23

Zimba
00:16AM

Zimba
ano na Frankie isang linggo ka
na ata jan sa ospital

umuuwi ka pa ba?

di na kita naabutan dito sa
bahay e

sabi sa 'kin ni Nala pumayat
ka na raw

kumakain ka ba?

natutulog ka ba?

bakit ba kasi hindi mo nalang
hayaan yung magulang niya ang magbantay sa kanya?

hindi ka na rin pala nagta-trabaho

umuwi ka na Frankie please

maawa ka naman sa sarili mo

kapag hindi ka pa talaga umuwi bukas, ako na ang hihila sayo jan pauwi

03:40AM

Frankie
di mo na ako kailangang sunduin ateeee

kusa na akong uuwi mamaya

GISING NA SI VINCENT!!

tangina pagkagising pa lang niya nabatukan ko na agad

buti nalang wala yung mga
magulang niya

Zimba
gago ka bakit mo naman binatukan??

Frankie
so diba nakatulog pala ako sa sofa tapos nagising ako bigla tas tiningnan ko si Vincent tapos nagulat ako kasi nakatingin na siya sa akin

tapos ayun lumapit ako tapos bigla niyang sinabi na, "sino ka? nasaan ako? bakit ako nandito?"

nag panick ako bigla kasi baka na-amnesia siya ganon pero naalala ko na hindi naman yung ulo niya ang napuruhan kaya ayun bigla ko nalang siyang binatukan sabay sabi ng, "kilala mo ko baliw!"

tapos ayun sinigaw niya yung pangalan ko

nakonsensya naman agad ako kasi ang lakas nung ginawa kong pagbatok e, kaya ayun nag sorry ako

Zimba
shunga ka talaga Frankie

Frankie
true

Zimba
kumusta na siya ngayon?

Frankie
ayos na

tiningnan siya ng doctor kanina

dumating na rin yung parents niya

gising na siya kaya uuwi na rin
siguro ako ngayon

ipagluto mo naman ako ng
adobo ate

miss ko na luto mo

saka gutom na gutom na ako e hehe

magpapaalam lang ako kay ma'am Araceli, tas uuwi na ako

Zimba
sige sige

mag-iingat ka
(🤍)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top