Chapter 9
Inayos ko yung upuan ng mountain bike ni Kuya Allen dahil medyo mataas ito sa akin. Good thing I figured out how to do this, salamat sa tutorials sa Youtube. Hindi naman niya ito masyadong ginagamit.
"Aba aba, kailan ka pa natutong magbike?" Salubong sa akin ni Kuya Allen. Saktong nakasakay na ako sa bike niya nang tapatan niya ako.
"Pakialam mo." Masungit kong sabi,
"Aba bike ko yan Oli." I just smirked.
"Aba, pinaayos ko din yang gulong, saka di mo naman na ginagamit." Madalang na lang naman siyang magbike at nakatambak na lang ito sa garahe. Pina-vulcanize ko pa ang gulong dahil flat na ito. Maganda nga nang mapakinabangan ba.
Kuya Allen just smiled at me and tapped on the controls.
"Sa'yo nay an, consider it as a gift for me."
"Really?" Tumango lang siya sa akin, nginitian ko naman din siya. I am so happy na binigay niya sa akin itong bike niya. Well better be, para hindi naman mabulok sa garahe, besides baby na baby niya yung Montero niya.
"Pero sana bilhan mo na lang ako ng bago, maganda ata yung full-suspension." Biro ko, pero if he will buy me one, bakit naman hindi.
"Ok na yan sa'yo Lara." Kumindat pa si Kuya. Umasa ba naman ako bibilhan ng bike nito. Pero sige pwede na.
"Pero alam mo proud na proud ako sayo Oli, kasi bukod sa natututo ka na magbike, natauhan ka na din diyan sa ex mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, talagang mabanggit banggit niya pa ang lalaki na iyon, pero sabagay malaking achievement na rin na after all these times ay natauhan ako sa tao na yun. Mahirap din na umalis sa mga ganoong klase na relationship, dahil attached ka at nagsi-seek ka ng validation. Pero kung pipiliin mo naman din mahalin ang sarili mo, siyempre kakayanin naman.
"Kita mo naman, ang kapal pa ng mukha na pumunta sa bahay nyo. Talagang may mukha pa siyang humarap kay Tito. Kung nandoon lang ako nakatikim sa akin 'yang gago na yan." Natawa na lang ako sa sinabi niya. A part of me wanted na sana nandoon si Kuya Allen, para makatikim ng sapak sa kanya. Pero ang mahalaga tapos na ko sa kanya.
"Sapat na yung hindi na ako magpapakatanga sa kanya at sa mga kauri niya." Mayabang kong sabi.
"Wow! Grabeng character development yan a. Sana tuloy tuloy na yan" Kuya Allen grinned, parang hindi pa yata convinced sa sinabi ko.
"Hindi na ko marupok huy." Pagkabig ko sa kanya, which is true. Wala na ako intension na balikan siya. If ever na may babalikan ako, si Leon iyon.
Leon..Leon.. Nasaan ka na ba? I have no idea where he is, ni hindi man lang siya nagpaparamdam sa akin. After what happened last week? Babalik pa kaya siya? It just a certain misunderstanding, sana man lang kinausap niya ako. Sana man lang may contact ako sa kanya. Ang tagal naming na magkasama sa Baguio pero ni hindi ko man lang naisip na kunin ang number niya.
Kuya Allen clapped his hands kaya bigla akong natauhan.
"Lalim ng iniisip mo a? Sino yan? Sana bago naman na yan."
Proud akong tumango kay Kuya Allen. "Ang bilis Oli a? Kailangan ako ang kikilatis diyan." Tumaas ang kilay ni Kuya Allen at humalukipkip.
I grinned, Once I found Leon, Taas noo ko siyang ihaharap sa kanila. I am sure magugustuhan mo siyang tunay.
"Ikaw naman Kuya, Kamusta naman kayo ni Lara?"
His smile suddenly faded and shrugged, "secret"
..................................
"Anak sana mapatawad mo ako sa mga pagkukulang ko sayo. Hayaan mo sa paraan na ito ako muna bumawi sa'yo." Sabi ni Papa. I still don't know what to say, naglilipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila. II am still in awe when Leon leaves. Mas gusto ko siyang habulin, and yet I am facing my father and my bastard ex. This is the situation that I least expected, dahil ayaw niya humarap sa family ko, at ayaw ni Papa na magboyfriend ako.
Hindi ko alam kung saan siyang kumuha ng kapal ng mukha ang lalaki na ito para humarap sa akin at sa family ko, despite of what he did.
"Oli, naisip ko rin na kilalanin mo siyang mabuti"
Hindi mo na siya kailangan na kilalanin, hindi ko rin naman siya ihaharap sa inyo. Yung tao na ihaharap ko sa inyo, ayun umalis. That manloloko does not deserve to be here.
"Siya, iwanan ko muna kayong dalawa dito." Sambit ni Papa at pumasok sa loob. Nakita ko rin na nakatanaw si Mama, kasama yung pamangkin ko. I just sigh, basta buo sa loob ko na paalisin ang lalaki na ito.
"Oli, I am sorry. Ikaw naman ang mahal ko, let me make it up to you."
Mahal? Really, seeing him on the top of other girl? Sino pinagloloko niya? He handed me the flowers, nakatingin lang ako doon, wala akong balak tanggapin iyon at wala na din ako balak na tanggapin siya sa buhay ko. Ever!
"Napakakapal din naman ng mukha mo no? Hindi porque tinanggap ka ni Papa, ibig sa sabihin pinapatawad na kita. I guess hindi mo sinabi yang kalokohan mo, kaya nagawa nilang tanggapin ka dito."Humalukipkip ako at seryoso siyang tinignan. I gave him my most hateful stare. Yes hate, dahil iyon ang nararamaman ko sa kanya. Because of him, I should have Leon at my side, I should have tell him what I feel.
He just scoffed, really? Ano yung panloloko niya sa akin, wala lang? Maliit na kasalanan. I badly wanted to slap his ugly face, para mahismasmasan na hindi na siya kawalan sa akin.
"Siya na ba? Aba ang bilis mo naman pala nakahanap ng kapalit ko.Siguro matagal na rin kayo." I grinned, I guess he just noticed Leon. Oo sya nga, but even without Leon, hindi ko na rin naman hahangarin na bumalik pa sa kanya.
"Alam mo huwag mo ipasa sa akin yang kalokohan ko, and yes mabilis akong nakahanap, because he is way better than you. But you know what I realized na I don't need validation, I don't need comfort from you or from anyone. If ever I will do something para sa sarili ko iyon, na dapat mahalin ko ang sarili ko."
Mas tinapatan ko siya at mas tinignan sa mata. Hindi ko din alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na gawin ito, pero kailangan ko na rin gawin gusto ko ilabas ang galit ko sa kanya.
"You better leave and never come back in my life. Magsama kayo ng babae mo."
"Fine then, I hope one day, hindi ka magmamakaawa na bumalik sa akin.
He just hastily walked out. I scoffed, akala naman niya hahabulin ko pa siya. Bahala na siya sa buhay niya. Pumasok na ako sa bahay na hindi ko na siya nilingon pa.
"Nasaan na yung boyfriend mo?"Nagtataka na tanong ni Papa, at nakatanaw pa din sa likuran ko na parang hinahanap niya ang hinayupak.
"Hindi nay un babalik pa." I smiled. I don't dare to tell them what he did, what matters is now. Since my father asked for forgiveness, I should also start to reconcile with him.
..........
Napatanaw na lang ako sa gate ng Holy Angel. Halos isang linggo ako na wala sa school kaya halos naghahabol ako ng mga requirements. Good thing my professors gave me ample time to comply with my requirements. Halos luhuran ko ba naman, buti they are considerate enough despite my record here.
"Nice work Ms. Alvarez ganitong proposal ang hinahanap ko. Kaya mo naman pala, If you will continue this. I bet you'll graduate with flying colors." Napangiti ako sa pagbati sa akin ng prof ko. I just try to do my best in a certain output. Kailangan ko din na bumawi since ang dami kong lapses. Madaming reasons kung bakit, hindi lang dahil sa Family ko, or maging deserving kay Leon. Kung hindi para sa sarili ko, I should love myself first, so I can give more love to others.
"I just decided for a change sir, don't worry po I will do my best now."
"Great then, hindi pa naman huli ang lahat para sayo." She said as she tapped my shoulder. Yes, Alam kong hindi pa naman huli ang lahat, as long as I never give up in life, there is still hope for me and to cope up with everything para mas maging maayos ang buhay ko.
"Oli, mukhang inspired na inspired ka ngayon." Kantyaw ng isa kong classmate, hindi ko naman kaclose masyado to, bigla bigla na lang nagpapansin.
"Pakialam mo." Umirap na lang ako sa kanya at dire-diretso na naglakad sa hallway. Ano naman kung magfocus ako in my studies. I am doing it for myself anyway. I want to do my best for me, gusto kong bumawi sa buhay ko. Pero tama nga din siya inspired ako.
Pero iba pa rin pag nandito si Leon, sana nakikita niya ako. Sigurado magiging masaya yun for me. Sana man lang kinausap niya talaga ako, hindi naman ako bumalik sa ex ko, Since that night, agad din siyang nawala. Siguro nga, pagbalik naming dito, we will back to our own worlds
Mapait akong ngumiti, hindi dapat ako sumuko dito. One week is enough, I should find a way na hanapin si Leon.
Mabuti at naalala ko pa ang bahay nila Leon, matagal tagal na rin since nagawi ako dito. I am silently praying na sana nandito pa siya. Napangiti ako nang makita ko ang kulay blue na bungalow na bahay, ganoon na ganoon pa rin ang itsura ng bahay nila Leon, ang pinagkaiba nga lang mas madami ang mga halaman dito, saka mas madaming mga bata ang nagtatakbuhan. No wonder Leon came from in a big family, naalala ko noong nagpunta kami noong birthdaty ng Mama niya, halos buong angkan nandito.
Nagmasid-masid pa ako sa paligid pero wala man lang ako nakita na familiar na mukha, hindi ko din makita ang Mama ni Leon, or kahit sinong relative na naalala ko before.
"Tao po."
Agad na napatingin sa akin yung isang Ale, nagtataka siyang lumapit sa akin. Hindi siya masyadong lumapit sa akin.
"Good afternoon po, nandyan po ba si Leon."
Napakunot ang noon g Ale, mukhang hindi niya alam ang Leon na tinutukoy ko. How come, hindi sila close or magkamag-anak, pero imposible naman .
"Leon po, Pantaleon Velasquez."
Blanko lang siya na nakatingin sa akin, pero agad din napatango tango ito.
"Iha, bago pa lang kasi kami dito. Pero ang alam ko mag-Velasquez ang may-ari ng bahay na'to."
Ako na ngayon ang nagulat sa sinabi niya. Leon does not live here anymore, that explains why kung bakit hindi ko man lang siya nakilala o hindi man lang niya kilala si Leon. Pero hindi pwede na ganito, she should know something about his whereabouts.
"May, idea po ba kayo kung saan na sila ngayon?"
Dismayado ako nang umiling lang siya sa akin. Nagpaalam na lang ako sa ale bago tumalikod. Where should I find Leon now? Dapat hinabol ko lang na lang siya kung alam ko lang. Pero dapat hindi ako sumuko, hindi pa huli ang lahat.
Suddenly his high school friend flashed in my mind, wala akong masyadong balita sa kanila since I cut off all my contacts to them. I was so insecure kasi they are already settling down, kaya inalis ko silang lahat sa friend list ko.
"Wait, I should have contact Mike."
I reached him to his messenger, mabuti at Online. Agad ko siyang tinawagan so I can reach him agad agad.
"Hello, Mike."
"May kailangan ka." I twitched, nabasa din niya ang pakay ko, pero obvious rin naman, from all of sudden bigla ako Kocontact sa kanya.
"Si Leon, may balita ka sa kanya?" I am hopeful for him to say yes, this is my last straw. Alam kong super friends sila, kaya alam kong nagkakausap pa rin sila.
"Oo. Pero last week pa kami nagkita nung sabi ko na puntahan ka sa bar."
Naguluhan ako. Puntahan ako sa bar? Paanong pupuntahan niya ako? He knew it all along na nandoon talaga ako, I thought coincidence lang yun na magkita kami nang gabing iyon.
"Makita tayo ngayon, na dito sa Holy Angel." Sabi ko, I need an explanation from him, A lot of explanation. Dali-dali akong tumawag ng tricycle para makapunta sa Holy Angel. It feels everything now is in a rush, pero I demand explanation from him. I need to see Leon.
Pagbaba sa may Holy Angel, sinalubong ako ni Mike.
"We should go now."
Napakunot ang noo ko, kanina pa ginugulo ng taong to ang isip ko. He should explain everything kung bakit ako nahanap ni Leon sa bar at kung nasaan siya ngayon.
"Sa sasakyan ko na lang lahat sasabihin sayo Oli."
Wala rin naman akong choice kaya nagpunta ako sa may passenger seat, pero bigla akong binawal ni Mike.
"Huwag ka diyan, magagalit fiancé ko." Inis akong tumingin sa kanya. Kanina pa to.
"Pakisabi sa fiancé mo, hindi kita papatulan." Sambit ko at padabog na sumakay sa backseat. Laking gulat ko na lang nang nakatingin sa akin si Lori. Oh my Gosh! Nagkatuluyan sila. Aside from that I suddenly felt guilty, dahil i-unfriend ko din sya, kahit na magkaibigan kami noong high school, ni hindi ko man lang nabalitaan ang tungkol sa kanila ni Mike. I expect her to be mad, pero ngumiti lang siya sa akin.
"Lori, Sorry."
Umiling lang siya sa akin. She reached my hand. " I understand Oli, besides we have a lot of catching up to do. Bumawi ka." Aniya at kumindat pa ito. I am glad that she is not mad with me, kahit papaano nakampante ako.
"Teka, magfiance talaga kayo??"
Tumango siya at nangingiti. "Oo, ikakasal na kami this year. Hindi ka naming mainvite dahil di ka naming mahagilap kahit sa facebook. Akalain mo ba naman na magiging partners din kami in life."
"Kaya salamat sa inyo ni Leon." Sambit ni Mike na nakasakay na sa sasakyan.
"Salamat sa aming dalawa?" Nagtataka kong sabi. Madami-dami na talagang kailangan na sagutin si Mike sa akin.
"Alam mo ang talino niyo, pareho din kayong tanga. Yung isa torpe, yung isa manhid."
"Tama ka diyan." Nag-apir pa ang dalawa. Naglipat lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa.
Napakunot ako ng noo. "Anong ibig nyong sabihin. Teka."
Everything comes to my senses, seryoso nga ang lahat, So all this time alam din nila na may gusto rin sa akin si Leon noong high school. Paano niya ako nagawang hintayin ng ganito, sa kabila ng lahat.
"Mahal ka na ni Leon, high school pa lang tayo Oli. Kaya nga hindi magka-girlfriend yan, dahil ikaw pa din ang gusto. Ang tindi ng tama sayo."
"Kaya nga nung nakita ka ni Mike sa club, tinawag niya si Leon. Kasi mukhang kakabreak mo nung ex mo. Feeling niya, chance na ni Leon yun."
And yes that night is not a coincidence, talagang pinuntahan ako ni Leon, talagang sinamahan niya ako, talagang minahal niya ako.
"Yung class valedictorian, pinaubaya niya sayo yun Oli, dahil gusto ko niyang maging masaya. Kahit na mahalaga din sa kanya na makuha iyon." Dagdag pa ni Mike. That hit me, halos ipangalandakan ko na natalo ko siya, pero hindi. Leon always win over me, he deserves it more than I am. Bakit niya ginawa iyon, he should gave me a fair fight.
Hindi ko mapigilan mapahikbi, ano pa ba mga pinagagawa ni Leon. I am too overwhelmed to digest everything, hindi ko deserve lahat ng ginawa niya para sa akin. Its too much.
"Yung partner sa research, actually kinuntsaba niya ako just to be paired with you. Kaya nga laking pasasalamat ko doon, kung hindi, hindi ko magiging fiancé yung crush ko." Pag-amin ni Lori.
Sobrang unfair niya, he doesn't even show his face to me, ni hindi man lang nagparamamdam. Akala ko ba mahal niya ako, bakit hindi niya ako ilaban ngayon?
"Humanda talaga sa akin ang lalaking iyon pag nakita ko." Sabi ko bang pinupunasan ang luha ko.
"Sige, tara na sa kanila."
Agad na pinaandar ni Mike ang sasakyan. Matagal na rin pala nakalipat si Leon. Good thing, alam niya kung nasaan si Leon. Buti na lang.
Maya-maya pa nakapasok na kami sa isang subdivision at huminto sa isang modern na bahay na may second floor. Seems Leon is able to provide well to his family. Paglabas naming ng sasakyan, sumalubong sa amin ang Mama ni Leon.
"Mike, naparito ka. Sino yang mga kasama mo." Her eyes widened when she recognized me.
"Oli, Olivia? Ikaw na ba yan? Naku dalaga ka na." Laking gulat ko nang niyakap niya ako. That is only one time when we met, hindi na rin naman kami nagkausap, kahit noong graduation namin. Yet, feeling ko super close na kaming dalawa.
"Matutuwa yung anak ko pag nakita ka, walang mukhang bibig yun noon kundi ikaw. Kaso nga lang kaso umalis naman na siya." Nagulat ako sa sinabi ni Tita, saan naman pupunta yun? Hindi maganda ang kutob ko sa pag-alis nay an.
"Umalis? Saan naman po siya pupunta?" Sabi ni Mike.
"Yeah, he must be somewhere." Dagdag ko pa.
"Hindi niyo ba alam? Ngayon flight niya sa Malaysia. Ayaw nga niya magpahatid sa amin."
Natigilan ako at narinig ko din na mahinang napamura si Mike. Wala naman siyang sinabi na pupunta siyang Malaysia. Sabi pa niya dito siya at tuturuan pa niya akong magbike. Bakit pupunta siya doon?
"Tita sa tingin niyo po ba aabot kami kung pupuntahan namin siya." Tanong ko. Hindi pa huli ang lahat. Magkikita pa kaming dalawa ni Leon, maaga pa naman. Hindi pa siya nakaalis.
" Oo kasi 5pm naman ang flight niya."
Dismayado akong makita ang oras sa phone ko. Alas-kwatro na, hindi ko sigurado kung makaabot kami.
"Tita salamat po."
"Go Oli! Maabutan mo pa si Leon!" Pag-cheer pa ni Tita.
Hindi na kami nakapagpaalam ng maayos kay tita dahil mabilis kaming sumakay sa Hilux at pinaharurot iyon.
"Gagong yun, hindi man lang nagpasabi na aalis."
"Alam mo?" Gulat kong sabi. If Mike doesn't doing me a favor kanina ko pa ito nasampal, ni hindi man lang niya sinabi na balak umalis ni Leon!
"Oo, matagal na siyang inaalok na magwork doon, ayaw nga nya. Tapos ngayon." Napailing na lang siya. Pero sana sinabi man lang niya. Hindi ba siya nag-iisip! Hay nako.
"Huwag kang mag-alala Oli. Aabutan natin siya." Mike said with full assurance, sana nga abutan ko pa siya. Sana hindi pa huli.
Mag-aalas singko ng makarating na kami sa Airport. Hindi ako sigurado kung makakaabot pa kami, matindi ko na lang na dinasal na hindi pa nakaalis si Leon. I know hindi ako deserving na mapagbigyan ng hilig, but this time lang. Sana naman magkita pa kami. Dapat masabi ko na mahal ko din siya. Sana hindi pa ang huli ang lahat. Pumapayag na ako maging kanya, hindi na ako magdadalawang isip pa. I want Leon, forever in my life.
Sasabihin ko talaga iyon kahit gaano ka-corny.
Natigilan na lang ako ng tignan ang flight schedule papuntang Malaysia. Nanghihina akong napaluhod, ramdam kong ang mga bahagyan pagtusok sa bandang dibdib ko, parang naninikip. Bakit ganito, ang sakit. Halos napahawak na lang ako dito at isa isa na naman bumuhos ang luha ko.
Hindi pwede ito, bakit hindi mo man lang ako hinintay.
It's too late for us, Leon already left.
Sana nilakasan ko ang loob ko na habulin ka nang gabing iyon. Sana dun pa lang sinabi ko na, para hindi ka na umalis. Siguro nasa tabi pa rin kita.
Pero ang daya mo Leon, ang daya mo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top