C H A P T E R ' 8

Lyon Vastia as Aeron's Anime Portrayer. Ice Magic! <3

***  

C H A P T E R ' 8

[Elle's POV]

Nagising ako sa isang napakamalamig na sahig. Minulat ko ang aking mata and It took a minute to refocus again my vision.

Napakadilim ng buong lugar. Nasa loob ang ng maliit na silid na gawa sa bakal. Dungeon. Iyan agad ang pumasok sa isip ko. Nasa isang madilim na kulungan ako.

I turn around and gasped when I saw a pair of Blizzard Blue Eyes in the darkness.

"S-sino ka?" I asked and then tried to stand up, kaya lang natumba ako at nakitang may malaking cut ako sa paa.

Hindi ito sumagot. Hindi rin ito gumalaw sa lugar nito. Ang alam ko lang ay lalaki ito. Is He Deaf Or a Mute? He stayed staring at me and It feels so uncomfortable.

Dahan dahan na uma-adopt ang paningin ko sa dilim at nakita ang kabuuan ng lalaki. Platinum Blonde. Blue Eyes. He must be—

"Aeron?" Biglang banggit ko sa pangalan neto na ikina-bigla niya. Nakagapos ang kamay niya sa dingding at meroon ring bakal na tali sa paa.

Dali dali kong tinungo siya and tried summoning a hot knives.

I felt again the pressure in my hand. Aching like hell. Shit! Heto na naman ang kirot na parang may mga koryenteng dumadaloy sa dugo ko. Then I saw sparks hanggang sa unti unting lumabas ang mainit na dalawang kutsilyo. Damn!

Nagbabaga ito ngunit parang hindi naapektuhan ang kamay ko sa nakakapasong init. I remove the fabric covering his mouth. Kaya pala hindi siya nakapagsalita. At doon ko lang nakita ang buong hugis ng mukha niya.

He was as handsome as Zach. His eyes are like a sparkling sapphire in a treasure chest, a whirlpool in the deep blue ocean. He has a perfect shape of nose and lips. His hair was messy and spiky blonde.

"B-belle, Is that y-you?" He  asked, His voice is tremendously sexy and husky.

"My name is Elle, not Belle." Nakangiting sabi ko rito at sinubukan na ring putulin ang nakatali sa kanya gamit ang umiilaw sa init na kutsilyo.

And It works! Naputol ko ang tali sa kamay at paa niya.

"Thanks." Pasalamat niya saakin at tuluyan ng tumayo. Agad niyang hinawakan ang ulo ko at naramdaman ko ang malamig ma bagay na lumalabas sa kamay niya. Ice. Hindi ko maiwasang mamangha sa kumikislap na yelo para itong mga diyamante.

"My Ice has also a healing powers. Hindi nababagay sa isang magandang dilag na tulad mo na may sugat sa  noo." Sabi niya saakin at biglang uminit ang pisngi ko. Tell me I'm not blushing!

"Tara na nga't tumakas tayo at umalis dito." Sabi ko at sinubukan ulit tumayo. Thanks to him na nilagyan niya ng yelo ang sugat ko sa paa. It heals faster that I thought.

"By the way, Gaano kana ka tagal dito naka kulong?" I ask curiously.

"Mga isang linggo narin." He said while smiling at me. Bakit ang popogi ng mga prinsepe?

"Pinakain kaba nila dito?" Tangang tanong ko. Of course! You dumb Elle!  Alangan naman patayin nila ang isang bihag sa pagpapagutom lang diba!

"Yes." He chuckled. Pahiya ako sa tanong ko ah.

He tried to break the Jail's Door with his Ice pero hindi ito umipekto.

"The Rubys are really smart. Putting Anti-power in their Dungeons Jail."

"Oh, so were in the Ruby Dungeon?" Tanong ko, habang siya naman ay patuloy sa pag-froze sa bakal na pinto.

"Yes, And the vampires brought you here." Biglang nagtaasan ang balahibo ko. Bampira ba kamo? So hindi pala panaginip yung may bumuhat saakin.

Biglang may ideya na pumasok sa utak ko kaya pinahinto ko si Aeron sa pagpapalabas ng mga yelo.

"You said powers doesn't work on that door. Now, let me try instead." Umalis siya ng kunti at nagconcentrate naman ako at pumikit.

I tried summoning a small normal dagger. But unfortunately, Napangiwi ako ng Isang mala-kuryenteng punyal ang lumabas. I'm such a failure!

Wala akong ibang choice kundi gamitin ito doon sa lock. Buti nalang nagkasya. We heard a small click, at bumukas ito.

"Nice." Kumento ni Aeron at nagsimula na kaming maglakad palabas.

Dahan dahan at maingat kaming tumakas mula sa mga gaurds. Did I mention that we are in a Dungeon Tower? Mukhang napaka-taas nito dahil inabot kami ng isang oras para tuluyang maka punta sa Main Entrance.

Dalawang nilalang na hindi ko mapaliwanag ang itsura ay nakabantay doon. Darn!

Dahan dahan kaming lumapit doon at tsaka sabay na umatake. I used my poisonous whip at inikot ito ng sobrang higpit sa leeg ng nilalang at tuluyang nawalan ng hininga.

I saw on the other side na naging isang napakagandang yelo ang nilalang na tinatapakan ngayon ni Aeron.

Mabilis kaming tumakbo sa isang madilim na gubat. Binilisan namin ang pagtakbo ngunit limang gorgons ang pumigil saamin.

"Don't look at their Eyes!" Sigaw ni Aeron kaya agad akong pumikit. Ramdam ko ang Dalawang nakapalibot saakin. Nagtaasan ang balahibo ko ng marinig ang tinig na parang ahas. Grr!

I feel like they're going to attack kaya mabilis akong yumuko at sinapa ang dalawa. Nakapikit man ako ay alam ko kong asan sila. Tinalasan ko ang aking pangdama.

Bigla namang sumugod ang dalawa kaya tumalon ako ng mataas. Mabilis akong nagpalabas nang Iced Bow and Arrow at binuksan ang mga mata at sabay na pinana ang dalawa. Shoot! Game over!

Napatingin ang tatlong kalaban ni Aeron sa direksyon ko at galit na tumakbo saakin ng makita ang patay na dalawang gorgons sa paanan ko.

"Duck!" Rinig kong sigaw ni Aeron at agad akong yumuko. Bago ako nakayuko ay nakita ko ang parang matatalim na yelo na papalapit at hiniwa ang ulo ng tatlong gorgons. Phew!

"Hey! That was close!" I glared at him. He just give me a peace sign, And that was cute.

We continued walking hanggang sa naabutan kami ng gabi.

"Mas delikado na kapag gabi, maraming mga masasama't malalakas na nilalang ang gigising dito sa Ruby Forest." He explained seriously while continue walking.

"Then we need a shelter." I added.

Tumango naman siya, "Exactly."

-

After an hour, nakahanap narin kami nang pagtutuluyan ngayong gabi. It was a small cave na natatabunan ng tatlong nagtataasang mga puno.

Pagpasok namin ay Ilang sandali pa ay umulan ng malakas kasama ang dumadagundong na kidlat. The rumbling sound of the thunder in the darken clouds is pretty scary.

Dali dali kaming gumawa ng apoy gamit ang dalawang bato sa loob ng kweba. The surrounding started to get colder and colder. The rain was like angry for it is getting stronger and stronger. Malalakas na patak ng ulan ang naririnig ko lang, dahil doon hindi ko maiwasang maantok.

Unti unti kong ipinikit ang aking mata at tuluyan ng nakatulog.

-

Napamulat ako dahil sa isang ingay. A growl. Ano na naman yun?

I look at outside. The rain had stopped, And the thunder and lighting is already gone.

Napatingin rin ako sa direksyon ni Aeron. Mahimbing itong natutulong, para siyang isang angel na galing sa langit at bumaba para samahan ako.

My day dreaming had fade away when I heard again the nasty growl. Shit! Dahan dahan at tahimik akong sumilip sa labas ng kweba.

Halos matumba ako ng makita ang napakaraming lobo sa labas. Oh Shit! Mukhang ang teritoryo nila ang natulugan namin. Ang ilan sa mga lobo ay natutulog, ang iba ay gising at nagmamasid. Meroon ring maliliit na naglalaro.

Dali dali akong bumalik sa kinaruruonan ko kanina para gisingin si Aeron. Pagbalik ko ay natutulog parin ito.

"Pst! Aeron Gising!" Mahinang iniyugyog ko ito at buti nalang hindi siya tulog mantika at napakadali lang gisingin.

"We're surrounded by wolves outside—No, were in their territory."

Nanlaki naman ang mata neto sa narinig mula saakin.

"Then we should be leaving already." Sabi niya at tuluyan na kaming lumabas sa kweba. Buti nalang at hindi kami napansin ng mga lobo.

Matapos ang nakakatakot na pagalis namin doon ay napadpad narin kami sa Valley of Flowers. My scars are magically faded like it was been erased by an eraser.

Masayang lumapit ako sa mga bulaklak at inamoy ito. Napakabango nila! May Iba't ibang kulay na masarap tignan sa mata. Ang gaganda nito.

Pumitas ako ng isang asul na bulaklak at ibigay kay Aeron, "Thanks for healing me."

Ngumiti ito saakin pabalik at binigyan niya rin ako ng kulay rosas na bulaklak, "Thanks for helping me to escape, Belle." He said at inilagay ang bulaklak sa buhok ko na malapit sa tenga.

"It's Elle!" I playfully punch his arms.

Nagtawanan lang kami hanggang sa nasa harap ko na ulit yung dalawang naglalakihang bato. Oh, I remember Sab. Nag-alala kaya yun sa Akin? I've been missing since 3 days already.

Maingat kaming pumasok sa loob at bumulaga ulit saakin ang napakagandang lumulutang na mga isla. Isa doon ay ang kinaroroonan ng malaking kastilyo. Oh, I've missed that School!

Kagaya ng ginawa namin ni Sab noon ay sumakay rin kami ni Aeron ng Pegasus. Matapos ang napakabilis na pagsakay sa pegasus ay gusto ko nang mamatay. Curse that Pegasus speed! Mas mabilis pa siguro ito saakin.

Umiikot ang paningin ko pagbaba sa pegasus, tapos meroon na naman yung lalakeng nagsalita.

"Who's there?"

"Aeron Elixir and Elle Willows." Ako na ang sumagot. Unti unting bumukas ang gate at ang nag-alalang mukha nina Sab at Aurora ang nakita ko. Nandoon sila sa isang bench habang malungkot na kinakausap ang mga Fairies.

"Hoy mga tipaklong! Kamusta na kayo?" Sigaw ko rito at napatingin sila sa akin na nanlaking mata.

"Oh my Elle! The bitch is alive!" Masaya silang lumapit saakin at sabay na yinakap ako.

"Masamang damo, matagal mamatay talaga." Rinig kong bulong ni Aurora kaya Binatukan ko ito.

"Aray naman! Yan ba yung pasalubong mo saakin?" I rolled my eyes on Aurora's remark.

Narinig nila ang mahinang tawa ni Aeron at napatingin sila sa likuran ko. Their eyes both automatically fell on the ground.

"Shit! bakit kasama mo si Prince Aeron? Wag mong sabihin na nagdate kayo?" Ulit kong binatukan si Aurora, loko talaga oh!

"Tara na nga't nagugutom na kami. Mamaya nalang ako magpapaliwanag mamang police." Natatawang sabi ko at nagpaalam na ako kay Aeron na pupunta ako sa dorm para magbihis.

Nasaloob ngayon sina Aurora at Sab sa Bedroom ko, kaya habang namimili ako ng damit sa walk-in-wardrobe ay nagke-kwento rin ako sa kanila.

"Sheyt! Pinakilala ka ni Prince Zach sa Reyna at Hari ng Amethyst Kingdom?"

"Nakulong ka sa loob ng kulungan kasama si Prince Aeron? Nakainggit!"

Rinig kong kumento nila sa kwento ko.

"Anong maganda doon? Ang halos sunugin ako ni Zach? Ang kidnapin ng bampira? Ang halos maging bato dahil sa mga gorgons? O yung magiging pagkain sana ng mga lobo?" I said, trying not to lose my temper. I'm hungry and Angry, And that's a bad combination.

"Swerte parin! Ikaw ba naman maka date ng dalawang gwapo at hot na prinsepe!"

I rolled my eyes in annoyance. Hindi nila ako na iintindihan.

Matapos kong magbihis ay pumunta na kami sa cafeteria. Maraming estudyante kaming nadatnang kumakain doon, Since lunch hour na ngayon.

Mahaba ang pila kaya sina Sab at Aurora nalang daw mag oorder at ako ang maghanap ng bakanteng mauupuan. And unfortunately, meroon doon sa gitna.

No choice at umupo ako doon, hindi ko mapigilang magtaka kung bakit tingin ng tingin ang mga estudyante sa aakin. What the heck is their problem?

Narinig ko naman ang mahinang bulungan sa pinakamalapit saakin na mesa.

"Siya ba yung bagong salta?"

"Oo ata, mukhang hindi niya alam kaninong pwesto yang inuupuan niya."

"Naku. Mapapahiya siya niyan. Nakakatakot pa naman magalit si Daphne."

"Oo nga, kawawa naman siya."

Tatayo na sana ako upang awayin yung mga chismosa nang may nagsalita sa likuran ko,

"Uy Elle! Ikaw pala yan!" Napatingin naman ako sa magandang nakangiting mukha ni Auria. Kasama niya yung ka-banda niya at si mokong Zach? At Aeron?

Umupo sila, at tinignan ako. Uh, oh!

"Nalimutan pala namin magpakilala sayo noong isang gabi," Napatingin naman ako doon sa cute na lalaking nagsalita.

"We are Demia Band. We consist 8 members," Pakilala ni Auria

"That is Daphne, isa sa Vocalist." Turo niya sa babaing may Blackish brown na buhok at caramel na kulay na mga mata, mukhang masungit ito.

"I'm Autumn, Ang nakaka tandang kapatid ni Winter. Isa ako sa Guitarist ng Banda." Sabi naman nung isa na kamukha ni Winter. Obvious nga na magkapatid sila.

"I'm Dike, Daphne's Fiancé. Pianist ng banda." Nakangiting pakilala ng lalaking napaka gwapo! Napaka Itim ng buhok at mata niya. Napaka kinis at puti ng balat!

"I'm Sebastian, call me Seb pretty lady. Ang poging drummer." Naalala ko siya, siya yung nag-compliment saakin nung kumanta ako kasama sila.

"This is Zephyr, ang bagong recruit. Isa rin siyang guitarist."

Napatingin ako dun sa pinakilala nilang Zephyr, Teka— siya yung!

"Reinnice McHeartfilia?" Bigkas ko sa pangalan niya.

"Ako nga." Seryoso parin ang mukha nito.

Siya yung bagong enrollee na kasama ko doon sa Entrance Test! Tama!

Napatingin naman ako kina Aeron at Zach, na tahimik lang na nakatitig saakin.

"Ano naman ang position nina Zach at Aeron?"

Nabigla ang lahat sa sinabi ko, Uh oh! Nakalimutan ko! Kailangan prince tawag ko sa kanila! Yun yung sinabi ni Sab at Aurora. Tanging yung malapit lang sa kanila ang pwedeng tumawag ng pangalan nila!

"Redhead" / "Belle" sabay na sabi nina Zach at Aeron. Naku patay!

Tumikhim muna si Auria bago nagsalita,

"Oh, so magkakilala na pala kayo."

"Sina Dike at Daphne kasi ay minsan busy dahil isa sila sa Student Council, kaya may temporary members kaming ipapalit sa kanila. At sina Zach at Aeron yun."

Oh, so that's explain! Sina Auria, Daphne, Seb, Dike, Zephyr yun yung limang naging kasama ko noong nakaraang gabi.

"At pansamantalang aalis si Autumn dahil may ipinapagawa si Principal sa kanya. Kaya gusto sana naming sumali ka sa banda."

Say What?

To be Continued...

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top