C H A P T E R ' 5
***
C H A P T E R ' 5
[Elle's POV]
"Shhss.. wag nga ka ngang maingay Aurora baka magising yan!"
"Eh itong si Winter naman talaga ang nagsimula ah!"
"What!? Ako pa!? Eh sinasabihan lang naman kita Aurora kanina kung ano ang dapat at tamang gawin eh!"
"Tumahimik nga kayong dalawa! Pareho lang naman kayo! Tss. Mga Sakit sa ulo"
"Hoy Lucian wag kang epal! Si Aurora lang naman talaga ang may kasalanan!"
Uh, Ang sakit sa tenga! Hindi ba nila alam ang batas na 'Keep silence , specially when the monster is sleeping.'
Unti unti kong minulat ang mga mata ko. It took seconds to refocus again my sight. I groaned.
Where the heaven am I? Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama at nakita ang puting tela na nakapulupot sa kamay ko, Stitches. Meroon ding mga bandages akong nakita sa forearm ko.
Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at Masama tinignan ang apat na nakatayo sa loob nang puting room na ito. They are the nosy brats who doesn't know the word respect.
"I guess, She's Fine already." Tinuon ko ang atensiyon ko sa nagsalitang si Sab habang nakangisi ito.
Napasimangot naman ako bigla, "I bet I am in the Infirmary of the Academy, And Oh, Who is she?" Tanong ko habang tinuro yung Isang babae na hindi ko namumukhaan.
"I'm Winter Glenndale, from the Dawn Tier, Sab And Aurora's Blockmate." Pakilala niya sa sarili niya, kaya tumango lang ako bilang sagot.
"Kukuha muna kami nang snacks sa cafeteria for Elle's lunch snacks. Ikaw muna magbantay sa kanya Lucian." Paalam nina Sab at lumabas sa pinto kasama si Aurora at Winter.
Biglang tumahimik ang buong kwarto. Spell awkward? Tumikhim muna si Lucian bago nagsimulang magsalita,
"I've heard it." Panimula niyang sabi.
"Ang alin?" Tanong ko sa kanya while lifting up my one brow.
"You have Summoned weapons with Elemental Magicas." naka-ngising sabi niya sakin, sabihin na nating mas pumogi siya dahil doon. I think I got a little crush on him. Bruh, Disgusting!
"Ah, chismis. Tsk." Mahinang bulong ko.
"Can u summon it again?" He asked, at napahinto ako dahil doon. Say what?
"U-uh, I-I don't think so. S-sabi ni Sir Arthur, k-kagaya lang ito nang isang A-adrenaline Rush kapag baguhan pa, yung bigla nalang lumalabas kapang na tetense o nasa panganib ang isang D-demi god." I stammered, hindi ko alam pero na I can feel it na may binabalak tong' si Lucian.
"Hmmm," He paused as if he was thinking, "So pagnatetense ang isang demi-god?" He said while naughtily grinning to me. I gulped.
Oh no, My Instinct automatically screaming for danger! May binabalak talaga siyang hindi ko magugustohan. Unti unti siyang humakbang at lumapit sakin. He's Hot, but not really the guy I am dreaming to slept with.
"D-don't you dare na lumapit sakin kundi..." I trailed in fear.
"Kundi... what?" He said while forming his lips into a half mischievous smirk and a half grin.
Mas lumapit siya sa mukha ko. He was 5 inches then 4 inches then 3 inches then, 2 INCHES away from me. Isang tulak nalang mahahalikan ko na tong gwapong nilalang na toh.
Alam ko naman na Crush na crush ko siya, but I do believe It should be my True Love will have my First Ever Loving Kiss. I'm still a minor, Okay?
Mas lumapit siya sakin at unti unting napatingin sa labi ko, Oh please! Si kalandian ko nakikipagsabunutan na sa pinaniniwalaan ko. Oh Ego, Kill me now.
*DUB DUB DUB DUB*
My heart runs like a torbo, then suddenly I felt like there was a great flowing of electricity in my hands into my palm. In just a one blink, May hawak hawak na akong isang patalim. A black thunderous double-edge knife.
Gumalaw nang kusa ang kamay ko, Papunta ito sa direksyon ng mukha ni Lucian, pero buti nalang mabilis siyang nakaiwas ngunit nadaplisan nang kaunti ang pisngi niya. A small blood started to flow.
"Hey! What the heck is happening here?!" Malakas na sigaw ni Sab na kakapasok lang habang bitbit ang isang malaking paper bag.
"Private Training Session." Nakangising sagot ko, Sab just rolled her Eyes, I love it. May gusto siya kay lucian, and I feel that. Better to get rid of this Crush thingy on Lucian before Sab will kill me.
*knock knock*
Napatingin naman kaming lahat sa babaeng pumasok. She was wearing a clear eyeglass, hospital gown, a stethoscope in her neck, and she was holding a document. She's the doctor.
"I'm Dr. Jenny Clerckshien, One of the Physician here in the Academy."
"I'm here to tell you na pwede ka nang makakalabas Ms. Willows, dahil na gain na lahat ang nawala mong enerhiya kanina sa Entrance Test,"
"Bumalik ka lang dito kung may mararamdaman ka namang kakaiba. Thats would be all." Seryoso niyang sabi habang nakatingin nang diretso sa mata ko at magalang na siyang umalis.
Nag ayos muna ako sa sarili ko bago umalis sa infirmary. That room really sucks! How I hate its hospital smell!
Habang nag lalakad kami nina Sab palabas sa Building, ay napaisip naman ako bigla nang kung ano nalang.
"Kaya ba Olympian High ang pangalan ng academy dahil yung 12 Olympians ang nagpatayo nito?" Tanong ko. Remembering suddenly the 12 Olympian, or Twelve Deties.
"Nope, Its the immortal grandsons of the 12 Olympians, The Great Titans and Titanesse." Sagot niya na ikinalito ko naman.
"Thank God, It's FRIDAY!" Napatingin kaming tatlo ni Aurora at Sab kay Winter na tumatalon ngayon sa saya. What's with friday anyway?
"Ano naman nasa friday?" Walang ganang tanong ni Aurora.
"Halerrr? Baka nakalimutan mo na may Weekend Party mamayang Gabi." Malapad na ngisi ang nakita ko sa labi ni Winter. Hey! What Party?
"What's that?" I asked confusedly.
"It's a secret night party of the students here in the academy. Taga Friday Night lang yun, at ino-organize ito nang taga Midnight Tier Students."
"Saan naman yun gaganapin?"
"In the Abandoned Twin Tower, near at the Mystic Woods."
Oh Wait, Shit! Mystic Woods? Muntik ko nang makalimutan ang Usapan namin ni Zach! Remembering that shitty meeting with him is just giving me a pain in the ass!
-
"Ay! Nakalimutan kong ibigay ito sayo." Sabi ni Sab at ibinigay yung hawak niyang paper bag.
"Thanks."
"Oh Heavenly Rocks!" Bigkas ko nang buksan ko ito at makita ang laman; Cloud 9, Kitkat, Hersheys , M&M, Nutella cookies at iba pang chocolates. Viola! Ang pinakakmamahal kong mga Chocolates! Yum!
"Hindi kaya mapinsala yang ngipin mo sa kakakain niyan?" Napatingin naman ako kay Winter habang nginunguya yung chocolates sa bibig ko. Ang sarap talaga!!
"Brush, Brush, Brush, Three Times A day! Brush with Colgate~" Nakangising kumakanta kong sabi. she rolled her eyes in annoyance. Pretty Lame!
-
I looked at the Wall Clock, Its 11:35 pm. I'm seriously nervous here! Panicking on where should I go, Is it the weekend party or the meet up with Prince, Wait! Heck No! He's no prince for me, just plain retarded Zach.
"You ready?" Napatingin naman ako sa dalawa na nakabihis na lumabas sa kanilang kwarto, nandito kasi ako sala habang naghihintay sa kanilang dalawa.
They were wearing blue and gray dresses. They frowned when they saw my outfit; Plain black ripped jeans, white sweater, and a black boots.
"You're coming with that outfit?! C'mmon Elle, It's a Party!" Tsaka hinila nila akong dalawa sa loob nang kwarto ni Sab.
"Wear this. Kung ayaw mo talaga, kami mismo ang maghuhubad sayo." Nakangising sabi nilang dalawa. Geez! This two little tricky boss is giving me headaches!
I look at the dress, well, It fits in my taste. A dark scarlet dress with emerald stones partnered with blackened green heels.
After I get dressed, they started fixing my hair and put it in a braided bun with green big ribbon at the back. They also putted some natural make-up like; thin foundation, pink lipstick, and pinkish blush-on on my cheeks that covers my tiny freckles.
Least than 30 minutes were done and ready to go. Am i really going to attend in that party with the Bad-records students? You know, Midnight Students ang nag oorganize, imposibleng walang gulo ang mangyayari.
Dahan dahan at maingat kaming bumaba since malapit nang maggabi at lagpas na ito sa curfew hours. Hindi mismo sa Entrance o Exit kami dumaan, kundi sa pinakamababang palapag na bintana kami tumalon, since nasa 8th Floor yung room namin. Kaya Alangan namang doon kami tatalon diba?
'Sana may powers nalang ako kagaya ni Elsa sa Frozen na nakakagawa nang isang hagdan na gawa sa yelo.' I said in the back of my mind.
Matapos ang madugong pagtakas namin mula sa curfew guards ay napadpad narin ako sa wakas sa sinasabi nilang Mystic Wood. They say, Its the most creepiest part of the academy. and they were right. Parte parin ito ng school subalit parang ito yung lugar na mukha talagang inabanduna,
malayong malayo sa malamagical na atmosphere ng buong Academy. This place has it own eerie atmosphere that would make my hair stands on end. Base rin sa chismis na narinig ko, meerong mga wild animals, beast and monsters na napapadpad dito. Geez! Buti nalang walang multo silang nabanggit.
Tumigil ang ako sa pagiisip nang kung ano-ano nang malala ko ang usapan namin ni Zach, Oo nga pala. Yung mokong na 'yun!
-
"By the way Aurora, Malalakas din ba yung mga taga Midnight Tier?" Biglang tanong ko na ikinabigla din nila.
"A YES and NO, As I told you yesterday, Base sa Power/Talent and personality ang Leveling ng Tiers. So, kapag sinabing Midnight Tier, pwedeng ang Low class nila ay yung kapangyarihan o ugali."
"At sa sitwasyon ni Prince Zach, Hawak niya ang Isang Dangerous Type na Talent, pwedeng mas malakas ang kapangyarihan niya kaysa sa mga taga Dusk Students." Nakisabay narin si Sab sa usapan.
"Dangerous Type?" Mausisa kong tanong.
"Talents has different types; First and the Highest is the Dangerous type Talents, it was labelled as dangerous because it has the ability to create. The Best examples for that is the Rare Elemental Talents; like Violet Fire, Sapphire Ice, Lava Rock, Electric Wind at iba pang with combined Elements. Ito yung klase nang kapangyarihan na walang limitation at lumalabas mismo sa katawan nang isang Demi God."
"Second Highest is the Talents that has the ability to control; for example normal elemental benders like; earth bending, air bending, fire bending, & water bending. Yung common naman ay Shadow Controlling, Mind or Body Controlling, atbp na patungkol sa pagkontrol nang isang kapangyarihan."
"But, These talents has limitations unlike the Dangerous types. Ang kapangyarihan ito ay kaya lang kontrolin kung ano ang kasalukuyang nasa paligid. Halimbawa, Kung isang water bender ay nasa panganib at walang tubig na nasa paligid niya ay wala siyang laban."
"The last one is the Talent that has the ability to use their extraordinary senses/skills in their own body, Like Telepathy, Teleportation, Shape-Shifting, Inhuman sight/ hearing/ smell, Mind Reading, Healing at iba pang kapangyarihan na naka base lang sa sariling katawan nang isang demi-god."
Biglang nanlambot ang tuhod ko sa narinig ko, I shuddered in horror. Parang nakakatakot naman na klaseng nilalang sila!
"Oh, You scared? Well, may mas nakakatakot pa na nilalang maliban sa demi-gods. Mga nilalang na gumagamit rin ng mahika."
"Uh, Mind if you name some?" I asked with confidence, Actually, I'm screaming in fear inside. Yeah, I'm pretty afraid right now, Just trying to act cool and tough.
"Okay. Nasa magicland ka ngayon so it means nasa mundo ka ng mahika," Aurora paused for a while, "Mas marami ang population ng mga demi gods sa iba't ibang parte ng magicland."
"Sa Gold Emerald Kingdom nandoon naninirahan ang mga Mages, Titans and Titanesse, Wizards, Enchanters, at Charmers." She Said, "Sa Ivory Sapphire Kingdom naman ay nandoon yung Good Witches, Mermaids, Pirates, Warlocks at Sorcerers."
"While, In Silver Amethyst nandoon ang mga Talisman, Jinnis, Magus, Nymphs, at Giants." Sab added, "In the other hand, Sa Black Ruby Kingdom ay naninirahan doon ang mga Beasts, Black Witches and Bad Wizards, Monsters like Vampires, Werewolves, Zombies, at Djinns."
"Lahat nang mga nakakatakot at makapangyarihan na nilalang ay matatagpuan sa Ruby Kingdom lalo na sa Dark Forest neto. Doon tumitira ang mga pasaway at rebelde sa batas nang Magic Council. They are really horrible!" Napatingin naman ako kay Winter na sumasabay narin sa usapan. Teka, bakit nandito yan?
Nakangiting tumingin ito saakin at sinagot ang tanong ko sa utak, "Tinawag ko kayo noong papasok pa lamang kayo sa Mystic Woods. Ngunit napakaseryoso niyo ata sa usapan niyo kaya hindi niyo ako napansin man lang na kanina pang sumusunod."
We returned her with an annoying smiles. She twisted her lips in a pout.
"Okay, were here!" Masaya siyang unang naglakad, Tama nga siya, sa sobrang seryoso namin kanina, hindi namin na malayan na nasa harap na pala namin ang isang dalawang naglalakihang tore. Imbis na matakot ako, ay wala akong ibang maramdaman kundi ang excitement.
Bahala na si Zach doon sa loob nang Mystic Woods.
To be Continued...
***
Geiá sou! (Hello!) Awesome and Cool Demigods! Mind if you try to click vote, and share? Support lovelies! Ta léme! (See ya!) Feel free to leave a comment.
Til' the next chapter Magicians! <3
Love,
A Gorgeous Killer Angel; FindingAngelsBullet (FAB)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top