interlude pt. 7

tw: language, abuse, killing, death

***

"Kuya Santi, hindi niyo po ba nakita si Jihyo?" tanong ni Stephen sa kapatid niya na habang nililinis ang mga gamit nito sa kwarto. "Sabi niya po kasi dadaan lang po siya sa park para magpahangin saglit. Hindi ko alam kung nasaan na ba iyon..."

"Baka nag-stopover sa may tapsihan at kumain muna," ani Santino sa kanya bago pagpagan ang dalawang kamay, "Kagigising niya lang kasi at parang gusto na niyang mag-brunch."

Pasimple namang napatango si Stephen nang biglang dumating ang nagtatatakbong si Beomgyu, hingal na hingal at hapong-hapo na parang may kung anong meron sa kanya bago siya pumasok sa loob. 

"Kuya Santi! Kuya Steph! Si Ate Raina!"

Umuna kaagad si Stephen sa kanya, "Anong nangyari sa girlfriend ko?"

"Nagkasagutan po silang dalawa ni Ma'am Chona sa labas ng bahay nila," anito bago niya ipaalala na siya mismo ang parehas na babaeng nakasagutan nila sa palengke bago umeksena ang tatay niya na siyang naging kalaban ng vice mayor noong nasa kolehiyo pa sila. 

Palipat-lipat ang tingin nilang tatlo bago nila mai-spekula ang magiging resulta: either sasaktan niya si Raina o magagalit siya dahil sa nalaman niyang ang anak niya at si Stephen ay naging sila. Impit na napamura si Santino bago sila pumunta sa labas para tignan ang mga kaganapan sa kanilang dalawa.

"Sige! Patayin niyo na po ako! Nang malaman niyo kung totoo nga ba talaga ang mga 'sana' na sinasabi niyo," rinig nilang bulyaw ni Raina na agad ikinagulat ng tatlo. Mula sa tono ng kanyang boses ay kaagad nilang naispatan ang sakit at hapding bumungad sa dalaga habang matalim siyang tinitignan ng kanyang ina na tila gusto niyang patayin ang ampon nilang anak.

"Na sana, hindi po ako napunta sa pamilyang puro na lang pagkukumpara at materyal na bagay ang lagi niyong hinahangad para lamang mapasaya kayo. Palagi niyong hinihiling sa'kin na sana, mamatay na lang ako para wala nang Raina na palaging namemerwisyo at nakakadagdag sa sakit ng ulo sa inyo, at alam niyo ang pinakamasakit? 'Yung pinangarap kong magkaroon ng masayang pamilya, biglang nasira nang dahil sa inyo!"

Umaalingasaw mula sa kanilang magkakapatid at sa buong paligid ng magkakabilang bahay ang isang malutong na sampal na ginawaran ni Chona sa kanyang anak. Halo-halo na ang emosyong ibinigay sa kanya kung kaya't ibubuhos niya agad ang tinatagong galit na nag-uumapaw patungong kaluluwa niya.

"Ginawa ko ang lahat ng iyon para mapasaya ko kayo at nang ma-appreciate niyo lahat ng regalo ko sa inyo, pero anong ginawa niyo? Inabuso niyo!" asik nito. "'Yung karapatan ko, 'yung mga pangaral na lagi niyong tinatatak sa kukote niyo, at ang standards na gusto ko—"

"Fuck that standards!"

Sa wakas ay nasabi ni Jihyo ang tatlong linyang gusto niyang aminin pero sa kanyang perspektibo, hindi ito naging madali lalo pa't kailangan niyang igalang at respetuhin ang kanyang pamilya; subalit nang mabuo sa alaala nito ang traumang bumalot sa kanya sa kadiliman, tila wala na siyang pakialam at nawalan na siya ng respeto simula noong lumipat siya sa bahay ng Pamilya Lee.

"Mawalang-galang na po, a. Pero sa totoo lang po, Pagod na pagod na pagod na po akong sundin ang mataas niyong standards at i-hit iyon, bakit? Para purihin kayo ng kamag-anak niyo at ng mga taumbayan? Sasabihin niyong perfect ang mga anak niyo, lalo na po ako?"

Mabibigat na luha ang kusang tumahak papunta sa pisngi nito kasabay ng pagusbong ng dalawa niyang paa palapit sa kanya, "Putangina, para sabihin ko po sa inyo, hindi po ako robot na palaging magfu-function umaga man o gabi! Pahinga ang kailangan ko, kaya lang pati kayo't sa sarili ko kailangan kong i-pressure para abutin ang standards niyo, e. Tapos sasabihin niyo hindi ko deserve ang Top 2 or Top 3? Sa bagay, tama po talaga si Dr. Choi, e. Over competitive po kayo masyado, lagi po niyong dino-downgrade ang mga college students kaya po pati ako kailangan niyong idamay, e!"

Isang malakas na suntok ang tumama sa kanyang pisngi at pagkatapos ay kinaladkad siya nito papunta sa pintuan ng bahay. Maluha-luhang nagmamakaawa ang dalaga habang tumatama ang kanyang balat sa mabatong sahig subalit nagbingi-bingihan na lamang ang kanyang ina na tila siya'y nagtagumpay sa planong binuo niya noon pa lang.

Sa kabilang banda ay agad tumakbo ang tatlo upang ipagtanggol si Jihyo, at nang makarating na sila ay nagtama ang patalim na tingin ni Chona at nag-aalab na senyas nina Soobin, Yeonjun at Beomgyu. 

Mata sa mata. Iris sa iris. Cornea sa cornea. Kabutihan laban sa kasamaan.

Pamilya laban sa pamilya.

"Sumusobra na po kayo!" malakas na sinhal ni Santino kay Chona habang tinulungan ng dalawa si Jihyo na makatayo papunta sa kinaroroonan ng panganay nila. "Wala na po ba kayong ibang gawin kundi ang saktan na lamang ng basta-basta ang anak niyo? Oo, alam namin na ampon si Raina pero sana naman tratuhin niyo siya bilang pamilya, hindi 'yung nag-ampon lang kayo dahil gusto niyo at parang wala lang sa inyo!"

"So what? Tinrato ko naman siya bilang pamilya, a?" Her arms crossed, leaving the three of them being observant based on her words.

"Ibang pagtrato naman PO iyon," pagsisingit ni Sylvester habang dinidiinan ang salitang "po" sa harapan niya. "Sige nga, paano mo mapapatunayan sa kanya na mahal mo siya kung palagi mo siyang kinukumpara sa mga kapatid ni Raina? 

"At some point, maybe your rival's right. Wala kang pakialam sa kung ano man ang mangyari sa mga taong nakapaligid sa'yo. Oo, may pakialam ka, pero iyon ay kapag nandyan sila sa'yo. Tapos kapag wala silang kailangan, aabusuhin mo ang karapatan nila na para bang walang nangyari?"

They agreed with what he said to her mother who treated her adopted daughter as a toy — it will be used at first then leaving it after like there's no tomorrow. Meanwhile, Stephen is still hushing his girlfriend, who is now fidgeting after what her mother did to her. Pagkatapos ng kahayupang ginawa ng kanyang ina sa kanya saka siya magpapakita sa lugar niya hindi para kamustahin ang kanyang anak, kundi para gumawa ng eksena na siyang ikaiistorbo ng mga nasa tabing bahay.

Samu't sari nang mga kamera ang inilabas upang bidyohan siya at nang mailabas sa madla kung sino si Vice Mayor Chona de Lara sa kanyang tunay na buhay. Her eyes are stinging, causing herself to stop the video that the other people did by cursing out loud, but eventually, they didn't bother what she said.

"Akala ko ba mabuting tao ka? Na lahat gagawin mo para tulungan mo kami? Hindi pala," ani ng isang nanay habang hawak ang stroller ng isang bata sa labas.

Dumagdag naman ang isa sa kanila na nakasuot ng itim na squared glasses, "Nagkamali pala ako ng binoto. Nagsisisi akong pinili kita para sa ikabubuti ng Vivera dahil may iba ka palang motibo!"

"Dapat sa'yo kasuhan!" sigaw ng binata na naglalaro sa edad na 40 at may hawak na noodles sabay turo kay Chona, na ngayon ay nag-uumapaw sa galit na aabot hanggang sa uluhan nito.

Isang colleague ang naglakas ng loob na maikumpara si Chona kay Rowell — na sa pagkakatanda ni Stephen ay ito ang tatay ng kaibigan niyang si Lei, "Oo nga, mabuti pa itong tatlong anak ni Doktor Lee tinuruan nila kung paano isalba ang isang taong inaapi, e ikaw?"

Samu't saring mga reaksyon ang umaabot sa buong paligid ng eksena sa pagsalubong ni Harris Suarez, ang lawyer ng kilalang firm sa Vivera at kaklase ni Rowell noong nasa kolehiyo pa sila. Nilakaran niya ang tingin nito sa kanya at seryoso niyang nilingon ang madilim at mapungay niyang mga mata at dito ay umusbong ang isang malaking galit na siyang kinikimkim laban sa kanya.

"Anong napala mo? May naisalba ka ba sa kanila? Simula pa noong college wala ka nang niligtas ni isa, lahat nilagay mo sa kapahamakan! At anong sa tingin mo gagawin mo matapos nito, lilinisin mo ang pangalan mo pagkatapos mong patayin ang mga kaibigan ko habang naganap ang reunion party? At ang mas malala..."

Malamlam niyang tinignan ang naaping si Raina bago niya ibaling ang direksyon nito pabalik sa kanya, "...sila ang totoong mga magulang ng anak mo bago mo siya ampunin! Saksi ako noon sa mga nakita ko, tinali mo sila sa isang kwarto bago mo sila pagbabarilin sa ilang bahagi ng kanilang katawan kung kaya't brutal mo silang pinatay nang dahil lamang sa inggit!"

Chona doesn't make a move. 

"Ano, mananatili ka lang diyan sa isang sulok na parang bato? Kasi nalaman ko na ang tungkol sa totoo mong pagkatao! Tignan mo tuloy, wala ka nang lilinisin pa. Balang araw, buong Vivera na ang kusang aayaw sa'yo. Sapagkat sa likod ng maamo at mala-anghel mong mukha ay nasa loob nito ang pinakakulo!"

With all those allegations, suddenly, Chona decided to turn a blind eye to other people and not listen to other people's accusations because of what she did to her parents. Samakatuwid, binitawan ng dalaga ang pagkakayakap niya kay Stephen bago siya maglakad sa harapan niya. Dinahan-dahan niya ang kanyang padyak, at kahit nabibigatan siya dahil matagal niyang hinahanap ang totoo niyang mga magulang ay hindi niya lubusang aakalain na magagawa niyang saktan ang damdamin ng isang taong katulad ni Chona.

Ilang patak ng kanyang luha ang lumabas at halos hindi siya makahinga't napuno na ang kanyang emosyon magmula noong nadiskubre niya ang totoo nitong kulay na hindi napapansin sa harap ng maraming tao. At kahit nakikita ng mga tao ang mga pasa at galos sa kanyang katawan ay wala siyang pakialam, malapitan man lang ang taong nagtaboy sa kanya... sa kahuli-hulihang pagkakataon.

"Naalala niyo po ba ang sinabi niyo sa'kin noon? Na sana, binaril mo na lang ako para sa ikatatahimik ng buong pamilya niyo?" mabigat nitong tanong sa kanya. "Dapat pala sinama niyo na lang ako — kasama sina Nanay at Tatay na kusang nagtataguyod para sa sarili kong kagustuhan! Paano mo nagawa sa'kin iyon, ha?"

Kasunod nito ay ang paghahampas-hampas sa dibdib ng kanyang ina na siyang pinipigilan nina Santino at Stephen, "Bakit? Matagal pa lang ay palagi ko silang hinahanap-hanap hanggang sa malaman-laman ko na lang na brutal mong pinatay ang buong pamilya ko!!! Wala po kayong konsensya!"

Akmang hahawakan ni Chona ang braso ni Raina ngunit agad itong nagpumiglas, "Huwag niyo po akong hahawakan, tama naman po siya, e. Alam ko na ang totoo mong motibo para gawin iyon. Dahil ngayon pa lang, tapos na po ang obligasyon mo bilang anak mo. Nakakahiya po kayo. Sobra. Si Bathala na ang bahalang humusga sa inyo."

Tikom pa rin ang bibig niya habang paiyak niyang binabanggit ang ilan sa mga sinasabi ng kanyang anak sa kanya, ang kanyang damdamin ay puno na ito ng pagsisisi sapagkat hindi niya inaasahan na mas masasaktan siya kapag kusa niyang alalahanin ang nangyari sa kanya ng kanyang ina.

Tumakbo siya sa kinaroroonan ni Sylvester bago siya yakapin, at sa pagkakataong ito ay masasambit na ni Stephen ang ilan sa mga katagang itinatago niya noong nalaman niya ang pang-aabusong ginawa nito sa girlfriend niya.

"You know what," he bravely said, "gusto kong magpasalamat sa iyo. Sa walang sawang pagbibigay ng pag-asa na hinatid ng Vivera para lamang sa inyo. Salamat sa tulong na binigay mo sa kanila, at syempre, huwag na huwag mong kakalimutan na magpasalamat sa pasang binigay mo para kay Raina. Salamat sa galos, sa pag-abandona niyo sa kanya, at higit sa lahat, sa pagiging walang pakialam niyo. Kung hindi dahil sa'yo, hindi makakawala ang girlfriend ko sa banungot na binigay mo sa kanya. And now that she's free from the chains that you gave to her, I must say that she's finally in a safe place..."

He left a super inch direction to her before winking, "...with me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top