track sixteen | stephen
Bata pa lang ako, naranasan na agad namin ni Kuya Santino na mawalan ng isang taong mahal sa buhay, lalo na si Sylvester na kakapanganak pa lang. Kinuwento sa'kin ni Papa noon, na simula noong namatay si Mama pagkatapos ng pagkapanganak niya sa bunso namin,parang gumuho ang mga pangarap niya nang mga oras na iyon kasi nag-aaral pa rin siya bago mag-bar exams. Even if I was a child, I felt the pain that my dad once had before. However, it's not an easy journey before he overcame the process, but his love for our mother will remain forever.
Siguro, may plano talaga ang Diyos kung bakit nagawa ang lahat ng ito... kung bakit hinarap naming apat ang pagsubok na iyon mula pagkabata. At naiintindihan naming tatlo iyon. Isipin mo, para siyang nakakulong sa isang malilim na silid na kung saan hindi niya alam kung kailan ba siya makaka-adjust, but long story short — he chose the second one and from that then on, he aced the bar exams and became a registered psychiatrist after a long run of hardships and failures.
Dito ko napatunayan na may isang tao talaga na kahit ilang kalbaryo man ang dumating sa kanya, may isang tao na handang sasagip at aalalay sa kanya. Na kahit maka-ilang ulit na siyang nago-overthink tuwing gabi, hinding-hindi ka magsasawang intindihin ka at kahit bigyan mo siya ng payo, paniguradong gagaan ang mood niya.
Iyon ang napansin ko tungkol sa'yo, Park Jihyo. You are strong enough in facing your problems and struggles in life. Kahit maraming tao ang mag-i-invalidate ng nararamdaman mo, hayaan mong ako na ang magsasabi sa'yo — you're feelings, struggles, problems and traumas are real and valid, regardless of how long ago it happened and whether others feel that their experiences are worse. Nakuha ko siya sa isang site na nabasa ko, pero nagawa mo pa ring maging matapang kahit ilang taon na mula noong nangyari ang isang bagay na kahit kailan, ay gugustuhin mo na lamang na maibaon sa limot kaysa magparamdam iyon sa kaluluwa mo.
Rito na ako humanga sa'yo, love. I owe you a lot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top