Chapter 10
"Nako, iinit na naman ang dugo sa'yo ni Oli. Top 1 ka na naman."
Pareho kaming nakatingin ngayon ni Mike sa may bulletin board ng room. I just shrugged, wala naman bago sa posting ng topnotchers. Lagi naman ako na number one gusto ko lang naman kasi gawin ang best ko, para kila Mama at Papa. Gusto ko na suklian ang paghihirap nila. Saka kapag nag graduate ako na with honors, madali akong makakahanap ng scholarship para gumaan gaan ang pagbabayad nila ng tuition ko. Itong si Oli, na mahigpit kong kalaban, hindi ko alam kung ano ang hugot niya sa buhay nya pero pakiramdam ko kaya siya nagpapakahirap na mag-top dahil may pinapatunayan sya sa sarili niya.
Mapait akong napangiti. " Ganun talaga, pero babait din yan."
"Suntok na lang sa buwan Leon. Baka pumuti uwak pag nangyari yun."
Kahit maliit lang ang probability na babait siya sa akin, naniniwala ako one day na magiging magkaibigan kaming dalawa. Sa friends naman nagsisimula ang lahat. Pero ok lang kahit hindi niya ako magustuhan, ok lang na maging magkaibigan kami, kahit na makasama ko siya. Masaya na ako, kahit ako muna yung nagmamahal sa kanya.
"Pare, sa tingin ko this year, magkakasundo na kami ni Oli."
"Ows, paano mo nasabi. Simula first year mo pa yan sinasabi. Saka tignan mo kung paano ka niya pakitunguhan, hindi pa rin nagbabago."
"Alam mo pre, the more you hate, the more you love. Magugustuhan din niya ako."
Malabo pre, ikain mo na lang yan."
Minsan masarap ding batukan itong kaibigan ko, galing ding mambara. Pero iba na this year, alam kong magiging magkaibigan na kami ni Oli, dahil may naisip ako.
"Pre may plano ko."
Tumango lang si Mike sa akin dahil kumakain siya ng Manga.
"Palit tayo nila Oli ng partner sa research, ipartner mo si Lori sa research ha. Tapos ako kay Oli, pag close kami makakaporma ako. Promise."
Napanganga si Mike dahil dito nahulog ang Mangga na kinakain niya, na nasalo naman ng kamay niya.
"Pre, wag naman ganyan. Alam mo namang patay na patay sa akin si Lori. Baka masira kinabukasan ako dun." Pabiro niyang anas habang kinakain na ang Mangga, Alam ko rin naman lihim na may gusto siya kay Lori, denial lang.
"Siraulo ka pre! Kunyari ka pa." Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa sinabi ko. Yeah, alam ko na natamaan siya doon. Hindi pa siya pasalamat sa akin at pinaglalapit ko silang dalawa. It's a win-win situation na rin.
"Sige na nga! Kung di mo lang talaga ako pinapakopya sa physics at trigonometry hindi ako papayag."
"Gago! Pasimple ka pa,gusto mo din kapartner si Lori." Napasimangot ang loko, sabay na rin na naubos na ang manga na kinakain niya.
"Tigil-tigilan mo nga ako diyan pre, gusto mo ilaglag kita diyan kay Oli!"
"Subukan mo lang." Pagbanta ko. Ngumisi lang sa akin ang loko at nauna nang maglakad sa akin papuntang classroom. Agad na rin naman ako na sumunod sa kanya.
"Basta payag ka na, kakausapin ko si Mam mamaya." Sabi ko habang umakbay sa kanya.
"Hays, Oo na lang. Wala naman ako magagawa, baka bumagsak pa ako sa Physics." Aniya at nakangiti na siya ngayon. Tama nga ako, gusto rin naman niyang kapartner si Lori, bukod sa pangongopya nya sa akin sa Physics. Kunyari lang sya.
"Leon, sinabi ko hindi na kayo pwedeng magpalit ng partner, may mga approved titles na kayo." Pagtutol ng teacher namin, ni hindi man lang sya tumitingin sa akin dahil busy siya sa mga paper works niya.
"Ma'am I realized po na dapat magteam-up kami ni Oli. Mas maganda po ang labas ng papel and we assure we can ace the research symposium."
Napasandal na lang si Ma'am at tamad na tumingin sa akin. "Yeah, I got your point. You and Oli are our best option for this. Pero Leon."
"Please Ma'am just this one. I promise we will do better. Minsan lang po ako mangulit ma'am."
Napabuntong hininga na lang si Ma'am. "Ok, I agree. You can pair up with Oli."
Gusto ko na lang magtatatalon noon sa sa tuwa. Ito na yung chance ko para mapalapit kay Oli. This is now or never dahil ito na yung last year naming na magiging magkaklase kaming dalawa. Iritado si Oli nang malaman niya na kami nang dalawa ang magpartner sa research, pero wala na rin naman siya magagawa doon dahil sa Ma'am na ang nagsabi. Todo pigil na ko sa pagtawa, para na siyang sasabog, pero mas masaya ako dahil kasama ko na siya ngayon.
"Oli punta tayo ng library mamaya after class." Pag-aya ko sa kanya. Gusto ko na sana makapagstart kami, kaso tinawatagan kami dahil kasama kami sa meeting ng gaganaping symposium, expected na maging assistant kaming mga nasa student government. Bigla tuloy ako na nagsisi kung bakit pa ako naelect dito, pero kung hindi man ako ang maelect, si Oli naman ang nasa posisyon ko ngayon. Ganun din.
Lakad takbo na ako pabalik sa room, hindi na rin ako kumain kakamadali, at first period na rin naman sa hapon. Bahala na, ibabawi ko na lang ng kain mamayang recess. Pagpasok sa room, nakita ko so Oli, at ang seryoso niyang mukha, madalang lang naman siya ngumiti, maliban na lang pag alam niyang natalo niya ako. Pero laking gulat ko na lang na tumapat siya sa akin at may binigay.
"Biscuits." Napakurap pa ako sa nakikita ko, talagang inaalukan na niya ako ng biscuit ngayon. Halos pigilan ko na ang sarili na ngumiti, nakakahiya pag nakita niya. Pero masaya ako, sabi na babait din siya sa akin.
"Nako, huwag na ok lang ako." Napairap siya. Sabi ko na nga ba't dapat ko nang kunin, nahiya pa ako.
"Mahirap magklase ng gutom, ayan." Pag-alok niya uli sa akin. Ngumiti ako sa kanya habang inaabot ko yung biscuit, di ko na mapigilan.
"Salamat ha."
"Wala yun." Simple lang na ngumiti sa akin si Oli bago umalis kasunod ni Lori, .
Sige, babawi ako mamaya kay Oli, dapat magawa na naming yung research paper naming mamayang hapon. Saka ano kaya masarap na mabili na snack, o kaya kung ayos lang naman sa kanya pwede ko rin naman siya ayain sa bahay dahil birthday ni Mama.
Ok magandang idea yun.
"Leon, may meeting pa pala tayo mamaya." Salubong ng kaklase ko habang nagliligpit ako ng gamit. Hindi pa ba tapos iyon? Sabi ko pa naman kay Oli kanina na magkita kami sa library after class tapos ganito.
"Saglit lang naman yun."Dagdag niya.
Wala naman din akong choice kundi sumunod sa kanila, hindi ko sigurado kung ano pa yung idadagdag pa nilang information sa event.
Dahan-dahan akong lumapit kay Oli na naghihintay na sa akin sa may hallway, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, para akong natatakot na ewan, alam ko na nageexpect siya na magagawa na namin yung introduction
"Oli may meeting kami, hintayin mo na lang ako."
Hindi ako mapalagay ng tumango lang siya sa akin, ni hindi man lang nagsalita o kahit tumutol man lang. Alam kong inaasahan na niya ako ngayon, pero wala na naman uli ako. Di bale, makakabawi naman ako.
"Leon ikaw na lang hinihintay." Bungad sa akin ng isang kasama ko, nagsisimula na sila Ma'am para sa meeting. Napatingin na lang din ang ibang teachers sa akin, pero binalik din ang atensyon sa aming head teacher na nagsasalita sa harap.
Dali-dali akong kumuha ng papel to take down notes. Hindi naman din ako makakareklamo at isa rin ito sa mga responsibilities ko. If Oli have this position, maiintindihan din naman niya siguro.
Pagkatapos ng meeting, quarter to 5 na kami natapos, kaya nagmamadali na akong tumatakbo papuntang library. Siguro naman may nasimulan na siya, ako na lang gagawa nang ibang part na sa mukha niya ang inis at pagkadismaya sa akin.
"Oli." Nakatingin lang siya sa akin,ni wala man lang sinasabi. Malamang inis na rin siya sa akin, pero ayaw lang niya ilabas.
"Sorry late, sinama pa kami ng mga teachers sa mga meeting nila. Don't worry babawi ako."
Dire-diretso siyang naglakad, nilagpasan ako, parang hindi man lang niya ako napansin.
"Hala, wag ka naman ganyan Oli. Libre kita ng lunch." Lakad takbo ko, hanggang sa maharangan ko siya na nagpipigil na mangiti at mas naging kalmado na ang mukha niya. Niloloko lang ba niya ako?
"Kung gusto mo doon na lang sa bahay niyo gawin. May internet naman kayo diba?"
Bigla tuloy hindi maipinta ang mukha ni Oli, mukhang ayaw niya ata. Hindi ko pa naman napupuntahan ang bahay nila at ang alam ko si Lori pa lang ang nakakapunta doon.
"Nako Leon, wag sa bahay, doon na lang sa inyo." Hay, mabagal pa naman ang signal sa amin dahil medyo malayo kami sa bayan. Ayos lang naman ako kahit saang bahay.
....................................................
Saktong birthday ni Mama na mapunta kami sa bahay, akala naming walang handa, pero may pa-surprise naman sila Tito,siyempre pasimuno si Papa.
"Leon, siya na ba yun? Magalang na bata, nagmamano." Bulong sa akin ni Tito, agad akong napatingin kay Oli, buti kausap niya si Mama.
"Baka marinig ka Tito." Mariin kong bulong.
Napangisi na lang siya sa akin at umalis. Kanina pa nila ako nilalaglag kay Oli, sobrang nakakahiya na. Paano kung makatunog siya? Hay mahirap na, kung kailan medyo ok na kaming dalawa. Mamaya hindi nako kausapin nito.
Nakahinga naman ako ng maayos nang ok naman ang lahat, mukhang ok din naman si Oli at madaming nakain, mas madalas siya kasama nila Mama at ng mga Tita ko, nakukwentuhan lang sila nang nagkukwentuhan. Hindi naman ako makasingit dahil kausap ko si Papa sa video call.
"Leon, uuwi na ako." Paalam ni Oli, pero saktong napadaan si Tito.
"Hindi pwedeng umuwi ang hindi kumakanta." Sabi ni Tito, nahihiya pa ako na tumingin kay Oli, Hindi ko alam kung kumakanta siya, dahil mas focused siya sa acads. Pero gulat ko na lang nang inabot ni Oli yung mic.
"Sigurado ka?" Nagtataka kong tanomg. Wala man lang bahid ng pagkakaba ang mukha niya at nakangisi lang siya sa akin. Ganyan lagi ang itsura niya kapag alam niyang matatalo niya ako sa essay writing contest at science quiz bee.
"Singer to, makikita mo." Kumindat pa siya.
Sandali na lang
Maaari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang
Iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
Ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip
Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa'yo
Kahit na lilipad ang isip
Ko'y torete sa'yo
Totoo nga, maganda ang boses niya, Ang swabe nang pagkakanta niya, parang kaya ako pakalmahin kapag narinig ko ang boses niya. Hay, nasaan ba ang phone ko at hindi ko mairerecord to.
"Natauhan ako nang bigla akong kinalabit ni Tito.
"Natulala ka na diyan, ganyan ka ba lagi kay Oli?"
"Hindi Tito." Sa totoo lang hindi ko alam, baka nga lagi akong natitingin sa kanya nang di ko alam. Ang ganda kasi ng mga brown niyang mga mata, tapos ang haba pa ng pilikmata niya. Tapos kapag ngumiti siya,.. Ulam na.
"Bakit hindi mo magtry sumali sa singing contests." Sambit ko habang naglalakad kaming dalawa.
Napahalukipkip lang siya. "Hindi puwede, gusto kasi ni Papa sa acads ako magfocus. Kailangan ko makatapos as Valedictorian para umaattend siya ng graduation."
Napatango ako, Yun lang ba ang paraan niya para mapapunta sila sa graduation namin. Importante rin naman sa kanya na ummattend ang parents niya sa graduation. Hindi ako nalulungkot para kay Oli. Hindi sa parents niya, napakaswerte nila sa kanya, kung nakita lang nila kung paano kadedicated at kasipag ang anak nila. Deserve niya na ipagmalaki din ng mga parents niya. Gusto ko sabihin sa kanya iyon, pero sa oras na ito kailangan niya ng makikinig sa kanya.
"Sorry, kung inaaway kita because of that. Pero sa ngayon, wala na rin ako pakialam doon. I guess let the best one win na lang, friendly competition na lang tayo gaya ng sabi ni Ma'am." Inabot niya ang kamay niya sa akin.
"It's a truce then."
Hindi ako makapaniwala sa naririnig, totoo ba ang lahat nang naririnig ko? Hindi ba ako nanaginip lang o nasa ilusyon lang?
"Leon, mas gusto mo ba na magkaaway tayo."
Natauhan ako sa pagtapik niya sa akin. Totoo nga lahat ng narinig ko. Sobrang saya ko ngayon, buti na lang at late ko siya napuntahan sa library. Kahit wala man kaming nasimulan sa research atleast ok na kaming dalawa, hindi na kaaway ang tingin niya sa akin.
"Friends na tayo a." Paninigurado ko.
"Sure." Sabi niya sabay ngiti niya sa akin.
...............
"Ayos yan pare, good start, pero kasi bakit ba kasi ayaw mong umamin kay Oli." Nakangiti ako kay Mike habang binibida lahat sa kanya lahat ng nangyari kagabi.
"Hindi pa sa ngayon, saka sa friends naman nagsisimula ang lahat."
"Leon, 4th year na tayo. Umamin ka na ng feelings mo. Isa kang terror na Student Government president, tapos kay Oli tiklop ka."
Hindi ko na lang pinansin si Mike at tinuloy ko na lang ang pagkain ko ng pansit.
"Hi Leon! Gawin natin yung RRL sa library ok?" Nakangiti na sa akin si Oli nang matignan ko na siya, malayo sa itsura niyang nakasimangot kada makikita ako. Umalis rin naman siya agad at nagpunta sa table niya kasama si Lori.
"Aba, ayos. May improvement nga. Sige pre, ipagpatuloy mo pa yan."
Nginisian ko na lang siya bago kumain ng pansin. Sabi sayo e.
.................................
Masaya ako nang manalo kami sa research symposium, pero mas masaya ako nang niyakap ako ni Oli. Para akong nasa cloud 9, alam kong impulsive lang si Oli sa mga oras na ito dahil alam kong sobra saya din niya nang manalo kami. Alam kong deserve naming dalawa ito dahil pinaghirapan naming dalawa ito ng sobra.
"Teka Oli, ang happy mo naman." Para siyang natauhan at agad na bumitaw sa akin. May part sa sarili ko na nagsisi na bumitaw siya sa akin, pero ayaw ko naman pagsamantalahan ang sitwasyon na iyon. Alam kong mauulit din naman ito in the future.
"Celebrate tayo?" Sabi ko habang naglalakad kami palabas ng campus.
"Saan naman? Ok na ako kahit diyan sa kainan sa labas. " Napakunot noo siya.
"Diyan sa may mga nagtitinda ng kwek-kwek. Libre ko." Sumilay ang magandang ngiti niya sa akin, sana lagi na talaga siyang nakangiti. Pero hindi naman na niya ako sisimangutan pa dahil friends na nga kami. Saka mukha naman siyang libre at gusto rin naman niya ng kwek-kwek dahil lagi ko silang nahuhuli ni Lori na kumakain doon.
"I hope we can see each other when we reach college, we can make a good team pala." Aniya habang nilalantakan kung kwek-kwek. Tumango ako sa kanya. Aba siyempre! hindi ba halata na match made in heaven kaming dalawa.
"Oo, sana nga we meet in college, susundan mo ba ako sa Manila."
Bahagya pa siyang napaisip habang ngumunguya. "Sa Manila ka nga pala mag-aaral, sige pag-iisipan ko yan."
Sana nga magkasama pa rin kaming dalawa, bakit ba kasi ngayon lang kaming nagkabati na dalawa, kung kailan huling taon na namin sa highschool!
Nakarami na siya ng kain at ngayon lang niya ako kinibo. HIndi niya ako hinayaan na magbayad ng kinain niya, dahil alam niyang parehas din naman kaming short, ang laki din kasi ng nagastos namin sa mga expenses sa study namin. May bibinigay na assistance ang school, pero kulang pa rin iyon.
"Oli." Pareho kaming napalingon nang tumapat sa amin ang Papa ni Oli. Hindi naman siya lagi sinusundo nito,kaya pati siya nagulat. Blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya, ni hindi man lang siya nakangiti. Ramdam ko ang kaba ni Oli, dahil halos mamutla na ang mukha nito.
"Leon, mauna na ako umuwi. Kita na lang tayo uli sa Monday." Agad niyang paalam sa akin at sumama na sa Papa niya.
Hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyari, gusto kong silipin si Oli, o kaya naman samahan siya. Base sa narinig ko may pagka-strikto ang Papa ni Oli, ayaw niya kaya na kasama ako ng anak niya?
Kinabukasan may kotse na tumapat sa bahay namin, hindi ko naman pinansin ito nung una hanggang sa lumabas ang Papa ni Oli.
"Pantaleon Velasquez, tama ba?" Pagtawag niya sa akin.
"Opo sir." Pilit kong pinatatag ang sarili ko kahit kabang kaba ako. Kahit na nakangiti sa akin ang Papa ni Oli, hindi pa rin ako mapalagay, parang may hindi magandang mangyayari. Napagalitan niya ba si Oli? Sinasabi ko na nga ba.
"Sir, wala po akong masamang intensyon sa anak niyo. Magkaibigan po kaming dalawa at parehas po kami na tutok sa pag-aaral."
Seryoso lang na nakatingin ang Papa ni Oli sa akin, na parang hindi kumbinsido sa sinabi ko. Alam kong ayaw niya sa akin sa ngayon, kung kailangan kong patunayan ang sarili ko sa kanya..
"HIndi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Layuan mo ang anak ko."
Lumong-lumo ako sa sinabi niya. Kung kailan ok na kami ni Oli. Hindi ko kaya, gusto kong tumutol, gusto ko siyang sagutin. Napaka-unfair ng gusto niyang mangyari. Kung hindi lang siya Papa ni Oli, hindi alam kung paano siya gagalingin.
Hindi ko gagawin ang gusto niya.
"Alam kong kailangan mo ng scholarship at nagtatrabaho ang Papa mo sa barko. Kung hindi mo gagawin, I have connections para mawala sa inyo ang scholarship na inaasam mo pati ang trabaho ng Papa mo."
Napailing ako, hindi niya pwedeng gawin sa amin ito. Sobra na ito, bakit kailangan pang humantong sa ganito? Sobrang gulong-gulo ako, hindi ko alam ang gagawin. Maayos naman kaming dalawa ni Oli, alam kong magkalaban kaming dalawa academically, pero huwag naman kumantong sa ganito.
.................................
"Mike, paano kung magpaubaya ako kay Oli."
"Leon, ayoko yang iniisip mo. Sa tingin mo kapag nalaman niya yan, matutuwa siya?."
Napabuntong hininga ako, kung alam lang ni Mike, kung pwede ko lang sabihin sa kanya. Alam kong gusto lang ng Papa ni Oli na layuan ko siya. Pero nasaktan ko si Oli, gusto ko siya mapasaya kahit sa ganito man lang.
"Pero ito lang ang alam ko para sumaya siya. Para hindi na siya mainis sa akin. May scholarship pa rin naman ako kahit na salutatorian ako."
"Oo, pero alam kong mas kailangan mong maging valedictorian kaysa kay Oli. Mas deserve mo yan pre. Pinaghirapan mo yan." Inis na sabi ni Mike.
"Hay nako pre, ako ang maiinis sayo sa binabalak mo." Napailing-iling na lang sa akin si Mike. Alam ko na ang tanga nang naisip ko, pero gusto kong gawin para sa kanya.
Bahala na.
..........................
Dahan-dahan siyang umakyat ng stage para sa speech niya. Sa huli, siya pa rin ang nakatalaga na valedictorian ng batch. Medyo malungkot dahil matagal ko siyang gustong makuha, pero masaya pa rin naman ako at nakatapos, at makakatulong pa din naman ako kila Mama at Papa kahit half na lang ang scholarship ko.
To my parents." Doon siya napatigil. Napatingin ako sa likod, tanging si Tita Maris lang ang nandoon. She just smiled bitterly na tila nagpipigil na umiyak. Siguro wala ang parents niya kahit na naging valedictorian siya. Dahan dahan na lang ako napayuko. Ramdam ko ang lungkot niya, gustong gusto ko siyang samahan sa stage at ibaba muna. Ok lang sa akin kahit iiyak niya lahat sa harap ko. Ok lang, sasamahan ko siya hanggang sa maging ok siya uli.
Hindi ko siya nakita na ganito kalungkot,ayoko na ganito siya. Agad niyang pinahid yung luha niya at pinatatag sa sarili niya. Sa mga oras ba iyon, mas gusto ko siyang yakapin, gusto ko sabihin sa kanya na ayos lang kahit wala ang parents niya, na nandito naman kami para sa kanya.
Pagbaba niya ng stage, agad ko siyang nilapitan.
"Ayos ka lang Oli."
"I hope I am. Layuan mo na lang ako" Aniya at hindi man lang siya tumingin sa akin at diretso na lang siya sa upuan niya. Ayan na naman siya, nandyan nga siya pero pinaramdam niya sa akin na hindi ko siya pwedeng lapitan.
Hindi na siya kumibo hanggang magtapos ang ceremony. Kung hindi lang dahil sa Tita Maris niya, baka umuwi na siya, Hindi na siya nakisali masyado sa mga pictures, maliban na lang kapag inaaya siya ni Lori.
........................................................
Mike Lopez
Single na pala si Oliva, pre.
Sus Paano mo naman nasabi, kita mong patay na patay sa boyfriend niya yun.
"I don't think so bro."
Mike sent a video
Halos manlumo ako sa napanood, bakit halos ibenta na ni Oli ang sarili niya sa kung sino! Hindi naman siya ganyan, hindi ganyan ang Oli na kilala ko. Ganito na ba kalala ang nangyari sa kanya?
Mike sent a photo
Pagkakita na pagkakita ko ng picture ni Oli a hawak ng isang lalaki. Alam kong hindi na dapat ako magpatumpik-tumpik pa, kailangan kung maabutan si Oli!
Mukha ba siyang single diyan saka kita mo may lalaki na katabi!
Mike,papunta na ako, harangin mo si Oli! Pigilan mo umalis.
I hastily say goodbye to Lara. As much as I want to listen to her, I have something much important to catch on. Hindi ko hahayaan sa kung saan mapadpad si Oli. I should be there for her, ito yung chance na magkikita kami, kahit sa ganoong sitwasyon.
..................................
Sabi ko sa sarili ko, ito na yun, this time ipaparamdam ko na sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
"Paano kung seryoso ako." Sabi ko, seryoso naman talaga ako noon pa. Nakakainis lang at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Dapat hindi ako nagpatinag kahit tinutulak niya ako palayo, dapat mas pinaramdam ko sa kanya na
Blangko lang siyang nakatingin sa akin, kinakabahan ako dahil hindi man lang siya magsalita. Ni hindi man lang siya mabasa, kung naniniwala ba siya or maiinis. Bakit ba naman kasi biglaan ang pag-amin ko
"Ikaw talaga Leon, huwag mo nga akong pinaglololoko." Natawa lang si Oli. Mukha bang nagbibiro ako? Seryoso ko siyang tinignan, ayokong baliin ang tingin ko sa kanya, pero agad siyang napayuko.Sincere na ako sa kanya noon pa, kahit patunayan ko sa kanya ng paulit-ulit ayos lang. Gusto kong mas maramdaman niya na totoo ako sa kanya, mahal ko siya, hindi dahil may gusto akong makuha, o may hinihinging kapalit. Mahal ko siya,, dahil mahal ko siya.
"Ikaw Oli" Nag-angat siya ng tingin sa akin, ngayon gulong-gulong na ang reaction niya. Alam kong naguguluhan siya, napapaisip. Alam kong wrong timing itong pag-amin ko, lalo pa at kagagaling lang niya sa break-up at hindi maganda ang paghihiwalay dalawa.
"Ikaw ang gusto ko, ikaw yung babaeng hinihintay ko. Ang tagal kong naghintay para dito Oli." Napapikit ako, gusto kong maiyak, pero hindi sa harap niya. Ngayon pa lang nararamdaman ko na ang sakit. Alam ko noon pa, walang patutunguhan ang paghihintay ko sa kanya, pero umasa ako na kahit papaano magiging kami.
"Pucha ngayon lang ako naglakas ng loob na sabihin sayo."
"Teka Leon, paano mo naman nasabi yan, Don't tell me, noong high school pa." Pagak siyang napatawa at napailing. Hindi na siya nagsalita pa at dali-daling umalis sa harapan ko. Hindi ko na muna siya hinabol, para makapag-isip kaming pareho, mas magkakagulo lang kaming dalawa.
Para akong dinudurong habang tintignan siya palayo.Hindi dapat ganito, ayaw niya ba talaga sa akin, talagang hanggang dito na lang ba kaming dalawa? Kung sakali, handa naman ako maghintay, tutulungan ko siya hindi lang makalimot kundi pagalingin ang mga sugat niya galing sa nakaraan niya. Mas ipaparamdam ko sa kanya na nandito ako sa tabi niya.
.........................
Walang umiimik sa amin dalawa sa daan, hindi dapat ganito. Dapat masaya pa rin kaming dalawa hanggang sa pag-uwi. Aayain ko pa siyang lumabas, magbabike pa kami pag-uwi sa Angeles. Liligawan ko siya kahit gaano pa katagal. Hanggang sa mauwi ko siya sa kanila,bumungad sa amin ang Papa niya na may katabing lalaki. Malamang ex niya ito.
Sa nakikita ko ngayon, I can sense longing in her eyes, ang tagal tagal niyang tinitigan ang lalaki, na parang sila lang dalawa ang narito. Nakalimutan ba niya na nasa tabi lang niya ako?
I did my best para mapansin niya ako.
Pinili ko ang offer sa Malaysia, maganda rin naman ang opportunity at chance ko para makapag-isip isip. Kung dapat ko pa ba siya mahalin, or kalimutan na lang, na mas magiging madali para sa akin dahil nasa malayo ako.
Kinapa ko ang phone ko sa bulsa nang maramdaman na nagva-vibrate ito. Ngayon lang uli kasi nagkasignal at naka-airplane mode ang cellphone ko. Bumungad sa akin ang sangkatutak na miscall ni Mike sa messenger. Agad akong kinabahan kaya dali-dali akong nagreply, buti at online.
Mike Lopez: Sent a photo
Ulol. Bakit mo to iniwan.
It is a stolen photo of Oli na nasa labas ng airport, nakatingin sa langit, saktong may eroplano pa sa view niya.
Bakit niyo siya kasama?
Tanga, edi hinahanap ka.
Hindi ko alam kung ano dapat maramdaman, masaya ako oo! Mahal ako ng babaeing gusto ko, pero bakit kung kailan ko pa nalaman saka pa ako nandito sa Malaysia. Gusto ko tuloy bigla na umalis dito at balikan siya. Ito nay un Leon.
Pero sigurado ba siya? Hindi ba siya mabibigla? Nandito na rin naman ako, alam kong hindi na ako pwedeng umatras.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top