Chapter 7
"Hello Oli, ako yung Mama ni Leon." Hindi na ako nakabati, dahil nakangiti nang nakasalubong ang Mama ni Leon sa amin. Agad kong kinuha ang kamay niya, para makapag-mano.
"Good afternoon po."
"You can call me Tita na lang. Alam mo ba madalas ka nababanggit nitong si Leon."
I don't know what to react, halata ba ang panlalaki ng mata ko. Basta ngumiti lang ako. Feeling ko napakaawkward ng ngiti ko.
Nagsusumbong ba si Leon? What a way na iconfront ako ni Tita. Kinukwento ba niya ang mga pang-aaway ko sa kanya?Pero dapat galit siya sa akin, I should be cautious on her warm welcome. Mamaya pagpasok ko, hindi na ako makalabas ng buhay sa pamamahay sila. You'll never know what comes next.
Kalma Oli.
Napalingon din ako kay Leon, mas masahol pa ang mukha niya, bigla siyang namutla at napayuko sa hiya. Anong Meron? I guess it is not that worse right?
"O napaano kayong dalawa, nako madalas nga makwento ni Leon na masaya ka daw-"
"Ma!" Pag-awat ni Leon kaya natigilan ang Mama niya. Mabuti na lang hindi pang-aaway ko ang kinukwento niya.
But, bakit lagi ako kinukwento ni Leon does he like me? Napatingin ako sa kanya, na agad din naman nag-iwas ng tingin sa akin. I better not to ask that and just forget about it. I just want to enjoy being here and we have a paper we need to focus on.
"Teka tatawag na si Papa mo." Dali dali na umalis ang Mama ni Leon. As I know yung Papa niya ay nagta-trabaho sa Saudi kaya ang Mama at Kapatid niya ang mga kasama niya. Mas nakapasok kami sa sala, medyo madami-dami rin dito, madami ding pagkain. Hindi man lang sinabi ni Leon na handaan pala itong pupuntahan naming dalawa.
"Sino may birthday."
"Si Mama, hindi ko rin naman akalain na tuloy pala ang surprise party ni Papa sa kanya."
Hindi man lang niya nasabi, ni hindi ko man lang nabati yung si Mama ni---Si Tita. Nakakahiya tuloy.
"Nandyan na pala si Leon!" Bati nung isang lalaki, medyo hawig ni Leon ito. Matandang version nga lang.
"Sino naman yang kasama mo?" Makahulugan silang lahat na napatingin sa akin. It's not what they think, I am just here to make some research paper and I never thought na may bonus pa na kainan. I just smiled, tila naputol na ang dila ko at hindi na makapagsalita.
"Si Oli, Classmate ko po." Nahihiya niyang pakilala niya sa akin.
Maya-maya pa at umakbay kanina yung lalaki na bumati sa kanya. "Binata na talaga itong Leon na naming at dinala mo yung girlfriend mo dito."
Nanlaki ang mata ko, never!
"Sorry po, but we are just classmates." I try my best to be calm at hindi mapataas ang boses ko.
"Huwag naman kayo mahiya, hindi naman naming kayong babawalin na dalawa."
"Bagay naman silang dalawa." May isa na bumulong na hindi ko alam kung sino. Napayuko na lang ako, bakit kasi pumayag pa ako na pumunta dito. Hay buhay, humanda sa akin si Leon sa school bukas.
"Kayo talaga huwag niyo ngang pinagloloko yang mga bata, kayo talaga." Umawat na doon si Tita, finally! At least I can say she is my hero for this awkward situation, kapag hindi siya dumating, baka kanina pa ako nag-evaporate dito.
"Kayong dalawa, halina kayo, kakain na." Pag-aya sa amin ni Tita. We all sing to her before we eat. Hindi naman na kami na-link uli ni Leon, pero hindi pa rin ako makatakas sa makahulugan nilang tingin. Hay, buti na lang masarap ang food dito. Napatingin ako sa side nila Leon, pareho silang nakatingin sa phone, malamang kausap yung Papa ni Leon.
"Ikaw talaga Ricardo, nag-abala ka pa. Hindi ko naman kailangan ng ganito. Sinama mo na lang sana pang-college ni Leon."
"Mahal, ayos lang. Talagang pinaglaanan ko ito."
Napatingin sa akin si Tita, sakto ba naman na nagtama pa ang tingin niya sa akin. Ngumiti siya sa akin at dali-dali lumapit sa kanya. Teka po. Napatingin ako sa screen, mas hawig ni Leon ang Papa niya, kuha niya yung mata, ilong saka bibig. Parang younger version nito, habang ang Papa niya, makinis na version niya.
Pero what if walang pimples si Leon?
Hay nako.
"Hello Oli, alam mo ba—Basta! Alagaan mo yang si Leon ha."
Tumango na lang ako, that feels awkward tho. I don't know what to say. Madalas kong kaaway si Leon, mainit ang dugo ko sa kanya. All I wanted to do is lagpasan siya. How can this. Hindi naman ako mabait sa kanya.
Maybe I'll try, since we have some paper to work.
"Ikaw Leon, huwag mo naman masyadong pagurin ang sarili mo sa pag-aaral, basta gawin mo ang best mo, wala namang pressure anak. Basta pasado ka at makakatapos, proud na kami ni Mama mo sa'yo."
"Anak, kung alam mo lang, sobra sobra na ang binigay sa amin."
"Ma, kailangan ko din naman para matulungan ko kayo ni Papa. Para hindi na kayo mahirapan sa tuition ko."
"Leon, hindi na kailangan. Kaya-kaya namin ni Papa mo yan. Basta huwag mo naman kalimutan na mag-enjoy din."
I smiled bitterly, stopping my tears to fall. That somehow hit me, I never heard it from my parents. They just let Leon be, no pressure at alam ko na proud sila dito kahit hindi pa siya nasa top. I wish my family is warm as that. I can see that they are very happy for Leon's acahievements and what he will achieve. Sobra akong naiingit, bakit ba kasi nasa kanya ang lahat ng gusto ko. Hay sana talaga, ganito rin sila Mama at Papa.
What most hit me is the reason behind kung bakit din kailangan mag-valedictorian ni Leon, kailangan niya para matulungan ang parents niya pangtuition niya, gusto nga pala niya sa Manila mag-aral at malaking bagay yung gagraduate siyang valedictorian. Samantala ako, I just want them to be proud of me and hindi man lang ako certain about that.
Mas kailangan ni Leon ito. Masyado akong naging harsh sa kanya. Hindi dapat ako ganito sa kanya from the start.
I sigh. I started eating spaghetti saka fillet. I must eat na lang, kanina pa ako nag-iisip. Time to appreciate the food. I love how meaty it is. Saka yung ang unique ng sawsawan ng fillet nila, somehow it's like Mango, Mango puree I guess.
"Oli, Ayos ka lang." Natauhan ako nang tapikin ako ni Tita. Ngumiti lang ako sa kanya. Wala na sa kanya ang phone na kay Leon, kita ko na masaya niyang kausap ang Papa niya. I wish I can also tell stories like that to my parents.
"Yes po."
"Mabuti naman, I hope nag-enjoy ka naman kahit papaano. Pasensya na at hindi ka rin masyadong naasikaso."
"Wala pong problema, masarap naman po mga foods." Ngumiti ako to assure tita. Maya-maya ay katabi ko na rin si Leon. Ngumiti lang siya sa akin habang kumakain, I smiled back. Gustong-gusto ko siyang kausapin ng masinsinan, kaso not in this place.
"Leon."
"Oh, walang uuwi nang hindi kumakanta." Pareho kaming napalingon sa Tito niya na may hawak ng mic. Napatingin si Leon sa akin.
"Marunong ka."
I showed him my most wiseass grin. "You'll see."
.........................................................
I stared plainly at the books we borrowed in the library, as they are still remained untouched, tthen having again a spaghetti in my bowl. Napagod ako kakakanta halos hingalin na ako. Napatingin ako sa relo ko to see the time.
Shit malapit na ako sa curfew.
"It's already late, Leon, I need to go home na." I worrily said. Mabilis na tinapos ni Leon yung pagkain niya saka niya uli ako hinarap.
"Sige, ihahatid na kita."
"Hindi na, kaya ko naman. Saka huwag mong iwanan si Mama mo." Sabi ko habang inaayos yung gamit ko. Pamadali ko nang sinasalpak yung mga gamit ko. Lagot ako nito.
"Ok lang yun,mapapagalitan pa ako kapag hindi kita hinatid."
Magalang na akong nagpaalam sa kanila. As I wanted to stay,hindi na rin naman pwede. Ayoko din naman magrounded, sana nga hindi dahil baka late na rin ako mauwi. Hinatid na kami ng tito niya, since gabi na rin naman para lumabas
Huminto si kami sa gilid, habang si Leon, kasama ko pa rin hanggang sa makarating kami sa gate, ok lang naman kahit ibaba na niya ako dito. Wala na talaga ako masasabi sa kanya, sa pagiging responsible niya, gentleman pa. Pinigilan ko ang sarili ko na naisip.
Hay Oli..
Saglit akong sumilip sa kanya bago buksan ang gate. Hahawakan ko na sana yung handle nang bigla itong nagbukas at bumungad si Papa. Para na ako natameme sa kinatatayuan ko. I'm a dead meat.
"Why are you so late, young lady. Sino yang kasama mo." Mapanuri na tumingin si Papa kay Leon, hindi ko alam ang sasabihin. Kilala niya si Leon, dahil nababanggit siya si Tita.
"Ako po si Leon, classmate ni Oli." Kahit papaano nawala ang naniningkit niyang tingin. I felt a sigh of relief when Papa smiled at him.
"Salamat Leon." Tumingin ako sa kanya, at ngumiti na lang siya sa akin.
Iginiya ako ni Papa para makapasok ng gate. Mag-papaalam pa lang si Leon nang isinara na ito ang gate. I guess that smile is not true after all. As I wanted to come back to him, hindi na rin pwede, baka kung ano pang isipin ni Papa. Nauna pumasok si Papa at sumunod sa ako sa kanya.
Right to the doorstep, nandoon na siya at nakapamewang, bitbit ang mapanuring tingin niya tulad kanina.
"Ikaw Oli, bakit nagpapagabi ka pa. Diba dapat nag-aaral ka pa sa oras na'to, kasa-kasama mo pa ang Leon na iyon."
Napayuko na lang ako, I hope hindi narinig ni Leon yun.
"Oli, bakit hindi ka namamansin, sabi mo magkuwento ako tapos ganito."
Magkwento, hindi pagtripan ako. Sobrang nakakainis si Leon, as in nakakainis, kanina ko pa gustong ipagsigawan sa kanya. Nakakainis siya, kung alam lang niya yung kabog ng dibdib ko sa sinabi niya. Para akong naistatwa at hindi ko alam ang gagawin. Does he know how does it feel? Hindi iyon magandang biro!
I am bit disappointed on what he said. That was close, akala ko seryoso na siya, pero what if seryoso nga. Paano ang gagawin ko?
But, bakit naman ako nagexpect na totoo iyon.
"Oli." He pouted.
Hindi niya ako madadaan sa ganyan. Kung may sarili lang akong pocket money, iiwanan ko na siya agad. Wait I can ask Kuya Allen. Makikitawag na lang ako.
"Oli, Sorry na. Alam kong hindi nakakatuwa yung kanina pero-"
Natigilan siya nang humarap ako. Pwede ba tigilan na lang niya ako. I just want to sleep and be away with him for a while. I can't leave him in the end.
"Matulog na lang tayo, gusto ko pumunta sa may Bamboo Garden bukas, ok?"
Ngumiti siya sa akin. "Sure thing, basta ikaw." Bahagya siyang lumapit sa akin.
"Ok na tayo ha."
"Itulog mo na lang yan."
I sigh as I close the door. Parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. I should not thinking about this, it should not be a big deal dahil hindi naman totoo. Jokes are half meant aren't true at all times, but there will be always a bad joke.
At bad joke iyon.
Hay bakit Leon, bakit ganito pa. Kung kalian napapansin na kita, kung kalian.
Hindi.
Pinakalma ko ang sarili at pumikit. You can't do this to me Leon. Hindi pa pwede. He almost did, I never thought of that bastard because of him. Just week, he did it less than a week. I just close my eyes without any assurance if how would I able to sleep well this night.
....................
"Good morning Oli!" Muntik ko nang mabuga yung kape ng iniinom ko. I am alone in the terrace savouring the view of sunrise, tapos mangugulo siya. I don't have idea what time did I slept, and yet I still feel groggy and sleepy.
"Kay-aga badtrip ka na agad. Halika pinagluto na kita ng paborito mong black bean soup." Tamad akong tumayo. I don't want to bother that his soft hands wrapped against mine. Basta nakasunod lang ako sa kanya. I am in the mood na awayin siya.
Pasalamat siya at mayroong black bean soup.
Nakahain na ang mga pagkain sa table, but iba yung nag-aayos. I did not see Liz, kahit kanina hindi ko nakikita na umaaligid. Edi ok, walang asungot. Pareho na kaming umupo ni Leon. I try my best not to notice him, but instead, mas magfocus sa pagkain. Sinisikap ko na hindi mailang kay Leon, pero bakit ganito.
Gusto ko na lang iumpog ang ulo ko, napapaano na ako.
"Hello sa inyo!" Nakangiting tumapat sa amin si Ninang. "Kamusta Leon, naipasyal mo bang mabuti yang si Oli. Naku sulitin niyo nang dalawa ang bakasyon, madami dami pa kayong pupuntahan."
"Sure thing Tita, ako bahala dito. Pupunta po kami mamaya doon sa may Bamboo park."
"Ay maganda nga doon, tamang tamang. Marerelax ka doon Oli."
Tumango ako kay Tita. Suddenly may naisip akong magandang idea. "Mukha nga po, baka gusto niyo pong sumama?"
Umiling lang si Ninang. Damn. Kami lang talagang dalawa.
"Hindi pwede iha, wala akong kahalili at wala ngayon si Liz."
Oh that explains everything kung bakit hindi ko pa siya nakikita kanina pa.
"Saan po siya nagpunta?"
"Umuwi muna sa Mama siya sa Sablan, pinadadalaw muna siya."
Well that's good, at least hindi na madadagdagan ang sakit ng ulo ko. Finally! A day without seeing her nakasimangot na face. Hay bakit kasi hindi pa siya ang biruin ng ganun ni Leon, baka kiligin pa yun. Ngumiti na lang ako kila tita.
"Basta dapat mag-enjoy kayo while it last." Umalis na si Ninang at inasikaso ang ibang mga customers. I hope I can really enjoy the remaining days. Ayos na e, si Leon naman kasi, ang lakas ng trip.
"You know let's first take walk before going to Bamboo Garden."
Tumango ako, basta huwag na huwag niya ako pagtitripan. Kundi iiwan ko na talaga siya dito. We went to his car, I don't have idea kung saan niya ako ibaba, basta somewhere in Baguio. I can enjoy. Tamad akong sumandal sa bintana, it is some of Ilocano songs serves as music dahil nakaradio lang si Leon at sobrang focused niya magmaneho, ayaw naman na akong kibuin.
Dumaan kami sa Burnham park, madami pa rin tao as usual. I remember, dapat pala matututo ako magbike dito. Hindi naman na ako nakabalik. We are so consumed with other places here. Tama nga si Leon, baka nga hindi ko matutunan dito sa Baguio.
After 10 minutes, we stopped infront of the mansion. I guess we will be having a long walk here first bago sa Bamboo Garden. Leon easily found a parking slot, dahil na rin naman walang masyadong tao. I approached the man selling marionette puppets, ang cute nila. Umupo ako para mas lalo silang makita, bakit wala itong mga ito noong nagpunta kami ni Leon?
I was about to hold it when I remember I don't have money in my pocket. Hay dapat pala I ask Kuya Allen for money, he will hesitate to give me one. As I stood up, Leon is already beside me.
"Magkano po yan Kuya?"
"100 lang po sir."
"Leon ok lang."
He just showed his wiseass grin and handled me the puppet. "Sabi ko naman sayo diba? Sagot kita."
I sigh. As if naman may magawa ako. Siya na mayaman. Pero atleast cute 'tong pupper na to.
"Salamat." I said as I grabbed the puppet from his hand.
Sabay na kami naglakad habang bitbit yung puppet. Para akong may bitbit na asong nakatali. It is bit fun. Napapabagal pa kami ng lakad dahil kino-control ko yung puppet na lumakit and tinataas taas ko pa yung kamay. Sa sobrang tuwa ko, gusto ko pang magpabili ng isa. Huwag ko lang sana mabuhol-buhol ito. Maya-maya nakarating na kami sa may part na may mga horses.
Dahan-dahan kong nilapag yung hawak kong mga puppet at tumingin sa mga horses. They are in different sizes, may mga ponies may mga malalaki rin. The saddles has different numbers and designs. I walk past through them until I can see the horse that I like.
This pure white horse catched my attention, pwede na siyang itulad sa white horse na nasa music video ni Taylor Swift. I slightly patted this one, Medyo takot din, baka mamaya biglang tumalon. I should have taken Leon's offer noon na magride sa horses. I was too childish to insist to bike,
"Let's ride horses na." Nagulat siya sa sinabi ko.
Marahan akong tumango. "Yep, saka alam ko na kasi magbike." Saka ako tuluyan na tumapat sa may puting kabayo.
"Sige ba."
Kinausap lang ni Leon yung caretaker ng mga horses saka siya humarap sa akin. Napatingin ako kay Leon, siya na ang may hawak sa may tali ng kabayo. Nasaan si Kuya caretaker, bakit si Leon ang nandito.
"Sakay ka na."
Nagtataka akong tumingin sa kanya. Teka at bakit siya ang kasama ko.
"Wala kang tiwala sa akin." He handed his hand to me. Medyo hesitant pa ako, I can trust him in some way. Pero dito? I have no idea! I need Kuya Caretaker, Leon must be in his own horse.
"I know how to ride horses ok?"
So that explain everything. Pero I prefer to ride horses alone. Hindi ko dapat siya kasama. "Hindi pwede no? I need Kuya out there!"
"So, may tiwala ka pa kay Kuya kaysa sa akin?" Nanlaki ang mata ko. Not that! Loko-lokong Leon to.
"Sakay na." He handed again his hand to me. I just grabbed it with no choice. Ok, will ride horses with him. I sigh. Inalalayan niya akong na makasakay sa sandle, then siya na uli. I heard the horse neigh. This is bad.
"Sigurado ka dito Leon." Kinakabahan kong sabi. He did not say a word, hinawakan niya ang kamay ko kasama nung tali, kaya halos makayakap niya ako. My heart beats fast, hindi dahil sa kaba, dahil ang lapit na niya sa akin. Halos makalimutan ko nang nakasakay kami sa kabayo na dalawa.
"Tara na." Doon ako natauhan. Gaanoba kami katagal na nakatambay dito? I tried to remain calm, even I felt stiffened all the time. Mabagal lang ang kabayo, I guess marunong nga talaga si Leon. I never doubt his capability at mas lalo akong humanga sa kanya. Ano pa ba ang hindi niya kayang gawin?
"Enjoying the view Oli?"
Marahan akong tumango. We are together with the other batch of horses. Having a glimpse of the park. Pababa kami, kahit papaano nagiging kalmado na ako.
Pine trees and flowers are having their own lane, which calms me a bit. Even the glistening sun complements everything. Kahit maaraw hindi rin naman masyadong mainit. People here were having their picnics, yung iba mga naglalakad lang.
"Kailan ka natututo nito Leon?" I asked.
"Nadestino ako sa Davao, then may farm ng horses doon. Ayun napag-aralan, galing ko no?"
I scoffed, I don't like to give him that satisfaction. "Puro ka yabang."
"Bilib ka lang Oli. Gusto mo turuan din kita?" I just shrugged masaya na ako sa bike. I just like being in his arms. Hindi na ako kinakabahan, I just feel safe, not minding this stupid heartbeat.
"Let's just go to other place."
Napangiti na lang si Leon at nag-u turn na kami sa daan. Pareho na lang kaming tahimik na dalawa. Steps of the horses are very calming din naman. Mabuti na lang at maayos din mangabayo si Leon. Hindi lumundang yung kabayo at kalmado naman ito. Leon handed again his hand, para makababa. It is bit high, parang mas mahirap pa bumaba kaysa umakyat. I sigh and grabbed Leon's hand.
Halos maglapit na ang mukha naming nang bumaba ko. His lips catches my attention. Agad akong nag-iwas ng tingin, I should not think of that way, Damn. Kinausap ulit ni Leon yung caretaker ng mga horses. Mukhang close sila, parang tapik-tapik lang sila. I don't have an idea kung bayad ba ito o hindi.
Whatever it is sagot naman niya.
"Bamboo garden na tayo." Sabi ko habang inaayos yung puppet. Ang hirap naman magkanda-buhol buhol itong marionette puppet. Nag-enjoy akong iwaiswas sa hangin, ito tuloy napala ko.
"Oo naman." Aniya at biglang hinablot yung puppet sa akin.
"Eh? Masira yan, papalitan mo yan!" Bulyaw ko habang inaabot ko yung puppet.
"Ako na mag-aayos." Aniya. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad. Ang cute niya kapag nakaseryoso, he even struggle a bit. Napakunot pa ang noo niya dahil doon.
"Here." He handed me the puppet.
Agad akong natauhan. Gusto ko na lang batukan ang sarili ko at the moment. Does he notice I am staring, how long.
Just forget about it Oli! Tahimik na lang kami naglakad papunta sa kotse. I grabbed the shot gun seat and take a glimpse of the place, kahit nasa daan kami, nandoon pa din ang tingin ko. The houses the streets, its old-school ambiance. I am going to miss them. The next day, uuwi na rin kami ni Leon, gusto ko pa na mag-extend pa ang stay namin dito. Kung pwede nga lang dito na lang ako, but I still have some stuff left in Pampanga. Kailangan ko pa rin harapin iyon.
..................................................
I just sigh to notice the lines, medyo matao din pala dito. I am to excited to be here, it is a new attraction din in Baguio at ang lakas maka-Japan dito. If I will take a picture here, pwede ko ipangflex na nagpunta ako sa Japan kahit ang totoo sa Baguio naman itong lugar.
Finally! It is our turn! Nauna akong pumasok while Leon is paying for our Entrance. Maya-maya agad na din siyang nasa tabi ko. We walked past through the bamboos, even if matao tahimik pa rin. all I can hear are bird chirps tapos napakasariwa pa nang hangin and the greens makes me calm. Hay the temptation again to stay here in Baguio. Sana may nakaimbento naman ng teleport so I can go back and forth.
"Gusto ko, bumalik uli tayo dito Leon." Pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa. Leon looked at me in awe, seems not believing in ehat I say. Hay, I will just say it once!
"Sige, basta fit sa schedule ko."
Napangiti ako. I do hope the day comes. Hindi ko sure if that will happen in the future. Pero sana naman yung preprared naman na ako. Gusto ko kasi kapag pupunta ako ng Baguio yung naka-outfit saka ayoko rin naman nakadepend kay Leon ang expenses ko.
I keep on looking to the bamboos they are so green and long, sobrang nakakalma talaga. Gusto ko pang pumikit para mas mafeel ko ang ambiance ng lugar. Napakasarap magmedidate, feeling ko at peace ako agad pag nandito. If only I have my phone, magsasawa ako magpicture, buti pa ito si Leon, marami na siyang kuha. Medyo ahead lang ako sa kanya, but when I looked at his direction, I squinted with a flash of camera. Agad akong umiwas.
"Leon naman! Pwede mo naman ako sabihan!" Bulyaw ko. Tumatawa lang siya, not minding if I got annoyed with his act. Tatadyakan ko na to, ok na e.
"Give me the phone." Pilit kong pag-agaw sa kanya, mamaya ang pangit ko doon, kaya pala niya ako pinagtatawanan.
"Ayoko, sa akin lang ito."
Ginantihan ko siya ng hampas. " That is my face in the picture! Ikaw ang walang pahintulot sa akin." Sambit ko habang pilit na inaagaw sa kanya yung phone.
"Sige fine, suko na ako! Ang dakit ng kurot mo Oli." Aniya at agad kong hinablot ang phone niya sa kanya. Hinahap ko agad yung gallery to find some photos. Napangiti ako sa kuha ko, ang candid ng dating. Halata yung tangos ng ilong ko, and my eyes seems sparkling, para akong nagdidiscover in the forest. I even browsed to his gallery and I also found our some of our selfies there, composed of different poses, may wacky, piece sign at fierce.
And, what is this? Bakit may picture ako dito na tulog?! I bet ito yung papunta pa lang kami dito. Bwisit na Leon talaga. Agad kong hinanap yung delete button sa picture kong tulog, hay nako talaga.
I even browsed of some of his pictures. Meron yung may picture siya sa office, ang handa ng office niya. It has a white-blue-gray theme, yung parang sa Greece.Ang minimalist and organized nito. He even have a picture of his co-workers. I kept on scrolling when I saw a group photo of them tapos may babaeng nakaangkla sa kanya.
Agad akong napasimangot. Grabe naman makakapit nito, parang octopus. I kept for browsing more, lagi silang dikit ni Leon. Parang gusto ko na lang burahin ang mukha ng babae sa inis.
Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hinablot phone niya.
"Baka saan ka mapunta diyan." Aniya at sobrang mapanuri nang tingin niya. I stare him back. Don't give me that look.
Hindi ko na lang siya pinansin, basta nauuna ako sa kanya na maglakad. Not minding where he is. Please positive energy sapian mo ako! Bakit kasi lagi ako naiinis ni Leon. Without noticing it is already end of the bamboo trail, we are here in a Japanese inspired garden, may mga ilang bonsai sa paligid. The garden seems simple pero maganda pa din sa mata, the grounds are just made of big pebbles and it has a view of mountains, tapos complementary nito yung mga bahay.
Gusto ko tumambay sa Shinto shrine pero ang daming tao doon. I just sat here in the bench, medyo napagod na rin ako kakalakad. Maya-maya pa, nasa tabi ko na uli si Leon. We sat in a bench, medyo natakot pa ako dahil medyo steep. If I have I choice I will hold Leon's hand, pero ayoko.
Silence occupies us, hindi naman kami awkward, it is just we are both appreciating the view in front of us. Wala naman ako sa mood nadaldalin siya, nailabas ko naman na sa kanya yung mga saloobin ko these days.
"Oli."
"hmm." I just said without looking at him, I am still looking at the mountais.
"Paano kung seryoso ako." Aniya. Para akong nabingi, I just heard my heart beating fast again. Bakit ba lagi na lang niya sa akin nagagawa ito. Oo nagugustuhan ko siya but I don't like it in this way. I don't know what to say, para hinihila yung dila ko. Seryoso ba o pinagtitripan ako?Nawala na nga iyon sa isip ko kahit papaano, tapos ito na naman. Masasapak ko na talaga itong lalaki to.
"Ikaw talaga Leon, huwag mo nga akong pinaglololoko." Pagak akong napatawa, which is a very idiotic move. In this situation? Really Oli, ang seryoso na nang tingin niya sa'yo. Halos matunaw na ako sa mga tingin niya, kulang na lang hawakan niya yung kamay ko.
He didn't answer. Tumango lamang siya. I sigh, para mapakalma ang sarili ko. Gusto ko itanong sa kanya bakit? Pero natahimik lang ako, I want him to speak. Mixed emotions lahat, hindi ko alam kung natutuwa ako or maiinis. Pero gusto ko siyang pakinggan.
"Ikaw Oli" Nag-angat ako nang tingin at doon nagtama ang tingin naming dalawa.
"Ikaw ang gusto ko, ikaw yung babaeng hinihintay ko. Ang tagal kong naghintay para dito Oli." Bahagya siyang napapikit, tila nagpipigil ng luha niya. "Pucha ngayon lang ako naglakas ng loob na sabihin sayo."
." All explains anything since then, noong nagpunta ako sa kanila, kaya madalas niya akong ikuwento, kaya mabait pa rin siya sa akin despite of everything. Pero bakit ako?
"Teka Leon, paano mo naman nasabi yan, Don't tell me, noong high school pa
Nakailang buntong hininga na ba ako? Bakit ganito Leon. Mabilis na rin siguro tibok ng puso niya, malamang naririnig na niya yung akin, pero ayokong iparamdam sa kanya. I am overwhelmed right now, hindi ko alam ang gagawin. Pero isa ang malinaw sa akin, hindi pa bukas ang puso ko na magmahal uli. I just came from a break up. Alam niya iyon.
"Oo Oli."
"Bakit ako Leon?" Pinunasan ako ang namumuong luha sa mata ko, Ayokong umiyak, lalo sa harapan niya. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Sobrang weird.
"Noong high school pa lang Oli, alam ko sa sarili ko na ikaw na. Sinubukan ko naman na kalimutan ka, kasi sino ba naman ako, I am you rival, maswerte nan nung naging partner tayo sa research at naging friends for a short time."
"Leon hindi pwede." Natigilan siya dahil sa sinabi ko. I can't bear to hear whatever he is going to say. After all these years bakit?
Kinuha niya ang kamay ko. His sincere eyes, the most sincere that I have seen, is now filled with tears. Please Leon, I don't deserve that.
"Oli, ok lang. Kahit gamitin mo pa ako para kalimutan siya. O kung maghihintay ako. Sabihin mo lang sa akin."
Gusto ko man siyang gustuhin, pero hindi pa ako handa. Kahit gusto ko siya, hindi ko alam kung kaya ko ibigay yung pagmamahal na ibibigay niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top