10
Zimba
03:44PM
Frankie
ATE
ayoko na dito:(
sunduin mo na ako please
Zimba
oh bakit? anong nangyari?
Frankie
shutabells ngayon lang ulit
ako nakatanggap ng malutong na sampal HAHAHAHAHAHA
Zimba
ANO? SINONG SUMAMPAL
SAYO? AT BAKIT?
kumpletuhin mo na yang
kwento mo sumasakit na
yung batok ko
Frankie
kasi naman dba sinundo ako
ni Vincent dito sa tapat ng bahay papunta sa grocery
sinabi kasi ni Nala na papunta rin yung lalaki doon kaya sabay
na kami
sayang din yung pamasahe dbaaa
kaya sumabay ako
ayos naman siya kasama at kausap
nagtratrabaho rin pala siya don kaya ininform na niya ako sa mga
bagay na dapat kong malaman
tapos nakalimutan ko basta nagtatawanan kami nun pagkababa namin sa el3
tapos tihhh nung papasok na ako sa grocery bigla nalang akong sinalubong ng magandang babae tapos bigla niya akong sinampal sa magkabilang pisngi
shit dba? HAHAHAHA
tapos nalaman ko na gf nitong si Vincent
nalaman ko kasi tinawag niyang
babe yung girl
Zimba
aba bastos yang babae ha
hindi ka manlang ba pinagtanggol
ni Vincent?
tapos anong nangyari?
Frankie
ayun nga
di niya ako nahila kasi ang layo ng distansya namin, nakalapit lang si Vincent nung tapos na akong nasampal at sasabunutan na sana
ewan ko rin bakit di ako naka
imik kanina
tapos yun nalaman ko nung nagsigawan sila na akala ni ate mong girl ako yung kabit ni Vincent
plssss
tapos yun ang shunga ko kasi
tumawa ako
ng malakas
ayun napatingin sila sa akin
tapos sabi ko, "langya ka Vincent ayusin mo na buhay mo. pano kung ako nanay mo tapos ganito ang isasalubong sa akin ng gf mo, edi hiwalay kayo agad?"
"ikaw naman po ate girl kilalanin mo muna ha? sakit ng sampal mo grabe. ngayon na nga lang ako umuwi rito ito pa isasalubong mo. salamat ha?"
yan lang sinabi ko tas pumasok
na ako
Zimba
hindi ba sila nag sorry?
Frankie
si Vincent, oo naka ilang beses mula kanina pa hanggang ngayon
tuwing nakikita ko
pero yung gf niya ewan nawala e
Zimba
taas naman ng pride ng
babaeng yan
sugurin natin?
pasampal lang
sampal lang naman e
Frankie
HAHAHAHAHA hayaan mo na tih
baka takot lang talaga siyang
mawala si Vincent
pero bakit ba siya natatakot?
ano bang meron kay Vincent?
hay nako
dapat kay Vincent siya nagalit e
ako ba jowa niya?
Zimba
kaya nga
ano? susunduin pa ba kita?
Frankie
di na pala ate
okay na ko, nalabas ko na e
tatapusin ko nalang trabaho ko
thank you ate
labyu😗
Zimba
okay
ingat sa pag-uwi mamaya
labyu2😗
(🤍)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top