interlude pt. 10
tw: suicide, death
***
STEPHEN
Noong nagsimula ang countdown, agad akong napasabay sa kanila kasabay ng mga ngiting bumalot sa'king damdamin at sa buo kong kaluluwa. Halu-halo ang saya na naramdaman ko dahil pagpatak ng alas-dose ng hatinggabi, sumalubong ang makukulay na fireworks na nagniningning sa mga mata naming apat, maging ang buong kalangitan ay namangha sa pagliwanag ng paputok na katulad namin - tumatalon sa tuwa kasama ng mga kapwa niyang paputok.
Habang kami ay gumagawa ng ingay gamit ang torotot, takip ng kaldero at busina ng sasakyan ay may tumawag sa cellphone ko, pagbukas ko ay bumungad sa'kin si Chaeyoung kaya agad akong lumayo sa kanila para sagutin iyon.
Hawak ko ang torotot ay galak akong pinindot ang green button dahilan para batiin ako ng "Happy New Year," pero kabaligtaran pala ang nangyari. Dahil noong sinagot ko ang tawag ay puro paghikbi ang sumalubong sa'kin sa kabilang linya.
Lumungkot ang aking ekspresyon at ang saya na aking nararamdaman ay unti-unting nagbago nang marinig ko ang boses niya, "Charm... anong nangyari? Bakit ka umiiyak—"
Hindi niya ako pinatapos niya at diretso niyang binalita sa'kin ang isang masaklap na pangyayari na sa kasamaang palad...
...ito ay magbabago pala sa'king mundo.
"Stephen, naalala mo ba 'yung voicemail na sinend niya sa'yo kanina?" she asked between her spilling tears. "That was her last. Ito ang huling mail na sinend niya sa'yo kasi..."
"Kasi ano?"
"Stephen... wala na si Raina..." pag-amin nito sa'kin na siyang hudyat upang kusang mabitawan ang torotot sa kamay ko at nang maibigay ang luha na kusang pupunta sa'king pisngi.
"I wanted to call her to celebrate the New Year but she didn't answer. Sa halip ay kinuha ko ang susi ng kwarto niya... and the last thing I knew... she... she..."
Nang matapos ay narinig ko siyang humihikbi sa kabilang linya na siyang hudyat upang mapaluhod ako sa sahig at lumuha na lamang na parang wala nang bukas. Tears pooling down on my cheeks and my expression looks pale and devastated as I heard the unexpected news in which I, myself, didn't know what to do.
Kanina pa lang, masaya siya, a? Pero sa dinarami-daming tao na nakilala ko, bakit si Raina pa?
Kung kailan sabay niyang aabutin ang mga pangarap niya, hindi niya ito matutuloy dahil wala na siya...
Ayos na sana kung binibiro niya ako pero hindi. Dahil noong binaba ni Charm ang linya ng telepono, pinadala sa'kin ang litrato na naglalaman ng isang mensahe galing sa'kin gamit ang sulat kamay niya...
Dear Stephen,
I know this is sudden but may I ask a question for you?
Will you promise me to live without me? Will you promise me to achieve your dreams and do your own passion, even when I'm not by your side? Kasi alam kong magagawa mo iyan at maipagpatuloy mo iyan mo hanggang sa maabot mo ang pangarap na gusto mong abutin. Huwag mo akong itulad sa'kin na ang lahat ng mga pangarap, passion at pagod ko ay unti-unting maglalaho nang dahil sa gagawin ko. Masanay ka nang tumayo sa sarili mong paa dahil sino na lamang ang aasahan kundi ang sarili mo, hindi ba?
Bago matapos ang taon, gusto kong magpasalamat sa mga taong walang sawang umintindi sa'kin, sa mga taong naging dahilan ng kasiyahan ko, lalong-lalo na sa'yo. Thank you for being part of my year today. Thank you for all of the hugs, kisses, polaroid pictures and candid shots in which I'll remember it until next life. At ganoon din ikaw, you need to cherish every single moment of yours, dahil ang lahat ng ito'y hinding-hindi mo pagsisisihan kapag nakagawa ka ng isang bagay na para sa sarili mo o kasama ng mga mahal mo sa buhay.
Oo, masakit na magpapaalam ako sa mundong 'to pero may huli akong sasabihin sa'yo: live your life to the fullest. Maging matatag ka sa lahat ng hamong ibibigay nila sa'yo and lastly, spend your time with your loved ones before it's too late. Well, too late na rin para sa'ting dalawa but I need to sacrifice myself so that you can live again. And please... don't harm yourself, okay? Hindi iyon nakatutulong sa'yo. Forgive and accept yourself. That's what matters.
For the last time, I love you. Will see you in the next life.
Yours truly,
Raina De Lara
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top