I. When in Bicol
PREVIEW:
"Sir Philip, mag-reresign na po ako," panimula ni Xasha sa kaniyang boss na nakaupo sa table nito. Kumunot ang noo ni Philip sa tinuran ng kaniyang empleyado. Tila ba nag-flashback sa kaniyang alaala ang lahat ng magagandang ginawa ni Xasha sa kaniyang perfume company.
"Bakit?" tanong ni Sir Philip. "Bakit ka magre-resign, Xasha? Was it because of your salary?"
Umiling ang dalaga. "No po, sir. It's a private matter po. You might laugh at me if you learned the reason so I don't really want to talk about it. Here is my resignation letter po." Inilapag ni Xasha ang puting sobre sa table ni Sir Philip. "Willing naman po akong mag-render ng another month so I can turn over my work to your new manager properly."
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sir Philip. Masyado siyang nadidismaya sa biglaang resignation ng company manager niya na akala niya ay makakasama niya nang mas matagal pa. Bukod sa ang pagkakakilala niya kay Xasha ay career and goal-oriented ito, hindi niya akalaing darating ang araw na aalis ito sa kaniya.
"No new manager, Xasha, and I won't open your resignation letter. Tell me your real problem why you need to quit." Malamlam na tinitigan ni Sir Philip ang dalaga na nakatayo sa kaniyang harapan.
Xasha shut her eyes before a sigh left her lips. "Mag-aasawa na po kasi ako."
Halos mabilaukan si Sir Philip kahit hindi naman siya umiinom ng tubig. Iyon ay dahil mas nakakagulat pala ang dahilan kung bakit magreresign ang manager ng kanilang kompanya.
"M-mag-aasawa? Tama ba ang dinig ko?" nauutal na tanong ni Sir Philip.
"Yes po, sir. My father is getting older, and he wanted me to get married as soon as possible. Namatay kasi si mama last year and masyado siyang nalulungkot na mag-isa..."
"Yeah, I heard about that," singit ni Sir Philip.
"Kaya ayon, gusto niya nang magkaroon ng apo," dagdag na paliwanag pa ni Xasha.
Hindi naman kaagad nakapagsalita si Sir Philip. Nakatingin lamang siya sa dalaga habang nag-iisip ng isasagot dito.
"I hope you could understand my decision, Sir Philip. I've been working here for the past eight years, and this matter is really important for me since it is for my dad. Kailangan kong magresign para magkaroon ako ng oras sa dad ko at sa gusto niyang mangyari," mahabang litanya ni Xasha habang nauulinigan ang pagsusumamo.
"But..." Muling bumuntong-hininga si Sir Philip ngunit sa bandang huli ay sumuko na rin. "I see. You're a hardworking person and you tend to pour your time on your job so I understand your need for resignation. Since your decision is final, you can do as you wish," malungkot na tugon ni Sir Philip ngunit kababakasan pa rin ng professionalism sa kaniyang pananalita. Puno man ng pagkadismaya ay pinili niyang respetuhin na lamang ang desisyon ni Xasha.
"Thank you, sir." Nagpaalam na si Xasha sa opisina ng kaniyang boss at sa pagkakataong iyon, lalong naramdaman ni Sir Philip ang kalungkutan. Agad niyang pinatawag ang kaniyang secretary na si Mr. Marco na mabilis namang dumating sa kaniyang office.
"Good morning, Sir!" masiglang bati ni Marco sabay bow, ngunit tila ba sa hindi maipintang mukha ni Sir Philip ay alam na ni Marco ang balita.
"She wants to quit," wika ni Sir Philip, bago tumayo mula sa kaniyang upuan. Dumungaw siya sa bintana ng kaniyang opisina upang pagmasdan ang malawak na tanawin ng iba't ibang commercial buildings. Masasabi niyang siya ang may pinakamataas at malaking kompanya kumpara sa mga ito, nasa kaniya na ang lahat ngunit sa kabila nito, nararamdaman niya pa ring may kulang.
"Everybody's talking about Miss Xasha's resignation, Sir. Mukhang matagal na rin po nilang alam," komento ni Marco, habang inaayos ang buhok. "Matagal na po sigurong binabalak ni Miss Xasha ang resignation niya."
"Why didn't I notice it?"
Nagkibit-balikat lang si Marco. "Maybe you're too busy to notice, Sir."
Tama si Marco. Masyado ngang abala si Sir Philip sa kaniyang kompanya at hindi niya napansin na may posibilidad palang iwanan siya ng taong akala niya ay hindi siya iiwan. Masyado siyang naging complacent.
"What did I do wrong? Why would she find another man to be her husband? Hindi niya ba ako nakikita?"
This is not the very first time Marco heard his boss' monologues. Sanay na siya sa mga hinaing nito tungkol sa dalaga. At sa unang pagkakataon din ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para sagutin ang boss niyang si Sir Philip.
"Hindi niya ho kayo makikita hangga't hindi kayo umaamin, sir," malambing na wika ni Marco.
"But I tell her with my actions. People say actions speak louder than words. Am I not doing it right?"
Umiling si Marco. "Alam niyo kasi sir, ang mga babaeng katulad namin, oo, nag-assume kami, nakikita namin ang mga ginagawa niyo, pero isinasantabi lang namin hangga't hindi namin naririnig mula sa inyo. And knowing Miss Xasha, she will probably not take it to her heart kasi naka-focus din siya sa work."
Ito ang dahilan kung bakit pinili ni Sir Philip na maging sekretarya si Marco sa kabila ng kasarian nito. Bukod sa matagal na rin silang magkaibigan. Napagsasabihan niya pa ito ng kaniyang mga hinaing sa buhay.
"You better pluck up the courage, sir, since you like her for a very long time. Tell it to her face to face kasi ikaw rin, kapag nahuli ka baka mapunta pa siya sa iba," may diing suhestiyon ni Marco. "Basta sir, kapag na-reject ka ni Miss Xasha, nandito naman ako," nakangiting dagdag pa ni Marco habang mabilis na ipinapagaspas ang mga pilik-mata.
"Shut up, Marco. Hindi ka nakakatulong." Muling umupo si Sir Philip sa kaniyang table at si Marco naman ay umupo sa couch.
"Sa pagkakaalam ko kasi, sir, ang work ko here is secretary mo at hindi taga-advise," pambabara ni Marco. "Pero iyon nga, ang masasabi ko lang ay umamin ka. Aminin mo na na crush mo siya para maumpisahan na ang forever niyo!" Tumili pa habang natatawa si Marco habang ang boss niya naman ay panay ang iling at buntong-hininga.
Ngayon, nagsisisi na siya kung bakit si Marco ang ginawa niyang sekretarya.
"She's not my crush, okay? I like her!"
"Alam ko naman, sir, hindi mo kailangang ipamukha sa akin, pero dapat hindi mo sa akin sinasabi kung hindi sa kaniya mismo." Naging seryoso na ang mukha ni Marco.
"I don't know where to start. Am I too old for this?" Napahawak si Sir Philip sa kaniyang sumasakit na batok.
"You're just thirty years old, Sir. At sa kagwapuhan mong taglay, sigurado akong mapapasagot mo si Miss Xasha. At kapag nangyari 'yon, hindi ka na mamomroblema sa resignation niya."
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Sir Philip. Napangisi na lang habang umiiling si Marco na ngayo'y nakatingin sa kaniyang boss na parang nasisiraan ng utak.
"Alright."
>>> LISTEN TO THE FULL STORY LINKED HERE ON YOUTUBE.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top