya pa rin?”
Bumuntonghininga siya. Doon palang alam ko na. Pero hindi ko pa kayang tanggapin hangga't hindi niya sinasabi mismo.
Natawa siya bago tumingin sa harapan namin. “Oo, e.”
Tangina.
Bakit?
Paano?
Paano ako nahantong sa sitwasyon na ito?
Ang sakit pala, gago.
Natahamik na ako sa tabi niya.
Gusto kong umiyak sa sobrang sakit pero walang luhang nangahas na mamuo.
“Ano pala yung sasabihin mo sa 'kin?”
“Cheater ako noon.”
Wala na akong ibang maisip pa na sabihin sa kanya bukod doon para mawala ko lang yung gagawin ko sanang pag-amin kanina.
Gulat siyang napatingin sa akin.
Natawa ako, hindi dahil sa nakakatawa. Kundi dahil hindi ko alam kung paano ako mag-re-react.
“Weh?”
“Oo, pero hindi na ngayon.” Dahil sa ’yo. Dahil ikaw lang ang gusto ko.
“Bakit?”
“Bakit ano?”
“Bakit niyo nakakayang mag-cheat? Bakit kayo nag-che-cheat?”
Bumuntonghininga ako at ako naman ngayon ang tumingin sa city lights. Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.
“In my perspective. Nag-che-cheat ako kasi sa ibang mga naka-relasyon ko alam kong meron din silang kabit. Ginagawa ko lang ’yon para gumanti. Pero sa iba naman, kahit na alam kong wala silang iba iniisip ko na na magloloko din sila kaya inuunahan ko na. Pero na-realize ko rin na hindi talaga ako nagmahal. Nagustuhan ko lang sila pero hindi na yun lumalim pa. At siguro kaya talaga ako nag-cheat at siguro kaya ganon ang mindset ko noon kasi nakita ko mismo ’yon kila mama at papa. Mula noon ‘di na ako naniwala sa pag-ibig.”
Tumingin ako sa kanya. “Pero kahit na anong rason ko. Nag-cheat pa rin ako at walang makapagpapabago non.”
Tumango naman siya sa akin. “Anong nagpabago sa isip mo ngayon? Bakit hindi ka na nag-che-cheat?”
Ikaw.
Gusto kong isagot sa kanya ’yan pero hindi ko kaya. Lalo na ngayon na alam kong may mahal pala siyang iba.
“Kasi wala na akong jowa. At na-realize ko lang.”
“Oh, okay. Buti at na-realize mong tigilan na. Kasi masakit ang maloko, Luisa.”
Alam ko.
Tumango ako.
“Pero naiintindihan din kita kung saan ka nanggagaling.”
Ngumiti ako, yung totoo. May mga bagay talaga na minsan akala ko wala nang nakakaintindi sa akin, pero lagi siyang nandiyan. Lagi niya akong inuunawa at pinapakinggan. He never invalidated my feelings. Kaya paano ako bibitaw ngayon?
“Salamat,” halos paiyak kong sabi.
“Kaya if ever man na papasok ulit ako sa isang relasyon—” Na sana ikaw nalang. “—hinding hindi na talaga ako magloloko.”
Napangiti si Vincent. “Tama ’yan!”
Magiging tama lang kung sana ako nalang. Kasi ikaw na e. Ikaw lang talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top