interlude pt. 5

"Why do I miss her so bad?" Stephen wailed as he stopped the voicemail before going down to the next. Ilang patak ng luha ang umusbong sa kanya mula noong pinakinggan ang mga liham na ang ilan sa kanila ay pinarating na at ang iba ay hindi. Nakapulupot pa rin ang kanyang kumot na yumayapos sa bisig niya kasabay ng malamig na aircon na siyang naging kaagapay niya habang pinapakinggan ang album na binigay sa kanya ni Charm.

Pero sa kabilang banda ay may isang pangyayari na hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin niya malilimutan bago mawala si Jihyo --- at ito ay noong araw na pagkatapos siyang tanungin kung may gusto si Stephen sa kanya ay saka niya ito siniil ng halik kasabay ng pagpatak ng alas-dose ng hatinggabi. Kahit masakit sa ngayon ay pinilit niyang ngumiti dahilan para maitago ang sakit na kanyang naramdaman, at ang alalahanin ang isang gabing mahalaga para sa kanya...

***

SIX MONTHS AGO...

"Thanks for the walk, Stephen," ani Raina habang sabay na naglalakad sa tulay nang dis-oras ng gabi. Isang linggo ang nakalipas simula noong nakalabas ang dalaga sa ospital, subalit imbes na sa bahay niya dalhin ay pansamantala siyang mananatili sa bahay ni Stephen hanggang sa humupa na ang lahat sa pamilya ng kanyang panig.

"Walang anuman iyon," tugon niya pabalik. "Tsaka kahit papaano ay wala munang sama ng loob ang mapupunta sa sarili mong bahay... iyon nga lang matutunton pa rin iyon ng mga magulang mo."

"Kaya nga, e."

Magkahalong saya at panghihinayang ang umusbong sa nararamdaman ni Raina ngayon, una ay dahil sa makakahinga pa rin siya ng maluwag kasabay ng pagtakas niya sa madilim niyang hawla, at pangalawa ay sapagkat kahit anim na kanto ang pagitan ng bahay nilang dalawa, madali pa rin siyang hanapin ng mga magulang niya at pabalikin sa mismong bahay nila.

"Bata pa lang ako, pinagbawalan ako ng mga magulang ko na makipaghalubilo sa ibang tao. Ang gusto nila ay mag-aral ako ng mag-aral hanggang sa makatapos ako kasi sagabal pa rin sila sa buhay ko, kahit magkaroon man ako ng boyfriend hindi rin pwede sa kanila. Ni mismong mga mismong kapatid ko na ayaw sa'kin, ganoon ang binigay nilang rule sa kanila," mahaba niyang litanya habang sila'y naglalakad kasabay ng malamig na simoy ng hangin na umiihip papunta sa mainit nilang kaluluwa.

"If someone breaks the rule, there are chances that they want to punish us," she continued. "Kasi ganyan ang ginawa niya mula noong pagkabata. Nang mag-aral siya ng political science e hindi siya nagkaroon ng kaibigan ni isa kasi sagabal lang daw sa kanyang sarili. Kahit sabihin man ng mga magulang niya na magkaroon siya ng kaibigan or ng boyfriend, hindi niya iyon inintindi hanggang sa nakapagtapos siya ng college."

"Roon ba nakilala ang asawa niya after graduation?"

Agad lumingon si Raina sa tanong ng binata, "Bakit mo naitanong?"

Napailing siya nito habang lumilinga-linga sa kawalan, "Wala naman. Nakita ko lamang sa tabi-tabi..."

Napangiti na lamang ang dalaga nang maituon ang atensyon sa daan habang ang binata naman ay napayuko sa hiya, "Siguro, ni-research mo si Mama, ano? Kilala siya bilang isang vice mayor sa lugar natin, 'di ba sinabi ko na iyan sa'yo sa voice mail?"

"Alam ko, pero hindi ako magsisinungaling — ginawa ko iyon dahil bored ako o sadyang gusto kong kilalanin kung sino ba talaga siya sa harap ng kamera. Yes, I know her outside the camera and her true personality based on your stories but I asked myself, 'Who is Vice Mayor Chona De Lara behind the camera?' And that's when I got to know her," paliwanag ni Stephen na agad kinatango ng dalaga, "Pero..."

"Pero ano?"

Huminga na lamang nang malalim si Stephen at napailing. Malumanay siyang nagsalita, "Hindi ko alam kung kailan ko pa siya mapagkakatiwalaan. Masyado siyang strikto tsaka kaya ka niyang saktan gamit ang kanyang mga salita. Kaya nagdesisyon ako na hindi na lang. Sino ba naman siya, hindi ba?"

"She has the power to do it, even my dad," she responded while glancing at him. "Syempre, mayaman iyon, e. Maraming pera, kaya maraming tao ang bumuboto sa kanya dahil gusto nila na matulungan ang mga taong nangagailangan, kahit mga mahihirap. Well, they fall for the sweetest words my mother could ever say. And here we are."

Napatango na lamang si Stephenat nanghinayang nang marinig niya ang kanyang hinaing tungkol sa kanya. "May mga politiko talaga na kahit mangako man sila, hindi pa rin nila ito natutupad. Ang mas masakit, wala silang magawa kundi abusuhin ang kalayaan na meron tayo."

Huminga na lamang sila nang malalim sa kawalan. Subalit sa kabila ng lahat ay lumalaban sila nang sa gayon ay maibalik nila ang kapayapaan na matagal nang hinahangad ng mga taga-lungsod.

Pinakiramdaman ng dalaga ang kanyang paghinga habang ang kanyang mga kamay ay nakapulupot sa bulsa ng kulay beige niyang hoodie at pinapakinggan ang konting pasada ng mga sasakyan sa kalyeng nasa tabi nila. Samantala, si Stephen naman ay kinuha ang kanyang earphones bago ito isaksak sa kanyang tainga dahilan para makinig ng radyo sa kanyang cellphone. Tikom ang bibig ng dalawa ngunit sa isang iglap, ramdam ng binata ang pagpintig ng kanyang puso kasabay ng pagsaliw sa isang tugtugin...

His smile shone on his face as he listened to the song, but when he heard the chorus' last line, suddenly, he remembered the person who's walking beside him — feeling the sundown's breeze while he's mesmerizing at her soft visuals.

Naalala niya tuloy sa kanyang isipan kung paano niya yakapin si Jihyo sa kadahilanang bumibigat ang kanyang pakiramdam at tila hindi siya makahinga sa pamamahay ng mismong pamilya niya — ang pamilyang mistula siyang inaabandona ng mga taong nakapaligid sa kanya dahil sa isang rason: ampon siya.

Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mapangiti na lamang subalit nabasag ito nang nagtanong si Raina tungkol sa kanya, "Siya nga pala, bakit love ang tawag mo sa'kin? We're not in a relationship just like other people do."

Iniisip ni Stephen ang magiging sagot nito sa kanya pagkatapos tanggalin ang right earphone at hininaan ang tugtog sa kanyang cellphone.

"Wala naman. Gusto lang kitang tawagin ng ganyan. Bagay kasi sa'yo, e."

Binatukan siya nito saka siya natawa habang tinakpan niya nang malapitan ang kamay niya sa bibig nito habang sila'y tumatakbo malapit sa katapusan ng tulay, "Siraulo ka! Hindi tayo talo, Stephen!"

"Mas lalong hindi rin, Raina!"

"Weh? Talaga?" sarkastiko nitong banggit. "E bakit ka nag-I Love You sa'kin sa voicemail? Crush mo ako, ano?"

Saglit na natigilan ang binata na parang isang matigas na batong tinamaan galing sa kanya. He knows that he is a responsible leader when it comes to academics, but when it comes to love and admiration for Raina, it is left dumbfounded, cowardly in love and at the same time, pabo.

"Ang sabihin mo, 'Silence means yes.' So, crush mo nga ako?"

Habang ang dalaga ay tinutukso-tukso si Stephen nang dahil sa nangyari, siya naman ay napapaisip kung ano ang gagawin para manahimik na lamang ang dalaga --- na sa kauna-unahang pagkakataon ay unti-unti nang sumaya ang kanyang pakiramdam at nang hindi na naka-isip ng negative thoughts sa utak niya.

"Yiee, kinikilig si Stephen! Magde-deny ka pa, a!" pabirong banggit ni Raina sa kanyang kaibigan, subalit bago sagutin ang tanong na iyon ay mabilis na nilingon ang dalaga na siyang hudyat upang angkinin ang kanyang labi sa kanya.

Gulat ang naging ekspresyon ng dalaga habang masuyo niyang nilalasap ang bawat halik nito mula sa binata, halos hindi na siya talaga makapagsalita sa harapan niya at ang tangi niyang gawin ay ang ipikit ang kanyang mga mata at damhin ang pakiramdam na binigay ng sansinukob para sa kanilang dalawa.

Pumatak ang oras sa relo ni Stephen: alas-dose ng hatinggabi. Sa kauna-unahang pagkakataon ay kusa nang bumigay ang kanyang puso, isipan, nararamdaman at ang kaluluwa nito dahilan para gawin ang isang bagay na hindi pa nila nagagawa on their nineteen years of existence: ang halikan ang sariling best friend kahit hindi pa sila. He scraped her hair using his left hand while softly brushing their lips against each other, their hearts trembling and popping as if one of us had the chance to fall in love with one another.

She raised her right toe before wrapping her arms on his nape to secure him from falling, either on the bridge or to her. From her perspective, Soobin is her safe place, ride or die, biggest adventure and lastly, her rest. Kahit rinding-rindi ang dalaga sa sinasabi ng ibang tao sa kanya, wala siyang ibang matatakbuhan kundi siya lang.

Ang lalaking nagparamdam sa kanya kung paano niya hahanapin ang kanyang sariling kasiyahan.

Ang kaibigang handang maging karamay sa bawat pagluhang ibinibigay niya sa kanya.

At panghuli, ang taong palagi siyang samahan sa lahat ng bagay, maramdaman niya na lamang sa kanyang sarili kung paano ba yayakapin ang pansarili mong kasiyahan...

***

Pabo means "fool" in Korean.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top