Chapter 4

My eyes met the white ceiling and my temples starts to be in pain. I shut my eyes tight, it does not even help to ease the pain. They are right, after pleasures, there is still always pain. What the hell would I think that I decided to drink again? Hinding-hindi na talaga.

"Mabuti at gising ka na." Napadilat ako sa boses ni Leon. He sat on my side and handled me a glass of water.

"Thanks." Bumangon ako ng konti, pain still got worse, pero tiniis ko na lang. I reached to the glass of water and took a gulp.

"Kamusta ka na?"

"Masakit ulo." Sambit ko, saka ako sumandal sa headboard ng kama.

Leon pointed at his chest. "Dito, kamusta yan."

I blankly stared at him. I feel like I am already transparent to him. Know he really knows as he listens to all my whines, mapa-love life or family problems. Nakakahiya, ano na lang talaga ang iisipin niya. Pero alangan din naman na magdeny pa ako at sabihing wag pansinin. Anyways, I felt a lot better last night, iba pa rin na nailalabas mo din ang lahat ng sama ng loob.

"Still in pain, Sorry nadamay pa kita dito. You should minding your own business right now. Hindi yung inaaksaya mo pa ang oras mo sa akin." I sigh at umiwas sa kanyang sinserong tingin.

"Nothing's wasted Oli. I am always here for you."

Umiling ako. "Leon, Hindi mo naman kailangan gawin ito. I can men-"

He held my hand gently as my eyes met his.

"Sabi ko sayo tutulungan kita. Let's make new memories, let me help you ease the pain."

Nag-aalangan akong tumingin sa kanya. Hindi ko magawang lubusang magtiwala. I know Leon is a different person, and I know hindi siya katulad ng mga ibang manloloko diyan. How can a broken heart can trust again.

"I don't know when will I conquer this, sabay sabay pa kasi sila. Magiging ok din naman ako"

"Isa-isa lang kasi Oli, don't take them all."

Simple akong napangiti, he has a point. My feelings to my ex will fade away in no time. Sa pamilya ko lang naman ang walang kasiguraduhan. Up to this point, hindi ko rin alam kung may magbabago ba sa pagbabalik ko sa bahay. Isa na bang sign na hinahanap nila ako kahapon.

"Why don't you just enjoy Baguio with me first." He lay his hand to me.

He is right, it is time to enjoy my life for while. Just to take a break from everything.. Kahit ngayon lang. I need to be happy for a while. Since nandito na rin naman kami, bakit hindi ko lubusin. After a week I will go back to my reality. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Sige Leon, susubukan ko."

He smiled. "Ayan na Oli na kilala ko." Nagthumbs-up pa ang loko.

Umirap ako sa kanya. "Dami mo namang arte, tara na!" Pag-aya ko sa kanya, he just chuckled at nagpadala na lang sa paghila ko. I never been excited like this. Pero saglit lang din at hindi ko na rin siya mahila. Problema nya?

Mabilis akong lumingon sa kanya, aba ngising aso na naman siya. Ang sarap niyang batukan talaga!

"Kumain muna tayo. Hindi ka ba gutom."

Agad akong napahawak sa tiyan ko at agad na naramdaman ang pagkulo nito. May point nga naman siya, bakit hindi muna kumain. Napangunahan ako tuloy ako ng excitement. Yes I am so looking forward to this day, I am looking forward to be happy in this trip in my dream place. Even if how much excited I am, I should start the day right by eating breakfast.

"Nagpaluto ako kay Ninang ng paborito mo." Agad niyang sagot, parang agad na niyang nabasa ang balak kong itanong sa kanya. Then, I am glad to see that pork and black beans. Naiisip ko pa lang natatakam na ako.

"That's great!" Sambit ko sabay sumimple ng ngiti.

"Anong oras na ba?" Tanong ko.

"Maglunch na actually, hindi na muna kita ginising ng maaga dahil mukhang may hangover ka pa." Napakamot na lang ako sa hiya. Grabe sobrang lasing ko pa naman kasi tapos anong oras na kami nauwi. Feeling lutang pa din ako up to this moment.

Dumeretso kami sa may dining area ng Transcient. May mga tao na din dito around the here. Bumungad sa paningin ko si Liz na nagseserve sa mga ibang mga guest. Ngumiti siyang lumapit kay Leon, para nang mahagip ako ng paningin siya, umirap siya sa akin. Yung totoo, is this how she treat me as a guest, ano bang problema niya. Kung gusto niya sa Leon, di ko naman siya aagawin sa kanya.

"Ok na ba yung food namin?" Tanong ni Leon.

"Siyempre naman, ikaw pa ba.' Ani ni Liz at kumindat pa dito. I am fighting the urge na mapangiwi o kaya mapairap sa babae na ito. Gosh! Ang pangit ng way of flirting niya, may pakindat kindat pa. Hindi naman niya bagay.

"Salamat Liz ha, tamang tama at gutom na din itong kasama ko" Sumama pa lalo ang timpla ng mukha niya nang ituro ako kay Leon. Mukha na niya kong lalapain in any minute. Talaga naman, I will not let you ruin my day, so I grin.

"Oo nga, gutom na talaga ako." Umangkla ako sa kanya at matamis na ngumiti sa kanya. Halata ang gulat sa mukha nito. Takang then it has changed with an awkward smile, tapos umakbay pa sa akin. Mas umasim pa ang mukha niya. To my satisfaction, mas umasim ang kanyang mukha. Serves you right, mamatay ka sa inggit.

I grin to annoy her. "So can you lead us to our table?" Matamis akong ngumiti sa kanya. Iyon nga, kulang na lang mag-usok na lang yung ilong niya sa inis. Halatang nagpipigil, she can't be rude at me, lalo at nandito kami sa lobby. Ayaw naman niya siguro ipahiya ang sarili niya.

Nauna si Liz para i-guide kami sa aming table. Pagpunta doon, sineserve na ang mga pagkain. There, I can see the black beans again. Agad na nawala ang pagkairita ko, I am more excited to consume this. To my dismay, there is a third plate served in our table. Liz is in her devilish grin, mas mukha siyang aso.

"Hindi pa din ako kumakain, sabay na ko."

Pinigilan ko ang sarili na umirap. God! Please stop me from kicking this girl out of this place. If someone will destroy my whole mood in Baguio, definitely it is Liz alone! Siya lang ang hindi magandang nakita ko dito, aside from traffic of course. Nauna din siyang tumabi kay Leon, hay edi kanya na si Leon, hindi ko naman aagawin sa kanya. Itali niya if she wants. Now, ako ang walang katabi in my area.

Kukuha na sana ako ng kanin nang maunahan niya akong kunin ang sandok, at sinandukan na niya si Leon.

"Oli, gusto mo nang black beans?"

Tumango lang ako sa kanya at ngumit nang iabot sa akin ang mangkok ng black beans. Ngumiti na lang ako sa kanya pagkakuha ng mangkok. How I try my best not to look at this girl.

Napadiin ako sa paghiwa ng pork. Bakit parang hindi napakuluan ito ng mabuti. Ang tigas.

"Do you like some help?" Agad akong napalingon ka Leon, sakto nagsasandok pa si Liz ng beans para sa kanya.

I smiled. "Hindi na, ok na ako dito." Sambit ko sabay hiwa sa isang part ng karne.

"Yes, let her be Leon. Mukhang kayang-kaya naman niya yan." Yes, I really can do it, and then I will cut through her limbs, para mas masaya.

Hay sobrang nakakairita talaga ang paglingkis niya kay Leon. I wonder what he thinks about this girl. Kung ako sa kanya, sobra akong maiirita. Why would I think about it? I rather mind my black beans. Hindi ko hahayaan na tuluyan niyang sirain ang araw ko. I will not give her that satisfaction.

I ate faster as I can. I don't care if mabilaukan ako. I just want to get out of here. Baka matuluyan pa yang babae nay an sa akin.

"Olivia, hinay hinay lang."

Hindi ko na kinibo si Leon at inubos ang pagkain. The longer that I stay with Liz, the more na mas mabadbadtrip ako. Kailangan kong huminahon. Again, I don't want this girl to ruin my mood.

"Excuse me." Sambit ko sabay tayo sa kinauupuan ko. Kailangan ko ng sariwang hangin. Naglakad ako papunta sa terrace, mabuti at walang tao. Para na din mas maappreciate natin Cold breeze approaches my face and makes me hug myself, my jacket isn't enough to make myself warm. I can even see some smoke from my breath, I did it few times, so satisfying, kahit mukha na akong tanga na kakaihip. Nang mapagod, umupo ako sa may bench. The view is so marvelous, as fogs covering the mountains, it like I am seeing a pool of gigantic cottons.. I am so tempted to jump over them, parang ang sarap nilang higaan. Then the sunsets complementing the clouds, making it so marvelous. I should have not lost my phone. I don't how long will my memory can keep this picture. I should not forget any detail of this trip. Si Liz na lang ang kakalimutan ako.

Maya-maya pa tumabi sa akin si Leon, He is also looking at the view. Tapos, nagtama na lang ang mga tingin namin nang bigla siyang lumingon sa akin. Simple akong napalunok. Why all of the sudden naman.

"Bakit parang badtrip ka kanina?" Agad akong napaigtad sa tanong niya. Masyado ba akong obvious kanina? Tahimik naman ako and I keep my expression as calm as possible, kahit gigil na gigil na ako sa Liz na iyon.

"Ako badtrip? Hindi a." Humalukipkip akong humarap sa kanya. I already made sure na kalmado ang mukha ko. Ayoko na mahalata na kanina pa ako iritado sa Liz na iyon. He nonchalantly lean on the post and look at me with criticism. He seems not to be convinced on what I said. What does he want? Should I say it right through his face.

"Tara na nga! Saan ba kasi tayo pupunta." Sambit ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Naramdaman ko na agad na siyang sumunod sa akin. I can imagine what kind of sheepish grin that he have right now.

We decided to walk again. Hindi naman masyadong traffic today, pero bakit hindi naman ginamit ang car niya. Para saan pa at may service kami kung maglalakad kami all day. Mabuti na lang at masarap maglakad-lakad sa Baguio, kahit medyo nakakapagod lalo kapag papaahon. Nagpunta ulit kami sa Burnham park, baka magboating ulit kami. Hay naalala ko na naman yung muntik kaming mabangga sa isang boat. Abot din ang kaba ko dun.

Pero bakit papalayo kami? Mukhang iba yata ang pupuntahan namin, sa playground or bike? Please wag sa biking area, hindi ako marunong. I rather play slide like a kid. Tama nga rin naman ang sabi nila, doon ka madalas dalhin sa ayaw mo, dahil papalapit na kami sa mga stalls ng mga bike rentals. Palakad lakad lang kami while looking for the bikes. Nakakatuwa din naman yung iba dahil may mga cartoon character sa may basket, meron yung dalawahan, and even go carts.

"Leon." Nag-aalala siyang lumapit sa akin nang mapansin na napatigil ako.

"Sinasabi na nga ba Oli, may dinadamdam ka." Aniya nang matapatan na niya ako.

"Hindi ako marunong magbike." Nakatikom ang kanyang bibig, nagpipigil na tumawa. Out of disbelief na at this point hindi ako marunong magbike. Grabe ha.

"Sige, pigil pa. Akala mo nakakatuwa ha." Sabi ko sabay irap sa kanya. Kung may cash lang ako kanina ko pa siya iniwan. Pero nga naman libre niya ito.

"Ako bahala sa'yo." He assured. Ngumiti pa siya at kumindat! Tinaasan ko siya ng kilay, talaga lang ha.

"Ayoko nga mamaya masemplang pa ko. Nakakahiya ang dami pang tao." If bata pa ako, falling will be fine. Kaso hindi naman magandang tignan dahil malaki na ako.

"Ano naman kung mahulog ka. Oli, sometimes, you need to fail para matututo ka, huwag kang matakot."

Sinamaan ko siya ng tingin. Here we are again to his hugots. I got the point, yes we make mistakes. Gaya ng ex ko, isang malaking pagkakamali. Why does it connect sa pagbabike.

"Ayoko magbike Leon, ayoko mahulog. Iba na lang."

"Magtiwala ka lang Oli, sasaluhin kita." I felt his words, I might have other meaning pero hindi ko muna kailangan ng sasalo sa akin. I just want to move on at ayoko muna sumabak na magkaroon ng lovelife. Not now, not to Leon.

Agad ako na nag-iwas ng tingin. I hate the feeling of this, pakiramdam ko naghinang ang mga tingin naming dalawa. He looked at me like I am so precious for him. I don't why he stared at me like that, why he assures me being here with me, helping to cope up my problems. Natauhan siya nang tumikhim ako.

"Fine, dun tayo." Itinuro ko sa kanya yung bike na may sidecar. He smiled awkwardly.

"Sure." Aniya at lumapit siya doon sa may stall sa may mga bike na may sidecar. Naghinhintay lang ako sa harapan while looking for the other bikes. Way back then, I was so insecure at other kids na marunong magbike.Instead of playing nasa bahay kami with our tutors for advance lessons in Math saka English. If I am going to play, board games lang and madalas si Kuya Allen ang kasundo kong kalaro. Si Ate naturuan dahil maaga siya natatapos in her sessions, ako never because I had to deal with my mistakes sa activities. Minsan ako naturuan ni Kuya Allen, pero hindi na na ko

"Oli!" Natauhan ako sa pagtawag ni Leon, nasa harap ko na siya at sakay na siya ng bike na may sidecar. Nang makalapit ako sa kanya, sumenyas siya sa akin na umupo sa may upuan ng side car.

"Dito ka."

Tumango lang ako at dahan dahan na umupo. Well, ayos naman so far. Hindi ko mapigilan na mapangiti. Ngayon lang uli ako nakasakay dito sa sidecar nga lang.

"Oli let's go!" Ngumit akong tumango sa kanya.

"Mabuti masaya ka na ngayon, kanina parang pasan mo ang mundo." Aniya habang nagpipidal nang bike.

"Pakialam mo ba kasi, bilisan mo na nga lang!"

Leon just laugh. "Aye Captain!" Aniya at mas binilisan pa ang pagbabike. Nag-u turn na kami sa pinakadulong part ng track. Nakakalibang na kasi feeling ko, para ako nagtu-tour around Burnham park. Ramdam na ramdam ko ang paglipad ng aking buhok at ang lamig ng simoy nang hangin.

"Hindi ba natin pwede ipunta sa ibang lugar ang bike Leon?"

"Hindi, dito lang yan. Sana may nakikita kang bike noon pa." Sambit ni Leon. Grabe ha. Hindi ko na lang siya pinansin at pinili na tumingin na lang sa nasasalubong naman. Natuwa ako nang may nakita kong isang babae, I think she is just the same age as me and may nakaalalay sa kanya sa bike. I guess it's not too late for me.

"Jusko ko i-try." Agad na napapreno si Leon. Grabe muntik na ko masubsob."

"Dahan-dahan naman pwede?" Hindi muna siya kumibo at itinabi muna yung bike sa may isang gilid.

"S-sigurado ka."

Taas noo akong humarap sa kanya. "Mukha ba akong nagbibiro?"

"Akala ko na ayaw mo, kaya nga ito yung nirent natin." Sinamaan ko siya ng tingin, just to intimidate him. Whatever he says doesn't make sense gusto ko na magbike ngayon.

"Ngayon is what matters Leon." I said calmly. He just zips his mouth and raises his both arms. That's right Leon, never argue with me. Bumaba na ako sa may sidecar at tumayo sa may tabi niya.

"Good, Ikaw bahala sa akin diba?" I wink.

"Aba siyempre naman, ako pa." Aniya at siya na ngayon ang nakasakay sa may sidecar. This is easy naman pala, kaso medyo nahirapan ako ikontrol ang manibela. I am having a hard time lalo pag liliko.

"Oli, may bike!" Nang matauhan sa sigaw ni Leon, agad akong pumreno at umiwas din naman ang sumasalubong na bike. Grabe kinabahan ako dun a. Maya maya pa at napalingon ako kay Leon na kapit na kapit sa gilid sidecare.

"Bakit kapit na kapit ka, chill ka lang." I grin.

"Chill? Kita mong muntik na tayong mabangga." I chuckled, hindi naman siguro kami mababanga, I know the other biker is aware naman so lilihis na siya kaagad right?

"Leon, Akong bahala sayo." I said, mimicking his voice.

Napakamot siya ng ulo, this time he is now relaxed sitting in his seat. "Ako dapat nagsasabi niyan sayo."

Umiling ako. "Not all the times, minsan ako naman Leon." Sambit ko, without any words I started biking towards the area. Napasigaw na lang uli ako nang may biglang sumulpot sa harap ko. Buti alert ako magpreno. Lumingon ako uli kay Leon. Napahawak na siya sa kanya dibdib at tulala.

"Leon." Humarap siya sa akin nang matauhan.

"Ayos ako Oli, go!"

Then I just realized when driving something, kailangan ko pa rin tignan ang daan. So dumb Oli. Kaya din siguro hindi na makampante si Leon, nakalapit siya siya sa akin, nakaalalay na parang anytime pwedeng may mangyari sa akin.

"I can manage na ok? Titignan ko ang dinadaanan ko." I assured him. I am confident now because I can control the bike freely. It is easy naman pala, not that hard, just work in the pedals and you will be fine, it's like I am on a training wheels, the difference here I have a passenger na kapit na kapit pa din sa gilid.

Still it is so fun. I can bike here all day long, with this cold and gloomy weather. I feel like I am like child biking with the other kids. My inner child is just getting along with me, dahil gusto kong magbike noon, I want to experience playing with others. Finally naexperience ko, thanks to Leon.

"Oli yung daan." Kinakabahang sambit ni Leon.

"Nah I got you!" I gave him a wiseass grin. Akala niya ha.

Ako na ang nagpark ng bike doon sa may stall. Nasa atensyon ko pa rin yung babae na nasa single na bike, ayun medyo inaalalayan pa siya. Naiingit ako lalo. Pwede naman siguro ako magstay pa ng matagal.

"Saan mo pa gusto pumunta Oli?"

"Gusto ko pa magbike." Nanlaki ang mata ni Leon sa sinabi ko, out of his shock.Mukha na naman ba ako nagbibiro?

"Sana sinabi mo na mag-eextend tayo pwede naman." Aniya tapos lumapit uli siya sa may bike na may sidecar na sinakyan naming kanina.

"Teka Leon, try ko yung single ng bike." Dito mas gulat ang kanyang ekspresyon. Again, do I look like joking. Nakakainis ha.

"Akala ko ba ayaw mo masemplang sa bike?"

Taas noo akong tumapat sa kanya at humalukipkip. I raised my brow to make my look more intimidating. Wala siyang pakialam kung gusto kong itry. Akala ko ba siya bahala sa akin.

"Again, ngayon is what matters. Saka sasaluhin mo naman ako diba?" Halata ako ang kanyang paglunok. Ngumiti na lang ako para mas malighten ang atmosphere sa pagitan naming dalawa, halos di na siya makapagsalita.

"Let's go na, alam ko naman hindi mo pababayaan. Diba?" He smiled saka tinapatan yung tingin ko.

"Siyempre naman dito lang ako." He offered his hand. "Pili ka na ng bike diyan."

Hindi na ako nagdalawang isip pa na hawakan ang kanyang kamay, I don't find a reason why I did this. I just wanted to hold his hand at hinayaan ko lang na magkahawak kami habang kausap ni Leon yung caretaker ng mga bikes.

"Tara Oli." Doon na lang siya bumitaw at iginiya sa akin yung bike. Hindi niya binitawan yung bike hanggang sa makasakay ako. Konti na lang I am wrapped in his arms, suddenly I feel secured and warmth.

"Basta parang sa may sidecar lang, pedal ka lang don't be afraid." He assured me. Humiga ako ng malalim at humarap sa kanya. I bit of a wrong move dahil mas lalong lumapit ang mukha ko sa kanya. Napalunok na lang ako. Leon has a beautiful pair of brown eyes and long lashes, which matagal ko ang napansin sa kanya since we are high school. I admit I like them.

"Leon tara na." Sambit ko at umiwas ang tingin sa kanya.

We started slowly, inaalalayan pa din ako ni Leon. He is still smiling kahit mabagal pa kami. Medyo mahaba na yung nalalakad namin he still hold me, he is still patient at wala akong narinig na reklamo.

"Try mo ako bitiwan, I think kaya ko na to."

"Sure ka."

"Oo naman."

Dahan dahan niya ako binitawan, ako ako nagsimula na nagpidal, pero teka, bakit babagsak na ako. Halos kumabog ang dibdib ko sa kaba, hindi ko na alam ang gagawin ko. Lalo at mahuhulog ako. I cant stop.

Naramdaman ko na lang na nakahinto na ako, hindi ko naman naramdaman ang pagbagsak ko sa simento. Salo-salo na ako ni Leon. Hindi ko alam kung mag-aangat ba ako ng tingin, dahil for sure maglalapit na naman kami ng mukha. Hay bakit ko ba to nararamdaman."

"Ayos ka lang?" Binitawan na niya at nang masigurado na nakatayo na ako ng maayos. I almost fall, good thing he is good in catching.

"Sabi sayo, sasaluhin kita Oli."

I smiled. "Oo na sige. Try ulit natin."

"Sure ka? Muntik ka nang mahulog."

"Sabi mo, I will not learn, if I will not fail diba? So alalayan mo muna ako please."

After so many attempts hindi ko pa rin mabalance ang bike. As much as I wanted to pagod na rin ako at madami pa kaming pupuntahan. I can still go back or sa Angeles na lang. Para I have the drive matuto talaga.na magbike. I know that I can do this at gusto ko nang ituloy. Leon is right I should not afraid to my mistakes. We are still walking the side of the biking area. I can see a lot of stalls again from keychains and foods. Until this mango catch my attention, bigla akong nangasim.

"Leon, I want mango." Sinamaan niya akong tingin. What is that judgmental stare? Gusto ko lang naman na kumain ng manga.

"I just like mangoes, utak mo ha." Masungit kong sabi.

He laughed. "Wala naman akong iniisip ako na iba ok?"

"I know your stares Leon, don't argue."

Dito pa siya mas natawa. "Oli, hindi ka kumakain ng manga noon." Suddenly I can't speak, naubos ako ng sasabihin. How could he still remember that. Yes I was not eating mangoes before lalo yung hilaw, I hate the feeling na sa sobrang asim niya halos mangingilo na yung ngipin mo. Then natuto akong kumain when I was college dahil iyon ang pinapameryenda ni Tita sa amin dahil madaming harvest sa farm niya before.

"Everything change duh? Bilhan mo na lang ako.

Leon buys two. This one taste perfect, lalo yung alamang. Hindi rin siya ganoon na kaasim. We eat mangoes while walking. Nakita

"Let's sit muna dito." Sabi ko nang makapili na ako ng lugar namin mas maramdam ko na ngayon ang pagod. Para kaming may picnic kayo manga naman ang pagkain naming.

"Gusto ko bumalik bukas doon, turuan mo uli ako."

Sa Pampanga na lang, we can have lots of time there."

I shrugged. "Pag bumalik na tayo sa Pampanga, parang bumalik na tayo sa reality ng buhay natin."

Oli, we need to face the reality to grow. Kailangan mo pa rin bumalik. Saka nothing will change I will be here for you always."

I smiled bitterly. "Ok na tong kasama kita sa Baguio, libre mo pa lahat dito. Masyado na kitang naabal, Leon."

He smiled genuinely. "Ok lang, besides I need a break. Masaya ako Oli kasi nasa tabi kita ngayon."

I twitched in what he says. "Talaga, hindi ko nga alam kung mabait ako sayo."

"I understand already Oli, Alam kong hindi ikaw yan." Sigurado niyang sabi. Hindi na din kami nagkibuan. We just mind our own mangoes. Si Leon nakatingin sa phone niya habang ako nakatingin sa mga taong dumadaan sa harap namin. Why is it everyone seems so happy here. Parang walang problems na iniisip, or maybe iniiwan muna nila ang mga problema nila sa place where they come from. To be honest, ako kahit papaano nakakalimutan ko ang mga problema ko. I realize, I can be happy for a while.

"Leon, wala pa tayong pupuntahan?"

"Name it Oli." Doon na siya humarap sa akin."

"Try natin mag-night market." Nakangiti kong sabi kay Leon.

"Wala pa yun, tirik pa ang araw Oli."

"Edi hintayin natin, maglalakad lang naman tayo."

Walang choice si Leon kundi maglakad. Along in the Session Road to Harrison road. Every road in Baguio City is so busy, lagi kang may tao na masasalubong mga tao. Cars everywhere. Tama na din na hindi naming ginamit ang kotse ni Leon. Nakakasakit nang ulo ang traffic.

Until we reach the Harrison road, puro sasakyan pa din ang nakikita ko sa daan. Not even a single stall. Maliwanag pa din naman kasi. I looked around everywhere? Saan kami pwedeng tumambay at nakakapagod maglakad.

"Ayan na naman tayo Oli ha." I glared at him. Sakto sa tinititigan ko na coffee shop may bar sa katabi.

"Hindi na, ayun may coffee shop, doon na lang tayo." Sabay turo ko sa mga coffee shop. Napakajudgemental talaga. Ayoko na sabing uminom. ayoko nang danasin ang sakit ng ulo na sinapit ko. Hindi ba ako convincing? I know that Baguio is best with their coffee shops, siyempre gusto ko din na itry.

We immediately have our order nang makapasok sa loob. Leon have his cappuccino and mine is espresso. The coffee shop is so cozy, especially this brown couch, lalo pa nakakarelax dahil sa soothing music nila. Hay I hope everyday is like this. I took a sip of my espresso, lasang lasa ko ang pait ng kape. Sometimes bitterness is good, masama ang masyadong sweet, nakakamatay, nakakalinlang.

Napatingin ako kay Leon, he is seriously focusing in his phone. I have no idea what he is looking. Leon changed a lot, especially his features, from his eyes, to his pointed nose and thin red lips and a shaved jaw. Which I admire because he looks so clean. Despite of this changes, hindi pa rin nagbago ang ugali niya. Kahit magkaaway kaming madalas noong highschool, Leon is very responsible person, hindi ka niya pababayaan. That is why lagi siyang naboboto sa president and officer ng student government. I knew it, kasi kung nagbago siya, sa Angeles pa lang pinabayaan na niya ako. Pero teka, ang seryoso na niya, mas bagay niya nag nakangiti. Hindi naman na niya ako kinakausap.

"Pantaleon!" Napaigtad siya at mabilis na binaba ang phone niya at humarap sa akin.

"Sorry Oli, I was checking my emails." Aniya and sumipsip ng cappuccino niya.

"Sinasabi ko na, naabala na kita Leon."

Umiling lang siya. "Sinabi ko naman na hindi diba, besides ang lalim ng iniisip mo kanina. I don't want to disturb your beautiful thoughts."

I sigh, siya nga iniisip ko.

"Salamat Leon ha." I don't know why it just came out to my mouth. Ba't ko ba nasabi. Iyon ang nasa isip ko na sabihin. Yes thankful ako dahil kasama ko siya ngayon. Who would have thought na makakabati ko siya ngayon.

"Everything for you Oli, Nandito lang ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top