Chapter 6
"Oli punta tayo ng library mamaya after class." Pag-aya ni Leon, hindi man lang niya ako hinarap, o tignan kung tumango ba ako o hindi. Nagmamadali siyang pumunta sa Student Government office, lunchbreak din ang pinakapossible time nila to conduct a meeting para sa inter-school research symposium, kaya mamayang hapon na lang kami gagawa. Hindi naman trabaho ito ng school government, pero gusto ng mga teachers na involved sila bilang assistant na magfafacilitate for the event.
I just sigh. How did Leon manage everything. We have research to face, extra-curricular stuffs and he managed to defeat me all the time. Why I won't be insecure, hindi ko man lang matalo-talo, despite of his many commitments. Natutulog pa ba to?
"Olivia!" Lori snapped out to my face. Doon ako natauhan.
"Kanina pa kita inaaya maglunch, hindi mo man lang ako pinapansin." Agad siya lumingon sa nakatalikod na si Leon.
"Nako Oli, umamin ka nga! May gusto ka kay Leon no."
"Bakit ko naman sya magugustuhan. Mainis siguro pwede pa." Sinamaan ko siya ng tingin. O really?
"The more you hate, the more you love. Alam mo ba yun?"
Napairap ako, nagpapaniwala siya sa mga ganyan. Masyadong pambata.
"Hindi, kumain na nga lang tayo ng lunch."Irita kong sabi. All of the things may possible happen, but liking Leon, that is imposible. Why would I like him. I left our room, without waiting for her to go, bahala siya humabol. I hate her babbling about Leon. Hindi na ako tinigilan.Kung hindi ko lang alam na patay na patay siya kay Mike, iisipin ko na may gusto siya kay Leon.
"Bilis mo naman mainis girl, di ka mabiro. Masyado kang halata."
I decided not to speak anymore and ordered some lunch. I have chicken teriyaki and rice, while Lori has chicken adobo. Mabuti hindi na rin siya nagsalita nang nanahimik Kundi iiwanan ko siyang kumain na mag-isa. Ayaw pa naman din niyang mag-isang kumakain. After our lunchbreak, we went back to our classroom to resume our classes. Sabay naming pumasok ang kadadating na si Leon, mukhang di na naman kumain at nag overtime na naman. Masyadong kinakareer ang pagiging president o pag-sisipsip. Whatever, ni hindi man lang siya naisipan na pakainin.
"Biscuits." Inabot ko sa kanya yung baon ko na biscuit.
"Nako, huwag na ok lang ako." I rolled my eyes. I can hear the growling sounds of his stomach, ako pa ang lokohin niya.
"Mahirap magklase ng gutom, ayan." Pilit ko inabot sa kanya. Dahan dahan siya napangiti at inabot niya ang biscuit mula sa pagkakahawak ko.
"Salamat ha."
"Wala yun." Simply smiled at agad nang tumalikod sa kanya. Feeling ko ang awkward ng ngiti ko, para akong napipilitan. I can see Lori infront of me, showing her grin and her malicious glare. Hay nako, ayan na naman. Sige, lahat na lang gawan na lang niya ng meaning.
"Ang sweet mo naman Oli kay Leon, sinasabi ko na nga ba."
"I just want a fair fight Lori, Mahirap magconcentrate pag gutom." I hissed.
"Sus kunyari ka lang, concern ka talaga kay Leon." Kinikilig pa nitong sabi bago pumunta sa upuan. Since our seats are alphabetically arranged, nasa harap ako habang siya nsa third row. Mabuti na lang at walang masyadong nakakrinig sa kanya, baka kung ano pa ang isipin nila sa akin. May upuan na pagitan sa kanilang dalawa ni Leon, na kinakain na ang biscuit na bigay ko. Bawal kumain during class, kaya kinain na rin niya kaagad ang bigay ko. Walang recess sa hapon, kaya mabuti na may nakain sya ngayon.
"Oh basta galingan mo mamaya sa inyong dalawa ni Leon." Bungad ni Lori,pagkatapos ng last period. Sinamaan ko ng tingin. Baka may makarinig at kung anong isipin sa akin. Pwede naman hinaan ang boses diba? Lalo pa at umaaligid pa si Leon!
"Gagalingan ko talaga sa research namin." Ngising-ngisi pa din siya, still not convinces with what I said, wala naman maaring mamagitan sa amin. Speaking of, dali dali siyang lumapit sa akin pagkatapos niyang maayos ang mga gamit niya. Buti na lang di niya narinig si Lori, kundi baka makutusan ko pa itong babaeng ito.
"Iwan ko na kayo ha." Ayun hindi pa din mawala ang ngisi ni Lori, habang iniwan kami sa hallway. Talagang makukutusan ko na to. Isa na lang.
Despite of my frustrations I tried to be calm. "Ano tara na ba?" Sambit ko nang humarap sa kanya.
Nahihiyang umiling si Leon. "Ok lang ba kung mauna ka sa Library, may meeting kasi ang mga teachers, isinama pa kami." Nag-aalangan pa siya tumingin sa akin, kung magagalit ba ako or kung ok lang. Wala naman akong choice kung kailangan siya sa meeting na iyon.Sino ba naman ako para magpaimportante, saka I can manage naman.
"It's fine sunod ka na lang." I smiled, para kahit papano makampante siya na ok lang. Maganda na rin na wala siya, ayoko rin siya kasama, kung hindi lang dahil sa research na to. Mag-isa akong nagalakad papuntang library. Gusto ko sana na sumama kina Lori at Mike, pero mukha silang abala sa research nila. Ni hindi man nila ako napansin. Anyways I'm on my own din naman.
I am too disappointed to see na madami na ang gumagamit sa mga computers doon, I have no choice to go through the books and look something about ink. Our research is about making natural inks from plants, gaya ng alugbati.
"Oli, nandyan ka na pala."Nag-angat ako ng tingin kila Lori at papaalis na rin. Bilis naman nila natapos, or kaya gumawa kaya sila?
"Ay wala, hindi ako to, tapos na kayo." Ngumisi ako kay Lori, alam ko naman na super crush niya si Mike. Ilaglag ko kaya?
"Hay bukas na lang kami gagawa, this is so stressful talaga. Saka next week pa naman tayo magpapasa ng mga RRL" Sinasabi ko na nga ba? Baka pinairal pa niya ang mga galawan niya kay Mike. Hay babae na to talaga. Nagpaalam na rin sila Lori, they seems liking each other's company, dati halos di nagpapansinan. Napailing na lang ako at patuloy sa pagbabasa ng libro.
"Iha, magsasara na yung library." Napa-igtad ako nang mapansin ang oras. Mag 5'o clock na pala at hanggang ngayon wala pa rin si Leon? May meeting pa din yun or iniwan na lang ako.
"Yes, ma'am lalabas na rin po."
I sighed and close the book,hihiramin ko na lang to. Bahala na si Leon sa buhay niya. Isininop ko na ang mga gamit. Nakakahiya! Ako na lang pala ang tao dito sa library. Talaga naman, bukas na bukas magpapalit na ako ng partner!
Inis pa rin akong naglalakad sa hallway. Ang dami dami niyang mga extra curricular pero hindi naman niya kayang pag-sabayin! Despite of this, hindi ko pa siya matalo talo.
"Oli." Hinihingal na sinalubong ako ni Leon. Hindi ko mapigilan na mapairap, para malaman niyang naiinis ako.
"Sorry late, sinama pa kami ng mga teachers sa mga meeting nila. Don't worry babawi ako." Blanko ko lang siyang tinignan. Whatever.
Hindi ako kumibo, baka kung ano lang masabi ko.
"Hala, wag ka naman ganyan Oli. Libre kita ng lunch."Hindi ko mapigilan na mapangiti. Hay bakit ba! Napangisi tuloy si Leon nang mapansin niyang nakangiti ako. Agad ako itong binawi. Ano ka ba Oli!
Pero tama na din, I am saving money din.
"Kung gusto mo doon na lang sa bahay niyo gawin. May internet ba kayo." Hindi ako makatango. I can't take Leon with me, Papa will be furious, alam niyang si Leon ang kalaban ko, and besides he's a guy.
"Nako Leon, wag sa bahay, doon na lang sa inyo."
Napakamot ng ulo si Leon. "Medyo mabagal ang internet sa bahay, pero sige pwede na birthday ni Mama ngayon.
Nagtext ako kay mama para magpaalam na malelate na umuwi. Kahit naiinis ako kay Leon, excited akong pumunta sa kanila. Ewan ko ba, ang weird.
Hindi ko maidedeny kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko. Alam kong hindi maidedeny ang mga ganoong bagay. That weird feeling is almost the same, kahit inis na inis ako sa kanya, natutuwa ako, minsan napapangiti niya ako. Ok naman siyang kasama, mapang-asar lang talaga.
Kung magustuhan ko man si Leon, wala naman masama. Hindi ko alam kung open ba ang puso ko na gawin uli iyon. Alam kong hindi niya ako sasaktan kung sakali, pero may mga pangyayaring hindi maiiwasan. I am starting to fix myself, at ayoko munang maghandle ng panibago heartbreak.
Why am I thinking of possibility na magugustuhan ko siya. Maybe I am just sad and Leon is with me and I am happy. Kaya labis niyang nakuha ang atensyon ko, or maybe this feeling during high school. Hay, Magbabago din ang lahat once we go back to Pampanga.
Parang hindi pa ko ready bumalik ng Pampanga. Doon,iba na ang mundo naming dalawa.
Halos hindi ko na siya kinibo nang umuwi kaming dalawa, pakiramdam ko may malisya na ang lahat ng ginagawa ko kapag kasama ko siya. Hindi pa ako sigurado pero, ayoko bang maghandle uli ng panibagong heartbreak.
Naglalakad ako palabas ng lobby when I saw Liz and Leon sitting in the couch together. I don't want to intervene. Ang saya saya nilang tignan, it seems they are good together. If ever he can be Leon's chosen one, kahit naiirita ako sa kanya. I guess that would be fine, they seem to know each other anyway. Para tuloy akong naingit, I wish can find some man like him, ang swerte ni Liz. I don't want to intervene, their moment. Saka mas bumibigat ang pakiramdam ko kapag nakikita ko sila.
I took a seat in the bench while savouring the view on the mountains piled with houses. Parang mosaic ang bubong, kaso walang pattern. At night they look like stars. Hay I wish I can stay here forever. If I have a chance to settle here, bakit hindi. O kaya dito na lang ako magtayo ng coffee shop.
Masaya ako dito. Masaya ako kasama si Leon. Wala naman possibility na maging kami at bakit ko ba iyon naiisip pa. Hindi dapat ganito.
"Oli nandyan ka na pala. Hindi mo man lang ako sinabihan." Agad akong natauhan kay Leon. Kanina pa ba sya sa tabi ko? Kita niyang ang lalim ng iniisip ko, dahil sa kanya.
"Ayoko naman istorbohin kayo ni Liz." Damn, why do I sound jealous, gusto ko na lang batukan ang sarili ko. Nakakahiya Oli!
"Iyon lang pala, ikaw lang naman kasi ang hinihintay ko, Sakto dumating si Liz, nagkuwentuhan ng kwento.." Leon, chuckled.
Oo nga, sarap nga ng kuwentuhan nila at halos di na ako napansin kanina.
"Ang asim na naman ng itsura mo." Tumabi siya sa akin. "Magkaibigan lang kaming dalawa, ano ba ang iniisip mo?"
Gusto ko uling batukan ang sarili, kung ano ano din kasi ang naiisip ko.
"Wala, baka gusto mo lang din siyang isama."
Makahulugan siyang tumingin sa akin, ayoko nang naiisip niya. Napairap na lang ako sa inis, Hay! Lumubog ka na lang sana Oli.
"Ikaw ang gusto kong kasama, tara na." Nakangiti sa akin si Leon, habang nakalahad ang kamay niya sa akin, habang nakangiti. May kung anong liwanag sa mukha niya na biglang nagpagaan ang loob ko, agad din nawala ang inis ko sa ngiti niya.
"Ikaw nang bahala." I shrugged. Hindi ko alam kung bakit ko pa nakakayanan na sumama sa kanya.
"Hindi ko alam Oli, kung bakit ka naiinis ngayon, pero sige na, ikaw na bahala. Delikado kapag ang babae nagsabi ng bahala."
"Not with me." Tamad kong sabi.
"Kung ano man yan, halika na!" Impit akong napahiyaw nang bigla niya akong hilain sa kinauupan ko. Dito na ako maiinis sa kanya, huwag naman ganito a.
Bumungad sa paningin ko ang isang bike doon sa may garahe. I guess this is it, nahanap na niya yung bike. Nauna siya sa akin at iginiya niya ito para makasakay ako doon.
Dahan dahan akong sumakay habang nakaalalay pa siya doon. Bakit naghuhurumentado na naman tong dibdib ko, bakit naiilang naman na ako kapag malapit siya.
"Kailangan mo ba talaga akong hawakan." What I dumb question Oli!.
"Oo naman, aalalayan kita hanggang sa kanya mo na."
He looked at me with his sincere eyes, with just that my eyes were locked with his. It became much brown with the sun ray with it, exposing his curly lashes. I am looking to his eyes, down to his nose, jaw ang lips. Without noticing na napapalapit na pala sa ako sa kanya. Does he his heartbeats pounds like mine? Bakit ko ba ito naiisip.
Natauhan din ako nang mag-iwas ng tingin si Leon sa akin.
"Basta eyes on the road, straight lang and pedals ok?"
Tumango lang ako sa kanya. Bahagya siyang lumayo, pero alalay pa rin niya ako. Mga dalawang ikot nang magsalita siya uli.
"At the count of three bibitawan na kita, your pedals ha?"
Nanlaki ang mata ko with the realization. Teka hindi pa ko ready loko to.
"Leon." Kinakabahan kong sabi.
"Kaya mo yan." He said cheerfully and then started counting on three. Mas lalo akong kinabahan when he counts. Hindi ko alam kung kakayanin ko, pero bahala na! I instantly felt his release.
In the first few seconds it was fine.
Thud
"Ouch" Inda ko habang dahan dahan akong tumatayo, feeling ko nasugatan na ko, buti na lang din at nakapants ako. Agad naman din umalalay sa akin si Leon.
"Ok ka lang?" Aniya at nag-aalalang nakatingin sa akin, sa braso ko. Shit, pati doon may gasgas pa ako. Agad kong kinuha yung panyo sa bulsa ko at pinunsan iyon para mawala ang dumi.
"Ok ako. Kaya ko to, kailangan ko din naman magkamali minsan para matuto." Mapait lang napangiti si Leon at inalalayan ako.
Mga ilang ikot lang binitiwan niya rin ako.
Nakailang bagsak na rin ako sa bike. Mas hirap na ako makatayo, pakiramdam ko mapipilayan na ako nito kapag bumagsak pa ako. Masakit na ang tuhod at braso ko. Feeling ko gasgas na gasgas na ko.
"Ol, may bukas pa naman saka sabi ko sayo pagbalik natin ng Pampanga, ako mismo ang magtuturo sayo."
I just sternly glanced at him. "Last na ito."
"Sure ka ha, baka masaktan ka pa lalo."
I sigh at humarap uli sa kanya nung nakasakay na ako sa bike. "I know my limits now." I smirked. Napangiti naman sa akin si Leon. A smile that seems he's happy for me.
What?
Nakailang ikot uli kaming dalawa, mas bumilis ang pedal ko. I think kaya ko na.
"Leon, I think-" Natigilan ako nang mapansin na nadaanan ko siya. Wait, teka.
Saka ko naramdaman na wala nang kamay ang nakahawak sa akin. Shit! Marunong na ako magbike! Ang galing.
With that realization muntik na ako matumba, buti nakuha ko agad ang balance ko at nakaalalay na yung isang leg ko. Muli akong napatingin kay Leon. He just shown me his thumbs-up.
Natatawa akong napadukdok sa Manibela. I am so happy, so triumph, it was like I was able to solve a hard equation, I achieve something! Alam ko na magbike.
Nagbike uli ako palapit sa kanya. Medyo binilisan ko na this time. Without any word I just hugged him. Hindi ko alam kung bakit ko siya nayakap, my instinct tell me so and I had impulsively followed it.
"Thank you Leon."
"Basta ikaw."
He hugged me back and somehow I became happier in his arms.
................................
I was alone with a notebook and a pen, scribbling my experiences here in Baguio. Kahit yung weird, at nakakainis na experience baka hindi ko malimutan. Overall masaya naman ako. Baguio makes me calm and alive again, parang rebirth. Kahit paaano nalimutan ko lahat—Halos nakalimutan ko na mayroon pa kaming babalikan sa Pampanga. If hindi ko ba kasama si Leon, mag-eenjoy ako ng ganito? Napangiti na lang ako sa naisip.
Iniwan niya ako saglit dahil may tatapusin daw siya. Masyado na akong nahihiya sa kanya, masyado ko na siyang naabala. He should be working right now, but he's with me doing everything I want. Pagbalik sa Pampanga, babawi ako, magiging mabait ako. Well I do hope we still cross our paths.
Napatingin uli ako sa notebook, pinunit ko yung nauna ko sinulat. I have an idea!
I started scribbling my gratitude for him, basta kahit ano. Korny, pero bahala na. This is what I can do for now.
"Oli!" Dali-dali kong tiniklop yung notebook ko. He must not see this one! Kanina pa ba siya nandito, baka nabasa na niya.
"Ano yan?" Mapanuri niyang tingin, pero more on mapanlokong tingin.
"It's none of your business." I almost I said warily. Hay baka ano pang nabasa niya. Bigla tuloy akong nahiya, hindi koi to ibibigay sa kanya.
"Damot naman, pabasa lang para makalatis."
"You cannot look for it dahil din pa tapos." I said at agad nang tumalikod sa kanya at pumasok sa unit namin para itago ang notebook. Mahirap na pag nakita niya.
Paglabas ko, nandoon pa din siya. His lips is pouted, pleading for something. Hay nako, di siya cute. Napairap ako.
"Promise me, ipapabasa mo sa akin iyon."
Napilitan na lang akong tumango. You'll forget it eventually. Wala akong interest na ibigay. Para iyon sa kanya, pero secret na lang.
"Tara sa night market!"
"Huh?" I know it is clear, pero gusto ko lang ulitin just to be sure. Pero hindi na niya inulit at hinila na lang ako kung saan.
"Leon, teka lang naman dahan dahan." Bulyaw ko dahil muntik na akong matapilok sa hagdan. Pwede naman kasi na dahan dahan lang diba? Saka medyo masakit pa ang tuhod ko.
"Sorry." He smiled sheepishly. Sampalin ko kaya.
"Kanina ka pa di lumalabas ng kuwarto mo, ano bang meron Oli? Dapat nag-eenjoy tayo dito dahil bukas makalawa, uuwi na tayo." Kalmado niyang sabi habang nagmamaneho.
"Wala naman masama magpahinga diba?" Kung alam lang niya. I sigh,why I am still having a deep thought about him. Bakit ko pa siya naiisipan ng ganito. How would I like him, I just came back from a heart break. I am not still certain, I am just sad. Ayoko siyang gamitin o pagbuntunan ng feelings, he does not deserve that way. Kahit bwisit siya, he deserve more. Not me.
Napabuntong hininga na lang si Leon at ipinokus na lang ang mga mata sa daan. Mukhang may hirit pa, pero hindi makasingit dahil sa lalim ng iniisip ko. Sky seems to be gloomy, but a little purple-ish, as it complements the sunset, padilim na rin.We parked somewhere near the Harrison Road, some of the them are starting to set up their own stuff, pero kahit na ganoon marami-rami na ang mga tao doon.
Sabay kaming lumabas ni Leon sa kotse. Nag-iwas ako nang tingin nang magtama ang tingin naming dalawa. Paano ba ako mag-eenjoy na hindi naiilang sa kanya. Dapat isipin ko, Leon is here as a friend at hindi na ako dapat mag-isip pa.
"Tara na."
Pag-aya ni Leon, I should not let my feelings bother me. Ngayon lang to lilipas din, gaya noon. Tama nga siya, I should enjoy, because I will not stay here for long, and I have reality to face after this. Ngumiti ako sa kanya at sabay na kaming naglakad.
"Nagutom ako bigla. Ikaw?"
"Yep, mukhang masarap yung shawarma doon." Pagturo ko doon sa isang stall, hanggang dito amoy na amoy ko pa rin. Buti at madami dami na ring mga foodstalls, mukhang lang. I love ukay though, kaso wala ako sa mood mamili muna ng mga damit, I rather eat. Bakit ba kasi mas nakakaenjoy kumain while on the streets, rather doing cooking DIY at homes. Though enjoyable pa din naman, pero mas masarap pa din kumain dito.
Parang gusto ko na tuloy isa-isahin lahat ng pagkain dito, di na bali na tumaba na ko dito.
"Naalala mo noon?"
Napatingin na lang ako sa kanya, I can't reply because I am currently munching this shawarma, he does not even take a bite! Lumunok ako, para makapagsalita.
"What?"
"Dito tayo kumain noong nanalo tayo sa research symposium natin." That memory suddenly popped out in my mind. Sobrang draining ng defense, dahil wagas makagisa yung mga jury, sobrang akong ginutom agad ako.
"Dalawang Large sa akin, sayo." Tanong ko sa kanya, medyo nag-aalangan pa siyang pumuli kung ano ang kukunin.
"Libre ko." Sagot ko, mukhang wala ata siyang budget. Ayoko naman kumain ng mag-isa and sure na-drain din siya sa mga tanong. Buti we managed to win. Of course we are not chosen for nothing,
"Small lang sa akin." Sabi niya.
"145 pesos po lahat Miss."
I rummaged my bag to look for my wallet, I am sure na nandito lang iyon. Nilagay ko lang iyon sa bag, hindi naman ako naglabas ng pera since service naman ng school ang gamit namin. Wala ba rito? Nakakainis naman!
Nahihiya akong tumingin kay Leon, hindi ko naman pwedeng bawiin to. Pero wala naman akong choice.
"Leon, pwede bang-"
"Sige, ok lang." Ngumiti siya sa akin at inabot ang bayad. Nakakahiya talaga kay Leon, lakas loob ko pang nagsasabi na libre ko, then siya rin pala ang pagbabayarin ko.
"Babayaran ko rin sayo bukas."
"Sige na, ok lang its on me." Aniya, ni hindi pa siya kumakain dahil hinihiwalay pa niya yung mga pipino saka kamatis.
"Kumakain na ako ngayon ng gulay Oli."
"Edi wow!" Hindi ko mapigilan na mapangiti sa naisip, hanggang ngayon nililibre pa rin niya ako. Hay sometimes I can go back to those times, sana hindi ko na lang siya inaaway, we can make a good team. Baka maging mag-bestfriends pa kami. I guess madaming magbabago if that happens.
Lumayo kaming dalawa sa dami ng tao, hindi na rin naman naming maenjoy na dalawa. Besides streetfood din naman ang habol ko at wala nang space ang kamay at tiyan ko for additional food. Naglakad-lakad kami para kahit papaano matagtag ang mga pinagkakakain namin,hanggang sa makarating na kami sa Melvin Jones. May mga tao din, pero kahit papaano may space pa din. Nagpuwesto kami sa ground, not minding kung madumihan ba yung damit naming dalawa, bakit kasi hindi kami nakapagdala kahit towel man lang.
We both mind our food, while I am looking at the stars. It is so nice to see a lot of stars, it makes me calm. Those stars reminds me na there is light in every darkness. Mas ramdam ko na siya ngayon, thanks to Leon na busy din kumain ng isaw. Mukhang wala ata sa mood magsalita at consumed sa pagkain.
"Magkwento ka naman."Anas ko. Nilunok niya ang kinain, then he chuckled.
"Ano naman ang ikukwento ko Oli.
"You already know everything about me,so ikaw naman ang magkwento Leon." He shrugged. Alam kong mas madaming siyang pinagdaanan based on his achievements. Napaka-unfair naman na ang hirap niya mag-open sa akin.
Wait alam ko na, at balita rin ito sa buong batch.
"Balita ko Leon, hindi ka pa nagkakajowa." Napangisi siya sa akin, gusto ko na lang siya batukan sa kung anong naiisip niya.
Pero curious lang naman ako, malaki na ang pinagbago ni Leon. Oo na! Gwapo na siya, dahil ang linis nang tignan ng mukha niya, wala an gang mga pimples niya, tapos alam na niyang ayusin ang buhok niya, siya nga at bagay yung nakabrush up sa kanya. Para siyang si John Lloyd Cruz.
"Updated ka na pala ngayon sa buhay ko."
"Asa ka naman, naririnig ko lang." Umirap na lang ako. Bakit ba kasi ito pa ang naisip ko.
"May hinihintay kasi akong tao." Seryoso niyang sabi. Leon is really imposible, he does not have vices and waiting for someone. Nag-eexist pa ba to?
Pero siyempre si Leon pa, maybe it is possible for him. Napakaswerteng babae. Probably it is not Liz, kasi kung siya matagal na niya itong naging girlfriend dahil halata na patay na patay ito sa kanya.
Napakunot ang noo ko. Leon deserved to be love though, he needs to make his move. Again, basta wag si Liz.
Pero paano kung siya nga! Masaya siya pagkasama ito, kasundo pa niya. Baka hinihintay pa niyang umamin ito. Kaloka.
"Wow ha, alam mo kung may gusto ka sa isang tao, sabihin mo, ipakita ko. Huwag kang maghintay diyan na parang kusang darating ang grasya sa'yo." Tinapatan ko siya. "You know what? We make our own opportunities. Same with love, we make ways para magustuhan nila tayo."
Naging malungkot ang mga mata niya sa sinabi ko. May mali ba? I am just encouraging him? Naoffend ko ba?
"Sorry Leon, hindi ko naman sadya na." Umiling lang siya. Pero hindi pa rin ako mapakali, I should not judge, siguro naghahanap pa siya ng tamang time sa girl, or may iba, or may promise sa isa't isa or other cringe story that they may have. Hay.
"Alam mo Oli, sinubukan ko naman, kaso parang hindi naman niya ako nakikita. Baka ayawan lang din niya ako."
I felt sad for him, sa bait niyang yan, may stable job, matalino at may itsura din, hindi pa siya napapansin ng babaeng gusto niya. If katabi ko lang yung girl na iyon, nabatukan ko na. Pero kung hindi pala alam ng babae na may gusto siya sa kanya, bakit hindi siya kumilos? Babatukan ko na din ito e. Kaya pala nalungkot pa ang loko.
"Do you have balls? Bakit ang duwag mo. Paano niya malalaman kung hindi mo sasabihin."
"Siguro nga naduduwag ako." Naduduwag. Siraulo, mukhang may gusto naman si Liz sa kanya. Siguro magkakasundo naman sila ng feelings.
"Mukhang may gusto sa'yo si Liz."
"Magkaibigan lang kami kulit mo talaga, saka, ganun lang talaga siya." Napabuntong hininga ako. Matalino nga, manhid naman. Kahit papaano natuwa ako, buti di niya gustong jowain ang Liz na yun.
Pero buti at hindi si Liz. Ok na ako doon.
"Ok fine, ano ba kasi ang tipo mo Leon."
Ngumiti siya sa at napabuntong hininga, bumwelo pa. Hindi ko naman siya huhusgahan sa type niya.
"Actually meron naman ako, nagugustuhan, matalino, may itsura din, writer, singer saka business management student rin. Kaso masungit siya sa akin."
Napadilat ako ng mata. I don't like to be assuming, but is he referring to me? Seryoso ako dito! Nakuha pa akong pagtripan ha. Hinampas ko siya sa braso sa inis. "Alam ko na kung bakit walang nagkakagusto sayo. Panay ka kalokohan."
"Paano kung seryoso ako Oli." Seryoso ang mga tingin niya, titig na titig na parang bang seryoso sa kanyang sinabi, na parang ako lang ang tao sa harapan niya. Agad akong napaiwas ng tingin. Ano ka ba Leon.
"Sinasabi mo diyan Leon. Tumigil ka nga." Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Mabuti at gabi, hindi halata. I can't bear to think Leon will like me, paano naman niya ako magugustuhan. Hindi naman ako mabait masyado sa kanya, masungit ako. I don't know if I am an ideal woman for him, lalo sa sitwasyon ko.
He pinched my nose. "Di ka mabiro."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top